Bumangon ang kakaibang excitement ni Kylie habang nakatitig sa pahina ng magazine: Hardin ng Pag-ibig as what the natives call it, is a known land in Cordillera, and is said to be the biggest Garden in Asia. Along with the world-famous Banaue Rice Terraces in Ifugao, this garden can also be considered as a tourist destination in Cordillera region.
Bilang isang photojournalist ay madali siyang maakit sa mga bagay na magandang kunan ng camera. Madalas ay mga sakuna, political races at mga civil issues ang kina-capture ng lente ng kanyang camera, at sawa na sya sa mga 'yon. Kasama 'yon sa trabaho ng isang photojournalist; to grab split-second opportunities and to enhance the story for the readers or viewers. Dati siyang freelance photojournalist na nagpopost ng kanyang mga gawa sa Internet. Doon siya nadiskubre ng isang sikat na publication at inalok ng trabaho. Isang bagay ang nadiskubre ni Kylie sa sarili; she likes nature, landscape and flowers. Impluwensya iyon ng kanyang inang si Elisa. Mahilig ito sa magagandang tanawin at madalas siyang kwentuhan tungkol sa mga hardin at bulaklak. Mayroon din itong ikinuwento sa kanya na isang magandang hardin na tila paraiso. Nagpasya na si Kylie, pupuntahan niya ang sinasabi nilang Hardin ng Pag-ibig. Mabilis niyang tinungo ang kanyang mga gamit. Naka ready na ang isang hindi kalakihang maleta para sa mga biglaan nyang assignment, ito ang kanyang dadalhin kasama na ang mga print photography equipment, laptop para sa editing tools and publication software at syempre pa ang Mirrorless Camera.
"Hey, may assignment ka na naman, Saan naman yan?" bungad ng kanyan kaibigang si Kaye habang nagtatanggal ng sapatos at isa-isang nagtatanggal ng mga kasuotan, patungo ito sa banyo.
"Not really, magbabakasyon lang ako sa Cordillera ng mga ilang araw." Naiiling niyang sagot sa tanong nito. Sanay na siya kay Kaye, matagal na silang magkaibigan at magkasama sa bahay niyang 'yon sa may West Avenue. Dati itong tirahan nilang mag-ina noong nabubuhay pa ito. Inalok niya kay Kaye ang isang kwarto noong naghahanap ito ng matitirahan matapos makipag hiwalay sa nobyo nito na kapwa modelo. Bukod sa matalik niya itong kaibigan ay nakakatulong din ito sa mga gastusin nya sa bahay. Ito ang nagpumilit na upahan ang dati nyang kwarto. Ang silid ng mga magulang naman ang gamit niya.
"For sure, trabaho na naman 'yan. Knowing you, laging huli sa listahan mo ang salitang bakasyon. Alam mo kung wala lang akong pictorial mamayang gabi at raket bukas ay sinamahan na kita." saad ni Kaye pagkalabas ng bayo na nakatapi lamang ng tuwalya.
"I'm fine, don't worry about me. Mabuti nga at nagkita tayo bago ako umalis. Halos isang lingo na tayong hindi nagkikita simula ng dumating ako galing Hongkong." nakangiti niyang sabi habang isa-isang binibitbit ang mga dadalhing gamit.
"Sige na, baka gabihin ka pa. Text me the address at susunod ako doon para makapag bakasyon na din ako."
Nakangiting lumabas ng pinto si Kylie. Kilala nya ang kaibigan, duda siyang susunod ito gayong bundok ang pupuntahan niya at hindi beach.
__________________
Halos magsalubong ang makapal na kilay ni Reden habang nakatutok ang paningin sa kanyang Macbook Air. Ito ang nasisilbi niyang komunikasyon sa lahat ng kanyang mga negosyo. Madalas parin siyang umuuwi sa Villa Aceres kahit na ang kanyang kompanya ay naka base sa Manila. Siya ang CEO ng RNC, isang manufacturing company ng processed food na nagmumula sa mga goods and products ng Mountain Province; ilan na dito ang mga highland vegetables kagaya ng lettuce, broccoli, cauliflower, carrots, potatoes, cabbage, and other greens. Idagdag pa ang aromatic coffees and strawberries at upland rice na ini-export sa USA at Japan.
