Chereads / Unwanted Existence / Chapter 3 - chapter 2: Sick

Chapter 3 - chapter 2: Sick

"So, umiyak ka nga?" Ang kulit!

"Hindi luha iyon! Basta tumulo iyon sa mata ko pero hindi iyon luha!" Pilit kong pina paintindi kina Jean at Ysa na hindi luha ang tumulo sa mga mata ko kahapon.

Nakakainis! Hindi ba sila maka gets?! Buti pa sina Draze nagpapa uto!

"Aminin mo na kasi, hindi ko naman sasabihin kay Lleidzy." Magsasalita na sana ako nang may nauna sa akin.

"What is it?" Napairap na lang ako sa kawalan. Walang hiya..balak pang ibuking ako!

I glared at her kaya nag peace sign lang siya at tumawa. Kainis.

"Ang pangit mo daw, insan." Natatawang sabi niya kaya napairap ako. Hindi daw sasabihin pero may sinabi naman! Pano kung inamin ko talaga? Jusko naman...

"Edi pangit ka rin! Aba, iisang lahi lang tayo Jean."

"Hindi tanga, ampon ka lang." Ngumisi ulit ito habang tumawa lang si Lleidzy at hinalikan ito sa noo.

"You're looking again...gusto mo talaga mahalikan eh." My brows furrowed. Ang kapal naman neto. Inirapan ko lang siya at dina pinansin.

Humalkhak si Ysa kaya bigla akong kinabahan. She playfully look at me bago lingonin si Lleidzy.

"Gusto mo yung regalo ko diba? Iyo na." Mas lumawak ang ngisi nito at umiling iling pa. Kunot noo ko itong tinignan at napabuntong hininga.

"Dalawa sakanila! Bwisit!" Umupo ito ng maayos at nagsuklay.

"Hi." I glared at him.

"Woah, Zhia! Kadarating ko lang ang init na ng dugo mo sa akin." Sabi ni Rone bago humalik sa pisngi ni Ysa, umupo siya sa tabi ko dahil pang tatlo lang ang upuan sa bawat benches.

Bali ang magkakatabi ay si Lleidzy, Jean at Ysa sa kabila naman ay ako at si Rone. Habang ang dalawang dulo ay si Draze at si EJ.

"Walang hiya kasi iyang jowa mo! Hindi mo ba iyan rineregaluhan?!" Inis kong sumbong dito kaya tumawa siya at liningon si Ysa. Parang nag uusap ang kanilang mga mata kaya napairap ulit ako.

Sa harap ko na naman naglandian! Mga bastos! Hindi man lang kami naisip na mga single.

"What are you looking at?" Sasakit na yata ang ulo ko kakairap.

"Wala. Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko siya tinitignan habang nag uusap kami. Habang siya ay ramdam na ramdam ko ang mga titig niya.

Tingin tingin ka niyan? Tusokin ko mata mo eh.

Siniko ako ni Rone at nginuso nguso si Lleidzy, hindi ko parin ito tinitignan at nag cellphone na lang. Hindi naman niya sinagot ang tanong ko bakit ko siya papansinin?!

"Tanong tanong ka diyan, hindi mo naman ako tinitignan!" He said, halata ang inis sa boses niya. Ano bang problema niya pag hindi ko siya tinitignan pag nagsasalita siya? As if naman hindi gagana bibig niya pag walang tumititig dito, kung gusto niya ng katitigan puntahan niya ang babe niya.

Nanahimik ang grupo namin at tinitignan kaming dalawa, ramdam na ramdam ko ang mga titig nila. Nakikiramdam. Bumuntong hininga na lang ako at liningon siya ng ilang segundo at nag cellphone ulit.

"What's with that phone?!" Bubulong bulong niyang sabi na silang tatlo lang ang nakarinig.

Ngumisi si Ysa habang umiling iling naman si Jean.

Nag usap ulit sila habang tahimik lang kaming dalawa, ilang minuto pa ay nagpaalam na si Rone at pumalit naman sa tabi ko si EJ.

"Ej, paano ba ito?" I said and showed him my phone.

"Ah, ganto." Sabi niya tsaka mas lumapit sa akin at tinuruan ako.

"Ang lapit lapit, amputa."

Patuloy parin sa pagtuturo si EJ sa akin dahil nagkamali ako ng ilang letters. Linalaro kasi namin yung game na decrypt me, yung mga pinapahula is famous na lines, may ibibigay na ilang clue then bubuoin yung sentence. Parang fill in the blank.

"Parang mag jowa, bwisit!" Narinig kong tumawa na naman ang dalawa akala mo mamamatay na bukas sa kakatawa nila.

