Chereads / Thana's blue canvas / Chapter 23 - KABANATA 22

Chapter 23 - KABANATA 22

Adohira's POV

"Pumikit ka, Hira." Sabi ni Mion at ginawa ko naman.

May mga narinig akong daing at mga mura kaya tinakpan ko na ang tenga ko. Napadilat ako nang may humawak sa braso ko, aalisin ko sana pero si Mion pala. Tumakbo siya habang hila hila ako kaya napatakbo rin ako. Bago kami makalabas sa pinto ay nilingon ko sila. Nakahandusay na ang tatlo habang si Lefu naman ay naka-upo sa sahig na hawak ang panga habang nakangisi.

Dumaan kami sa ibang daan kaya wala akong ideya kung saan kami patungo. Lumusot kami sa mas makipot na daan kumpara kanina at nakaharap ang kinakalawang na pintuan. Binuksan ito ni Mion at sinara pagkapasok namin. Isinandal niya ako dito at tinukod ang mga palad sa magkabilang gilid ko. Nakayuko siya habang hinihingal.

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko at tumitig sa mukha ko. Pinagdikit niya ang noo namin habang hinahaplos ang pisngi ko at may kung anong sumabog sa akin. Humagugol ako ng iyak.

"Sorry..." Kinulong niya ako sa kanyang bisig at pilit akong pinapatahan. "...Hindi na mauulit." Bulong niya.

Tumingin ako sa mukha niya at pinahid ang dugo sa labi niya. Pinaglapat niya ang aming labi at hinawakan ang batok ko upang maging malalim ang sayawan ng aming labi. Ako ang unang kumalas dahil nauubusan na ako ng hangin. Sinuntok ko siya sa dibdib pero ngumisi lang siya. Itinaas niya ang laylayan ng damit niya na ipinagtaka ko, iyon pala ay para punasan ang mukha ko.

"Bibili na talaga ako ng panyo." Pagkatapos niyang magpunas ay ipinunta niya sa likod ng tenga ko buhok ko na humaharang sa mukha ko. Nagnakaw siya ng halik saka tumalikod.

May lumabas na lalaki mula sa madilim na parte at nang makita ko ang mukha niya ay napatakbo ako papalit kay Mion.

"Anong ginagawa mo dito, Mion?" Paano nakapunta dito si Lefu ng mabilis? Pero nakasuot siya ng salamin sa mata at may hawak na librong nakatiklop pero naka-ipit ang isang daliri niya dito.

" Ginawa 'to sa akin ng punyeta mong kambal." Kambal?

" Matigas ang ulo ni Lefu, ano pang aasahan mo."

" Hello! " May lumabas ulit na lalaki pero kumapara sa kanila ay mukhang friendly ito. "Naks! Sino yan, Mion?" Nakasuot siya ng apron at may hawak pang sandok.

"Hira—"

"Hello, Hira!" Kumaway siya kaya ginawa ko. Lumapit siya sa akin at nilahad ang isang kamay niya. "Ako nga pala si Shivani." Ngumiti ako at kinamayan siya.

Hindi pa rin siya bumibitaw at hinila ako papasok sa isa pang pintuan. "Pasok ka. Gutom ka? Bakit namumula mukha mo?" Pinaghila niya ako ng upuan.

" Salamat." Pumunta siya sa isang kaserolang nakasalang sa kalan.

Sumunod si Mion na tumabi sa akin at ang lalaki kanina na umupo naman sa harapan ko banda. Itinuloy niya ang pagbabasa sa libro. Wuthering heights by Emily Brontë ang kita kong nakasulat sa book cover. Mataimtim siyang nagbabasa halata sa paggalaw ng mga mata niya.

"Hira" sa akin ni Shivani kaya napatingin ako sa kanya. May binato siya sa mesa na kasing laki ng lunch box. "Anong relasyon niyo ni Mion? Halata sa hitsura mo na sabihin mong magkaibigan lang kayo." Tumawa siya habang naghahalo.

"Anong gusto mo, Shivani?" Maangas na tanong ni Mion. Hinawakan ko siya sa braso.

