Napapa irap na lang ako bawat putak at tulak niya.
Bahala siya, pag ako rineto ni lolo tas may mga sugat ako o madungis ako tignan, isusumbong ko talaga sila.
Palagi naman akong pretty kaya paniguradong hindi tatanggi iyong irereto sa akin.
"What? Huh? Zhia? You're pipi na? Duh." Maarte niyang sabi kaya napairap ulit ako. Iyon lang yata ang ambag ko sa pamilya, taga irap.
"Speak, you bitch!" Tinulak niya ulit ako, buti na lang at medyo sanay na akong mag heels!
Pag si Lleidzy kasama ko 'di sila makalapit lapit, dahil dikit naman nang dikit kasi iyon.
"Where's your feeling prince charming?!" Mapanuya niyang sabi at tumaas pa ang kilay. Taas taas pa niya kilay niya, akala mo naman pantay.
"Zhia?" Tawag ng kung sino man iyon. Tinignan ko ang pinanggalingan ng boses at ang walang hiyang Helena, she took the chance na itulak ako!
"Amputa!" Inis kong sigaw nang mapa upo ako at ramdam kung nasira ang high heel ko! Wow! Mahal ito!
Regalo ni Mommy noong 16th birthday ko. Punyeta talaga itong babaeng ito.
"Zhia!" Inis kong liningon ito at inirapan. Kung hindi niya ako tinawag kanina edi sana hindi ako naka upo ngayon. Mukhang na sprained pa paa ko.
"Oh? There he is!" Sabi ni Helena at biglang hinila ang buhok ko at tinulak ulit ako! Hinawakan pa niya ako sa paa pero diko na lang pinansin pa.
Bullshit!
Deretso ako sa pool. Damang dama ko ang pagbalot ng malamig na tubig sa buong katawan ko. Buti na lang sa mababaw ako napunta, pero malamig. Kung sa malalim ako napunta...
"Zhia!" Sigaw niya ulit. Ano ba yan, sigaw nang sigaw sa pangalan ko, ba't dina lang niya ako tulongan.
"Lleidzy! Dito!" Ang lamig amputa. Sinubukan kong iangat ang sarili ko pero hindi ko kaya. Ramdam ko ang pagkirot ng ikaliwang paa ko.
Hindi ko na nakita pa si Helena, nagtatakbo nasiguro iyon sa takot. Itulak ba naman daw ako sa pool...siraulo talaga.
Masama ang titig ni Lleidzy pagka kita niya sa akin, kaya inirapan ko ito. Hindi siya umimik habang tinutulongan niya akong umangat.
Hinihingal pa akong nakahawak sa railings ng pool, iniinda ang pagsakit ng paa.
"Ang tanga." Inirapan ko ito at hindi na lang nagsalita pa.
Nang maka ahon ako ay humihingal akong liningon siya. "Why are you here?" Kumunot ang noo niya at inirapan ako.
"Your lolo invited me." Lolo? Bakit? I mean, palaging invited ang family nila but lolo never directly invited someone...
Unless...
"Tangina mo, umuwi kana!" He glared at me, tumayo na siya at akmang aalalayan akong tumayo pero inunahan kuna.
"Aray!"
"Tanga talaga." Napasalampak ako sa semento kaya inis na inis na naman iyang lolo niyo!
Umupo siya sa harapan ko at walang hiyang hinila ang baba ko paharap sa kaniya. "Bakit ang tigas ng ulo mo? Huh?" Kunot noo lang akong nakatingin sa kaniya at hindi nagsalita.
We stayed like that for minutes until Kuya F saw us.
"Lleidzy? Hoy! Aba! Aba! Ano yan? Lumayo layo ka nga sa kapatid ko. Hayup na'to." He glared at him lalo na noong mapansin niyang basa ako.
"The heck, Zhia? Ba't ka basa?"
"Naligo kana naman?!"
"We're used to it! Kayo lang hindi! Mga abno kasi kayo, papangit!"
