Chereads / The Hidden Paradise / Chapter 3 - While in the Woods

Chapter 3 - While in the Woods

"Wala 'yon Nay, isipin niyo nalang na lagnat laki lang 'yon. Ang sabi ng doctor dahil lang sa pilay sa braso kaya nilalagnat si Isay ngayon. Pero tignan niyo nakangiti pang natutulog sa malambot na kama." natatawang sabi ni Obet ngunit isa man sa mga tao sa sala ay walang natawa. Nasa malaking living room sila ngayon ng villa. Katatapos lang tignan ng doctor si Isay at ngayon ay nagpapahinga ito sa isa sa mga guest room ng roon.

"Kasalanan ko ito, kung hindi ko isinama ang mga bata, hindi sana nangyari ito."

"Kylie, wala kang kasalanan, nangyayari talaga ang mga aksidente nang hindi natin alam at saka ako ang nagsabi sa mga bata na samahan ka nila." mapagkumbabang sabi ni Perina.

Palipat-lipat kina Perina at Kylie ang nanunuring mata ni Reden. Bumuntong hininga ito. "Kailangan magpahinga at magpagaling ng anak mo Perina. Mag-stay muna kayo dito hanggang hindi pa nawawala ang lagnat nya."

Nag-angat ng paningin si Kylie mula sa pagkakayuko. Nagkatitigan ang dalawa. Buo at deretcho ang titig nito kay Kylie. 'Yong titig na parang siya lang ang nakikita. Si Kylie ang unang nagbaba ng tingin.

"Tungkol sa pakay mo Ms. Aguilar, maaari nating pag-usapan sa study room." Tumalikod ito at tinungo ang isang silid malapit sa living room. Nag-aalangan man ay sinundan niya ito. Para itong isang hari na ang bawat salita ay batas na dapat sundin.

"Mr. Aceres, I don't think this is the right time para pagusapan kung ano ang pakay ko dito sa Poblacion. Makapaghihintay naman ako." Mas iniisip niya ngayon ang kalagayan ni Isay at sinisisi parin ang sarili sa aksidenteng naganap dito.

"I dont think makapaghihintay ang sadya mo. Alam kong matagal mong hinintay ang pagkakataong ito dahil wala na si Elisa." galit nitong tugon sa mga sinabi niya ngunit sumilay ang lungkot sa gwapong mukha nito nang banggitin ang pangalan ng kanyang ina.

"Paano nasama ang mommy ko sa usapang ito? At paano mo siya nakilala?" Nalilito s'ya sa lalaking ito. Ipina-imbestigahan ba sya nito at inalam ang pribado nyang buhay.

"You dont have to know. I have my own ways to know everything about you, Kylie Dominguez Aguilar. Kelangan mong manatili dito sa villa kung gusto mo talagang mabawi ang villang ito kasama na ang malawak na lupain ng mga Domiguez. You know, mahabang proseso ito Ms. Aguilar."

Kitang-kita niya ang galit sa mukha nito ngunit sandali lang, mabilis ding nagbago iyon at naging pormal ang anyo. "Ipapakuha ko ang mga gamit mo, alam kong tumutuloy ka ngayon sa bahay ni Perina."

Litong-lito talaga sya sa inaasal ng lalaking ito. Ngayon lang sila nagkita pero parang kilalang-kilala siya nito. Hihirit pa sana siya upang magtanong tungkol sa sinasabi nitong lupain ng mga Dominguez ngunit ang malapad na balikat at matikas na likod na nito ang kanyang kaharap. Namalayan na lamang niya na kausap na nito ang isang kasambahay at nagbibilin ng mga dapat nitong gawin.

Tinungo nya ang silid ng tinutuluyan ni Perina at Isay, hindi na siya nagulat na nasa loob na din ng silid si Obet. Matagal din ang pakikipag-kwentuhan niya sa mga ito, bigla ay nakaramdam siya ng pangulila at si Perina lang at ang dalawang bata ang kilala nya sa lugar na iyon. Ngayon lamang niya naramdaman ang ganoong pangungilila simula ng mamatay ang kanyang inang si Elisa. Sanay siyang mag-isa at laging nasa malayong lugar dahil sa kanyang trabaho ngunit hindi niyon maaalis ang mangungulila sa kanyang ina na hindi na niya muli pang makikita.