Itinigil niya sandali ang kanyang ginagawa at marahang hinilot ang kanyang sentido. He was called the "Tactful Tycoon" in business world. Kilalang workaholic at magaling sa larangan ng pagnenegosyo. Magkaganon man ay hindi niya maikakailang mayroon s'yang pangungulilang nararamdaman at kailangan niyang matugunan iyon. Kinuha niya ang kanyang iphone sa ibabaw ng coffee table at namili ng pangalan sa kanyang contact lists.
"Hello, Mitch are you available tonight? Good, I'll have my pilot pick you up at the rooftop of that hotel." Matagal siyang nakatitig sa screen ng monitor matapos ang paguusap nila ni Mitch. Isa ito sa mga shareholders ng RNC. Ito ang madalas niyang tawagan sa oras ng kanyang 'pangangailangan' dahil lagi itong game, walang tanong at walang reklamo kahit anong oras niya ito kailanganin. Sa mga ganoon ding pagkakataon na siya ay nagiisa ay bumabalik din sa kanyang isip ang isang ala-ala.
"Walangya kang bata ka! Ang tigas talaga ng ulo mo, puro nalang laro ang inatupag mo. Laging kang sakit ng ulo ko. Nagsisisi akong binuhay pa kita!" halos mapatid ang litid na sigaw ni Nina habang walang tigil na pinapalo siya ng walis tingting. Masakit ang bawat hagupit niyon sa manipis niyang balat. Lumalatay ang bawat hibla at ramdam niya ang hapdi sa bawat hampas ni Nina. Ngunit hindi siya iiyak, pinigil niya ang hikbi at mariing ipinikit ang mga mata. Mas lalo kasi itong magagalit at mas tatagal ang paghihirap nya sa pamamalo nito kapag narinig siya nitong umiyak.
"Nina, anong ginagawa mo?" Naramdaman nya ang malambot at maiinit na palad na iyon na marahan siyang hinila mula sa pagsiksik sa gilid ng hagdanan. Pansamantala ay natigil ang sakit na nararamdaman.
"Señorita, dinidisiplina ko ang anak ko. Huwag ka sanang makialam." Pigil ang galit na sabi ni Nina.
"Kung ano man ang nagawa ni Red, ako na ang bahalang kumausap at tinitiyak ko sayo na hindi na niya uulitin. Hindi ba, Red" baling ni Elisa sa kanya habang pinapagpag ang mga dahon sa kanyang t-shirt.
Walang nagawa si Nina at mabigat ang mga paang tumalikod. Anak parin itong ng kanyang amo at isa sa mga pinagsisilbihan niya.
"Red, gusto mo ba akong tulungang pumitas ng mga bulaklak na ilalagay natin sa vase?" malambing na turan ni Elisa. Nag-iisang anak ito ni Don Francisco ang may-ari ng Villa Dominguez at malawak na lupain sa lugar na iyon sa Sadanga. Nakasuot ito ng puting summer dress na may maliliit na detalye. Halos umabot ang summer dress sa talampakan ng babae, kaya naman nagmukha itong dyosa sa ilalim ng liwanag ng araw. Labin-walong taon gulang na si Elisa habang siya naman ay pito. Mabait ito sa kanya na parang nakatatandang kapatid. Kung kaya nama'y lahat ay gagawin niya para rito. Masaya niyang tinitigan ang babae habang pumipitas ng mga rosas sa hardin.
"Magandang araw Señorita." Malapad ang ngiting bati ni Julio kay Elisa na sinuklian naman ng matamis na ngiti ng huli. "Hi, Julio. Magdidilig ka ba ng mga halaman ngayon?" masayang tanong ni Elisa.
