Chereads / THE REJECTED WIFE / Chapter 8 - CHAPTER 8: 4TH DAY, HER DEPARTURE

Chapter 8 - CHAPTER 8: 4TH DAY, HER DEPARTURE

It's already 8 pm and he just arrived. Umalis kasi siya kanina ng maaga. Ang akala ko nag dinner lang siya, pero balita sa akin ni Lila, umalis daw siya ng bahay.

Hindi naman sa hinihintay ko siya o ano ah. Maganda nga na hindi siya bumalik para makatakas na ko. Kaso kababalik niya lang. Kita ko ang pagod sa mukha niya, nakatali na din ang mahaba niyang buhok at kita ko ang pawis sa noo niya.

Nag ensayo ba siya?

"Bakit nandito ka pa sa living room?" Tanong niya pero hindi siya nakatingin sa akin. Kumuha siya ng tubig at uminom.

Nag cross arms naman ako at tinignan siya.

"Gusto ko lang dito sa labas. H-hindi kita hinihintay no. Baka isipin mo..." Sambit ko at iniwas ang tingin sa kaniya.

"Now that you said that..."

Napatingin ako sa kaniya kaagad, nginisihan niya naman ako. Isang ekspresyon na kadalasan ko lang makita sa kaniya.

"Hindi sabi kita hini--"

"You're so defensive. I'm not saying anything." Aniya saka inilapag ang baso sa mesa. Pagkatapos ay pumasok na siya sa kwarto niya (na tinutulugan ko), siguro para maligo. Narinig ko kasi ang pagbukas ng shower.

Napakibit balikat na lamang ako at hinintay siyang lumabas ng kwarto niya para makatulog na ako. Napaisip naman ako... Yung litratong nasa kwarto niya.

Um...

Hindi ko maalala kung saan ko nakita ang babaeng yun. Pero napaka pamilyar. Siguro ex o ano yun ni Zeid bago pa kami ikasal o kaya naman sila pa din hanggang ngayon kaya hindi niya matapon ang larawan. Hindi ko alam. Maaari ding isa sa hinahangaan niya.

Sa totoo lang, hindi ko matukoy dahil... dahil hindi ko naman business yun! W-wala kong pake no.

40 minutes later.

Napatayo na lamang ako dahil sa tagal ni Zeid. Baka nalunod na yun sa bath tub.

Biro lang.

Pero bakit hindi pa siya lumalabas? Inaantok na ko!

"Macheck nga... Pipikit na lang ako kung sakali..."

Dahan dahan pa akong bumukas ng pinto at sinilip siya. Napadako ang tingin ko sa kama at nakita siyang nakasalampak doon. Yung ibang buhok niya ay nasa mukha niya na. Tapos na siyang maligo at magpalit pero nakalimutan niya yatang ako ang naka assign sa kama niya ngayong mga araw?

Sinarado ko ang pinto at lumapit sa kama. Tinignan ko siya at napabuntong hininga. Mukhang basa pa ang buhok niya.

Kumuha ako ng bagong towel saka sinimulang tuyuin ang buhok niya.. Inayos ko din ang pwesto niya sa higaan at pinunasan ang mukha niya na nabasa na ng buhok niya.

Napailing na lamang ako.

Kahit na ubod ng tigas ang puso ng lalaking to o kaya naman ay ubod ng lamig ang presensya, ngayon ko lang nakita ang weak side niya.

Napatitig ako sa mukha niya.

"Nakakagawa ka din pala ng ekspresyon na hindi nakakatakot." Pabulong kong sambit saka tinapos na ang pagpapatuyo ng buhok niya. Kinumutan ko siya at akmang aalis ng abutin niya ang kamay ko at hilahin ako, napasubsob naman ako sa dibdib niya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Y-yung mukha ko, tingin ko namumula ako ng sobra.

A-ano ba naman tong lalaking to!

"H-hoy Z-zeid gising ka ba? Hindi ako unan." Sambit ko.