"Oh! Easy lang, Mion" mukhang hindi siya ang tipo ng taong seryoso. "Gamot pala 'yan." Turo niya sa binato niya. Kinuha ito ni Mion at hinila ako paalis sa mesa.

"Gamot lang ah, wala ng iba!" Sigaw sa amin ni Shivani.

Hinubad niya ang sapatos niya at lumuhod siya saka hinawakan ang paa ko para matanggal ang aking sapatos. Pumasok kami sa isang kwarto na hindi ko aakalaing maayos at malinis. May kinuha siyang dalawang pares ng tsinelas, ang isa ay sinuot at ang isa ay ipinasuot niya sa akin. Umupo si Mion sa dulo ng kama at tinanggal ang damit niya. Binuksan niya ang box at tumingin sa akin na nakatayo lang sa harapan niya.

"Gamutin mo ako." Tumabi ako sa kanya.

Una kong kinuha ang cotton pad at nilagyan ng alcohol. Hindi ko kayang tinggan ang katawan niya na puno ng kulay talong at nangingitim na mga pasa. Ang mukha niyang may panibagong sugat...na naman.

"Huli na 'to, Mion." Mariin kong wika at marahang pinunasan ang dugo sa dibdib niya.

"Sorry, iiwas na ako sa gulo."

"Puro ka na lang sorry."

Nilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko at bumulong "sorry-Aray!" Napasigaw siya dahil idiniin ko ang cotton sa mismong sugat niya.

Akala ko magagalit siya pero hinalakan niya ako kaya nabitawan ko ang cotton pad at iginaya niya ako pahiga sa kama habang nakapatong siya sa ibabaw ko. Ang malalim niyang halik ay bumaba patungo sa leeg ko kaya tinakpan ko ang aking bibig para hindi makawala ang ingay na hindi nila pweding marinig sa labas. Naging malikot ang kamay niya sa hita ko at tinanggal niya ang kamay ko sa aking bibig.

"Mion..." Halos wala na akong boses. Ngumisi siya at umalis sa ibabaw ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Huwag kang mag alala, hangga't hindi ka pa sigurado ay pipigilan ko ang sarili ko na walang mangyayari." Napahawak siya sa tiyan niya "Tangina, ang sakit, napuruhan ako ah." Bumangon ako.

Inayos ko ang sarili ko at tinuloy ang paggamot sa kanya at doon ko lang napansin na nanginginig pala ako. Ngayon ay inuna kong nilisan ang mukha niya at nilagyan ng band aid ang mga galos niya at sa katawan naman niya ay may nakita akong ointment sa kahon para mabawasan ang kirot o sakit ay pinahid ko iyon sa dibdib katawan niya.

Pagkatapos ko siyang gamutin ay may binuksan siyang cabinet na puro damit at basta na lang humila ng damit at isinuot.

"Kaninong kwarto 'to?" Tanong ko.

"Sa akin, tambayan namin 'to pero dahil wala naman akong bahay ay dito na ako tumira." Inayos niya ang buhok niya sa harap ng salamin na nakadikit sa pader.

"Pati rin ba sila?" Tukoy ko sa dalawang lalaki na nasa labas.

"May bahay sila at uuwi lang kung kailan nila gusto." Umupo siya sa kama at sinandal ang ulo sa headboard ng kama. Inabot niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Ilang beses na ako nahihila ngayong araw ah.

"May masakit ba sayo?" Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya.

" Wala. Sino pala 'yung lalaki na kamukha ng lalaking nangbugbog sayo?"

" Kambal sila, 'yung tarantado si Lefu at 'yung mahilig magbasa ng libro ay si Oizys. Kambal sila pero magkalayo ang ugali."

" Eh si Shivani?"

" Tropa"

" Siya lang 'yung may friendly aura sa inyo. May iba pa ba kayong kaibigan na katulad niya?"

" Bakit sila ang laman ng bibig mo? Bakit hindi natin pag usapan ang tungkol sa atin?" Pinaglalaruan niya ang kamay ko at kung minsan ay nilalapit niya sa kanyang bibig.

"Ayos ka naman sa akin." Tinago ko ang mukha ko sa dibdib niya.