"Hindi ho Senyorita, magtatabas ako ng damo. Hindi ho dapat madalas diniligan ang mga bulaklak, baka masobrahan at mamatay."
Naputol ang ala-alang iyon at tinatamand niyang isinara ang high-tech na gamit. Saka tumingin sa kanyang paligid, tila sa paraang 'yon ay mababawasan ang kanyang nadaramang kalituhan. Nasa gitna siya ngayon ng malawak at napakagandang hardin. Paraiso kung ituring ng iba. Dumako ang paningin niya sa pinaka wooden area ng hardin, sa lugar ng mga orkidyas sa di kayaluan. Orchids are growing on every branch. Nakakagaan ng pakiramdam ang paglalambitin nila sa mga punong kahoy. Hindi niya mapigilan ang panugungulilang nararamdaman para kay Elisa.
Nakahinga ng maluwag si Kylie nang sakto Ala-sinco ng hapon ay nakatungtong siya sa Barangay Poblacion. Laking pasasalamat niya at hindi siya ginabi sa daan.
Pagkatapos dumaan sa sentrong bayan ay kanugnog na nito ang bayan ng Poblacion. Natatandaan pa niya ang sinabi ng kaibigan niyang reporter─na ipagtanong daw niya nag bahay ni Aling Perina. Ang bahay nito ang tinuluyan ng kaibigan noong minsan itong nangkaroon ng assignment sa Cordillera. Kilala si Aling Perina sa bayan ng Poblacion, siya kasi ay katiwala sa Villa Aceres─ kung saan matatagpuan ang hardin, at ang madalas na lapitan ng mga tao sa bayan.
Nadanan niya ang mga batang naglalaro ngunit isa lamang ang tinutunton niya─ isang maliit na tindahan. Tamang-tama dahil maraming tao, marami siyang mapagtatanungan. Alam niya, na pawang sa kanya nakatuon ang mga mata ng bawat kanyang madaanan. Bukod sa maliit na bayan lang ang Poblacion at tiyak na magkakakilala ang mga tao at halata sa kanyang kasuotan na hindi siya nagmula sa kahit alin mang bayan ng Cordillera.
"Mawalang galang napo, maari ho bang magtanong?" naka ngiti at magalang niyang wika.
Matagal ng hindi nakahuma ang mga tao sa tindahan. Parang nakakita ng mga ito ang kanilang paboritong artista. Ang may-ari ng tindahan ang unang nakabawi, isa itong matandang babae.
"Aba'y maari Ineng, ano ba 'yon?" nakangiti ito at mukhang mabait.
Ngumiti siya, "Itatanong ko lang ho sana kung saan nakatira si Aling Perina. Napag-alaman ko ho kasi na sa bungad mismo ng Poblacion ko matatagpuan ang kanyang bahay."
"Naku, Ineng, tamang-tama ang 'yong napagtanungan. Dito nakatira si Perina. Ako ung kanyang ina."
"Hay! Salamat naman ho. Nandiyan ho ba ngayon si Aling Perina?" Nakahinga ng maluwag si Kylie. Nagkaroon kasi siyang ng pangamba na gagabihin sya sa daan na hindi parin nakikita ang bahay na tutuluyan niya. Mukhang mahirap pa naman maghanap kahit transient house sa maliit na bayang iyon.
"Halina muna't tumuloy ka sa aming bahay. Wala pa kasi si Perina pero parating na iyon galing sa Villa Aceres.
"G-ganuon ho ba?" hahakbang na sana si Kylie upang sundin ang matanda nang marinig niya ang ugong ng papahintong sasakyan.
"Hayan na pala sila." sabi ng isang babae mula sa umpukan.
Isang Jeepney ang huminto. Bumaba ang halos kalahati nalang nitong laman. Ang mga tao pala sa umpukan sa tindahan ay mga kamag-anak ng mga nasa dyip. Sinalubong nila ang mga ito.
