Napataas ang kilay ko ng may ilapag na sobre si Maxson sa mesa. Naihinto ko ang pagbabasa at tinignan siya.
"Inabot sa akin ng lieutenant ng squad 4. Sabi niya ibigay ko daw sayo." Umupo siya sa single couch sa harap ko. "Seems like you're also starting to get some attention from other people here." Aniya saka seryoso akong tinignan.
Anong problema sa kaniya?
Hindi ko siya sinagot at kinuha ang sobre. Binasa ko ang sulat sa loob na nagpaangat na naman ng kilay ko. Invitation? Great.
"So?" Maxson
"It's an invitation. Mukhang gusto nila tayong imbitahan para sa maliit na selebrasyon nila. Kasama ang ibang captains at lieutenants." Sambit ko saka hinimas ang papel.
"Oh? Kasama ako?"
"Hindi siguro, Sire." Medyo nang aasar na sagot ko. Hindi naman siya naasar tulad ng inaasahan ko. Ngumisi lamang siya at tinignan na naman ako ng tingin niya na para bang may balak siya o ano.
Tsk.
"Sire, I won't mind killing a man named Maxson today." May halong pagbabantang sambit ko na ikinatawa niya lamang.
"I know. You're off-limits." Aniya saka tumayo na. "Anong oras?" Pag iiba niya ng topic.
"6:00 pm sharp, Sire." Sagot ko.
Hindi na siya sumagot at naglakad na palabas. Mukhang balak niya munang magpahangin o magrelax kasama ang kung sinong babae dyan. Mali pala. Hindi naman siya pumapatol sa kung sino sinong babae lang. May taste siya sa babae. Yun nga lang, masasabi ko na sa itsura lang siya bumabase at kung saan galing ang babaeng iyon.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa hanggang sa hindi ko namalayan ang oras. Tumayo na ako ng medyo sumakit na ang katawan ko kakaupo. Binitbit ko ang libro pabalik sa kwarto ko at saka hinanap na si Maxson. Hindi ko siya natagpuan sa kwarto niya kaya naman lumabas ako.
Napadako ang tingin ko sa isang punong malaki na nasa gilid ng hotel. Sa ibaba noon ay puro bermuda grass at nakahiga doon si Maxson. Nakapikit at mukhang tulog na tulog.
Napabuntong hininga naman ako at naglakad palapit sa kaniya. Ginamit ko ang dulo ng boots ko para gisingin siya. Hindi ko naman siya sinipa, inuyog ko lang ang tagiliran niya. Pero ayaw niya magising.
"Sire? Maxson?" Tawag ko. Pero mukhang tulog mantika yata ang isang to.
Lumuhod ako sa gilid niya at hinanda na ang malakas na pitik ko sa noo niya. Pero nagulat ako ng dumilat siya at hilahin ako na dahilan para muntik ng dumampi ang labi ko sa labi niya. Buti na lamang mabilis kong naitukod ang kamay ko at inangat ang katawan ko.
"MAXSON!"
Agad ko siyang sinakal sakal na ikinaubo naman niya.
"T-teka--*cough* biro lang!"
"Do that again and I'm really going to kill you!" Inis na sambit ko saka tumayo na. "Tumayo ka na dyan at aalis na tayo!" Masungit na sabi ko saka hinintay siya na makatayo.
Pagkatayo niya ay nakangisi na siya.
"Hindi mo talaga ko gusto huh.."
Napakunot ako ng noo saka tinalikuran siya.
"Hindi ko alam na importante palang gustuhin kita." Sagot ko.
"Ewan. Importante saken." Rinig kong sabi niya saka bumalik na sa usual na awra niya.
Medyo nagtaka ako sa sagot niya pero hindi ko na iyon pinansin. Lagi naman siyang ganyan kahit sa iba.
---
Nakarating kami sa isang kainan. Taidan ang pangalan.
Nang magpakilala kami sa isang waitress ay agad niya kaming dinala sa isang kwarto. Sinabihan ng waitress ang mga tao sa loob kaya naman narinig kaming tumayo at lumabas nga si Lieutenant Ren. Pinapasok niya kami.
Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa loob. Pero hindi ko na iyon pinansin.
"Umupo na kayo kung saan niyo gusto." Masiglang sambit ng Lieutenant at tinuro ang mga bakanteng pwesto. Walang upuan kundi ang mga unan at masasabi kong napaka tradisyonal nito.
Napakurap ako at tinignan ang mga bakanteng pwesto. Yung isa ay sa tabi ni Captain Chen. At yung isa ay sa tabi ng isang lalake na mayroong dalawang lalagyan ng sake sa harap. Pakiramdam ko parang nangyare na ito noon.
Napadako ang tingin niya sa akin at ngumiti ng malaki.
"Yo! Mi--" May isang babaeng agad na tinakpan ang bibig niya saka ngumiti sa akin.
"Hello! Sige na umupo ka na." Aniya.
Napansin ko na umupo na si Maxson sa tabi ni Captain Chen kaya naman umupo na lamang ako sa tabi ng lalaki kanina. Nagsimula ang kwentuhan. May mga pagkain naman na dumating. Habang kumakain ay nagtatanong sila tungkol sa amin ni Maxson.
Mukhang interesado sila sa amin. Pero syempre hindi ko na sinabi iyon. Nagpakilala sila at nalaman kong sina... Captain Xu, Chen, Masashi, Kiro, at Kei at sina Lieutenant Ren, Eisha, Leigh, at Arla ang nandito. Ang nakapagtataka lamang ay kung makipag-usap sila ay para bang kilala nila ako.
Ano bang problema ng mga taong to?
Inakbayan naman ako ni Captain Masashi.