I glared at them.
Why would they gossip muna, before they help me?! Mga hakdog na pinsan!
"Zhia? Can you get up, darling?"
"Yes - A-ahh no. Masakit paa ko, ate. Na sprained ata ako." Napaamin ako kaagad sa sama ng tingin niya!
"Let me see." Sabay sabay nilang sabi kaya napabuntong hininga na lang ako. Mga oa talaga.
Binuhat ako ni Kuya F at pinagpalit ulit. Hindi na sila nagtanong pa kung ano ang nangyari, dahil everytime na may occasion naman kasi matatagpuan na lang nila akong naliligo sa pool. Naging normal na iyon sa amin at palagi kong rinarason na nate temp ako maligo. It's a lame excuse, really. Pero they decided na maniwala na lang.
Natapos ang party na wala ng iba pang nangyari. Mukhang nakarating na naman kay lolo na naligo ako sa pool...
Sa hindi malamang dahilan, Lolo thinks naliligo ako sa pool dahil it's my way daw to escape from him.
Well, hindi naman pero I'm glad na ganoon na lang ang iniisip niya, instead of thinking that I being bullied. It would ruin lola's effort, hindi ko iyon hahayaang masira dahil lang sa akin.
"Aga-aga mo namang tulala, Zhia!"
"Gaga, anong maaga?! Nasaraan na nga tayo ng gate, oh! Maaga payan?!"
"Kalma! Japanese flag ka ngayon beh?" Hindi ko siya sinagot at inirapan lang. Tahimik lang din si Lleidzy sa likod niya at ayan na naman siya sa mga titig niyang nakakatunaw.
Kinapa ko ang bulsa ko at medyo lumayo sakanila. "Ba't ka lumalayo?" Pagpipigil niya at hinila ako papunta sa tabi niya.
"B-bitaw." Nauutal kong sabi at hinawakan ang ilong ko. Nababahing na ako! Pag ito hindi ako binitiwan, walang sisihan!
"Mainit ka..."
"Ikr." Pinisil pisil ko ang ilong ko para pigilan ang pag bahing. Akmang hahawakan ni Lleidzy ang noo ko nang bumahing ako!
Binitiwan niya ako, natulala. Naiwan pa sa ere ang mga kamay habang nakanga-nga.
Kaya dali dali kong pinunasan ang bibig ko.
I look at him and smiled awkwardly. Masama ang titig niya kaya dali dali kong inilapit ang panyo ko sa kanya ng biglang may pumunas sa mukha niya.
"Ako na, Zhia. Pasok na kayo ni Jean." Tumango lang ako at dahang dahan na binaba ang kamay.
Jean came closer. "Late ka rin, Hana?" She smiled and nodded.
Hindi ko na liningon pa si Lleidzy at nagpaalam na. Sandamakmak na panga ngaral ang narinig namin sa guard at advisers namin. May punishment din kaming gagawin mamayang uwian, kaya paniguradong late na naman kaming uuwi.
Malapit na nga ang moving up namin ang higpit higpit parin nila! Daig pa ang private schools!
"Aba, kebago bago mo Hustzy palaging late! Palibhasa kay Miss Savillan ka sumasama." Tumalim ang mga tingin ni Hustzy at akmang sasagot kaya inunahan kuna ito.
"Ma'am, hindi naman kami pareho ng bahay ba't kasalan ko kung late iyan?! Eh, diba late na ngang nag transfer, late ring pumasok sa first day niya rito? So, kasalanan ko rin iyon?!" She glared at me but she decided not to talk back and furiously closed the door but before that she glared at me, again.
I'm a Savillan. Kahit adopted lang ako, Savillan parin ako, legally.
Who would dare to humiliate a Savillan? No one.
"Calm down, Zhia." Sabi niya at pina upo ako.
"Inis iyong gurang na yun eh. Tsk." He chuckled, pero nagseryoso rin agad.