Sinigurado niya munang maayos ang kalagayan ng dalawang bata bago siya pumayag na sumama sa kasambahay na initusan ni Reden patungo sa kanyang magiging kwarto. Isang mahabang pasilyo ang kanilang dinaanan. Dalawang magkatapat na pinto sa dulo ng pasilyo ang kanilang hinintuan. Ang kaliwang pinto ang binuksan ng kasambahay. Nalaman niyang Sitas ang pangalan nito, matapos niya iyong tanungin at magpasalamat. Bago pumasok ay tinapunan muna niya ng tingin ang katapat na pinto.

Isang malaki at napakagandang silid ang pinasok nila. Hindi mukhang guest room ang kwartong ito. nagtatakang pahayag ni Kylie sa sarili. Muli niyang iginala ang paningin sa silid. Ang bawat bagay sa loob ng kwarto ay kakikitaan ng karangyaan. Binuksan niya ang isang Built-in cabinet at bigla nalang uminit ang kanyang dugo nang Makita ang kanyang mga gamit sa loob nito. Sumosobra na, masyadong ng ini-invade ng lalaking 'yon ang privacy ko.

Mabilis siyang lumabas ng silid at binaba ang magarbong hagdan na yari sa magandang klase ng kahoy at materyales. Hinanap ng kanyang paningin ang lalaki upang komprontahin ito sa ginawang pagkuha sa kanyang mga gamit nang wala ang kanyang pahintulot, nang maamoy niya ang masarap na amoy ng sinigang. Alam nyang sinigang sa Miso iyon dahil isa iyon sa mga paborito niyang kainin. Bigla ang pagkalam ng kanyang sikmura. Tinignan nya ang suot na wrist watch. Ala-Sais na ng hapon at hindi pa pala siya nagtatanghalian. Isang sandwich lang ang kanyang agahan kanina galing sa bitbit na basket ni Isay.

"Ms. Aguilar, samahan mo akong kumain. Alam kong gutom ka na."

Muntik na sya mahulog sa huling baitang ng hagdan nang marinig ang maganda at authoritative na boses ni Reden. Nakaupo na ito sa kabisera ng hapag kainan at nag-umpisa nang kumain.

Gusto niyang tanggihan ito at ipakita ang galit niya dito, ngunit mahirap tanggihan ang Sinigang sa Miso at iba pang masasarap na pagkain na nasa ibabaw ng malaking dining table. At higit sa lahat ay kanina pa nagrereklamo ang tiyan niya. Pinili niyang lunukin ang pride sa pagkakataong iyon at sundin ang tawag ng sinigang sa mesa.

"A-ang mga bata?" mahinhin niyang sabi habang hinihila ang isang silya sa bandang kanan ni Reden. Ngunit ang totoo kanina niya pa gustong sunggaban ang mga pagkaing nakahain sa hapag.

"Hindi pa kayang tumayo ni Isay kaya hinayaan kong samahan ni Perina ang mga anak niya at pinadalhan ko sila ng hapunan sa kwarto."

Habang sumusubo ay napansin ni Kylie ang magagandang rosas na nasa vase. Kumunot ang noo niya dahil natatandaan niya ang rosas na nasa vase. Natatandaan niyang ang rosas na ito ang nagiisang pulang rosas na umagaw ng kanyang pansin kanina sa hardin. Pinili nalang nyang manahimik at pigilin ang pagkainis nya sa lalaki. Pasalamat ka sa masarap na sinigang at magandang rosas sa mesa.

