"Is Femella Alcantara your real name?"
Nag-angat ng ulo sa akin si Fem mula sa plato nito at binigyan ako nang nalilitong tingin.
"Why are you suddenly asking me that?"
Nilunok ko muna ang kinakain bago sumagot.
"I just wanna know."
Sinundan ko ang ginawa nitong pag-inom ng tubig.
"Yeah, it's my real name."
Tumango ako.
"Your age?"
"23."
"You look younger than your age."
Nagkibit-balikat ito. "Thank you. Everyone says that." Nagbaba ito ng tingin at kumutsara ng pagkain at isinubo.
"Saan ka nakatira?"
"Malapit lang ang apartment ko sa club pero nang nagtrabaho na ako sa La Vida, lumipat na ako roon."
"How about your family? Where are they?"
Napatigil ito sa aktong pagsubo. Ibinaba nito ang kubyertos bago ako tiningnan nang nagdududa. Humalukipkip ito.
"What's with the questions, Fuentebella? Kasama ba sa pagiging parausan ko ang sabihin sa iyo ang tungkol sa sarili ko? Is my personal information that important for a billionaire to know? For what reason?"
"Don't overreact. I'm just simply asking. You can or can't answer them. Besides, they are harmless questions. The one a person usually asks to a stranger." Hiniwa ko ang steak bago isinubo. Sinulyapan ko ang babaeng nakakunot-noo pa rin. The crease on her forehead adds to her sexiness. I grinned as I pictured her under me with that same knot on her head while I rammed her.
"You don't ask about the family of a complete stranger. That would make you weird."
"Well, I did just now."
Iniikot nito ang mga mata saka nag-umpisa uling kumain.
"My parents are dead. I don't have a sibling and my relatives all lead fucked up lives so I know they can't take good care of me so I am practically alone forever. There, I already answered your question. Satisfied?" Inabot nito ang baso ng tubig at uminom. Napangalahati agad nito ang laman.
"I'm sorry about your parents."
"Don't be. They deserved it." Sinalubong niya ang tingin ko. "And before you sermon me about why I should not be holding grudges or saying bad things about dead people, let me tell you first that you were never in my shoes so keep your words to yourself. I don't need them."
Natigilan ako sa sakit at pait na nababasa sa mukha nito. Itinaas ko ang mga kamay. "I perfectly understand."
"Good."
I smirked. "How did you get in the club?"
Umismid ito. "So hindi ka pa pala tapos. Well, I need money. I want money at ang pinakamadaling paraan ay ang ibenta ang sarili ko."
Pinatunog ko ang dila. Hindi ako naniniwala sa kaniyang sinabi. "There's a hole in your story. Bakit hindi ka pumayag agad sa mga lalaking nag-bid sa iyo? We're talking about millions here. If you accept their offer then you would live a very comfortable life. Mayaman ka na agad." Pailalim ko siyang tiningnan.
"If I did then I will not be here."
Hindi ko napigilang ngumisi. "Good point but that doesn't answer my question."
"Well, who cares if it answers your question or not? Ikaw na rin ang nagsabi, pwede kong sagutin o hindi sagutin ang tanong mo." Ngumisi din ito.
Tumawa na ako sa puntong iyon. This woman is really a gem. "You're an intellectual. I have to give you that. Buti na lang hindi kita girlfriend kung hindi," Ibinitin ko ang sasabihin.
"Kung hindi ay ano? Ah, I know. Males like you want their women to be submissive to them. Ayaw niyo nang nasasapawan. Gusto niyo kayo palagi ang nasa taas. You wanted to be praised and worshipped by female population. Now I wonder what kind of girlfriends you have had? Hindi ko gustong mang-insulto ng kapwa babae pero mga lata ba ang pinipili mo? Magaling lang sa kama pero walang utak?"
Tuluyan nang nawala ang atensiyon ko sa kinakain. Hinawakan ko ang baba at hinimas ito habang nakangising binabato ng matiim na titig si Fem. I didn't like what she said.
"Careful about your insinuation. Remember, I worshipped you in bed."
"Magkaiba iyon."
"Patapusin mo kasi muna ako. I've been into relationships where both of us are career-driven. We were both alphas in our own respective worlds. I'm not bragging or anything. Gusto ko lang sabihin sa iyo ito para mawala na iyang maling paniniwala mo sa akin. What I meant with what I said earlier is this." Inisod ko ang upuan at itinukod ang mga braso sa mesa. "Buti na lang hindi kita girlfriend kung hindi ay baka pinakasalan na kita." I winked at her.
Napanganga ito bago namula ang mukha. Nag-iwas ito ng tingin at hinagilap ang baso para uminom. I chuckled. I really loved the way her cheeks turned red everytime I caught her off guard. It's a rare sight I see in women these days and it's especially rarer to see Fem blush with her too-strong personality.
"Natahimik ka na," I teased her.
"Shut up," she hissed.
"It's a joke. You're supposed to laugh."
Tinaliman niya ang pagkakatingin sa akin. "That's the lamest joke I've ever heard."
"At least it's effective not to make you laugh but to make you blush."
"Wala ka bang trabaho? Di ba marami kang pag-aaring negosyo? Gawin mo na. I'm okay here. You don't have to keep my company. Tawagin mo lang ako kapag horny ka na. In that way, we can limit our interaction and you can give me enough time to murder you in my mind."
Nawala ang ngisi sa mga labi ko sa sinabi ng babae. Hindi ko nagustuhan ang ibig niyang palabasin.
"Para sa isang bayarang babae, you sure have a sharp tongue. Bear in your mind that I spent millions for you. I own you because I bought you. You are mine for the rest of the week and I want you to discipline your tongue. Say those words again and you'll never like what I'll do to you."
Madilim ang mukha at tiim ang mga labi ko nang sabihin ko ang mga ito.
Natigilan sandali si Femella sa mga sinabi ko pero hindi ito nag-iwas ng tingin. She still wore her defiant face while fighting her tears from falling. Natigagal ako sa naging reaksiyon niya. Bigla ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko dahil kitang-kita ko ang sakit sa mga mata nito.
Mahinang tumango ito. "I'm sorry if I overstepped my boundaries. I'm well aware of my position here. You don't really have to stress that." Nagbaba ito ng tingin at ipinagpatuloy ang pagkain na tila ba walang nangyari. But I know that I hurt her with the way she held the spoon and fork with her trembling hands as if it will break at any moment. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang ginawa nitong pagkagat sa ibabang labi para pigilan ang sariling umiyak.
I sighed guiltily. Nasobrahan yata ako sa mga sinabi. "Look Fem, I am-"
Pinutol ng tunog ng doorbell ang mga sasabihin ko pa. Nag-aatubiling tumayo ako habang hindi ihinihiwalay ang tingin sa babae na nakayuko pa rin at ngumunguya. Nakaramdam ako ng awa para dito at galit sa sarili dahil sa mga nasabi. Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga bago tinungo ang pinto sa sala. Ito na yata ang mga pinamili ko para kay Femella. Bumuntung-hininga ako nang maalala ang expression nito kanina. She is really hurt.
"You should apologize, dude. You hurt her," mahinang saad ko sa sarili bago binuksan ang pinto.