Muling nilibot ni Kylie ang paningin sa paligid. Kasama niya sina Obet at Isay sa hardin habang nag-aagahan at nagkakatuwaan. Magiliw ang dalawa at makwento kaya naman madali niyang nakalimutan ang mga iniisip kagabi. Idagdag pa ang sariwang umaga at masarap na almusal na sinamahan pa ng mainit na kape. Nakaka-relax ang lugar na malayo sa polusyon at ingay ng siyudad. Ibang-iba sa ginhawang nararamdaman niya ngayon habang nasa garden set na iyon na may pang-apatang upuan malapit sa turquoise pool at asul na asul na man-made lagoon.
"Hi, kuya Reden," masayang bati ni Isay na nagpatigil sa kanyang pagmamasid sa paligid. Papalapit na ito sa garden set at may dalang tasa ng kape at news paper. Hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin. Naalala niya bigla ang ginawa niyang pagsampal dito kagabi.
"Mabuti at nailalakad mo na ang mga paa mo, Isay." nakangiting sabi nito habang umupo sa bakanteng upuan na malapit sa kanya.
"Oo nga kuya Reden, pero syempre kailangan ko parin ng saklay." masaya paring sabi ni Isay habang iika-ikang lumakad sa harap nila, gamit ang saklay nito.
"Huwag mo munang masyadong ilakad 'yan, Isay." putol niya sa ginagawa nito. Nag-aalangan siyang bumaling kay Reden. "K-kumain ka na ba? saluhan mo na kami ng mga bata."
"I would love to.." matamis ang ngiting iniwan ni Reden bago nito pagkaabalahan ang mga pagkaing nakalatag sa mesa.
"Busog na 'ko, Ate Kylie. Pupunta lang kami ni kuya Obet sa may gazebo, gusto kong makita ang magagandang orchids doon." putol ni Isay at mabilis na kumapit sa kapatid para magpatulong. Mabilis na nakalayo ang dalawa bago pa man siya nakatutol. Naiwan silang dalawa ni Reden sa bahaging iyon ng hardin.
"Alam mo bang ito ang pinakamaliwanag na bahagi ng hardin?" putol ni Reden sa mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nilingon niya ito at nakita niya ang malawak nitong ngiti at mga matang sa kanya lamang naka titig. Refreshing and very relaxed ito kakaiba sa seryosong mukha at laging naka kunot na noo sa nakalipas na araw ng kanilang pagkikita.
"Kylie, nakikita mo ba ang mga ilaw na 'yon na nakatago sa mga puno at pati na ang mga ilaw na 'yon na nakapalibot sa lugar na ito. Sa mga puno ring 'yan nagtatago ang mga alitaptap tuwing gabi kung kaya't nakakadagdag sila sa liwanag ng lugar. Kapag nagpunta ka dito mamayang gabi, makikita mo ang lahat nang 'yan na nakasindi na halos masilaw ka sa liwanag." Hindi halos rumihistro sa kanya ang mga sinabi nito. Paulit-ulit niyang inalala kung paano nito binanggit ang kanyang pangalan. Ito ang unang beses na sinabi nito ang pangalan niya ng mahinahon at sa malambing na tono. "Sa buong harding ito rin ang kauna-unahang naliliwanagan ng araw. Medyo may kataasan kasi ang bahaging ito ng hardin at nagkataon pang sa silangan ito nakapuwesto."
"B-bakit hindi ko napansin ang lugar na ito kagabi?" kinailangan niyang sabihin 'yon upang hindi nito mapansin na hindi siya naka-focus sa mga sinasabi nito. Masyado kasi siyang namangha kung paano biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya sa kabila ng hindi magandang engkwentro nila kagabi.
"Magkasalungat kasi ang kinaroroonan nito at ng silid mo. Ang silid mo ay nasa bandang kanluran. Kapag sumungaw ka sa bintana ang matatanaw mo mula roon ay ang gazebo sa lugar ng mga orkidyas. Alam ko na, let's have a dinner tonight. Gusto kong ipakita sayo ang sinasabi ko."
Kinasabikan niya ang ibang lugar sa hardin na hindi niya pa nakikita. Parang gusto niya tuloy libutin ang hardin sa oras na iyon. Ngunit higit sa lahat kinasabikan niya ang dinner na kasama ito. Marahil dahil sa marami siyang gustong malaman at itanong mula rito. Pagtatanggol niya sa sarili. Sana lang ay ganito parin ang mood nito mamayang gabi.