"Nakakalito naman!" He chuckled and messed up my hair.

"But you love playing it! It's addicting diba?" I nodded and smiled sweetly at him.

Napatigil ako sa ginagawa nang maramdamang may nakatitig sa akin.

"Pag ako natunaw, lulunorin kita!" He smirk and lick his lower lip.

"Kailan pang titigan para mapansin..." Masama ang tingin niya sa akin habang sinasabi iyon, may pataas taas pa ang kaniyang kilay, nagsusungit.

Anong problema neto?! May dalaw yata 'to eh.

"Babe!"

Ayan na iyang babe babe niya. Umupo si Hana sa tabi ko at nginitian ako, ngumiti ako pabalik dito.

"EJ, palit tayo." Edi wow.

"Ako na lang." Sabi ko at tumayo na, kunot noong tinignan ako ni Lleidzy at inirapan.

"Ano na? Tayo na."

"Loyal ako, Savillan."

"Ulol, tangina mo." Tumawa lang ito at umupo na sa tabi ni Hana.

"Kanina pa kita hinahap, babe." Hana said softly, para siyang mababasag ano mang oras.

Lleidzy smirk, inakbayan niya ito at hinalikan siya sa pisngi.

Lumingon ito sa akin kaya tinaasan ko lang ito ng kilay. What the hell is he looking at?!

"Jean, ba't yang pinsan mo pag may hinahalikan laging lumilingon sa akin?!" Bulong ko dito na parang sigaw sa gigil ko kay Lleidzy.

She chuckled. "Alam mo ikaw, hindi ko alam kong tanga ka lang o manhid ka lang talaga." Hanep! Pag talaga kaibigan mo ano, grabeng mang trashtalk.

"Hindi ko din alam kung ba't kita naging kaibigan, hayup ka!"

"Ako, alam ko Zhia! Tanongin mo ako." Hindi ko pinansin si Ysa, masama ang loob ko sa mga regalong ibibigay ko sa kaniya.

"Tampo na yan, Zhia? Galingan mo naman!"

"Eto ka." Sabi ko at pinakita ang middle finger ko. Lumingon lingon ako sa paligid tsaka itinaas pa ang isang kamay. Ngumisi ito.

"Ma'am si Miss Sa---" Natatarantang ibinaba ko ang mga kamay at umupo nang maayos.

"Tangina ka, Ysa."

"Tangina ka rin, Zhia."

"Tangina niyong dalawa, amputa."

Nagsitawanan kaming tatlo habang yung dalawa ay nag uusap sa harapan namin, si Draze at EJ ay tahimik lang.

"I'll go na, masungit pa naman next teacher namin."

"Ako din, sabay na tayo Zhia." Sabi ni Ysa at hinila ako.

"Wait, hatid kuna kayo." Sabi ni EJ at hinila pa si Draze, tumawa si Jean at tumayo na rin. Liningon ko ang mag jowang nakatingin na sa amin ngayon. Kunot na kunot ang noo ni Lleidzy habang nakangiti lang si Hana.

"Ang cute niyo ni Ej, Zhia." Tumawa ako at inakbayan si EJ na nakangisi na ngayon.

"Halata ba masyado? Wag mong ipagkalat, huh? Alam muna, madaming inggit!" Sabi ni EJ at nginisian si Lleidzy na masama na ang tingin sa akin. Ano na naman ba?!

"Epal neto! Nahawa ka lang naman sa akin, eh."

"Sino ang epal ngayon?"

"Ikaw." Natatawa na lang siyang hinila ako at tinanggal ang pagkaka akbay ko sakaniya at siya ang umakbay sa akin.

"Malapit ka ng mag eighteen, Zhia. Anong sabi nila tita at mga kuya mo?"

"Huh? 2 years pa gago." Her brows furrowed, mukhang naguguluhan siya.

"October 14, 2004 ako pinanganak, Jean." Wala sa sariling tumango ito at hindi na nagsalita pa hanggang sa nasa harap na kami ng classroom namin.

"See you later, Zhia!"

Ewan ko diyan kay, Jean. Palagi siyang nagkakamali pagdating sa birthday ko. Minsan nga nag a-ate sa akin!

"Bye!"

"ANG tagal ni kuya..." Sabi ko at yinakap ang sarili. Ang malas malas ko naman kasi! Late na si kuya sa pagsundo sa akin at ngayon pa umulan, ngayong hindi ko dala dala yung payong ko.

Ang dilim dilim ng kalangitan dahil umuulan, mag isa lang ako dito sa waiting shed sa labas ng school kaya safe lang ako. Pero nakakatakot parin dahil hindi masyadong abot ng ilaw dito, ang layo kasi ng street light dito.