Lihim na pinagmasdan ni Reden si Kylie habang sumusubo at nag-e-enjoy sa pagkaing nakahanda sa lamesa. Hindi siya makapaniwala nang una n'ya itong makita kanina. Bagatma't malaki ang pagkakahawig nito sa ina nitong si Elisa ay malalaman niya pa rin ang pagkakaiba ng dalawa. Madaling makita sa mga mata ng dalaga kung ano ang nararamdaman nito. Kagaya na lamang ng nakita niyang saya sa mga mata nito habang sinusuyod ng tingin ang kagandahan ng hardin at maging tuwing kausap ang dalawang bata. Kumikislap ang mga mata kapag masaya kasabay ang halakhak ng mga labi. Alam niya ring galit ito kanina habang bumababa ng hagdan dahil umaapoy ang mga mata nito sa kimkim na sama ng loob. He liked how he can predict her actions na para bang pag-aari nya ito. Elisa on the other hand was reserved and composed, bilang ang galaw at laging sigurado kung ano ang gustong gawin. They both have graceful movements in their own different ways. Pero hindi siya dapat magpadala sa inosenteng mukha ni Kylie. Alam niya kung ano ang pakay at gusto nito.

Matagal niyang hinintay ang pagbabalik ni Elisa para ibalik ang lahat ng pag-aari nito na na iniwan ni Don Francisco. Ngunit tinutoo nito ang sinabing hindi na babalik sa Poblacion at magiging maligaya sa piling ni Julio hanggang sa huling sandali. Labin-limang taon mula ng umalis si Elisa sa Poblacion ng lumubha ang karamdaman ni Don Francisco at hindi nagtagal ay binawian rin ng buhay. Bumalik siya sa mula sa America at nalaman na nakasanla sa banko ang malawak na lupain ng mga Dominguez kasama na ang villa. Dahil matayog na ang kanyang negosyo at matagumpay ang exportation sa bansang US at Japan kasama na ang malaking halagang hiniram nya sa banko, ay natubos niya ang lupain sa malaking pagkakautang. Malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang ginugol niya sa Poblacion at sa villa Aceres at hindi siya nagsisi na binawi niya ang lupaing iyon. Itinuring niya ring pag ganti ng utang na loob sa namayapang Don Francisco ang ginawa niya. Si Don Francisco ang kumopkop sa kanya nang mamatay ang kanyang ina dahil sa cancer sa baga dulot ng labis na paninigarilyo nito. The late Don Francisco took care of him and sent him to good schools to get better education. Tinanaw niya 'yong malaking utang na loob dahil mas gugustuhin niyang ituring na ama ang Don kesa sa totoong ama na hindi na niya nakilala dahil iniwan silang mag-ina. Ang hindi niya maintindihan sa sarili ay kung bakit hindi niya pa sinasabi kay Kylie ang bagay na iyon at hinayaan nya pang manatili ito sa villa. Handa ba siyang bitiwan ang villa Aceres at ang malawak na lupain para sa babaeng ngayon lang nagpakita at biglang nagkainteres sa mananahin nito? He wondered how those beautiful eyes would react pag nalaman nitong wala naman talaga siyang mamanahin mula sa yumaong lolo.

Matagal na siyang nakatitig sa kisame habang nakahiga sa malambot na kama, pumanhik siya kaagad sa kanyang silid matapos ang masarap na hapunang. Laman parin ng isip si Reden at ang pagkikita nila kaninang umaga. Kung kumilos ang lalaki ay parang kilalang-kilala siya nito. Wala itong inhibition sa pakikitungo sa kanya gayong ngayon lang sila unang nagkita. At hindi niya rin nalaman kung bakit kilala nito ang kanyang ina. Isa sa mga araw na ito ay tatanungin niya ang lalaki.

Bigla niyang naalala ang kanyang kaibigang si Kaye. Si Kaye ang unang nakakaalam ng magaganda at pangit na nangyayari sa buhay niya simula nang mamatay si Elisa. Agad niyang hinagilap ang kanyang cellphone upang ibalita kay Kaye ang latest na nangyayari sa kanya at upang ipaalam dito na ligtas siyang nakarating sa Poblacion. Natapik nya ang sarili nang maalalang naiwan niya nga pala sa Navara ang kanyang cellphone dahil dala niya kanina ang kanyang camera.

