Chereads / THE REJECTED WIFE / Chapter 12 - CHAPTER 12: A CHOICE

Chapter 12 - CHAPTER 12: A CHOICE

Muntik na akong mapahiyaw ng biglang may humila sa akin papunta sa isang eskinita. Nahila ko din tuloy si Lestro kaya naman parehas kaming nabigla.

"Mmm!"

"Shh! It's me." Ang boses na iyon.

Kumalma naman ako kaya binitawan niya na ako. Tinignan ko siya kaya naman nginitian niya ako. Pagkatapos ay nakuha ni Lestro ang atensyon niya.

"Hindi mo naman kinidnap yan diba?"

"Captain Xu, wala tayong oras para magbiro. Siya nga pala, tutal nandito ka na din, gusto kong magtanong ng maraming bagay." Sambit ko na ikinatango niya.

"Kumikilos na sina Captain Kiro kaya naman ayos lang siguro na mag-usap tayo dito. Ano ba ang gusto mong malaman?" Aniya saka seryosong tinignan ako.

Inilapit ko si Lestro sa akin saka napabuntong hininga.

"Una, ano ba talaga ang nangyayare? Alam kong hindi kayo ipapadala ni Captain-Commander kung hindi urgent o seryoso ang problema. Ano ba talaga ang nangyare kina Eisha?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot at napatingin sa taas. May dumaan namang halimaw pero hindi kami nakita. Bumalik ang atensyon niya sa akin at umiling.

"Hindi ko masasagot ang lahat ng yan. Pero ibibigay ko ang impormasyon ng kapatid ni Kaito." Aniya. Lumapit siya sa akin ng kaunti saka inilagay ang kamay niya sa balikat ko.

"Janzen, dalawampu't tatlo... isa sa squad ni Eisha." Nagdilim ang ekspresyon niya. Pero nagpatuloy siya at tinignan ako sa mata. "Siya ang pumatay sa anim na squad members ni Eisha noong mga panahong iyon."

Napakurap ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Kung ganoon...

"Ibig sabih--" Naputol ang sasabihin ko ng may tumawag kay Captain Xu, sinagot niya naman ang tawag.

"Captain Kiro... Ano? Sige papunta na."

Tinago niya na ang energy stone at tinanguan ako.

"Pumunta tayo sa plaza, nandoon ang mga tao. Hangga't nandito ka, gusto kong humingi ng tulong mo." Captain Xu.

"Walang problema, Captain Xu." Sagot ko.

Pumunta na kami sa plaza at napapansin namin na wala na ang mga halimaw sa paligid.

Hawak ko naman ang kamay ni Lestro para hindi siya mawala.

Nang makarating na kami ay marami na ngang tao sa plaza at may mga healers na ginagamot ang mga sugatan. Sa kabilang banda naman ay si Captain Kiro na kausap si Zeid.

Lumapit kami sa kanila pero nasa likod lang kami ni Captain Xu.

Nagbatian si Captain Xu at Captain Kiro pero tahimik lang si Zeid. Sumilip naman si Captain Kiro at inangat ang kamay niya para bumati sa akin.

"Yo, Mira."

Yumuko naman ako bilang pagbati.

"Captain Kiro..."

"Mukhang may kasama kang bagong kaibigan ah." Aniya saka lumapit kay Lestro. Umupo siya para mapantayan si Lestro saka ngumiti.

N-ngumiti siya. May soft spot pala to si Captain Kiro. Mukhang mahilig siya sa bata.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya kay Lestro.

Natatakot namang tumingin sa akin si Lestro na agad hinila hila ng kaunti ang kamay ko. Nginitian ko siya at tumango.

"L-Lestro po." Sagot niya.

"Lestro? Mmm, magandang pangalan ah." Tumayo na si Captain Kiro at tumingin sa akin. "Anong nangyare sa kaniya?"

"Namatay ang mama niya. Wala na din siyang iba pang masasandalan. Bago mamatay ang mama niya... sa akin siya ibinilin." Malungkot na sagot ko.

Napailing na lang si Captain Kiro saka tinignan si Zeid na napansin niyang nakatingin sa kamay namin ni Lestro na magkahawak.

"That kid.." Agad namang lumapit si Zeid at tinanggal ang kamay ko sa kamay ni Lestro. "He's not normal." Aniya saka inilayo ako kay Lestro.

"Teka nga. Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko saka lalapit na sana kay Lestro pero hinila niya ako pabalik.