"Tangina, ang lamig!" I sneezed, kaya mas yinakap ko pa ang sarili ko.

Umuwi na sila Jean, kasama si Lleidzy. Kahit si Ysa, Draze at EJ ay umuwi na kaya mag isa lang talaga ako ngayon.

Low battery na din ang phone ko kaka text kay kuya, tinext ko na rin yung ibang pinsan ko pero busy silang lahat. Si mang Julyo kasi may sakit kaya hindi makakapunta, mukhang magkakasakit din ako.

"Zhia?" Pilit kong binubuka ang mga mata ko at pilit tinitignan kong sino ito. Familiar ang kaniyang boses kaya alam kong safe ako.

"Are you ok?" Naubo ako nang sinubukan kong magsalita. Rinig na rinig ko ang malulutong niyang pag mura bago lumapit.

"T-tubig." Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang hawak hawak ako.

"Wait, wear this." Sabi niya at pinasuot ang jacket niya sa akin. Isinandal niya ako sa pader at kinuha ang bag niya sa kaniyang likuran.

Pinapanood ko lang siyang natataranta habang nakatingin sa akin. Ano ba yan, hindi magaling mag alaga.

Pa ano niya mahahanap ang hinahanap niya kung sa akin nakatingin ang hayop?

Nginisian ko siya. "Ayoko ng alaga mo, hindi ka naman marunong mag alaga, Lleidzy." Kunot noo niya akong inirapan ngunit hindi nagsalita.

"Oh, ayan! Di kita painomin dyan eh." Masungit niyang sabi kaya tinawanan ko na lang ito.

Sungit, amputa.

"Tawa tawa ka dyan, eh mamamatay kana!" Inis niyang sabi. May dalaw talaga ito, eh.

Ngumiti lang ako pagkatapos kong uminom. Dahang dahan akong sumandal sa kaniya, nag intay akong umangal siya pero hindi naman nangyari.

May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan dahil inaantok na ako.

"Zhia wag kang-" Pinikit ko na ang mga mata ko at natulog na. Bahala siya dyan, tawagan niya jowa niya para sila ang magkwentuhan.

"ZHIA niyo matigas ang ulo."

"Mali naman yun eh. Dapat ganto, Zhia, yo! Head is matigas yo! Yah! Yah! Yoh!"

"Mga bubu."

"Trashtalk is real, mga hangal.

"Pagyan nagising, tadyak kayo sa akin."

"Lei, kalma."

Ba't ba pag hindi mo kailangan yung tao tsaka dadating? Pikit parin ang mga mata ko kahit gising na ako, madaming sermon ang matatanggap ko nito eh.

Tsaka na ako magmumulat pag onti na lang sila o pag wala na kahit isa sa kanila. Jusko, maririndi lang ako sa sunod sunod na sermon nila!

Dagdag mo pa si Kuya Lythe na tahimik nga pero yung mata ang talim tumingin. Parang pinapatay ka sa talim nito, jusko.

"Kuya Sly, mga plano mo bulok!" Paniguradong naka ngiwi si Ate Sole ngayon, ba't kasi si kuya S ang pinag plano? Alam naman nilang pag si Kuya S nag plano, mga bulok.

"Trash talker na mga, Savillan! Wot! Wot! Ang pretty Zhia ang may pakana!" Sinisi pa ako! Eh, dati namang walang hiya silang apat. Si ate Sole at Kuya Lythe lang ang matino, sisihin ba naman daw ako sa kahayupan nila...aba.

"Oh, Lleidzy? Nandito ka pa?" Wala akong narinig na may sumagot pero naramdaman kung may umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

Siguro isa sa mga pinsan ko, magagalit naman ang mga iyon pag may nakitabg ibang lalaki nakahawak sa kamay ko.

Pero bakit kinakabahan ako? Ang lakas lakas din ang tibok ng puso ko lalo na nang maramdaman kung may dumamping malambot na bagay sa noo ko, sunod ay sa kamay kung hawak niya.

Halos mapatalon ako sa gulat pero napigilan ko naman.

"Hoy, hoy, hoy, ano yan huh? Tapang mo, oy! Sakalin kita dyan eh." Rinig kong sabi ni kuya F pero hinayaan ko na lang dahil ina antok na naman ako.

May narinig pa akong tumawa sa tabi ko bago ako tuloyang makatulog.

UMAGA NA akong nagising, sinat na lang ang meron ako. Humingi na rin ng sorry ang mga pinsan ko. Busy daw kasi sila, alam ko naman iyon kaya naiintindihan ko sila. Si kuya F naman late na niyang malaman na may sakit si mang Julyo.