"Come, I want to show you something." Bigla nitong hinawakan ang kanyang kamay at kinuha mula rito ang tasang wala ng laman at nilapag sa mesa. Akala niya ay bibitawan na nito ang kanyang kamay ngunit ikinulong nito iyon sa palad nito. Marahan siya nitong hinila patayo upang sumunod dito. Ilang minuto nilang binaybay ang malawak na hardin. Ibat-ibang klase ng bulaklak, mga puno at halaman ang nadaanan nila hanggang sa makarating sila si isang wooden bridge. Mga ilang metro ang haba niyon at mapapansin na maganda ang pagkakagawa ng tulay at mukhang matibay. Tinawid nila ang bangin gamit ang tulay at nadaanan ang isa na namang tropical garden. As they got closer, the gushing sounds became louder, and there she sees a magnificent waterfall cascading in its splashy glory. Ngayon lamang siya nakakita ng ganito kagandang falls at napaka linaw na spring sa bundok. Bigla niyang nahiling na sana ay dala niya ang kanyang camera to capture the marvelous sight.
"Pwede tayo bumalik dito anytime you want, you can bring your camera next time." para ba nahulaan nito ang inisip niya. Pumuwesto ito sa isang malaking bato at hinubad ang T-shirt. Namalayan na lamang niya na nakalusong na ito sa malinaw na tubig. "Come join me, Kylie. Sakto lang ang lamig ng tubig."
Natuwa siya sa nakikitang pag-e-enjoy nito sa pag langoy sa tubig at sa kagandahan ng paligid kaya mabilis niyang hinubad ang t-shirt at maong na shorts at nilapag sa batuhan. Pink terno undies na may black lining lamang ang natira sa kayang katawan ngunit hindi na niya iyon ininda dahil mas nanaig sa kanya ang kagustuhang maranasan ang malinaw na tubig. Nasa gitna na siya ng spring nang maalala si Reden. Wala na ito sa paligid. Makailang beses niyang nilibot ng tingin ang batis, ang falls at maging ang mga batuhan. Bigla ang pagsibol ng kaba sa kanyang dibdib. Inisip na marahil ay iniwan siya nito.
"R-Reden? Reden, come on. I'm not joking." Aahon na sana siya sa tubig nang biglang kung saan ay sumulpot ito mula sa tubig. Kasunod ang malakas na halakhak.
"You scared me!" may bahid ng inis na sabi niya dito bago akmang aahon na sa tubig.
Hinawakan siya nito sa balikat upang pigilan. Tumigil na ito sa pagtawa ngunit nakangiti pa rin. "I'm sorry, I just want to check if you still know how to speak. Kanina kapa walang imik. It kind a worries me." Pagkaraan ay sumeryoso ito at tinitigan ang kanyang mukha.
"I-I felt guilty while there you are as if nothing happened last night. Naguguluhan ako." Umiwas siya ng tingin dito, naalala ang ginawa niyang pagsampal dito kagabi.
"There's nothing you should be guilty about. Ako ang nakakaramdam niyon ngayon. That's why I wanted to make it up to you."
Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit nagbago ang trato nito sa kanya. Gusto nitong bumawi. Hindi magtatagal ay malalaman din niya kung bakit masungit ito noong una silang magkita.
"Forget about yesterday and think of today as our first meeting, Kylie."
"Oh, what a good plave for our first meeting," sabay silang tumawa sa naisip.
"I can see that you are good swimmer. Would you like a race?" putol ni Reden sa mahaba nilang tawanan.
"Game!"
At napuno na naman ng halakhakan ang paligid.
Excited na pinagmasdan ni Kylie ang sarili. Ilang beses na siyang pabalik-balik sa harap ng salamin upang tignan ang ang kanyang ayos para sa dinner nila ni Reden. Nangako itong ipapakita sa kanya ang bahagi ng hardin na hindi pa niya nakikita at ayon kina Isay at Obet ay napakaliwanag nito tuwing gabi. Napapikit siya ng mahigpit, naisip kung saan nga ba siya nananabik, sa magandang lugar na makikita o dahil magkakaroon na naman sila ni Reden ng moment together. Simula kasi ng makasama niya ito kanina sa may batis ay hindi na ito nawala sa isip niya. Masaya itong kasama, matalino at hindi nakakasawang kausap. Marami silang topic na napagusapan at ni minsan ay hindi siya nainip sa paguusap nila. Bumalik ang ngiti sa mga labi ni Kylie nang maalala ang mga nangyari kaninang umaga bago muling sinipat ang sarili sa salamin.
