"May transferee raw, gwapo." Bulong ni Rielle sa akin at parang kinikilig pa. Tamad ko naman siyang tinignan kaya natawa lang ito.
"Kapatid daw ni Kuya Rone, yung Humss student, jowa ni Ysa." Tumango tango lang ako, hindi interesado.
Ano naman ngayon kung may transferee? Siya ba sasagot sa mga quizzes ko? Hindi naman ah!
"Matalino rin daw iyon. Napunta lang sa section natin dahil binagsak daw niya yung test niya sa third grading, dahil lang ayaw niya sa ballpen niya!" Napangiwi na lang ako doon, sino namang tangang magbabagsak ng test?!
"Ngiwi ngiwi ka dyan! Akala mo naman, hindi binagsak yung tle-drafting niya dahil ayaw niya sa subject!" Wala naman akong sinabi huh?! Hindi ba pwedeng ngumiwi lang ako dahil gusto ko?
"Gusto kong matulog, gisingin mo na lang ako pag andyan na next teacher." Tinanguan niya ako, kaya agad akong umayos ng upo upang matulog.
Hindi naman talaga ako matutulog, sadyang ayoko lang pag usapan ang mga bagay na wala akong pake. Maiirita lang ako.
Vacant time naman ngayon kaya chill chill lang mga kaklase ko. May nanonood sa t.v, may nag ce cellphone, naglalaro, nakwe kwentuhan, natutulog at nagbabasa pero iilan lang.
Maya maya pa ay nagsitigil na sila at kinalabit naman ako ni Rielle. "Andito na si Ma'am Gurs, kasama niya transferee! Gwapo talaga beh, may pagkahawig sila ni Kuya Rone!" Kinikilig niyang sabi at maypakurot kurot pa sa bewang ko. Inis ko siyang ginantihan, pero natawa lang ang tae.
Linibot ko ang paningin sa classroom kung may bakanteng upuan pa, sa tabi ko at isa sa likod. Naka hinga naman ako ng maluwag dahil wala na naman akong katabi, ayaw nila akong katabi dahil masungit daw ako. Mapagmataas. Pero wala akong pake, ayaw ko sa kanila at ayaw nila sa akin, edi quits. Basta walang manggu gulo sa akin edi ok kaming lahat.
"Introduce yourself." Sabi ni Ma'am Aly pero madalas tawaging Ma'am Gurs ni Rielle dahil para sakaniya mala gorilla raw ang ilong pag magalit ito.
"Hustzy Lez Balmero. 17." My brows furrowed. Grade 11 na dapat ito...
"Ahm, let's see..." Sabi ni Ma'am at nag hanap ng mauupoan ng transferee. Kunot noo niyang liningon ang upuan sa tabi ko at sa likuran. Tinignan pa niya ako at babaling kay Hustzy. Palihim na lang akong napairap.
"Ok. Doon kana lang sa likod." Tumango naman ito at akmang lalapit na nang magsalita ang walang hiyang si Rielle, nasa kamalas malasan wala ring katabi.
"Ma'am may naka upo na po dito, palaging wala nga lang." Doon pala ang upuan nun. May ka klase kasi kaming palaging wala tsaka lang magpapakita pag exam na.
Isa lang ibig sabihin nito...katabi ko siya.
Liningon ako ni Ma'am, nanghihingi ng permisyo. Tumango na lang ako at binuhat ang bag kung nasa kabilang upuan at linagay sa likod ko. Ano bayan, sumikip tuloy.
Dala dala ko kasi lahat ng gamit ko, lalo na yung mga books. Ayoko kasing nagpupunta sa locker ako lang din naman ang mapapagod kaya laging nasa bag ko ang mga books ko.
Ramdam ko ang pag upo niya sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin.
"Kuya's girlfriend said, sama ako sayo sa lunch." Kunot noo ko itong liningon. Walang sinabi sa akin kanina. At bakit ba late ito? Tapos na ang recess tsaka lang dumating...
"You don't know? She said she texted you." Ngina, mukhang englishero pa, amputek.
"Ah." Tamad na tamad niya akong tinititigan, pinapantayan ang pinapakita ko sakaniya. Sabay pa kaming umirap at tuminhin sa harap.
Attitude amputa.
"Bilisan mo." Sabi ko sakaniya habang hinihintay siyang maayos ang mga gamit niya. Ang bagal, gutom na gutom na ako.
"Dika kasi nag take down notes! Akala ko pa naman maasahan kita." Ngumisi ako sa sinabi niya. Hindi ba uso ang cellphone sa kaniya? Masyado siyang old fashion kung ganon.