"He's not normal. He's sucking away your spiritual energy. Hindi mo ba napansin yun?" Tanong niya saka matalim na tumingin kay Lestro. Natatakot na si Lestro at alam kong iiyak na siya anumang oras.

Ibig sabihin... kaya pakiramdam ko humihina ang mga atake ko kesa dati. Hindi ko nararamdaman na kinukuha niya na pala ang spiritual energy ko?

Pero...

"Tingin ko, hindi niya napapansin yun. Bata pa siya kaya minsan mahirap kumontrol ng kapangyarihan. Tingin ko din hindi niya alam na may ganoon siyang kakayahan." Pag dedepensa ko kay Lestro.

"Tsk. Do what you want." Bakas ang pagkairita sa boses niya pero hindi ko na iyon pinansin dahil sanay naman na ako. Lumapit ulit ako kay Lestro at humingi ng paumanhin sa ugali ni Zeid.

Dahil mabait na bata si Lestro, tumango lang siya at yumakap sa akin. Napangiti naman ako.

Nag usap naman ng masinsinan sina Captain Xu kaya naman lumayo muna kami doon. Pinaupo ko si Lestro sa lugar kung saan makikita ko siya at saka tumulong na muna sa mga healers para magbigay ng first aid sa mga sugatan.

Sa kalagitnaan ay nararamdaman ko nang medyo nanghihina na ang katawan ko. Siguro sa pagod at sa sobrang paggamit ko ng spiritual energy ko. Pero hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy lang. Sinusubukan ko din tawagan si Kaito pero wala pa ding sumasagot. Nag aalala na ako pero wala akong magawa sa ngayon. Kasama ko si Lestro at delikado na pumunta sa malayo na kasama siya.

Mga ilang minuto ay nabigyan na namin lahat ng first aid, kaya naman naglakad na ako palapit kay Lestro. Pero bago pa ako tuluyang makalapit ng tuluyan ay nagkaroon ng pagyanig. Kita ang takot sa mukha ng mga tao lalo na sa mukha ni Lestro. Tumakbo ako palapit kay Lestro at hinawakan ang kamay niya.

Nakita ko sina Captain Xu na tumalon paitaas. Saktong may lumabas na malaking halimaw sa kung saan na agad niya namang pinatay. Maraming halimaw na ang lumabas.

Pakiramdam ko...

May mali...

Tumingin ako sa paligid at nakitang nakikipag laban na din sina Captain Kiro at Zeid. Pero kahit anong galing nila, parami ng parami ang halimaw.

Napatingin ako sa mga taong nag papanic na. Lahat sila ay nagtakbuhan sa iba ibang direksyon at ang iba sa kanila ay isa isang pinatay ng mga halimaw. Napapikit naman ako.

"A-Ate.." Nanginginig na sabi ni Lestro...

Ramdam ko ang pagkawala ng ibang enerhiya ko pero kalmado ko siyang nginitian.

"Kailangan kong tumulong sa iba. Kaya naman..." Inabot ko ang talisman na dala ko.

"Hangga't hawak mo yan, walang makakalapit sayong halimaw. Pumunta ka sa tabi at magtago. Naiintindihan mo ba?" Sambit ko. Napatango siya pero halatang iiyak na siya.

"Ilang taon ka na nga?" Tanong ko.

"T-Tatlo.." Sagot niya saka nagsimula ng suminghot singhot. Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti.

Lumayo na ako sa kaniya at agad na gumawa ng apoy na pana. Mabilis kong napatay ang ibang halimaw pero ang iba ay parang hindi man lang naaapektuhan. Sa gitna ng kaguluhan ay narinig ko ang sigaw ni Lestro na ikinalingon ko. Nakita ko ang isang lalake na hawak si Lestro. Nanlaki ang mata ko at lalapit sana sa kanila pero may humila sa akin.

"Pasensya na..." Rinig kong sambit ng lalake sa likod ko. Ang boses na iyon.

"K-Kaito... Anong ibig sabihin nito?"

"Hindi mo maiintindihan. Kaya naman, kung ayaw mong masaktan ang batang iyon, sumama ka sa amin." Pananakot niya. Tinignan ko ang lalakeng iyon na hawak si Lestro.

Iyon ang nakita ko sa litrato. Ibig sabihin iyon ang kapatid niya.

"Mira!" Sigaw ni Captain Xu.