"You're hot."
"Ikr."
Pareho sila ng sinabi ni Lleidzy. Patunay na ba ito na magmo model na ako?!
"Wait." Sabi niya at kinalkal ang bag niya. May inilabas siyang isang supot...
"Here." Kunot noo kong tinitigan ito.
"Ano yan?" Siya naman ngayon ang kunot ang noong tinignan ako.
"Supot?"
"Alam ko gago. Anong laman niyan?" Bwisit na ito. Sakalin ko eh.
"Gamot."
"Wala akong sakit, Hustzy." Inirapan niya ako. Siya na mismo ang naglabas ng gamot at binalatan ito. Kinuha niya ang tumbler niya sa bag niya at binigay sa akin.
"Ahh."
"Ehh."
"Zhia, nganga." Parang bata, amputa. Inirapan ko ito pero ngumanga parin ako. Isinubo niya sa akin ang gamot, binuksan niya ang tumbler niya at binigay sa akin. Tinaggap ko naman ito at uminom dito.
"Ang bilis naman! Sweet niyo ah!"
"Ulol."
Break time came at wala man lang akong naintindihan sa klase. Medyo masakit parin ang ulo ko pero, I feel a lot much better after drinking my medicine. Halos matulog na nga ako sa klase, kung hindi lang ako sisikuhin or kakausapin ni Hutszy, paniguradong bagsak ang ulo ko!
Uwing uwi na ako, lalo na't nasa Manila na ulit ang mga pinsan ko pati narin si Kuya. Halos naman kasi ng business ng mga Savillan ay nasa Manila, ilan lang dito pero importante parin. Yung hacienda ni Lola na pamana ng mga magulang niya sa kaniya. Ilang mga bakery shop, flower shop, at tatlo yatang plantation.
Kaya rin halos ang mga magulang namin ay dito sa probinsya nakatira dahil sila ang nag ma manage dito, lalo na pag wala sina kuya.
Nasabi ko minsan ayaw kong umalis sa probinsya, kaya sabi ni lolo kung gusto ko mag Business ad. na lang daw ako para ako mag manage ng business dito.
Ok lang naman sa akin, pwede akong mag patayo rin ng cafe then may mga books na pwedeng basahin ng mga customers. Pero inaakit ako ng law at psychiatrist.
I'm not really sure what to get, tinatanong na nga ako nila mama at lolo kung anong gusto ko. Lalo na si lolo, his getting impatient pero hindi niya sinasabi, ayaw niya akong mapressure lalo na't ilang beses siyang pinagsabihan nila kuya na wag akong ipressure baka biglaw daw ako magtatalon sa pool.
Mga hayup na yun.
"Let's go." Sabi niya at binitbit ang bag niya at bag ko.
Sumunod na lang ako sakaniya. Parang ako na ngayon ang aso na sunod ng sunod sakaniya. Nakahawak pa ako sa damit niya para hindi ako maiwan.
"Are you really ok?" Ang kulit!
"Oo nga."
"Pwede mo namang sabihing hindi, ako na lang kukuha ng food mo." Bongga, parang babae. Food mo. Amp.
"No. I'm ok na, thanks to you." He blink many times that it was so weird already.
"Ano?"
"You're not ok!"
"I'm ok, nga! Ang kulit!" He chuckled and nodded before continue walking. Asar talaga...
Pagdating namin sa bench ay kompleto na sila, kami na lang ang kulang. May mga pagkain narin silang nabili.
"I bought us food! Binilhan kuna rin kayong dalawa, I bought what you usually buy." Sabi ni Jean kay Hustzy.
"I bought you porridge, 1 slice of red velvet cake, a strawberry flavored milk tea, water and gatorade." Sabi niya habang linalapag sa harapan ko ang mga pagkain na binili niya para sa akin.
Pareho silang mag pinsan...
Di marunong mag alaga!
Porridge is fine...bakit may pacake at milk tea pa?!