Nagpaalam na ako kay Rielle ganoon din ang ginawa ng aso at sumunod na sa akin ang aso. Pina panood niya lahat ng galaw ko at gagayahin niya, para siyang batang nawawala at ako ang nakita niyang makakatulong sa kanya.
Panira siya sa outfit ko! Parang ako yung demunyo tas siya yung anghel. Black na black ang damit ko habang siya halos puti na, niwala man lang makikitang dumi doon. Malinis masyado. Akala ko ba demunyo rin ito katulad ko? Jusko.
"Jowa mo ba iyon? Tanong niya at ngumuso kung saan siya nakatingin. Tinignan ko ito at nakitang nan doon na ang barkada.
"Hindi." Kunot noo niya akong liningon tsaka si Lleidzy, pabalik balik iyon. Para talaga siyang bata.
"Pero ang sama ng tingin sa akin? Nag seselos?" Palagi namang masama ang tingin niyan sa akin, walang bago.
Hindi kuna lang siya sinagot at binilisan ang lakad, gumaya na naman ang aso.
"Hindi ka ba sinungitan niyan, Hustle?" Tanong ni Rone at mapang asar akong tinignan. Kaya magkasundong magkasundo sila ni Ysa eh! Hindi nabubuhay pag hindi ako inaasar.
Kunot noo kong tinignan si Hustzy ng mapansin nag iba ang ekspresyon sa mukha niya, seryoso itong umiling, nawala ang inosenteng mukha niya kanina at parang isa na siyang binata.
Amputa baliw pa yata ito, jusko.
Ramdam ko na namang ang masasamang titig ng walang hiyang kumag, pero diko na lang pinansin ito. Wala naman akong magagawa kung ganoon siya tumingin sa akin, iuntog ko pa yan sa pader eh.
"Saan tayo kakain?"
"Canteen or maybe let's eat outside?" He recommended at tinignan ulit ako, para bang sa akin nagtatanong.
"Canteen na lang tayo, gutom na ako eh." Sabi ko kila Jean at nag iwas ng tingin kay Lleidzy. Sumangayon naman sila, habang naglalakad kami papuntang canteen ay nagpapakilala sila kay Hustzy.
Seryoso talaga ito at tipid na sumagot. Hindi ko tuloy alam kung lalapitan ko ba at tatanongin kong ok lang siya o hayaan kuna lang dahil baka naninibago lang.
"Matunaw yan." Mapanuyang bulong niya sa akin pero hindi ako umimik.
"Titig na titig ka doon, pero pag ako ang kausap halos hindi ako matignan sa mukha! Pero pag tumingin naman iwas ng iwas ng tingin. Anong gusto mong palabasin, Zhia?" Halatang galit ito base sa tono ng boses niya, kaya liningon ko ito saglit at kitang titig na titig siya sa akin pero naka kunot noo.
Ano naman ngayon? Ba't siya nagre reklamo? Hindi naman ako nagre reklamo sa mga masasamang titig niya. Nakakainis nga dahil wala naman akong ginagawa pero kung tumingin parang palagi akong may kasalanan sa kaniya.
"Why do you even care, Lleidzy? You hates me." And that's true. Inaasar niya ako palagi pero ayaw niya sa akin. Kinamumuhian niya ako. Pero hindi siya ganoon tumingin pag kaming dalawa lang kaya takang taka ako kung bakit pag maraming tao ay pinapakita niya ang pagka ayaw niya sa akin.
Hindi siya umimik kaya nananahimik ulit ako.
Pagpasok namin sa canteen ay agad naming nakuha ang atensyon nila. Natahimik pa ang mga tao doon. Nakakairita, kaya ayoko sa canteen eh. Pero gutom na talaga ako, tiis tiis na lang.
Nagsi upoan na kaming mga babae habang ang mga lalaki na ang umorder. Palaging si Lleidzy ang umo order sa akin ewan kuna lang ngayon.
"EJ-"
"Ako parin, Zhia." Napanganga akong tinignan siya at wala sa sariling tumango. Tangina yan.
Oo na! Ikaw na! Kung tumitig eh...pag ako natunaw sakal ka sakin!
Ngumisi ito at mayabang na tinignan sina EJ at Hustzy, nauna pa itong umorder. Napapailing na lang ako sa pagka isip bata niya.
Kaya ayaw ni Hana sumasama sa amin pag lunch eh...
Medyo dumistansya na rin siya sa akin, sabi niya masyadong close kami ni Lleidzy. Ang hindi niya alam halos patayin na ako niyan sa inis.
Habang hinihintay ang mga boys ay narinig kong nag notif. yung phone ko. Agad ko itong kinuha. Si kuya F.