Dahil sa dami ng mga halimaw, wala silang magawa kundi labanan iyon habang pasulyap sulyap sa amin.

Ito ba iyong sinasabi ng lalakeng kasabay namin sa byahe? Sino ba iyong lalakeng iyon? At bakit ito ginagawa ni Kaito?

"Gusto kong malaman ang dahilan mo Kaito." Mahinahon kong sambit.

Natawa naman siya. Isang tawa na kailanman, hindi ko narinig sa Kaitong kilala ko. Yung tawang iyon... Puno ng sakit.

"Ang mga mahihina, hindi kinikilala ng mundo. Ang malalakas, sila ang nasa tuktok ng mundo. Nagagawa nila ang lahat. At alam mo kung nasaan tayo doon, Mira? Nasa pinakailalim tayo, nasa lupang inaapakan nila." Aniya.

"Anong gusto mong mangyare?"

"Gusto ko? Gusto kong magawa ang gusto ko. Gusto kong baguhin ang sistema. Nang sa ganoon, hindi na natin kailangang nasa ibaba ng lipunan." Sagot niya.

"Hindi natin kailangang umangat sa lipunan, Kaito. Kahit mabuhay man lang tayo ng mapayapa, hindi ba't ayos na iyon?"

"Higit pa doon ang gusto ko. Hindi lang iyon, Mira. Gusto kong mawala ang mga gahaman sa tuktok ng mundo. Mga taong umapak sa buhay namin. Ang pumatay sa kapatid ko." Matalim na sambit niya.

K-Kapatid niya?

"Hindi ba't ang kapatid mo--"

"Kay Cera."

Nagulat ako ng iangat niya ang kutsilyo at itutok iyon sa leeg ko.

"Bakit ako?"

"Hindi mo malalaman sa ngayon.. Kaya pumili ka na. Ang buhay ng batang iyon? O buhay mo?"

Napabuntong hininga ako.

"Kung ganon... Sasama ako sa inyo--"

"Ahhh!" Nanlaki ang mata ko at napatingin kina Lestro.

Ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Habang nasa harap ko ang bumagsak na katawan ni Lestro na may kutsilyo sa tiyan.

"L-Lestro..." Nauutal kong sambit.

"Pasensya na... Masyado kasi kayong madrama dyan. Naiinip na ako kaya naman pinatay ko na siya para hindi ka na mahirapang pumili." Nakangising sabi ng kapatid niya.

"Lestro!" Sigaw ko. Tatakbo sana ako palapit pero napatigil ako ng kutsilyo ni Kaito.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para bang gusto kong ibuhos lahat ng galit ko pero tanging luha lang ang nailabas ko.

"Dadalhin ka pa din namin. Pasensya na, Mira." Paumanhin ni Kaito. Pero para bang hindi ko na siya naririnig. Nakatingin na lamang ako sa nakahandusay na katawan ni Lestro.

"Link.." Mahinang sambit ko.

"Ano?"

"Hindi ko hahayaang matuloy ang plano niyo, Kaito." Matapang kong sambit saka inipon lahat ng spiritual energy ko.

Napatingin naman ako kay Zeid na mabilis na napalingon sa akin matapos niyang saksakin ang isang halimaw.

"I'm sorry.." I said before releasing my spiritual energy to Lestro. Giving him... my life.

---

May nakakasilaw na ilaw ang kumalat sa plaza na dahilan para masunog ang mga halimaw. Ramdam sa paligid ang malamlam na spiritual energy na nanggagaling sa katawan ni Mira.

Nanlalaki ang mata ng mga Captain habang nakatingin kay Mira.

"That's..." Captain Kiro.

"Life transfer through spiritual energy." Sagot ni Captain Xu.

Ramdam naman ni Mira ang unti unting pagkawala ng enerhiya niya. Sinubukan siyang pigilan ni Kaito pero tuwing lalapit siya ay nababawasan din ang spiritual energy niya.

"MIRA!"

---

Isang sigaw ang narinig ko...

"MIRA!"

Isang pigura ang palapit sa akin. Isang pigurang kilalang kilala ko.

Napangiti naman ako.

"Hanggang sa huling sandali... Ikaw pa din ang makikita ko... Zeid." Nanghihinang bulong ko sa hangin.

Bago ako bumagsak ay naramdaman ko pa ang mga brasong sumalo sa akin.

"You're so stupid... Mira."

"I know, Zeid. " I whispered before closing my eyes.

Zeid... I..