Dali-dali siyang lumabas ng kanyang kwarto, Alas-nueve na ng gabi at marahil ay tulog na mga tao sa loob ng villa. Alam niyang maaga matulog ang mga tao sa probinsya at mabuti iyon dahil wala siyang maiistorbo sa pag-labas niya ng bahay. Kailangan niyang makuha ang cellphone niya dahil marami siyang phone calls at messages na hinihintay.

Maingat nyang hinakbang ang kanyang mga paa palabas ng silid. Ngayon ay nakasuot na sya ng rubber shoes para hindi sya mahirapan sa pagpunta na mini tropical garden na pinag-iwanan nya ng kanyang Navara.

"Where do you think you're going at this hour?"

Kamuntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang buo at may kalakasang boses ni Reden. Marahan siyang lumingon upang malaman kung saan nagmula ang boses. Namangha sya nang makitang nasa bungad ito ng pinto ng katapat na silid. Ngayon niya lang nalaman na ito pala ang gumagamit ng kwartong iyon.

"Ahh...magpapahangin lang sa labas. Gusto kong makita ang hardin kapag gabi." alanganin niyang sagot sa tanong at mapanuri nitong titig.

"I'll go with you." Nahihimigan nya ng pagdududa ang tonong 'yon ni Reden kaya naman minabuti na nyang aminin dito ang ang planong gawin.

"Okay, you got me. Pupunta ako sa sasakyan ko na naiwan sa tropical garden. I need to get my phone." pagsukong amin niya sa totong plano.

"I'll have someone to get it first thing in the morning. Now, you can go back to your room and take a good rest." ma-awtoridad nitong sabi na ngayon ay nasa harap na niya. Hindi niya namalayan ang paglapit nito, naramdaman na lamang niya ang mainit na palad nito na kulong ang kanyang kanang palad. Gumapang ang kilabot mula duon patungo sa kanyang katawan. Parang maliliit na boltahe ng kuryente sa simpleng pagdaupa ng kanilang mga palad. Naramdaman niyang may kinuha ito sa kanyang nakatikom na kamay. Saka niya lang narealize na kinuha nito mula sa kanya ang susi ng Navara.

"Hey, give me back my keys." Ang kaninang kilabot na nararamdaman ay napalitan ng inis para sa lalaki. Napapadalas ang pagiging control freak nito at pakikialam sa mga desisyon niya.

"Ipipilit mo talaga ang pagkuha sa phone mo sa ganitong oras ng gabi? Hindi ka ba makatulog nang hindi nagrereport sa boyfriend mo kung ano na ang ginagawa mo?" may pang-uuyam nitong sabi sabay ang mapanuring titig.

Hindi alam ni Kylie pero para siyang bulaklak na tumitiklop kapag kausap nya ang lalaki. Hindi niya kayang tapatan ang nakakatunaw na mga titig nito. Wala pang lalaki ang nakagawa sa kanya ng ganoon. Malaya siyang ginagawa kung anuman ang gustuhin nya at higit sa lahat walang lalaki ang nakaka-resist sa kanyang karisma.

"May mahalaga akong phone call na hinihintay. P-please, I need to get my mobile phone." pagpapakumbaba niya dito.

Matagal siyang tinitigan ni Reden na parang nanunuot sa kanyang kaluluwa ang mga titig na iyon. Kagaya ng inaasahan, siya ang unang nagbaba ng tingin.

Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. "Saan mo iniwan ang sasakyan mo, samahan mo ako at ituro mo sa akin." Nagpati-una na ito sa paglalakad. Naiwan siyang naguguluhan parin sa mga kilos at pangenge-alam nito.

"Sa may tropical garden, makitid na kasi ang daan kaya hindi ko na naipasok pa ang sasakyan ko."