Nang makuntento ay lumabas na siya ng silid. Sigurado siyang nasa hardin na ito dahil kinatok na siya ni Sitas kanina at sinabing sa hardin na siya dumirecho para mag hapunan. Ramdam niya ang samyo ng hangin sa kanyang mukha. Tamang-tama ang suot niyang cardigan dahil may kalamigan, idagdag pang nasa mataas na bahagi ang lugar na iyon ng Poblacion.
Mga ilang hakbang paglabas niya ng hacienda ay natatanaw na niya ang maliwanag na bahagi ng hardin. Maliwanag na maliwanag nga iyon ngunit kailangan niya pang umakyat sa hagdang yari sa bato at tabla para lubusang makita ang paligid.
Napasinghap si Kylie nang tuluyang marating ang itaas niyon. Halos masilaw siya sa kagandahan ng paligid. Maraming iba't-ibang ilaw parang kagaya ng sa Garden of Morning Calm Spring Night noong nagpunta siya sa Sounth Korea. Ngunit masasabi niyang mas maganda ang hardin ng pagibig, very natural kasi ang pagkakalagay ng mga ilaw at hindi nasasapawan ang mga kulay ng mga bulaklak. May mga artificial water lilies din na may makulay na ilaw ang nakikita niyang mga nakalutang sa man-made lagoon. May mga munting liwanag din sa mga punong nakapaligid sa turquoise pool. Gumagalaw ang mga liwanag na iyon kung kaya nalaman niyang mga alitaptap ang mga iyon at napakarami nila. Kimikislap ang kanyang mga mata sa mga nakikita.
"Nagustuhan mo ba, Kylie?" Sa isang bahagi ay nakita n'yang nakatayo si Reden at papalapit sa kanya. Ilang beses niyang kinurap ang mga mata. My God pati ba si Reden ay nagliliwanag sa paningin ko?
"I knew it, magugustuhan mo ang lugar na ito." nakangiting sabi ni Reden. Namalayan na lamang niya na kulong na nito ang kanyang palad at marahan siyang ginagayak sa garden set. Napansin niya ang magandang center piece candle at flowers sa mesa at may bottle pa ng red wine, mukha ring masarap ang mga nakahaing pagkain. Inalalayan siya nitong umupo habang hindi parin nawawala ang malawak na ngiti.
"I never thought this place is going to be this beautiful. Ang romantic ng lugar, the best place for a date─." Natigilan siya sa huling sinabi. Iyon ba ang tingin niya sa sandaling iyon? A date night with Reden? Pinamulahan siya ng mukha sa naisip.
"You're right Kylie, romantiko talaga ang lugar na ito at hinding hindi ko ipagpapalit sa mga romantikong lugar kagaya ng Paris at Venice. I don't mind bringing my girl to this place everynight. Makahulugang turan nito habang nakatitig sa kanya. Umiwas siya ng tingin. She doesn't want to give meaning to his actions at baka ma-misinterpret na naman niya.
"Yeah, you can go to this place anytime you want dahil pag-aari mo ang magandang lugar na ito." May bahid ng inggit na sabi niya. She envy the girl he would bring to this beautiful place.
"Which can also be yours, if you want─" Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi niya lubusang maintindihan ang huling sinabi nito ngunit minabuti na nyang magtanong bago niya pa bigyan ng ibang kahulugan iyon.
"A-anong ibig mong sabihin?"
Nakita niya ang bahagyang pagkalito sa mukha ni Reden. Sandali itong yumuko bago muling tumitig sa kanyang mga mata. "This place is yours, Kylie."
"I-I don't understand. Anong ibig sabihin niyon at sino ka nga ba sa buhay ko Reden?"
Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. "Don Francisco, your grandfather is the owner of this place..he took care of me and treated me as his own."
Ilang sandali siyang hindi nagsalita habang nakatitig sa gwapong mukha ni Reden. Marami siyang gustong malaman at itanong mula kay Elisa noon. Marahil ito ang makaksagot nito ngayon. "A-ano bang nangyari dati, Reden? Bakit hindi ko nakilala ang lolo ko?"
