"ZUP."
Nasa garden ako ngayon sa bahay, nagbabasa ng libro.
"Yah." I responded saka tinuloy ang pagbabasa ng libro.
Hindi na ako nagulat na andito siya sa bahay, hindi ko alam kung bakit dito ang meeting place nila kuya pag may balak silang puntahan.
Pero tanghali na, mag ba bike parin sila? Ang init kaya...
"May pupuntahan kayo?" Tanong ko nang hindi ko matiis na hindi siya kausapin. Since nag iba ang section ko mas naging madalang na lang kami mag usap. Hindi naman talaga kami nag uusap noon, palagi niya lang akong inaasar pero hindi kami nag uusap ng matino.
"Kakauwi lang namin." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Pawis na pawis siya, suot niya parin ang damit na pinagawa pa nila kuya sa ibang bansa. Medyo nakaawang ang kaniyang mapupulang labi at humihingal ng kaunti.
My brows furrowed. Eh, ba't hindi siya pumasok? Medyo mainit dito at least sa loob may aircon. Wala ba siyang panyo o pamalit man lang?
"Bakit?" Tanong niya habang nakatitig sa akin. Binaba ko ang librong hawak ko at inilagay sa lamesa.
"Mag palit ka nga, ang baho mo!" Kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya pero kahit ganoon ang gwapo parin niya.
Inamoy amoy niya ang sarili niya at ngumisi. "I smell good! Baka may sira yang ilong mo." I snorted.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagbasa ulit.
"Anong strand mo?"
"Humss. You?" Tanong ko dito, matagal siyang sumagot kaya liningon ko ito.
"What are you looking at?" He blinked, namumula ang kaniyang ilong kaya umiwas ito nang tingin.
"Humss din, criminology." Oh. Police, huh? Not bad.
"Si Jean, anong kukunin?" Ba't sa akin tinatanong? Magpinsan sila, huh? Sabi nga ni Jean araw araw silang mag kasama.
"Abm."
"Ok."
Hindi ako madaldal, ganoon din si Lleidzy. Pero pag nakikita ko siyang kasama mga barkada niya at si Hana Ley ang daldal, ngingiti-ngiti pa siya. Siguro pag ako ang kasama hindi madaldal? Kasi pagkasama naman namin si Jean ang ingay ingay niya.
Hindi na din niya ako masyadong inaaway, siguro kasi may jowa na. Katulad ni Ysa, nagka jowa lang medyo tumino na. Pero daily routine niya na yatang asarin ako, para bang ikakamatay niya pag hindi niya ako naaasar.
Lumapit din ang mga pinsan ko sa pwesto namin at nagpakuha ng pagkain. Aba, akala mo naman mga walang trabaho halos tumambay na dito araw-araw.
"Malapit na moving up niyo, huh? Pero 'tong si Zhia chill chill lang!" Tuwang tuwa na sabi ni kuya K at nginisian ako. Delubyo. Araw-araw delubyo dahil sakaniya.
Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto nila akong asarin. Asar. Madali lang daw kasi akong asarin, madalas nakakatuwa daw ang mga sagot ko sakanila, but I found it nakaka offend. Pero if it's fine for them, then it's ok.
"Lleidzy, ligo na!" He chuckled kaya tinignan ko siya, my eyes immediately fell from his green eyes. Umiwas ako ng tingin.
Hindi ko alam, pagtumi-tingin ako sa kaniyang mga mata pakiramdam ko para akong linulunod nito, parang hinihila ako papalapit kaya once na nagsalubong na ang mga mata namin agad akong umiiwas ng tingin.
Madalas din kasing may kakaiba akong nararamdaman, pinagpapawisan ako at lumalakas ang tibok ng puso ko. Naisip ko tuloy baka engkanto yang si Lleidzy.
Nakatayo parin siya doon ng ilang minuto, I still can feel his stares but I ignored it.
"Pahiram ako damit, nasuot kuna lahat eh." Tumango si kuya at saka ako tinignan.