Sobrang guilty nila kaya todo bawi sila kaninang umaga. Natawa nga ako kanina kasi pati si Ate Sole bumabawi din, alam ko namang busy siya sa paghahanda para sa kasal nila ni Kuya Winter.

Ang tagal na noong bumalik si Kuya Winter, halos mag fo-four years na. Ang dami rin nilang pinagdaanan ni Ate Sole, halos masira ang relasyon nilang magpi pinsan. Pero ok na naman sila ngayon, ako na ang pinagdi diskitahan dahil matanda na raw si Ate Sole.

Ako pa prino problema nila, ba't dina lang nila suyoin mga love life nila.

"Ikaw babaita ka, hindi mo sinabing wala kang sundo kahapon! Edi isinabay kana sana namin ni Lleidzy pauwi. Buti na lang naiwan ni Lleidzy yung regalo niya kay Hana sa school, jusko kang bata ka!" Napangiwi na lang ako sa kaingayan ni Jean. Anong isinabay? Jusko naman! Alangan makisiksik ako sa motor bike ni Lleidzy?! No way!

Madalas tahimik siya at pacool cool lang, pero sa aming lahat siya yung todo mag alala, parang nanay.

"Hindi ko naman alam na may sakit si mang Julyo eh."

Asar parin akong tinignan ni Jean bago nag salita ulit. "Edi tinext mo sana ako! Alam mo namang sakitin kang babaita ka." Tinignan ko ang black kong sapatos at sinubokang tumawa.

"Hindi ah! Strong kaya si pretty Zhia!" Inirapan niya lang ako at dina pinansin pa.

Tampo na yan?

"Zhia kasi, tanga."

"Ysa niyo, bubu."

"Ayaw niyan sa motor ko, kaya hindi yan sumasabay sa atin." Hindi naman sa ayaw ko sa motor bike niya, mas magandang sabihin na ayaw ko sa may ari ng motor bike.

Inirapan ko lang siya at nagsumiksik kay EJ. "Sungit, amputa." Bulong ko sakanya kaya natawa ito tsaka ginulo ang buhok ko.

May collection si Lleidzy sa mga motorbike, halos nasa kaniya yung mga famous na motor bike. Yung MTT turbine Street fighter niya ang pinaka gusto ko pero iyon naman ang pinaka malimit niyang gamitin. Inaasar yata ako eh...

Gustong gusto ko kasi iyon, kaya sabi ko noon sa kaniya tsaka lang ako sasakay sa motor bike niya pag iyon ang ginamit. Pero ang sabi niya sa akin, ang pinaka mahalagang babae sa buhay niya lang ang sasakay doon. Kaya simula noon never na akong nakasakay pa sa motorbike na yon.

Nakasakay na ako doon, una at huling sakay.

"Pahiram nga ako cp mo, naiwan ko yung cp ko sa classroom."

"Edi kunin mo, hiram hiram sa iba eh..." Masungit na sabi ni Lleidzy, akala mo naman sa kaniya ako humihiram.

Palihim na lang akong umirap, hindi ko siya pinansin at itinuon na lang ang atensyon sa cellphone ni EJ.

Ang sama sama ng tingin ni Lleidzy pero wala akong pake. Hindi ako alam problema niyan kong bakit palaging masama tumingin sa akin. Kainis ang gago.

Araw araw ganito eksena, pagsasabihan ni Jean, aawayin si Lleidzy, minsan pupunta si Rone, makikipag landian iyon kay Ysa, kukulitin ko si Ej, makikipag away kay Ysa, maglalandian si Hana at Lleidzy sa harapan namin at ihahatid ako sa room.

Boring naman sa classroom, uupo lang at makikinig tsaka gagawa ng gawain. Makipagdal dalan din sa ilang kasundo ko sa klase pero hindi ko talaga sila maka vibes. Akala ko hindi lang talaga ako sanay, kahit gago ang mga taga star section, matino naman. Yung ibang section na, may matino naman pero halos hindi seryoso sa pag aaral. Hindi rin competitive. Basta nasa isip nila palaging star section mananalo.

Walwal doon, walwal dyan. Halos kasi maaarte, mga pabida at siga siga. Malalandi rin, kaya siguro madalas isipin ng mga teachers sa school na pag natanggal ka sa star section at napunta sa lower section magiging pariwara ang buhay.

Hindi naman ganoon iyon, depende parin naman iyon sa tao kung magpapa impluwensya siya o siya yung mang-i-impluwensya sa mga kaklase niya. Pero sa dalawang yan, nasa gitna ako. Sumasabay lang sa agos.