Chereads / THE REJECTED WIFE / Chapter 6 - CHAPTER 6: WORRIED?

Chapter 6 - CHAPTER 6: WORRIED?

Naramdaman ko ang paglagay ng telang basa sa noo ko. Napadilat naman ako ng dahan dahan at nakita si Lila na nag aalalang nakatingin sa akin.

"Lila?" Hinang hina na sambit ko.

"Madam, you're awake. Ano pong nararamdaman mo?" Aniya saka kinapitan ang kamay ko.

She's really concerned about me. I can see it.

Bakit nga ba parang may espesyal na koneksyon kami ni Lila kesa sa ibang mga maid dito? Hindi ko din alam. Pero nakuha niya ang atensyon ko sa simula pa lang. Napakagalang niya at napakabait, dahilan para magustuhan ko siya ng husto. Tinutulungan niya ako sa lahat ng bagay kaya naman sa abot ng makakaya ko ay tinutulungan ko din siya.

I'm glad she's here.

"M-madam?"

"I'm fine, Lila. P-pero... I feel so exhausted. My body feels heavy." Sambit ko saka umupo ng dahan dahan. Pipigilan sana ako ni Lila pero nginitian ko siya na nagpabuntong hininga sa kaniya.

"Madam, you should rest more. Hindi pa po ayos ang kalagayan mo." Pamimilit niya.

"Ilang oras akong tulog?" Tanong ko.

She bit her lower lip and looked at me.

"You've been out for 2 days, madam." sagot niya na nagpabuntong hininga naman sa akin.

Ibig sabihin may isang araw na lang ako para magpahinga. Pagkatapos ay kailangan ko ng makipagkita kay Kaito.

"Nasan ako?" Tanong ko saka napatingin sa paligid.

"N-nasa kwarto po ni Master Zeid. Noong makita po kita na nakahandusay sa balkonahe, agad ko pong tinawag si Master Zeid at dito ka niya dinala. Mas safe daw po sa kwarto niya kesa iwan ka po sa kwarto mo." Paliwanag niya.

Napaisip naman ako bigla. Kung nakatulog ako... Yung pana... Yung sulat!

"A-ano... Nakakita ka ba ng sulat? Tapos yung palaso..." Tanong ko kaagad. She tilted her head, thinking.

"Wala po. Wala na pong ilaw ang energy stone at nataranta na po ako kaya ikaw lamang po ang napansin ko. Gusto mo po bang itanong ko kay Master Zeid kung may nakita siya?"

Napailing naman ako ng dahan dahan.

"Ayos lang." Napahawak ako sa leeg ko. May benda iyon at medyo makirot.

"Napasok po yung katawan mo ng lason. Pero hindi naman po gaanong matapang ang lason kaya hindi po kayo napunta sa panganib o... namatay. Mabuti po sana madam kung magpahinga ka muna. Kukunan po kita ng maiinom at makakain." She said before standing and bowing. She then went off.

Napakurap ako, I looked around, scanning Zeid's room. It's big and clean. Naka arranged ang lahat ng gamit niya at may malaki siyang shelf na puno ng libro. Sa gilid naman ng kama ay may litrato.

Isang babae...

That looks familiar...

Teka siya ba--

"So, you're already awake." Napaiwas ako ng tingin sa litrato at napatingin sa dumating. Medyo kumirot pa ang leeg ko dahil sa mabilis kong paglingon.

He's wearing his kimono, his sword is on his left hip. He's looking at me coldly.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya.

"P-pasensya ka na. Naabala pa kita at dito mo pa ko pinatulog. Babalik na ko ngayon sa kwarto ko kaya wag ka ng magalit dyan." I said, I slowly move my legs para makababa ako sa kama niya pero agad siyang lumapit sa akin at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Bigla naman akong kinabahan. Ano bang problema niya na naman?

S-sobrang lapit niya!

Ilang segundo ay tinignan niya lang pala ang sugat ko sa leeg. Nakabenda yun pero hindi ko alam kung bakit niya pa kailangang tignan. Nabaliw na yata.

Lumayo na siya at pinag krus ang braso niya.

"If you want to get killed, go back to your room. If you want to live, stay here and be safe." He said coldly.