"Perina, pumarito ka't may naghahanap sa'yo." tawag ng matanda.
Agad namang lumapit ang isang babaeng sa tantiya niya'y kwarenta y' sinco anyos o higit pa ang edad. Lumapit ito sa kanila, sa kanya unang bumaling ang mga mata nito.
Matagal siya nitong tinignan bago ngumiti. "Halika hija, tumuloy ka muna sa aming bahay."
Ilang hakbang mula sa likod ng tindahan ay isang may kalakihang bahay na may dalawang palapag ang kanyang nabungaran. Yari sa bato at tabla ang bahay. Mayroong malalaking bintana kaya siguradong maaliwalas sa loob niyon. Presko at mahangin dahil sa mga puno at halaman na nakatanim sa paligid. Mayroon ding malaking puno ng mangga sa gilid ng bahay. Napansin niyang may duyan sa ilalim ng puno. Napangiti si Kylie. Iniisip na magiging masaya ang pagtira niya roon kahit isang linggo lang. Pumasok sila sa loob ng bahay. Isang may kalakihang sala ang kanyang nabungaran. Ang mga upuan at mesa nito ay pawang yari sa kawayan. Mayroong ding maninipis na kurtina ang mga malalaking bintana na tila isinasayaw ng mahinang ihip ng hangin. May mga in-door plants pa na lalong nag papaaliwalas sa loob ng bahay. Kung titignan ang mga ito ay tila Palmera ngunit hindi naman.
"Maupo ka hija." Tinuro nito ang pinaka mahabang upuan. "Pasen'sya ka na at hindi malambot ang mga upuan namin dito." nakangiti at tila nag-aalangang wika ni Perina.
"Naku, hindi ho Aling Perina. Mas gusto ko po ang upuang yari sa kawayan. Magaan ho sa pakiramdam pag inu-upuan. Presko at hindi pa mainit."
Ngumiti ito "mabuti naman." Luminga ito sa paligid "Mga anak, pumarito muna kayo may bisita tayo." tawag nito na ang pinatutunguhan ng boses ay patungong kusina. Lumabas ang isang lalaki at isang babae na naghaharutan at nagtatawanan.
"Inay, si kuya, binasa ako ng sabaw ng sinaing." sumbong ng batang babae na sa tingin niya ay labin-dalawang taong gulang.
"Eh, kasi naman Inay, sobra na naman sa sabaw ang sinaing niya, balak na namang gawing lugaw ang kakainin natin mamaya." nakatinging reklamo ng lalaki na sa tingin niya ay nasa labin-lima ang edad o mas bata pa.
"Talaga kayong mga bata kayo. Magsi-ayos nga kayo at may bisita tayo."
Sabay na dumako sa kinauupuan niya ang mga mata ng mga ito.
"Hi." nakangiti niyang sabi. Natutuwa siya sa mga bata.
"Wow." di napigilang bulong ng batang babae.
Tinakpan ng batang lalaki ang bibig ng kapatid. Nakatitig parin ito sa knya. "Hi." sabi nitong nahihiya.
"S'yanga ho pala, Aling Perina. Ako ho si Kylie Aguilar. Isa ho akong Photojournalist. Naparito po ako para magbakasyon at makita ang malaking hardin ng Villa Aceres."
"Una palang kitang nakita, alam ko na nag ta-trabaho ka sa media". Nakangiting tugon ni Aling Perina. "Sila ang aking mga anak, ito ang panganay ko si, Obet." tinuro nito ang lalaki. "at si Isay, ang bunso ko"
"Ate Kylie, talaga bang isa kang Photojournalist?" masayang tanong ni Isay. Tumango siya. Lalo namang lumiwanag ang muka ng dalawang bata.
"Mga anak, huwag niyo munang kulitin si Kylie ngayon. Marami pa namang pagkakataon na makakausap niyo siya. Pumunta muna kayo ng kusina at ipaghanda nyo ng mame-meryenda ang bisita natin."
"Ay, oo nga pala." nag-unahan ang dalawang bata papuntang kusina.
