Chereads / THE REJECTED WIFE / Chapter 9 - CHAPTER 9: UNEXPECTED EVENT

Chapter 9 - CHAPTER 9: UNEXPECTED EVENT

Where is she?

"D*mn it!"

"Captain Zeid, walang bakas ng negative energy sa paligid. Sa tingin ko po... umalis siya ng kusa." Sambit ni Ren.

Napakunot noo naman ako. Sinasabi ko na nga ba, madami pa akong hindi alam sa babaeng yun. Ano naman kaya ang pakay niya at umalis siya? Sinusubukan ko ding hanapin siya gamit ang spiritual energy niya pero masyadong mahina ang spiritual energy ng babaeng iyon kaya wala ding kwenta.

Napabuga ako ng hangin at tinignan si Ren na hawak ang tassel hair rope na binigay ko kay Hatake matapos ng kasal namin. Kulay pula iyon at mismong gawa ng Chen Clan para sa mga asawa o myembro ng Chen main family na babae. Bawat tassel ay may unique na materyales at binigyan ng mga asawang lalake ng spiritual energy bilang binding. Ibig sabihin, kahit saan man sila, hangga't suot nila ang tassel hair rope na yan ay kaya silang mahanap. Iyon din ang simbolo na myembro ka ng Chen Clan. Babae lang ang nagsusuot niyan.

Kaso... yung babaeng yun.

Tinanggal niya ang tassel niya.

"Tsk. Kung hindi natin siya mahahanap, hayaan na natin siya. Sa tingin ko naman, kaya niya ng protektahan ang sarili niya." Napadako ang tingin ko sa papel na nakaipit sa ilalim ng libro. Kinuha ko iyon at binasa.

Zeid,

Alam kong magagalit ka dahil sa kabaliwang ginagawa ko ngayon. Gusto kong makatulong sa kaibigan ko kaya naman sasamahan ko siya. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako. Pasensya na kung pinatulog kita ng mahimbing.

Ngayon ko lang napagtanto na kahit ano palang gawin ko, hinding hindi mo ko mapapansin. Pero naging masaya ako... kapag nakikita kita na ginagawa ang mga bagay na bumubuo ng puso mo, ayos na ko! Salamat.

Napakuyom ako ng kamao.

Hatake...

You're so stupid.

---

1 WEEK AFTER

"Master Zeid..." Rinig kong tawag ni Lila. Nakayuko siya sa harap ko.

"Ano iyon, Lila?"

"H-Hindi niyo na daw po ipagpapatuloy ang paghahanap kay madam?" Nauutal na tanong niya. Hindi siya tumitingin sa akin, mukhang pinipigilan niya din ang emosyon niya.

Napabuntong hininga ako.

"Desisyon niya yun. Kung anong gusto niya, gawin niya." Sagot ko.

"Dahil iyon ang gusto niya, hindi mo po siya hahanapin? Paano kapag nasa panganib siya? Hindi mo siya hahanapin at poprotektahan?"

Napakunot ang noo ko sa tono ng boses niya.

"Hindi." Sagot ko saka nilagpasan na siya. "Kung katangahan at kahihiyan lamang ang dadalhin niya sa pamilya ko, mas mabuti pang huwag na din siyang bumalik." Dagdag ko pa at iniwan na siya ng tuluyan.

Hindi rin naman nakakadagdag ng magandang bagay yung babaeng yun sa buhay ko.

---

"KAITO!" Iwinagayway ko ang kamay ko at tumakbo papunta kay Kaito na nagluluto ng pagkain namin. Dinala ko ang pinangpitas kong prutas sa paligid.

"Ayos!" Kaito.

Isang linggo na simula noong umalis kami sa city. Tatlong araw kaming kumuha ng impormasyon sa Hashi village bago kami naglakbay sa lugar na pinuntahan nina Eisha. Umiwas lang kami sa mga parteng may pagala galang halimaw... ayon iyon sa mga mersenaryong napagtanungan namin.

Kaya naman iyon din ang dahilan kung bakit matagal kaming makarating sa lugar na iyon. Isa pa, tingin ko may dalang mga kabayo sina Eisha, habang kami ay naglalakad lang.

"Bakit nga pala tayo naglalakad lang? Bakit hindi tayo bumili ng masasakyan?" Tanong ko.

Nginitian ako ni Kaito saka napakamot na naman.

"Hindi ko din naisip kaagad. Hehehe"

WAAAAHHHH!

"KAITOOOO!"

"P-pasensya na! Bakit kasi ngayon mo lang din naisip?" Tanong niya din.

Ako naman ang napakamot.

"Wala din sa isip ko eh."

"HAHAHAHA!"

Napangiti ako saka tumingin sa niluluto niya.

"Kaito... Ano..."

Napatingin siya sa akin at itinagilid ang ulo.

"Mmm?"

"W-wala! Wala! Yung niluluto mo." Sambit ko kaya agad naman niyang hinango ang niluluto niya.

Pinagmasdan ko lang siya habang hinahanda niya ang makakain namin. Napansin niya naman na nakatingin ako sa kaniya kaya napakurap siya, bakas sa mukha niya ang pagtataka pero natawa na lang ako.

"May kung ano ba sa mukha ko?" Tanong niya at inabot na sa akin ang bowl ng soup at chopstick. Yumuko ako ng konti para magpasalamat saka umiling.

"Wala, may iniisip lang ako."

"Habang nakatingin sa akin?"

"Wala namang ibang kahulugan iyon. Iniisip ko lang ang sitwasyon mo." Sagot ko saka nagsimula ng kumain. Hindi niya ako sinagot at kumain na din. Natapos na lang kaming kumain ay hindi kami nakapag usap ng maayos.

Mukhang nagpapakiramdaman lang kami.