"Zhia, ikaw na lang kumuha. Tatawagan ko lang ate Sole mo." Magpro protesta na sana ako nang tumayo na ito at tinawagan si ate Sole.
Tinignan ko iyong apat at ngingisi-ngisi sila na parang aso.
"Aba't ay parang mag asawa na a!" Inirapan ko lang si Kuya K ngunit tumawa lang ito.
Kainis!
"Kuya Winter, paano kayo nagka kilala nila Lleidzy?" He smiled playfully and look at Lleidzy. I arched one of my brows.
"Why don't you ask, Lleidzy? Bro?" I pouted. What a jinx!
"Sumbong ko kayo kay ate Sole, inaasar niyo ako palagi." Tumahimik sila pero naka ngisi parin. Inirapan ko sila at inaya na si Lleidzy.
Rinig na rinig ko ang kantyawan nila kahit nasa loob na kami! Lleidzy is also smirking which makes me more annoyed!
"Saan ako maliligo?" I arched my eyebrow. "Kung saan ka laging naliligo." He smiled playfully.
"Sa kwarto mo."
"What?!" He chuckled.
"Totoo nga! I always use your bathroom, yung guest rooms niyo kasi hindi daw nililinis sabi ni Fleith." Anong hindi?! Araw araw nililinis iyon. Ba't ba nila ginagawa ito? Kainis. Pag nalaman ito ni Hana, lagot ako. Baka dina ako kausapin...
"Tuwang-tuwa ka naman? Pag ako aawayin ni Hana, lagot kayo sa akin!" His playful smile disappeared at naging seryoso ito.
"Hana is a good person."
"Wala akong sinabing hindi." It's true. Hana is like ate Sole, they are both angles mapa mukha man o ugali, anghel na anghel parin.
Iniwan kuna siya pagkatapos kung maghanap ng damit na susuotin niya. Pagbaba ko ay nandoon na si Ate Sole nakaupo sa tabi ni kuya Winter.
"Ate!" Masayang tawag ko dito kaya napalingon naman siya sa akin at matamis na ngumiti, ngunit pasimple ring inirapan si kuya Winter. Buti nga...amp.
Ilang years na akong nagtatanong kung ano ang relasyon nila pero ayaw paring sabihin.
"Come here, Zhia. I fetch your shoes kanina sa mall I heard kasi na hindi na kasya yung shoes mo ngayon." I smiled widely at agad na linapitan ito para yakapin.
"You're the best ate in the world!" She chuckled softly while patting my head. "Ako lang naman ang ate mo." Kaya natawa ako...tama naman siya.
"Eh sino naman ang the best kuya? Ako diba? Diba?! Zhia pretty, ako yun diba?!" Pangungulit ni Kuya K sa akin kaya inungosan ko lang ito. Napanganga naman siya at nagdabog na parang bata.
"Ulol! Ako kasi iyon, tanga neto!" Sabi ni kuya Winter at nagyayabang na tumingin sa kanila.
"Anong ikaw?! Ako talaga ang pinaka the best na kuya, mga bugok!" Sabi ni kuya Slythe may pa taas taas pa ng kilay. Nagmu mukha silang tanga eh wala namang pinaka the best sakanila.
"It's me! Ako kuya, kaya tumahimik kayo. Right, princess?" Kuya F said tsaka ako matamis na nginitian.
Si kuya Lythe naman na kanina lang ay nagbabasa ng libro, ngayon ay nakatingin na sa akin. Pati ba naman siya?!
Ngumisi ako sakanila. Abang na abang sila na para bang nakasalalay sa sasabihin ko ang buhay nila. "Si Kuya..." Pambibitin ko pa sa kanila.
"Flieth."
"Klieth."
"Winter."
"Slythe."
"Ahm."
Sabay sabay nilang sagot kaya natawa kami ni Ate Sole. Ang kukulit talaga nila!
"Wala. The best kayong lahat na kuya, walang pinaka." Nakangiting sabi kaya napapailing na lang sila, hindi matanggap ang sinabi ko.