Natatawa namang binalingan siya ni Aling Perina. "Umupo ka muna, Kylie. Tayo muna ang mag-kwentuhan habang kumukuha ng meryenda ang mga bata."
Nakangiti niyang sinunod ito. "Aling Perina, isa pong kaibigang reporter na nakituloy sa inyo noong isang lingo ang nagturo sa akin nitong lugar niyo. Nalaman ko rin ho na isa kayong katiwala sa Villa Aceres. Maaari ko kayang makausap ang may-ari ng hacienda? Gusto ko kasi sanang kumuha ng ilang larawan ng hardin." pag-aamin niya sa talagang pakay.
Matagal na katahimikan ang pumagitan sa kanila. Si Perina ang pumutol nito. "Ang Poblacion ang kinamulatan kong lugar. Dito ako lumaki, maging ang aking magulang at mga anak. Ngunit madalang ko makita ang bagong may-ari ng Villa Aceres. Matagal nang nakatayo ang hasyenda, mula pa ito sa angkan ng mga Dominguez. Dati itong pagmamay-ari ni Don Francisco bago napunta ang lupain kay Reden."
Nahulog sa matagal na pagiisip si Kylie. Dominguez ang apilyido ng kanyang ina sa pagkadalaga nito. Kung hindi lamang niya alam na sa bayan ng Urdaneta Panggasinan nagmula ang kanyang mga magulang ay iisipin niyang malayong kamag-anak nila si Don Francisco Dominguez.
"Gusto kitang tulungan Kylie, dahil nakikita ko sa mga mata mo ang paghanga sa hardin at kagustuhang makita ito. Maaari kang pumunta bukas ng umaga. Ang alam ko ay nasa hacienda ngayon si Reden, maaari mong ipakiusap sa kanya ang kagustuhan mong kuhanan ng mga larawan ang hardin."
Sumilay ang maluwag na ngiti sa mga labi ni Kylie. "Maraming salamat po Aling Perina, tatanawin ko po itong malaking utang na loob."
Naputol ang pag-uusap nina Kylie at Perina nang dumating ang mga anak ng huli. Dala ni Isay ang isang plato ng Sandwiches. Samantalang dala naman ni Obet ang isang tray na naglalaman ng isang pitsel ng pampalamig at dalawang baso.
"Ate Kylie magmeryenda muna kayo ni Inay." sinalinan ng mga ito ang dawalang baso. Matagal na nakatayo ang dalawa sa harap ng mesa, kay Kylie nakatutok ang mga mata habang sinisimsim niya ang laman ng baso. Kung hindi pa tumikhim ang ina ay hindi pa aalis ang dalawa bata.
Sakto Alas-otso nang makaakyat siya sa kanyang kwarto. Kakatpos lang nilang maghapunan. Marami silang napagkwentuhan lalo na ng mga bata. Natigil lamang ito ng pigilan sila ng kanilang ina at ihatid siya sa kanyang magiging kwarto. Kahit tutol ay walang nagawa ang mga bata. Napag-usapan nila ni Perina ang kanyang pamamalagi sa tahanan nito habang naroon siya sa Poblicion. Medyo nalungkot pa nga ito nang sinabi niyang isang linggo lang siyang mananatili sa lugar.
Inayos niya ang kanyang mga gamit at maingat na isinalansan ang mga ito sa nakita niyang Cabinet na yari sa tabla. Nagustuhan niya ang silid. Hindi iyon kagoon kalakihan ngunit maaliwalas, masarap ang ihip ng hangin na nagmumula sa bintana. Katamtaman lang ang lambot ng kama, pero masarap higaan. Naisip niyang mapapasarap ang tulog niya ngayong gabi. Mabilis siyang kumuha ng damit pantulog sa cabinet na pinaglagakan niya ng kanyang mga damit kanina. Matapos niyang makapaglinis ng sarili ay maaari na siyang magpahinga mula sa mahabang biyahe.