Bigla ang pagharap sa kanya ni Reden na ikinagulat niya. "Hindi iyon ang daanan patungo sa villa kaya walang sasakyan ang makakadaan doon." Matagal siya nitong tinitigan bago muling nagsalita. "Kung sa bagay, maraming magsasaka ang magtataka kapag nakita ka nila at baka pagkaguluhan kapa kapag sa harap ka ng villa dumaan." Saad nito bago muling tumalikod at mauna na naman sa paglalakad. Lihim siyang napangiti, naalala ang parehong litanya na sinabi ng mga bata kanina.

Wala silang imikan habang tinatahak nila ang madilim na daan. Ito ang pumunit sa katahimikang pumapagitan sa kanilang dalawa. "Saan mo ba banda iniwan ang sasakyan mo?"

"S-sa likod ng manggahan, bago makarating sa metal bridge."

"Sampong minuto ang lalakarin natin bago tayo makarating doon, medyo madulas at madilim ang daan sa tropical garden. Gamitin natin ang pick-up ko para makarating doon, iikot nalang tayo mula sa harap ng villa." Mahabang paliwanag ni Reden ngunit isa man doon ay wala siyang naintindihan. Malapit na malapit ang mukha nito sa kanya. Nasa huling baitang siya ng hagdan kung kaya naman ay halos magkatapat na ang kanilang mga mukha sa taas ng lalaki na six feet ay bahagya nalang ang pag-angat ng kanyang mukha upang maabot ang mga labi nito. Napailing siya sa naisip.

Hindi siya makatingin dito dahil pakiramdam niya ay sumisingit ito sa pagtitig sa kanya sa pagitan ng pag-concentrate nito sa pagmamaneho. Kaya ipinagkasya nalamang niya ang kanyang sarili sa pagtitig sa tanawing pilit inaaninag sa labas ng bintana.

"Mabuti at may nakikita ka pa diyan?" nakangiti nitong sabi habang nakatutok parin ang mga mata sa pagmamaneho.

Nahihiya namang inalis ni Kylie ang mga mata sa bintana. Hanggang sa marating nila ang kinaroroonan ng kanyang Navara. Mabilis itong umikot para buksan ng kanyang pinto. Gusto niya ang ginagawa nito pakiramdam niya ay isa siyang mamahaling kristal na dapat ingatan. Mabilis nilang tinunton ang pakay at kinuha ang bagay na pinag-aksayahan nila ng panahon.

"Is that phone call really important to you, for you not to wait in the morning to get your phone?" seryosong tanong ni Reden habang mariin na namang nakatitig sa kanya. Ito rin ang bumasag ng katahimikan. "Bakit ka nagpunta dito Kylie. Anong pakay mo sa pagbabalik sa Poblacion?"

Ramdam niya ang diin sa mga sinabi nito. "H-hindi ko maintindihan, ngayon lang ako nakarating ng Poblacion. Naguguluhan nako sa sa'yo, kung kumilos at magsalita ka ay parang kilalang-kilala mo ako. Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko, paano mo nakilala ang mommy?" There, hindi niya narin napigilan ang sarili na magtaray. Gulong-gulo na siya sa lalaki. Madalas ay tahimik lang ito at pinagmamasdan siya pagkatapos biglang magagalit sa hindi nya alam na dahilan.

"You came here to get your inheritance, don't you? Hindi ka kagaya ni Elisa na mas inuuna ang kaligayahan at pag-ibig kaysa sa kayamanan at karangyaan. Well, I don't blame you my dear Kylie, you are just being practical. Why don't you just share the bed with me tonight and I'll make sure you will get all the luxury, life has to offer." Sabay nito ay ang paghapit nito sa kanyang bewang at mariing halik sa kanyang mga labi na halos ikapugto ng kanyang hininga. Nagpumiglas siya, bukod sa hindi niya maunawaan ang mga sinabi nito ay hindi niya rin nagustuhan ang trato nito sa kanya na parang isang kaladkaring babae na masisilaw sa kayamanan nito. Buong lakas niya itong tinulak kasunod ang pagdapo ng kanyang palad sa kaliwang pisngi nito.

Kasabay ng guhit ng kidlat mula sa madilim na langit ay ang malakas na kulog at malalaking patak ng ulan ang namagitan sa kanilang katahimikan.