Ilang bases ng pabalik-balik sa paglalakad sa loob ng kanyang silid si Reden. Hindi siya makapaniwalang nagawa at nasabi niya kay Kylie ang mga bagay na iyon. Nakatikim tuloy siya ng malutong na sampal sa ilalim ng malakas na ulan. Masakit ang sampal na 'yon ni Kylie at ramdam parin niya ang palad nito sa kaliwa niyang pisngi ngunit mas masakit ang nakita niyang lungkot at galit sa mukha ng dalaga.
Gulong-gulo ang isip niya. Hindi naman siya ganoon magtrato ng babae pero kapag nakikita nya si Kylie ay hindi niya mapigilan ang pangungulila at lungkot na dinala niya ng mahabang panahon. Pangungulila na pilit niyang kinakalimutan sa pamamagitan ng pakikipagrelayon sa kung sinu-sinong babaeng may sinasabi sa lipunan. Artista, modelo, anak ng pulitiko, mga socialites na kabilang sa tinatawag nilang alta-sociedad, na para bang mga tropeo sila na maghahatid sa kanya ng kasiyahan at tagumpay.
Naupo siya at marahang hinilot-hilot ang sintindo na para bang makapagbibigay 'yon ng sandaling ginhawa.
Inilabas niya mula sa drawer ng office table ang isang lumang larawan.
Dahil ba sayo kaya ko nararamdaman ang pangungulilang ito, Elisa? Matagal niyang tinitigan ang lumang larawan kasabay ang pagdaloy ng isang alala.
"Kamusta kana Red?" Malawak ang ngiting iyon ngunit hindi umabot sa magagandang mata ni Elisa."
"Nakikiramay ako, Elisa." Puno ng senseridad niyang niyakap ito. Ito ang pangalawang beses niyang nakita ito simula ng umalis ito sa Poblacion. Dali-dali syang lumuwas ng Maynila nang malaman ang trahedyang nangyari kay Julio sa pabrikang pinagtatrabahuhan nito. Hindi niya napigilang pagmasdan si Elisa. Ibang-iba ito sa Elisa na kilala niya na masiyahin at puno ng buhay. Ang nakikita niya ngayon ay isang matatag na babae, bahagya ang pamamayat at may lungkot ang mga matang pilit na ikinukubli ng mga ngiti sa labi. Para itong isang magandang bulaklak na natuyo at napabayaan.
"Elisa, hindi ko na patatagalin ang sadya ko. Gusto ni Don Francisco na bumalik ka na sa villa Dominguez. Isama mo ang anak mo."
Mariin itong ngumiti at inabot ang kanyang mga palad.
"Maraming salamat at ginagampanan mo kay Papa ang responsibilidad na dapat ako ang gumagawa. Siguro nga makasirili ako Red, iniwan ko ang Papa mag-isa para sumama kay Julio. Pero kahit kailan ay hindi ako nagsisi. Ang sampong taon na kasama si Julio ang pinaka-maligayang sandali ng buhay ko. Hindi kami mayaman at walang karangyaang naibigay si Julio pero sapat na ang pagmamahal at alala niya para manatili kami dito ng anak ko." Nakita niya ang determinasyon sa mga mata nito. Tinanggap at nirespeto niya ang desisyong iyon.
May ngiti sa mga labi na pinisil niya ang mga palad na iyon. Sa huling pagkakataon bago siya tumungo ng America ay nakita niya ang babaeng nag-iwan ng malaking puwang sa kanyang puso. Hindi niya alam kung kailan niya ito muling makikita o kung magkikita paba silang muli.
Mariin niya itong niyakap bago nagpaalam.
Palabas na siya ng gate nang marinig ang mga hikbi at mahinang iyak ng isang batang babae. Hinanap niya ang pinagmulan niyon at nakita ang isang batang kinukusot ang mga matang hilam ng luha.
"Hello, anong ginagawa mo dito at bakit ka umiiyak?" Tinabihan niya ito sa pagkakaupo mula sa bangko na gawa sa kahoy. Nagulat ang bata at saglit na tumigil sa pag-iyak. Tumitig ito sa kanya at sa murang edad ay makikita sa mukha ang pagtataka.
Nakita niya ang pinaka magandang pares ng mga mata. Bagamat namumula ng bahagya dahil marahil sa pagkusot nito at may namuuong luha ay hindi niya maipagkakailang puno ng ekspresyon ang mga matang iyon. Itim na itim at malalantik ang mga pilik, mga matang hindi niya malilimutan at tila nanunuot sa kanyang pagkatao.
"F-friend kaba ng mommy ko?" Matatas na tanong nito, with a glimpse of curiosity in her eyes. Lihim niyang inisip kung sino ang tinutukoy nitong mommy. Tinignan nyang mabuti ang bata. May pagkakahig ito kay Elisa, ang hugis ng mukha at ilong ay halos parehas. Maputi din ang kutis nito ngunit ang itim na itim na mata at buhok ay marahil minana nito sa amang si Julio.