"Princess, where are you? Inexcuse na kita sa teacher mo. You need to get ready, may party later." Party...
Hanggang ngayon ganoon parin ang trato sa akin ng ilang mga Savillan at pinsan nila kuya.
I sighed. I always think that maybe this is my karma? Pero masyado naman atang mababaw na kabayaran ito.
"Why?" Takong tanong ni Jean ng mapansin niyang hindi na ako nakikinig.
"Party." Tumango ito pero naka kunot noo na...umiwas ako ng tingin at nag cellphone na lang.
Rineplayan ko si kuya at sinabing mag lu lunch lang ako. Nag text naman itong kakain lang din lang. Aayain kuna sana pero baka pagkagulohan lang dito.
"Oh, ayan. Kain." Sabi niya pagka lapag na pagkalapag niya sa pagkain kung binili niya. Free lunch, ehe.
Ang mahal pa naman ang mga pagkain sa canteen, hindi naman masarap. Buti pa sa mga karinderya mura na nga worth it pa!
"I need to go! See you later." Aalis na sana ako nang may humawak sa siko ko.
"Wala akong kasama sa room." Napairap na lang ako sa sinabi niya. Para na naman siyang bata.
"Ite text ko si Rielle na samahan ka. I really need to go, Hustzy. Late na ako." Dahan dahan niyang binitiwan ang siko ko habang nakanguso.
"Nguso nguso ka dyan! Parang babae!" Pang aaway ni Lleidzy?! Ano na naman ba? Liningon niya ako at ang sama na naman ng tingin!
"Kiss ko?!" Ano? Anong kiss? Amputa nabaliw na.
"Malandi ang hayup. Ikiskis mo yang nguso mo sa pader!" Nagsitawanan sila habang yung mga tao sa canteen ay nanonood lang, nagmamasid. Tangina.
Habang naglalakad ako palabas ay biglang tumawag si kuya.
"Nasaan kana?"
"Palabas na kuya."
"Si Lleidzy?"
"Kumakain. Bakit?"
"Ayain mo. Kailangan mo ng partner doon, baka isunod kana ni lolo." Ano?! Hindi pwede!
"Teka, babalikan ko lang! Amputa." Natatarantang sabi ko na halos hindi ko na namalayang napa mura ako.
Tumakbo ako pabalik kaya nakalimutan kong patayin ang tawag, ewan ko lang kung pinatay na ni kuya. Sana.
Pagdating ko sa canteen ay gulat pa sila pero wala si Lleidzy. Nasa rooftop daw. Agad akong pumunta doon kahit pwede namang i text pero baka hindi mabasa.
Kinausap ko pa si Hustzy, baka hindi pumayag si Lleidzy eh. Hindi naman pwede si EJ, alam naman ni lolo kung sino si EJ eh.
"Babe, please..." Napahinto ako sa pagbukas ng pinto. Kasama niya si Hana.
"Kiss me." Bayolente akong napalunok at dahang dahang umatras. Kitang kita ko sila dahil medyo bukas nag pinto.
Ayan na naman yan, hindi ko alam kung bakit ganito ito. Napahawak ako sa dibdib ko, kumikirot. Kitang kita ko ang dahang dahang pag lapit ng mukha nila kaya pumikit ako, dinadama ang dahang dahang pagtulo ng luha ko.
Muntik na akong mapahikbi buti na lang napigilan ako. Agad akong tumalikod nang biglang may magsalita.
"Zhia? Nahanap mo na ba si Lleidzy?" Agad akong napanganga nang makitang hindi pinatay ni kuya ang tawag!
"H-huh? H-hinahanap pa lang." Bayolente akong napa lunok ng mautal ako.
Amputa, bakit?
"Sige. Pag hindi mo nahanap yung kausap mo na lang kanina. Is it Hustzy?" Tumango ako kahit alam kung di niya nakikita kaya sumagot lang din ako sa huli.
Nakatalikod na ako sa pinto, kaya hindi namalayang nakalabas na pala sina Lleidzy.
"Sorry, naistorbo ko yata kayo. Baba na ako." Sabi ko ang ngumiti pa. Ngumiti lang din si Hana at inayos ang uniform niyang naka bukas ang ilang butones.
Napansin yata ni Lleidzy kung saan ako nakatingin. Seryoso na ito habang nakatingin sa akin. Parang may gustong sabihin pero hindi masabi.
"Sige, alis na ako." Tumango si Hana.
Hindi ko na hinintay pang tumugon si Lleidzy at bumaba na.
Pagbaba ko ay nakita ko si Hustzi, naghihintay sa akin. Ngumiti siya sa akin, parang batang nakakita ng candy.