"Bibili sana ako ng gamot mo but Lleidzy said - " Napatigil siya at sinulyapan si Lleidzy. "I mean sabi ni Lleidzy mainit ka raw kanina. So, I planned sana na bumili ng gamot mo but your classmates said Hustle bought one already!" Sabi ni Ysa. Oh? Ang bilis naman yata masyado ng chismis.
"Ahm. Good for 2 weeks na nga iyon eh! Hindi ko alam kung bakit puro oa mga nakakasama ko." Inirapan lang nila ako at nagkwentuhan na.
The whole break time, I never laid any gaze at Lleidzy. Kahit ramdam na ramdam ko ang mga titig niyang nakakatunaw.
Naka'y Hustzy lang ang attention ko dahil siya ang nag aasikaso sa akin. He treated me na para bang balbado ako! I told him to stop it pero ayaw niya, so I let him do it.
□○□
Since that day, hindi kuna nakita pa si Hana na lumapit sa grupo namin. She would always smile if nakaka salubong niya sina Jean, but as for me. No. She ignored me completely.
Akala ko it was because of what happened at the gate. So, I tried to talk to her. But she just simply said.
"I want to be nice to you, Zhia. So, please? Don't come near me. It only make me feel worse!"
I was so confused.
Tinanong ko si Lleidzy about doon. He just simply said that, it's not my business and stop being busy body.
Maybe I'm just thinking too much?
Bali balita na they broke up kasi may third party. Kahit naman nakakamatay ang pagiging gago ni Lleidzy, hindi naman iyon namba babae. As for Hana, mabait iyon, it would be so out of character if siya iyong may iba. It just a rumor after all.
Si Hana yung pinaka matagal na naging girlfriend ni Lleidzy, but we all expected already na hindi sila magtatagal. That just how Lleidzy is. Mabilis magbago ang mga gusto, which is I think normal lang. Pero iyong pagdating sa nararamdaman sa isang tao...parang ang hirap bagohin agad.
It's either you're denying it or you're persistent to get rid of it. You hate that person that's why you're so persistent to remove it. You can't accept that feeling because it will not do any good to you...
I wonder which one is it?
□○□
"Mommy, sorry po talaga sa high heels. I really take care of it very well...pero nasira ko noong last party. Forgive me?" I said while pouting in front of Mommy, who's busy looking at her phone. Probably looking for new dresses and heels.
She put down her phone and smiled sweetly at me. "It's ok. I bought you a new one!" Tuwang tuwang sabi ni Mommy at nagtatakbong pumunta sa room niya.
Ewan ko diyan kay, Mommy. May sariling room pero doon parin naman siya sa master bedroom natutulog kasama si Daddy. Sabi niya, gawin ko rin daw iyon pag nag asawa na ako. Para iba naman daw, wag palabasin ang asawa pag nag away! Panigurado raw kasi na maaawa ka sa huli, kaya dapat may extra room.
Doon palagi natutulog si Mommy pag nag aaway sila ni Daddy. Galit na galit nga si Mommy kinabukasan eh, kasi it's either bubuhatin siya ni Daddy pabalik sa room nila or tatabi si Daddy sa kaniya. Daddy can't sleep without Mommy besides him.
"Mom! Careful!"
Pagbaba niya ay may bitbit na siyang mga paper bags! Ang dami! Tumayo naman ako at linapitan siya para tulongang magbuhat.
Halos andoon din lahat ng pinamili ni Mommy dahil hindi kasiya sa closet nila ni Daddy! Namimigay naman siya pero mas madalas bumili kaya napupuno.
"Mommy, you bought too much!"
"Well, don't worry! Binilhan ko rin sina Jean, Ysa and is it Rielle?" I nodded. Palaging ganyan si Mommy pag nagpupunta sila sa abroad ni Daddy.
Kakauwi lang nila kagabi. They went to Paris after the party is over, last 2 weeks. We don't have time to talk kasi mga pinsan ko kasama ko, with Lleidzy and Hustzy.