"Killed? What do you--"

"This letter." Ipinakita niya sa akin ang sulat na pinadala sa akin nakaraang araw. "Hindi ko alam kung anong balak nila o kung sino yung may gustong kunin ka. Pero alam ko, sa ngayon hindi ka nila papatayin. Isa itong babala sayo. Para sumama ka sa kanila sa susunod." Pumunta siya sa tapat ng bintana at tumingin sa labas.

"It doesn't matter. Wala naman silang makukuha saken." Sambit ko saka dahan-dahang humiga ulit. Tumingin ako sa taas at saka tinignan siya. "Right?"

Tumingin siya sa akin, nakatitig lang siya at walang imik. Mukhang may iniisip.

"Aalis na ko." Aniya, lumabas na siya sakto namang dumating si Lila na may dalang pagkain at maiinom. Inilapag niya iyon sa lamesa at inaya na akong kumain na agad ko namang ginawa dahil nagugutom na din ako.

Kailangan ko ng lakas ngayon. Hanggang bukas na lang ang pahinga ko. Ayoko namang maging sagabal lang kay Kaito.

---

4:00

Ako lang mag isa sa kwarto ni Zeid. Umalis kasi si Lila dahil may gagawin siya. Wala namang ibang may gustong mag stay dito para samahan ko.

Napapikit na lang ako.

Ilang oras na akong nagpahinga. Tingin ko sobra sobra na ang tulog ko.

"Ayoko namang mabulok dito sa loob ng kwarto niya." Mahinang sambit ko saka dahan dahang umalis sa kama. Lumabas ako ng kwarto niya at bumungad sa akin ang isang living room. Maganda ang living room niya at may mga halaman sa gilid, sa table.

Tingin ko, kung hindi ko alam na siya ang may ari ng kwartong to, baka isipin ko na babae ang may ari nito.

Napatingin ako sa kanang bahagi kung saan may maliit na espasyo para sa pag eensayo, yung living room niya kasi bukas lahat, tanging may kurtina lamang na gawa sa espesyal na kahoy na nakasalansan.

I walked towards the small hallway at pumunta sa harap ng kwarto niya kung saan ko siya nakita nakaraan na nakatingin sa maliit na pond.

Tinignan ko din ang pond na may mga isda saka ngumiti.

"Mahal na mahal kayo ng amo niyo no?" Tanong ko saka tumawa ng mahina.

Nasa maliit na hallway pa din ako ng kwarto ni Zeid. Pwede ko na din sabihing bahay niya. Nakatingin lang ako sa isda mula dito.

"Hayys... Ang malas ko naman. Hindi lang hate, kundi mga taong gustong kumuha sa akin ang nadawit ko. Magnet yata ako ng kamalasan." Sambit ko.

Pero... Kung maglalakbay ako kasama si Kaito, maaaring hindi nila ako makuha o mapatay. Pero kung hindi ako maingat, mas malaki ang posibilidad na malagay ang buhay ko sa panganib kapag nasa labas na kami.

Hindi lang pala ako... Pati si Kaito.

"Oh siya, makaalis na nga sa kwarto slash bahay na ito."

Aalis na sana ako pero may humila ng kimono ko sa likod pabalik.

"So, you really want to die?" Boses ni Zeid. Nakakunot kaagad ang noo niya.

"Bakit ko ba kasi kailangang magstay sa kwarto mo?" Tanong ko.

Tinitigan niya ako. Yung mata niya parang kakatay na ng baboy ang dating.

"I set up a barrier around my room. Only those who I allow can enter here. You're safer here." Aniya.

"How do you say so? Eh nandito ka?"

"What?"

"Aura mo pa lang, parang anytime ay kaya mong paghiwalaywalayin ang buong katawan ko." Nang iinis na sabi ko.

"So you want to die early then?" Seryosong tanong niya saka lumapit sa akin lalo. Napalunok ako.

"Sige lumapit ka pa, hindi na sisikatan ng araw ang kaligayahan mo." Banta ko.

Hindi niya ko pinansin, maghahanda na sana ako sa pagsipa pero nilagpasan niya ako at umalis.

Well...

That's...

Zeid for you...