"Sabihin mo Mi--Nyssa, wala ka bang naaalala na kahit na ano tungkol sa Hiyosko?" Tanong niya na ikinaangat ko ng kilay.
"Pangalawang beses ko pa lang tong pagpunta sa Hiyosko. Noong una ay bata pa ako at ito ang pangalawa. Kaya naman wala akong kahit na anong mahalagang alaala sa Hiyosko. Bakit mo naman natanong Captain Masashi?" Sambit ko saka inalis ang braso niya sa balikat ko.
"Kahit na ano wala kang naaalala?" Tanong naman ni Lieutenant Eisha saka interesadong tinignan ako.
"Wala. Kahit na ano. Bukod doon sa binanggit ko." Sagot ko ulit.
Mukhang lahat sila ay napaisip.
"May problema ba kay Nyssa?" Tanong ni Maxson saka uminom ng sake.
Awkward namang tumawa ang iba sa kanila saka umiling.
"Wala naman."
At nagpatuloy ang masayang kwentuhan. Hindi ko alam pero habang patagal ng patagal ay nagiging mas sanay ako sa atmosphere dito sa loob. Na para bang kilala ko sila noon pa.
Eto namang si Captain Masashi, nakikipag kontesan ata sa akin dahil ang dami na naming nainom.
"Malakas kang uminom ah." Aniya. Namumula na ang pisngi niya at tenga niya pero patuloy pa din siya sa pag inom.
"Sa mga special gatherings, kailangan kong makisama sa mga importanteng tao. Ibig sabihin, dapat matatag din ang sikmura ko at mataas ang alcohol tolerance ko. Kailangan lang for survival." Sagot ko saka uminom ng sake.
Natawa naman siya.
"Naiintindihan ko yan."
Nakita kong tumayo si Captain Chen at lumabas kaya naman tumayo din ako saka siya sinundan. Pakiramdam ko talaga mayroong tinatago ang isang ito o kung ano. Sa loob loob ko ay gusto kong malaman.
Lumabas siya ng Taidan at nakita ko na lang siya sa isang upuan. Nakatingin siya sa langit. Mukhang malalim ang iniisip.
Gusto ko man na lumapit pero para bang may pumipigil sa akin. Gusto kong pagmasdan siya mula sa malayo.
Ilang minuto din ay naisipan kong lumapit. Tumabi ako sa kaniya. Nakikita ko siya ng mas maayos dahil sa liwanag ng langit. Napatingin siya sa direksyon ko. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon niya kaya naman nginitian ko na lamang siya.
"Why are you here?" Tanong niya. Naging cold na ang ekspresyon niya pero napaka-gentle ng pagkakatanong niya sa akin na medyo ikinagulat ko.
Napaiwas naman ako ng tingin saka tumingin sa langit.
"Is there something you're wishing for? Kung makatingin ka kasi sa langit... para bang may--"
"It's none of your business." Pagputol niya sa sinabi ko.
Hindi naman ako umimik saka nagpatuloy lang sa pagtingin sa langit. Tumayo na siya at mukhang aalis na pero nagsalita ako kaagad.
"Hindi kita mabasa. Pero kung may problema ka man sa babae, just ask Maxson, marami siyang tips and advice para sayo." Sambit ko na lang bigla.
Napahinto siya. Nilingon niya ako at tinitigan ng masama na ikinangisi ko.
"Tsk." Sabi niya lamang bago naglakad palayo.
Problema nga sa babae. Sino naman kaya ang minalas na babaeng iyon?
Pero sa kabilang banda, parang may mas malalim pa na dahilan kung bakit siya ganyan.
Teka..
Bakit nga ba ako nagiging interesado sa buhay niya?
Hindi ko na problema ang problema niya.
"Makabalik na nga sa loob." Bulong ko.
---
9 pm bago kami natapos uminom, kumain at mag usap. Madami akong nalaman tungkol sa kanila at sa Hiyosko. Interesting din pala ang mga tao dito.
Hinatid naman kami ni Captain Kiro pabalik sa hotel dahil nga medyo pagewang-gewang na si Maxson. Nakipag kontesan ba naman kay Captain Masashi. Buti na lang at umalis ako sa tabi ni Captain Masashi at nakipag kwentuhan kina Captain Xu. Kung hindi ay baka bumigay din ang katawan ko sa dami ng maiinom ko.
"Ilang araw naman kayo mag se-stay dito sa Hiyosko?" Tanong ni Captain Kiro habang akay si Maxson.
"Balak kong magstay hanggang bukas. Pero nakadepende naman iyon kay Maxson. Hindi naman pwedeng iwan ko siya. Magkasama kaming pumunta dito kaya naman dapat magkasama din kaming pabalik." Sagot ko.
Natawa naman siya.
"Tingin ko, hindi babalik kaagad ang isang to." Aniya
Napailing naman ako ng maisip ko ang ugali at hobby ni Maxson. He's not going anywhere if he's not yet satisfied with flirting around with girls. Lalo pa't madaming magagandang babae dito.
"I think so too."
Pumasok na kami sa loob ng hotel at inalalayan niya si Maxson hanggang sa kwarto nito. Nagpasalamat naman ako na ikinatango niya lang. Tumitig siya sa akin bago nagpaalam na umalis. Nakakapagtaka pero hindi ko na lang iyon pinansin.
Medyo weird nga silang lahat.
Napakibit balikat na lamang ako at pumunta na sa kwarto ko para mag half bath at matulog.
Napagod ako pero medyo magaan ang pakiramdam ko. Hindi na rin masama na makakilala ng madaming tao bukod sa mga noble family members sa Saido.
Besides, I think they are... quite nice.