Bumuntong hininga ito bago sinagot ang mga tanong niya "Eighteen noon si Elisa noong sumama siya kay Julio papuntang Manila. Dahil sa galit kaya tinakwil ni Don Francisco ang mommy mo. Hinanap ni Don Francisco si Elisa hanggang sa huling sandali ngunit noong mga panahong 'yon ay may karamdaman narin ang mommy mo. Ayaw n'yang malaman ng lolo mo ang karamdaman niya marahil dahil ayaw niyang magalala pa ito at ayaw nyang hanggang sa huling sandali ay sisihin ni Don Francisco ang namayapa mong ama dahil sa pagkakasakit niya. Kaya simula noong umalis si Elisa sa Poblacion ay hindi na sila muli pang nagkita."
"Bakit hindi sinabi sakin ni mommy ang tungkol kay lolo, bakit ipinagkait niya na makilala ko sya?" May lungkot niyang sabi habang iniisip ang mga nangyari noon.
"Hindi ko rin alam, Kylie. I was just seven when your mother left with Julio. And the next time I saw her was when your lolo asked me to look for her. She made me promise not to tell your Lolo na nakita ko siya. The third time was during your father's wake."
Bahagya siyang nalungkot pagkarinig sa pangalan ng ama. She remembered her mother was full of life and happy noong buhay pa ito. Ngunit parang kasama nitong namatay ang ama. Alam niyang mahal siya ng mommy niya, ngunit hindi na ito kasing sigla ng dati. Naging tahimik ito at istrikto. Kung kaya ginawa niya ang lahat upang intindihin ito at sundin ang lahat ng kagustuhan ng ina.
"I'm sorry about your parents and sorry kung ngayon mo lang nalalaman ang mga bagay na ito, Kylie."
"You don't have to be sorry, Reden. You have your own life to mind to."
"I'm glad you're back to where you really belong, Kylie." Sumilay ang magandang ngiti ni Reden at bago na naman siya makapag-isip ng kung anu-ano ay inaya na niya itong maghapunan. Reden is really different from the first time they saw each other.
Masaya nilang pinagsaluhan ang masarap na hapunan habang nagkukwentuhan at nagtatawanan. She is starting to love every minute with his company to the point na hindi na niya namamalayan ang oras kasama ito. It was almost midnight nang bumalik sila sa villa but ofcourse it was after they had their midnight snack and a hot cup of coffee. Isa iyon sa pinagkakasunduan nila, mahilig sila pareho sa masarap na kape.
Maaga nagising si Kylie, parang pinanabikan nya ang gumising ng umagang iyon. Mahigit dalawang lingo na siya sa Poblacion at kahit kalian ay hindi niya pinagsawaan ang bawat araw. Bawa't umaga ay pinananabikan niya. Halos gabi-gabi ay may romantikong dinner sila ni Reden sa iba't-ibang bahagi ng hardin. Hindi mapigilan ni Kylie ang mapangiti, hindi niya maikakaila ang damdaming unti-unting pinupukaw ni Reden. Mabilis siyang kumilos upang ayusin ang sarili. Aayain niyang mag-agahan si Reden. Tight jeans na hindi umabot sa sakong, puting t-shirt na may hindi kalakihang print ng brand nito at pulang branded sneaker─ ang napili niyang isuot. Sinuklay lamang niya ang kanyang basang buhok bago lumabas ng silid. Napansin niyang bukas ang pinto ng katapat na silid kung kaya ay naiisipan niyang kumatok ngunit walang sumagot mula sa loob. Maaring nauna ng nagising si Reden at naiwang bukas ang pinto ng silid. Isasarado na sana niya ang pinto nang mapansin ang larawan sa side table. Parang pamilyar sa kanya ang babae sa larawan. Namalayan na lamang ni Kylie ang paghakbang upang lubusang makita ang larawan. Larawan iyon ng kanyang inang si Elisa noong kabataan nito, marahil at labing walong taong gulang ito sa larawan. Pinagmasdan niya ang mukha nito, mukha itong masaya at puno ng buhay sa larawan kasama ang isang batang lalaki na sa tingin niya ay pito o walong taon. Tinignan niyang mabuti ang bata, hindi siya maaaring magkamali, si Reden ang bata sa larawan. May kapayatan ito at medyo may kaitiman sa larawan ngunit makikita parin ang magagandang asset nito kagaya ng makakapal na kilay at mga matang nangungusap at nakakatunaw kapag tumitig. Muli niyang pinagmasdan ang ina sa larawan. Hindi na niya matandaan kung kailan niya huling nakita ang mga ngiting 'yon ng kanyang ina, 'yong mga ngiting umaabot sa kanyang mga mata. Naalala niya ang unang pagtatagpo nila ni Reden. Mahigpit na mahigpit ang yakap nito sa kanya na parang ayaw siyang pakawalan kasabay ang pag-banggit nito sa pangalan ng kanyang inang si Elisa. Nakikita ni Reden si Elisa sa kanya at sa nakikita niya sa larawan noong kabataan nito ay malaki nga ang pagkakahawig nila ni Elisa. Mamula-mula nga lang ang buhok nito at hazel brown ang mga mata na lalong nagpatingkad ng mestiza-hin nitong kutis, kaiba sa kanya na kasing itim ng gabi ang buhok at mga mata na minana niya sa kanyang ama.