"Y-yes, a very good friend." Bakit ba siya nauutal sa pakikipagusap sa isang bata.
"Friend ka din ng daddy ko?" Muli na namang tumulo ang masaganang luha sa mga mata nito. "D-daddy is gone na. He will never come back."
Hindi niya napigilang haplosin ang buhok nito. Sa murang edad nito na siyam na taong gulang ay naiintindihan na nitong hindi na muling makakasama pa ang ama.
"Your name is Kylie, right?" nakangiti niyang tanong dito
Tumango ito at muling tumitig sa kanya. "Listen Kylie, your Daddy is looking at you from heaven. Gusto mo ba ma-sad ang Daddy mo pag nakita ka niyang umiiyak?" Umiling ito at mabilis na pinahid ang mga luha.
Mabilis na dumako ang kanyang mga mata sa wrist watch na suot, ilang oras nalang ay flight na niya. Kailangan pa nyang bumalik sa hotel upang balikan ang kanyang luggage.
"Kylie, tell your Mommy to contact me if you need anything. She knows how to reach me. Take care of yourself and stay good." Sa huling pagkakataon ay tinitigan niyang muli ang magandang pares na mga matang iyon bago mabilis na tumalikod.
"Will I see you again?"
Hindi napigilan ni Reden ang sariling lingunin ang musmos na tanong na iyon.
"Yes, Kylie. Promise ko sa'yo, dadalhin kita sa pinaka magandang garden sa muli nating pagkikita"
Inabala ni Reden ang sarili sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa at tuluyan ng nakalimutan ang pangako. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Kylie sa villa Aceres isang taon matapos mamatay si Elisa. Natatandaan niyang handa na siyang ibigay kay Elisa ang hacienda pati narin ang malawak na lupain na pag-aari na niya ngayon, ngunit sinabi ng kanyang abogado na hindi nito gustong tanggapin iyon dahil alam nitong siya ang tumubos nito mula sa pagkakasangla sa bangko at nararapat lamang na siya na ang mag may-ari nito. Lubos na daw ang iniwan ng amang si Don Francisco para sa trust fund ng anak nitong si Kylie. Nabalitaan na lamang niya na namapayapa na si Elisa, ilang buwan mula ng makausap nito ang kanyang abogado. May malubha na pala itong karamdaman kaya hindi rin nakarating sa burol ng ama noong namayapa ito.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata sa ala-alang iyon. Ibinaba niya ang lumang larawan ni Elisa at tinignan ang kasunod na larawan. Sumilay ang ngiti sa labi ni Reden pagkakita ng larawan ng isang magandang dalagita na puno ng sigla at buhay. Larawan ito ni Kylie noong siya ay labin-limang taong gulang. Pinadala ito ni Elisa noong minsang sinagot nito ang sulat niya para rito at kinamusta ang anak nitong si Kylie. Hinaplos niya ang larawan na para bang mukha ni Kylie ang hinahaplos niya. Nakasuot ito ng uniporme at malawak ang pagkakangiti. Nasa highschool ito noon. May pagkakahawig ito sa inang si Elisa ngunit para sa kanya ay malaki ang kanilang pagkakaiba. Naalala niya ang kanilang pagkikita kahapon. Sa unang tingin ay inakala niyang si Elisa ito ngunit nang maglapat ang kanilang katawan at yakapin niya ito ng mahigpit ay alam niyang ito si Kylie. Kakaiba ang init na lumukob sa kanyang pagkatao na humaplos sa kanyang puso. Sa loob ng maraming taon ay pinanabikan niya ang muli nilang pagkikita.
Alas-dos na ng madaling araw ay hindi parin dinadalaw ng antok si Kylie. Nakatitig lang siya sa puting kisame at inaalala ang naganap sa kanila ni Reden. Nasaktan talaga siya sa sinabi at ginawa nito. Pakiramdam niya ay hindi patas na magalit ito sa kanya sa hindi niya alam na dahilan. Binanggit nito ang salitang inheritance at kilala nito ang kanyang ina. Ano ang alam nito sa pagkatao niya at bakit tila galit ito sa kanya.
Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng side table at hinanap ang numero ng kaibigang si Kaye. Matapos ang ilang ring ay sumagot ang tila namamaos na boses sa kabilang linya.
"Hey, it's already two in the morning. May nangyari ba?" Alam niyang nagising ang kaibigan sa pagtawag niya. Huli na para isipin iyon. Dahil sa kagustuhan niyang makausap ang kaibigan ay hindi na niya naisip ang oras.
"I'm sorry Kaye at nagising kita. Wala namang importante. Sige bumalik kana sa pagtulog." Pipindutin na sa sana niya ang end-call button
"Wait, don't hang up. I've been your friend for so many years at alam kong hindi ka basta-basta tatawag ng alas dos ng madaling araw kung walang dahilan. Now tell me, nasaan ka at ano na ang nagyayari sayo?" Parang nawala ang antok nito sa sunod-sunod na tanong.