Pero pinulupot niya lamang ang mga braso niya sa akin. This side of him... WHAT THE HECK IS THIS?!

"H-hoy hoy hoy.. B-bitaw--"

"I can hear you, stupid woman." Sambit niya, napatingin ako sa kaniya at dumilat naman siya.

Nanlaki ang mata ko at agad na tumayo ng maayos, malayo sa kaniya.

"W-w-what do you think you're doing?" I asked, blushing.

"What do you think YOU'RE doing?"

"Pinatuyo ko lang naman ang buhok mo ano! Inayos ang pwesto mo at kinumutan ka. M-masama ba yun? Ay teka nga ba't parang ako ang masama dito? B-bakit mo ko biglang hinila huh?"

"Tsk. Don't make a fuss over something so small. Besides, you're the one who touched me first." Aniya

"WHAT? Buhok lang iyon ano!"

"Still... You touched me."

And then who told me to not make a fuss over something so small?

I crossed my arms and look at him. He sits on the bed and look at me with his serious expression.

"Sa guest room na ko matutulog. Tutal naman ayaw mo kong bumalik sa room ko." Sambit ko.

"I don't trust you at all."

"At saan naman ako matutulog huh? Aber?" Nakapameywang pa ako dahil sa sinabi niya.

Tinuro niya naman ang kama na kinauupuan niya.

"Dito. Dito ka matutulog."

Nanlaki naman ang mata ko.

"Ayoko ngang tumabi sayo!"

"Do you think I want to sleep with you?"

Waaaahh! Don't make it sound so... so embarrassing..

AFTER 144382 OF ALMOST KILLING EACH OTHER...

"Are you asleep?" Tanong ko.

"I am."

BUT YOU'RE TALKING TO ME RIGHT NOW ZEID!

"Whatever, good night." Tumagilid ako at pumikit na.

I have to wake up early tomorrow...

---

4:00 am

Binuksan ko ang mata ko at tumingin sa gilid ko. Mapayapang natutulog si Zeid.

Hindi siya malikot matulog ah. At saka, nasa gitna pa din namin ang unan. Tingin ko hindi talaga siya maglilikot kapag ako ang katabi niya!

D-di bale na, aalis na din ako kaya hindi ko na kailangang tumabi sa kaniya. At teka nga! Hindi ba't nasa guest room siya natutulog ng mga nakaraang araw? Ba't niya naisipan na sa kwarto niya na matulog? Pero... Kung inaantok na talaga siya...

Hayys! Wag na nga ako mag isip ng kung ano ano! Kailangan ko ng umalis. As in now na! Pupunta pa ko sa kwarto ko at magliligpit.

"Pero para makasiguro..." Umalis na ako sa kama ng dahan dahan saka pumunta sa kabilang side ng kama. Sa gilid ni Zeid.

Tinitigan ko muna ang mukha niya na nasisinagan ng malamlam na ilaw mula sa energy stone.

"Sleep well..." Sambit ko saka itinapat ang kamay sa noo niya.

Kahit papaano naman ay may alam akong spells. Isa na doon ang time spell. Kapag ginamit ko to kay Zeid, iseset ng spell ang body clock niya. Kaya kung kelan ang oras na sinet ko na magigising siya, doon lang siya magigising sa oras na yun.

"You'll wake up at 7:00 O'clock. Hindi na masama." Sambit ko saka tinapos na ang spell, then binuksan ko ang closet niya at kumuha ng coat saka sinuot iyon.

Lumabas na ako at nagmadaling pumunta sa kwarto ko. Thankfully may spare ako palagi sa mga halaman na nakatanim. Mukhang kinuha kasi nila ang susi na lagi kong ginagamit. Binuksan ko na ang pinto at nagsimulang gawin ang dapat kong gawin.

Kinuha ko ang mga bagay na kakailanganin ko tulad ng energy stone, potions na binili ko pa mismo sa potion stores at iba pa.