May maliit na kurot sa kanyang puso siyang naramdaman nang maisip iyon. Reden sees my mom in me.
Napadako ang tingin ni Kylie sa mga nakasulat sa baba ng larawan.
February 17, Happy Birthday, Red.
- Elisa
Ngayon ang kaarawan ni Reden. Mabilis na lumabas ng silid si Kylie at isinara ang pinto. Masaya siyang malaman iyon nang hindi pa lumilipas ang araw ng kapanganakan nito. Gusto niya itong hanapin at batiin sa kaarawan nito.
Nakita niya si Reden sa dining area at may kausap sa cellphone nito. Hindi siya nito napansin dahil nakatalikod ito sa kanya at nakaharap sa nakabukas na glass door kung saan matatanaw ang torquise pool. Napangiti siya habang tinitignan ito. Ibang-iba ang anyo ni Reden sa batang nakita niya sa larawan kanina. Matangkad ito sa taas na six inches, maganda ang built ng katawan na parang alaga sa gym with muscles in the right places. Parang ang sarap sandalan at kaya siyang protektahan kapag nakakulong siya sa mga bisig nito. Pinamulahan siya ng mukha nang maalala ang gabing hinalikan siya ni Reden sa tropical garden. Hindi niya parin maintindihan kung bakit ito galit sa kanya sa una nilang pagkikita pero ibang-iba na ang pakikitungo nito sa kanya ngayon. Na parang napaka espesyal niya.
Mabilis siyang kumilos at nagtungo sa kusina bago pa siya mapansin nito. Nakita niya si Sitas at Perina na naghahanda marahil ng agahan.
"Good morning aling Perina, Sitas."
"Magandang umaga Kylie." sabay na bati ng dalawa.
"Nagugutom ka na ba? Malapit ng matapos ang niluluto kong sinangag at ginataang tambakol. Kung gusto mo ay sabayan mo munang magkape si Reden habang naghihintay." Si Perina habang kumukuha ng tasa.
"Salamat po, aling Perina. Ano nga po palang paghahanda ang gagawin ni'yo ngayon para sa birthday ni Reden?" Nagkatinginan sina Perina at Sitas ng may pagtataka.
"Paano mo nalamang ngayon ang kaarawan ni Reden, Kylie?" Si Perina uli.
Pinamulahan ng mukha si Kylie sa tanong na iyon ni Perina. "Ah, actually po, aksidente ko lang nalaman." pag-aamin ni Kylie.
"Ang totoo, walang nakakaalam ng kaarawan ni Reden. Dalagita pa lang ako ay naninilbihan nako dito sa hacienda at kahit minsan ay hindi ko nalamang nagdiwang ng kaarawan si Reden, bukod pa sa matagal siyang namalagi sa Amerika at madalas sa Maynila." sabat ni Sitas habang inaabot kay Perina ang bote ng fresh milk.
Matagal na nag-isip si Kylie, gusto talaga niyang i-celebrate ang birthday ni Reden. "Alam ko na, magluto tayo ng masasarap na pagkain, aling Perina. Tutulong ako sa paghahanda. Medyo damihan natin para sa mga magsasaka."
"Gusto ko 'yan, tutulong din kami!" bungad ni Isay kasama si Obet. Nagulat si Kylie sa biglang pagsulpot ng magkapatid ngunit ipinagpasalamat na hindi si Reden ang biglang dumating.
Naging abala sila ng umagang iyon para sa paghahanda at surpresa nila para kay Reden na sakto namang busy din marahil sa negosyo dahil kung hindi may kausap sa cellphone ay nakatutok naman ito sa macbook nito.