"I'll text you the address later pero nasa Poblacion ako sa Sadanga. I think nandito ako sa lugar kung saan lumaki si Mommy. Well that I still don't know and have to find out." At kinuwento niya dito ang tungkol sa pagkikita nila ni Reden pati na rin ang hinala niyang may alam ito sa kanyang pagkatao. Kailangan niyang may mapagsabihan ng nararamdaman na ang inakalang pagbabakasyon ay napalitan ng kagustuhang malaman ang kanyang nakaraan at pinagmulan. Come to think of it, wala siyang masyadong nalalaman tungkol sa pamilya ng kanyang mga magulang. Ang alam lang niya ay ulila na ang kanyang ama at ang ina namang si Elisa ay lumayas sa kanila dahil tutol ang lolo niyang si Francisco sa kanyang amang si Julio. Sa Manila siya lumaki at namulat. Sa maraming taon simula ng mamatay ang kanyang ama noong siya ay siyam na taong gulang ay hindi na uli nabanggit ni Elisa ang lolo niya at ang bayang pinagmulan nito. Ang madalas lang nitong ikwento sa kanya ay ang tungkol sa isang magandang hardin na naging saksi sa magagandang alala at pag-ibig ng mga magulang. Natutop niya ang bibig, naisip niya na maaaring ang Don Francisco na nabanggit ni Aling Perina na dating may-ari ng lugar kung nasaan siya ngayon─ay ang kanyang lolo Francisco. Kung ganoon ay ang tinutukoy ni Reden na inheritance ay ang villa Aceres at ang malawak na lupain kasama na ang hardin ng pag-ibig.
"What a small world! Don't leave there. Kung totoong sa lolo mo ang lugar na iyan, ay may karapatan ka sa lahat ng naiwan niya. Okay, tatapusin ko lang ang tatlong araw na photoshoot ko sa Batangas at pupunta ako diyan." pagtatapos nito sa usapan nila. Naramdaman ng kaibigan na kailangan niya ito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Sanay siyang mag-isa at laging nakakarating sa malalayong lugar ngunit ngayon niya lang naramdaman ang matinding lungkot at pangungulila. Matinding saya ang kanyang naramdaman ng makita ang magandang hardin ng pag-ibig ngunit dama niya din ang lungkot. Lungkot para saan? Dahil sa pakikitungo ni Reden sa kanya? O dahil sa pag-aasam na malaman ang kanyang pinagmulan na matagal na itinago ng kanyang ina. Mas lalo kasi niyang naramdaman ngayon na nag-iisa na lamang siya. Ibat-ibang damdamin ang nabuhay sa pagtapak niya sa lugar na iyon at sa una nilang pagkikita ni Reden.
Nakatulog siyang may maliit na butil ng luha sa kanyang mga mata.
Nagising si Reden sa liwanag na nagmumula sa bintana. Nakalihis ang makapal na kurtina kaya nakasingit ang liwanag na nagmumula sa labas. Malamang ay madaling araw na siya nakatulog kaya late na rin siya nagising. He is an early riser. Madalas ay alas-sinco palang ng umaga ay gising na siya. Nakasanayan na niya iyon simula ng siya ay bata pa. Pitong taong gulang palang ay marunong na siyang mag-igib ng tubig. Maka-ilang beses niyang babalikan ang maliit na poso at gamit ang dalang tabo ay mapupuno niya ang timba para sa pampaligo ng kanyang inang si Nina. Mahal na mahal niya ito kahit madalas siya nitong saktan at paluin. Kailan man ay hindi siya nagalit dito. Galit siya sa kanyang ama na nang-iwan sa kanila. Anim na taon pa lamang siya nang iwan sila nito at sumama sa biyudang amo na pinagsisilbihan nito bilang driver. Simula noon ay nag-iba na ang kanyang ina. Lagi na itong iritable at mainitin ang ulo. Madalas din itong uminom ng tuba at humihithit ng tabako na para bang sa paraang 'yon ay maliimutan nito ang kanyang amang nag abandona sa kanila.
Lumabas siya ng balkonahe upang makita ang magandang hardin sa umaga. Iyon ang pinaka paborito niyang oras para pagmasdan ang hardin. Sariwa at mabango ang hangin dahil sa mga bulaklak. Nang umagang 'yon ay langhap niya rin ang hamog na nabuo sa mga halaman at mga bulaklak dahil sa pag-ulan kagabi. Ang gusto lamang niyang gawin sa ganitong pagkakataon ay sumimsim ng mainit na kape habang pinagmamasdan ang kagandahan ng paligid.
Malulutong na halakhak ang nagpatigil sa kanyang pagmumuni-muni. Nakita niya sa 'di kalayuan si Kylie kasama ang dalawang bata. Mukhang nagkakatuwaan ang mga ito sa harap ng masarap na agahan. Masaya si Kylie, ibang-iba noong nagdaang gabi. Kay ganda nito lalo na kapag tumatawa at kumikislap ang magagandang mata. Para itong hamog sa umagang iyon na nabuo dahil sa pag-ulan.
Naisip niya na mas magiging maganda ang bawat umaga kung kasama ang babae sa kanyang makikita.