"Tara na." Agad niya akong inakbayan, dahil mas matangkad siya sa akin hindi na ako umapela pa.
"Zhia." May tumawag sa pangalan ko pero hindi ko pinansin, pero ang bata akmang lilingon kaya yinakap ko ang kamay ko sa bewang niya at pasimpleng kinurot.
Imbes na sa likod lumingon, sa akin siya lumingon na naka kunot noo.
"Si Lleidzy yata yun."
"Hayaan mo." Walang gana kung sabi at hinila siya. Nagpahila naman ang aso.
"BAKIT HINDI si Lleidzy ang kasama mo?"
"Kasi hindi siya." Masungit akong inirapan ni Kuya Winter kaya natawa ako.
Seryosong seryoso kasing nagtatanong, kaso ganon lang ang sagot ko.
Walang imik naman si Hustzy sa tabi ko habang pinapanood akong linalagyan ng make up.
"Mukhang bata pa yang kasama mo." Napanguso ako at tinignan si Hustzy, tama naman ito. Para nga siyang batang nawawala.
"Mukha lang pero seventeen na yan."
"Edi bata pa nga." Masungit niya paring sabi. Hindi ko na lang pinansin ito at linagyan ng headset ang tenga ni Hustzy, at nagpatugtog.
Kanina pa nila inaaway ito. Mga bastos na yun, pag si Lleidzy kasama ko akala mo nagpye fiesta sa tudong tuwa nila.
"Mahilig sa bata." Bulong bulong ni Kuya Winter at inirapan ako.
"Sumbong kita kay Ate Sole, kuya. Kanina niyo pa inaaway si Hustzy." Inirapan niya ulit ako pero nanahimik na.
Pinalabas na sila ni Ate Sole at nagbihis na kami. Ayaw ko pa sana kasi baka awayin nila si Hustzy, pero andoon naman si Kuya L at Kuya F, kaya ok lang.
"Asan si Lleidzy?" Malumanay na tanong ni Ate Sole habang nakatingin sa salamin.
"Busy po, Ate." Liningon niya ako.
"Remember when they have a game?" Tumango naman ako kahit hindi ko alam kung kailang laro iyon.
"He came even though he knew that he is one of the top player. Zhia, kahit gaano siya ka busy may oras parin siya sa iyo." Hindi ako umimik at nag iwas ng tingin.
Inayos ko na lang ang damit ko kaya tumayo si Ate Sole at tinulongan ako.
"What happened?" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Alangan namang sabihin kung nakita ko siyang kahalikan si Hana, naiyak ako, hindi ko alam kung bakit at mabigat iyon sa dibdib. Parang tanga naman iyon! Normal lang mag halikan na almost make out na.
Umiling ako dito kaya hindi na niya pinilit pa. Alam kung matutulongan ako ni Ate Sole dahil psychiatrist siya, pero hindi ko alam natatakot akong malaman ang sagot.
I know the answer, hindi ko lang tanggap.
Birthday ngayon ng mama ni Kuya K, buti na lang binilhan na ako ni Kuya ng pangregalo kanina. I was so glad, kasi if wala akong gift baka awayin ako dito.
And also, every time na may occasions, Lolo would always find time to ship us with his business partner's son and daughter.
Target talaga niya si Kuya Lythe dahil siya ang pinaka matanda sa amin. But when Kuya Lythe find the one for him tinigilan na siya ni lolo. He would always want the best for us, pero kung alam niyang what he think na the best for us is actually makes us suffer, he would respect our decisions.
Never pang naging successful ang pagshi ship ni lolo sa amin, except for one or two? Sa dinami dami ng nai blind date ni lolo kay Kuya K isa lang ang nagtagumpay. Pero break na sila ngayon. Si Ate Sole at Kuya Winter ang successful.
Kaya ganadong ganado si lolo na pagdiskitahan kaming mga single.
So, it's either ako or si Kuya K ang target niya ngayon.
Ewan ko ba diyan kay Kuya K ayaw niyang ipaglaban. Kasi sabi nila it's about cheating daw yung issue nila. Pero wala naman sakanila ang mukhang cheater. I witnessed how they love each other kaya impossibleng may nag cheat. May hindi lang pagkakaintindihan siguro, pero parehong mataas ang pride.
Lahat naman ng Savillan mataas ang pride.
"Look who's here." Mapanuyang niyang sabi gamit ang napaka pangit niyang boses.
Nan'dyan na naman ang sisira sa mga memories ko pagdating sa party.
"Oh. Hi." Walang kaemo-emosyon kong sabi. Kitang kita ko ang pagka lukot sa pangit niyang mukha at kinaladkad ako.
Ayan Zhia, triggered tuloy.