"I also bought a gift for your boy friends! The new one too!"
"Mom, you don't have to give them gifts every time you travel. Really." She glared at me.
"But I want to thank them, sweetie. Sinasamahan kanila, they are your friends before we met you! I can't thank them enough with this... I know they are rich but I'm just glad that they are treating you right. Please? Let me do this?" Napapikit na lang ako lalo na nung halos umiyak si Mommy. She even hug me sweetly, trying to persuade me!
"Ok, Mommy. Just don't cry...ok?" She smiled happily and wiped her imaginary tears.
We talked after she showed me the things she bought for us. Dresses, high heels, shirts, handkerchief, chocolates and more!
Na stress na naman siguro si Daddy kay Mommy. Ang kawawang Daddy ko.
"Tell me about this new friend of yours! I heard from Seiya that you're super close!" Damn you Lleidzy! Ang walang hiyang 'yon.
Close na close sila ni Mommy. Kung pwede lang daw na ipalit ni Mommy si Kuya F kay Lleidzy ginawa na sana raw niya! Geez.
Siya palagi ang nagsusumbong kay Mommy sa mga kalokohan ko. Lahat ng ginagawa ko sa school nakakarating kay Mommy dahil kay Lleidzy.
I used to call Lleidzy, Seiya. Second name niya iyon, but they always tease us because of it. Wala kasing pinapayagan si Lleidzy na tawagin siyang Seiya, ako lang. I call him Seiya kasi iyon ang pinakilala niya sa akin noon, so noong nalaman ko iyon I call him Lleidzy na.
"Ahmm.. he's like a child, Mommy kahit mas matanda siya sa amin ng isang taon. He would always follow me around, para siyang nawawalang bata. It makes me feel that I need to protect him." Mommy is listening attentively.
"Don't worry, Mommy he is mabait. He bought medicine for me, a-ah medyo linagnat kasi ako mommy kaya bumili. He also helps me sa mga subjects na hindi ko maintindihan. We are seatmate po kasi, so he knew if naintindihan ko ang lessons namin o hindi." Sa totoo lang, tulog lang talaga ako kaya wala akong maintindihan. Even though 1 month and a half na lang moving up na namin may mga subjects parin na hindi tapos.
Usually kasi nagpre prepare na kami pag ganto. Yes its's too early pero may mga events pa kasi after graduation kaya maaga kaming nagpre prepare.
"Oh, he is nice then! Siya iyong kasama mo sa party, right? I didn't even have the chance to say hi! Tell him I want to meet him soon!" She said happily, like she find a new toy to play. Jeez...
"Ahm, Mommy he's busy." Wala lang talaga akong number niya. I can't tell it sa school, kasi for sure sasama silang lahat, if sasama silang lahat it means dadalhin kami ni Mommy sa mall!
"I think he likes you! Walang busy busy pag gusto mo iyong tao." Halos maubo ako sa sinabi ni Mommy . As if.
"No po. I think he likes Rielle, he keeps on asking what she likes, this and that." Sabi ko, tinatamad akong mag explain. But it's true. He asks almost everything about Rielle, yung size ng bra at panty na lang niya yata ang hindi pa niya natatanong.
He is also masungit towards Rielle. Kahit naman hindi niya halos kausapin sina Jean, mabait paring sumagot at seryoso. Pero kung si Rielle, sobrang sungit. Daig pa iyong matandang may menopause!
Mommy let go of the idea that Hustzy likes me. We talked about random things, minsan napaka waley pero go lang, baka umiyak si Mommy eh.
Para parin siyang bata, spoiled by parents ba naman tas pati naasawa binibaby rin siya.
But we know better why we avoid making Mommy upset. She have a weak heart.
She got involved into an accident causing her to lose her only daughter... at never ng nagka chance na magkaroon pa ng anak. It's too risky for her to give birth again.