"Pa suspense ka pa kanina! Zhia, paasa ka! Pati ba naman ikaw papa-asahin ako? Sa gwapo kung ito pina paasa niyo lang?! Mapanakit kayong mga babae!" Nagdra dramang sabi ni kuya F at maypa luhod-luhod pang nalalaman. Nakahawak sa bandang puso niyo at lukot na lukot ang mukha.
Nagsitawanan kaming lahat habang vini video siya ni kuya Lythe. Kaya laging may panakot si kuya L sakanila eh...di nag iingat.
Kahit tahimik si kuya L sa loob loob niyan maloko din siya katulad nila. Lagot na naman yang si Kuya F.
Palaging blina blackmail ni Kuya L sina kuya F.
"Tawagin mo nga si Lleidzy, Zhia. Ang tagal naman niya! Baka nagnakaw na yun ng panty mo!" Nakangising sabi ni kuya Slythe kaya binatukan ito ni Kuya Lythe.
"Kuya!"
Walang hiya, buti pinaalala niya sa akin yun!
"Ba't sa banyo ko naliligo yun? Eh, ok naman yung mga guest rooms kuya. Kahit nga iyong nasa baba eh..."
"Trip lang." Halos masabunotan ko ito sa inis buti na lang may tumawag sa kaniya.
Agad akong umakyat papunta sa kwarto ko upang pababain si Lleidzy.
Akmang bubuksan ko na ang pintuan nang may marinig akong magsalita.
"Babe, I'm sorry. Nasa bahay naman kami ni Zhia, eh."
"Yes, babe. Uuwi din ako mamaya." Mukhang kausap niya si Hana. Babe, huh?
Sana all.
"Ahm. Eat well, I'll call you later. I l-love you, b-babe." Potangina.
Dali dali akong umalis pagkarinig kong tapos na ang tawagan nila. Dumeretso ako sa kusina at uminom ng tubig.
Babe, babe edi wow! Sa kwarto ko pa talaga naglandian di man lang nahiya!
Nagsalin ulit ako ng tubig sa baso ko at linagok ito.
Normal lang naman siguro ito...
Hindi lang siguro ako sanay na may ibang babae sa buhay niya. Palaging kami lang ni Jean ang kasama niyang babae, kaya siguro naninibago lang ako.
Hinintay ko siyang lumabas bago ako umakyat papuntang kwarto ko at nahiga sa kama. Parang may basa sa pisngi ko...
Linibot ko ang paningin ko sa kwarto ko at nakita ko sa lamesa ko ang cellphone ko. Agad akong tumayo, bitbit ang isang unan at kinuha ito, pagkakuha ko ay napatingin ako sa salamin ko.
Ba't basa? Bakit may tumutulo?
Pinunasan ko ito pero tuloy tuloy parin ang pag daloy ng mga luha ko.
Bakit ganito? Hindi ko maintindihan...wala namang nakaka iyak? Bakit?
"N-nababaliw na a-ako." Pumiyok pa ako, dali dali akong pumunta sa banyo ko at naghilamos, paulit ulit hanggang sa kumalma na ako. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin at napabuntong hininga.
Ang pula ng mata ko...
"Zhia?! Where are you?" Sigaw nito habang naghahanap sa kwarto ko.
"Ba't basa? Naglaway ba yun?" Tangina niya. Anong nag laway?!
"Bakit?!" Inis kong tanong habang nakasandal ako sa pinto ng banyo.
"I'm going home." Edi umuwi ka, hayup ka.
"Geh."
"Lumabas ka nga dyan!"
"Ayoko makakita ng pangit." I heard him chuckled kaya napa pikit ako.
"Umakyat ka ba kanina?" Alam ba niya? Nakita ba niya ako?
"Hindi." I denied. Hindi siya umimik ng ilang minuto bago mag salita ulit.
"Labas na...I need my goodbye kiss." Hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya dahil pabulong na ito.
"What?"
"Wala. Uwi na ako."
"Geh." Tumawa ulit ito at may binulong pa bago umalis.
"Nag hintay ako sa wala, amputa. Pwede namang ingat ka. Ang tipid."