Kapag lumabas kami ni Kaito sa syudad, malamang ay aalamin ng mga bantay ang pakay namin sa labas. Kaya naman kailangan may ibang paraan kami para makalusot.

Matapos kong maghanda ay mabilis akong lumabas ng teritoryo nila Zeid. Syempre hindi ako dumaan sa gate dahil may bantay. Ano pa nga ba? Edi dumaan ako sa wall! Hahaha!

Hindi ko inaasahan na kailangan kong gumamit ng lubid para makatawid. Pakiramdam ko tuloy para akong aalis para katagpuin ang nobyo ko na itatanan na--- ayaaaa! Maling pag iisip. Si Kaito lang yun. SI KAITO!

"1...2...3!"

Success!

Nakalabas na ako kaya naman mabilis akong tumakbo papunta sa dati naming tambayan ni Kaito. Sa tabi ng Merito river. Alam kong maaga pa pero inabot din ako ng alas singko sa pagtakas ah. Ngayon ay medyo kita na ang paligid dahil nga maliwanag na kaunti. Pero kaunti pa lang ang nasa labas, yung mga nasa squad na on-duty. Kaya naman iniwasan ko silang makasalubong, dumaan na lang ako sa mga eskinita.

At sa wakas!

Naaaninag ko na ang Merito.

Ginamit ko ang energy stone para ilawan ang dadaanan ko pababa, pagkatapos ay nagmadali akong pumunta sa tulay na daungan din ng maliliit na bangka paminsan.

"Wala pa si Kaito. Mmm, sabagay---"

"YO!"

"Ayy halimaw! K-Kaito naman eh! Wag ka ngang nanggugulat dyan!" Sambit ko, napahinto ako at napatingin sa bitbit niyang bag sa likod. "Ang laki niyan ah."

Napakamot naman siya at nginitian ako.

"Panigurado lang. Oh siya, alis na tayo? Wag na natin hintayin ang alas sais." Aniya saka nauna na sa paglalakad na agad ko namang sinundan.

"May pass ka bang dala?" Tanong niya at ipinakita ang pass niyang dala.

"P-pass? Ah! Meron. Pero... Ito ang gagamitin kong pass." Pinakita ko ang pass na binigay sa akin ng pamilya ko na ginagamit ko simula pa noon. Yung pass na isa kasi ay may naka engraved na Chen Clan symbol. Ibinigay iyon sa akin ng grandfather ni Zeid noong ikinasal kami. Pero hindi ko pwedeng gamitin iyon dahil sa napakaraming dahilan.

"Ayos! Ang kailangan na lamang natin ay magandang dahilan para palabasin tayo ng mga guard." Aniya saka masayang naglakad.

Napakurap ako saka ngumiti. Kaito...

---

"Waahhh~ Hindi ko inaasahan iyon ah."

"M-medyo nakakakaba pala. Pero ayos din ang dahilan natin. Mabuti na lang nagdala ako ng katana." Pinakita niya ang katanang dala niya na nasa bewang niya na.

"Asan mo naman nakuha yan?" Tanong ko.

"Katana to ng kapatid ko. Hiniram ko lang. Alam mo na." Sagot niya naman saka nagpatuloy na sa paglalakad.

"Saan na ngayon ang destinasyon natin?"

"Mmm.. Hindi tayo pwedeng dumiretso sa lugar na iyon lalo pa't maraming mga halimaw na nagpagala gala ngayong panahon. Pumunta na muna tayo sa Hashi village. Mahalagang kumuha tayo ng impormasyon, lalo na sa mga mersenaryo." Aniya na ikinatango ko.

"Alright! Copy."

At iyon nga, naglakbay kami ng halos kalahating araw papunta sa Hashi village. Humihinto lang kami para magpahinga at kumain. Pagkatapos ay diretso sa paglalakad.

Napatingin ako kay Kaito...

He's smiling... But...

What's that aura that I'm sensing?

It's... weird...