"Magpalipas na muna tayo dito ng gabi, saka na tayo lumakad bukas." Sambit niya saka nag ayos na ng tent niya.

Nag ayos na din ako ng tent ko, nag toothbrush at kung ano ano pa bago nagbasa muna. Nawawala kasi ang stress ko pag nagbabasa. Alam ko, nakakapagtaka na may dala akong libro sa paglalakbay pero hindi ito ordinaryong babasahin lang. Book of spells ito na hiniram ko noon sa library ng Chen Clan pero nakalimutan ko ng ibalik dahil hindi ko pa naman din natatapos.

Napadako ang tingin ko sa coat ni Zeid na kinuha ko sa damitan niya.

"Pasensya na, ibabalik ko din yan sa susunod!" Mahinang sabi ko saka ipinagdikit ang palad ko na para bang nananalangin.

Pinatay ko na ang energy stone at natulog na.

Kinabukasan, nagising na lamang ako sa mga sigaw. I immediately put on Zeid's coat at lumabas sa tent. Kakalabas lang din ni Kaito sa tent at kinusot kusot niya pa ang mata niya. Mukhang naalimpungatan din siya sa mga sigaw.

"TAKBO!" Rinig kong sigaw sa hindi kalayuan. Nagkatinginan naman kami ni Kaito, agad niyang kinuha ang katana niya at ako naman ay tumakbo papunta sa direksyon ng sigaw. Sa kalagitnaan ay muntikan pa akong madapa dahil sa hindi inaasahang pagyanig.

Pagliko ko ay may sumalubong sa aking mga babae at lalaking tumatakbo, may isa pang babaeng may dalang baby. Siya ang huling tumatakbo at sa likod niya ay isang... malaking halimaw.

Nanlaki ang mata ko at agad na tumakbo sa direksyon ng babaeng may dalang baby.

"MIRA!" Rinig kong sigaw ni Kaito pero hindi ko siya pinansin.

Y-yung babae!

"YUKO!" Sigaw ko sa babae na agad niya namang ginawa. Mabilis akong nakagawa ng pana gamit ang apoy at pinakawalan ang palaso papunta sa mata ng halimaw.

Nang tumama ang palaso sa mata niya ay agad iyong sumabog na nagbigay sa amin ng oras para tumakas. Pumunta ako sa babaeng may baby at tinulungan siyang tumayo.

"Bilis! Hangga't may oras pa po tayo!" Sambit ko, naiiyak siyang tinanguan ako at tumakbo kasama ako. Nakita ko naman si Kaito na agad akong kinawayan, sinundan namin siya at nakabalik kami sa camp namin. Nandoon na din ang limang mga tumatakbo kanina. Mukhang dinala sila ni Kaito sa kampo.

Napahinga naman ako ng maluwag.

Yumuko ako ng kaunti at nagpaumanhin.

"Medyo matatagalan bago makakita ang halimaw na iyon, pero may posibilidad na gamitin niya ang pang amoy niya kung may abilidad siyang gawin yun. Kaya naman tingin ko, kailangan na nating lumayo muna sa lugar na ito. Pasensya na kung iyon lamang ang kaya kong gawin. Hindi malakas ang spiritual energy ko kaya hindi ako makapag papalabas ng mas malakas na atake."

"Hindi ka dapat humihingi ng paumanhin sa amin, salamat sa inyo at naligtas kami. May mga kasama kaming nakain na ng halimaw na iyon..." Malungkot na sabi nung babaeng may dalang baby.

Napansin ko ang mabigat na atmosphere kaya naman sinimulan ko na ang pagliligpit ng mga gamit ko, ganoon din si Kaito.

"San po ba kayo pupunta?" Tanong ni Kaito, bitbit na ang malaking bag niya.

"May malapit na village dito, doon kami nakatira. Pero inatake ng mga halimaw ang village namin kaya naman hindi na namin alam kung saan kami pupunta." Sagot ng isang lalake na mga nasa 40 years old na.

Nagkatinginan kami ni Kaito.

"Kung ganoon, kaya niyo po bang maglakbay papunta sa Hashi village? Magpapadala po kami ng sulat sa village chief nila para salubungin kayo sa daan." Sambit ko, saka tinignan sila isa isa.

Napatingin ang babae sa baby niya na tahimik na natutulog. Pagkatapos ay tumingin sa akin.

"Para sa anak ko, kakayanin ko. Maraming salamat." Aniya at yumuko sa akin, umiling iling naman ako.

"W-wala po iyon! I-iangat mo po ang ulo mo, hindi mo po kailangan na yumuko. A-ah.. Sige po, tara at umalis na."

Dinala namin sila ni Kaito sa dinaanan namin kahapon na mas safe daanan. Sumulat naman ako at ipinadala iyon gamit ang ibon na ginawa ko gamit ang apoy, hindi masusunog ang sulat dahil inilagay ko sa maliit na bote. Pagkatapos ay pinalipad ko na iyon papunta sa Hashi village.

Tinignan ko sila at binigyan ko ng ward potion para hindi sila maamoy o makita ng mga halimaw. Tao lang ang pwedeng makakita sa kanila.

Nginitian namin sila ni Kaito bago kumaway.

"Maraming salamat!" Sambit nila.

Pinagmasdan ko sila habang palayo sila.

Kahit papaano pala... kaya ko ding makatulong kahit na kaunti.

Napangiti ako ng malaki.

Inakbayan naman ako bigla ni Kaito saka inaya na akong magpatuloy sa paglalakbay.

"Tara na tara na! Medyo malapit na tayo sa lugar na iyon, kailangan nating magdouble time." Aniya saka nginisihan ako.

"W-WHATEVER!"

Tumawa naman siya.

Napangiti ako...

I feel happy... somehow..