" Tang inang 'yan! Ayos ako sayo? Hindi 'yan ang gusto kong marinig, Hira." Binangon ko ang kalahati kong katawan at sinalubong ang titig niya.

Hinaplos niya ang pisngi ko "napakaganda mo, Hira."

"Mahal din kita, Mion." Natigil siya sa paghaplos sa akin.

" Ulitin mo" bumangon siya.

"Mahal kita" napaawang labi niya at sinunggaban na naman ako ng halik.

May kumatok sa pinto kaya pinutol ko ang halikan namin. Pagbukas ko ng pinto ay nakangiting mukha ni Shivani ang bumungad sa akin.

"Alam kong nagkakainan na kayo pero baka gusto niyong kumain sa niluto ko." May dumaang unan sa gilid ko na tumama sa mukha ni Shivani.

"Ayos ka lang?" Pinulot niya ang unan at hinampas sa akin.

"Ganti ko 'yan." Wika niya at binigay sa akin ang unan saka tumakbo pabalik kung saan man siya nanggaling.

Bumalik ako sa kama at hinampas kay Mion ang unan. "Para saan 'yon!" Inagaw niya sa akin ang unan at hinagis sa kama.

" Ganti ko din." Sabi ko at sumunod kay Shivani.

Umupo ako sa inupon ko kanina at sa mesa ay nakalapag ang malaking bowl ng sopas. May mga nakahanda ng plato at kutsara. Dumating si Mion at umupo sa tabi ko. Kinuha ko ang pinggan niya at nilagyan ng sopas bago ang akin.

"Ako nga rin Hira lagyan mo ng sopas ang pinggan ko." Nakangusong wika ni Shivani. "Aray! Bakit ka naninipa!? Hira oh, sinipa niya ako." Patago kong kinurot ang hita ni Mion at napaigtad siya pero hindi nagsalita.

"Manahimik ka, tangina mo." Hindi ko na sila pinansin. Sumandok ako ng sopas at hinipan, umuusok pa kasi.

"Ayaw ko nga."

" Ano ba gusto mo, ha?"

" Si Thana." Binagsak ni Oizys ang kutsara niya kaya napatingin kami sa kanya. Binigyan niya ng tingin si Shivani na tumahimik ito ngunit sadyang walang preno ang bibig ni Shivani.

"Bakit? Miss ko na si Thana. Umalis siya tapos binisita ko siya sa binigay niyang address ng bahay pero iba na ang nakatira doon. Sinubukan ko din siyang tawagan pero hindi na siya makontak. " Nawala ang masayahing Shivani.

" Isang salita mo pa Shivani, ilulunod kita sa sabaw ng sopas mo." Hindi ako makasubo pero itong katabi ko ay tuloy tuloy ang subo kahit napapaso na siya.

Parang narinig ko na ang pangalang Thana.

(Flashback)

" Kapag tumingin ka sa bulaklak na iyan ay Hindi mo kayang alisin ang paningin mo hanggang sa unti unti niyang nakukuha ang iyong kaluluwa na dadalhin Niya sa kawalan at iyon ay isang kulungan na walang rehas." Sa kanya lang ako nakatitig habang sinasabi Niya ang mga iyon. Para lang sa bulaklak Kung magpaliwanag siya ay parang napakalaki ng ambag ng bulaklak na iyan sa mundo.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, ngiting babaero. Hahawakan ko sana Ang bulaklak pero nagsalita na naman siya.

"Ang huling humawak niyan ay namatay." Bigla kong binawi ang kamay ko.

Tumawa siya ng mahina "biro lang" inayos niya ang anggulo ng vase.

Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang nagsalita ulit siya "pinapaalaga sa akin ito ng isang kaibigan. Napaka importante nito sa kanya. Ayon sa kaibigan ko ito daw ang puso niya kaya dapat ko daw alagaan at ingatan. Noong una ay tinawanan ko lang siya pero nang sabihin Niya ang dahilan niya ay pinagsisihan ko ang pagtawa ko sa araw na iyon-"

(End)

Tama, sa flower shop ni Azrail. Pero ano ang koneksyon nila kay Thana?

__________________________________

It was not the thorn bending to the honeysuckles, but the honeysuckles embracing the thorn.