Chereads / Thana's blue canvas / Chapter 27 - KABANATA 26

Chapter 27 - KABANATA 26

Adohira's POV

Ilang araw na ang nakalipas at mas lalo pang naging malalim ang koneksyon namin ni Mion. Ginagawa namin ang mga bagay na ikakasaya namin. Papasok sa school, sabay kaming kakain at kung minsan naman ay kasama ang apat, at magkatabing mabagot sa klase.

"Masarap?" Nakaupo ako ulit sa kusina ni Shivani at nanghihinang isinusubo ang cupcakes. Nag imbento ng cupcakes si Shivani at sa akin niya pa talaga unang pinatikim.

Pagod ako sa totoo lang dahil sa mga kalokohan ni Mion. Ang hyper niya at hindi ako makasabay. Parang hindi siya nakakaramdam ng pagod. Laylay ang aking balikat habang nginunguya ng sapilitan ang cupcakes dahil ayaw ko namang sumama ang loob niya. Pinaghirapan niya ito tapos babalewalain ko lang.

Nasa labas sila Mion kasama 'yung kambal. Hindi na sila nag aaway dahil okay kami ni Lefu kaya kinausap ko siya na huwag na munang makipag sakitan ng katawan kay Mion dahil pareho pa silang hindi gumagaling. Pupuntahan daw ni Lefu si Khalida mamaya kaya nagpalagay siya ulit ng gamot sa akin. Nalaman ko din na silang tatlo, Shivani, Oizys at Lefu ay nakapagtapos sa kursong edukasyon sa iisang eskwelahan. Mas matanda sila sa amin ni Mion. Hindi naman daw iyon ang pangarap nila, napilitan lang dahil sa kanilang ina.

Lumabas sa bibig ni Shivani ang pangalang Thana kanina na nagpatahimik sa kanila. Nahihiwagaan ako sa kung sino nga ba si Thana sa buhay nila dahil sa tuwing nasisingit ang pangalan niya sa usapan ay tumitikom ang kanilang mga bibig.

Uminom ako ng tubig "masarap naman" tumikhim ako at napa inom ulit.

" Ayos! Sige, ubusin mo 'yan at bibigyan ko din sila mamaya. Balikan ko lang 'yung iba." Nang makaalis siya ay inilabas ko ang emosyon na kanina ko pa pinipigilan. Para akong maduduwal sa lasa ng cupcakes niya.

Pumulot ako ng tatlong piraso at pinuntahan ang tatlo sa labas. Naka upo silang tatlo palibot sa mesang hugis bilog at naglalaro sila ng majong. Akala ko matino ang trabaho nila, 'yun pala nagsusugal lang pala sila. Saglit akong binalingan ng tingin ni Mion nang umupo ako sa tabi niya. Ipinakagat ko sa kanya ang isang cupcakes at halos hindi maipinta ang mukha niya.

"Tangina!" Iniluwa niya sa tabi ang ipinasubo ko "pagkain ba 'yung sinubo mo sa akin? Ang pangit ng lasa."

" Ako ang gumawa ng cupcake na dinura mo!" Kinuha niya ang buong cupcakes at sinubo. Kinakain niya na parang hindi niya sinabing hindi ito masarap.

Sunod ay binigayan ko si Lefu at agad naman niyang sinubo. Nangasim ang mukha niya ngunit hindi nagreklamo. Nag alangan pa ako sa pagbigay kay Oizys dahil hindi naging maganda ang huli naming pag uusap. Hindi niya ito tinanggap kaya si Lefu na lang ang kumuha at pinatong sa libro ni Oizys. Nagsinungaling pa ako, bakit ko inako na ako ang gumawa ng mga cupcakes?

Walang pasok ngayon dahil sabado. Alam na din ni Vera na dito ako pumupunta minsan. Noong nakaraan ay bumili kami ng mga gamit para sa drawing pero hindi pa kami nakapagsimula. Si Mion na daw ang bahala. Pagkatapos nilang maglaro at magmurahan dahil nanalo si Oizys ay bumalik na kami sa loob. Nakalatag sa mesa ang dalawang baking pan.

"Alam kong takam na takam na kayo pero mainit pa kasi. Palamigin muna natin." Tumalikod akong ngumiwi at pumasok sa kwarto ni Mion. Hindi na kaya ng sikmura ko na tunawin pa ang mga cupcakes niya.

Sa pagsara ko ng pinto ay may nakita akong canvas na nakalagay sa easels at may takip na puting tela. Nakahilera ang mga dyaryo sa sahig upang hindi malagyan ng pintura na nakakalat at mga brush na walang hugas. Gusto ko mang alisin ang takip sa canvas ay pinipigilan ako ng utak ko na gawin iyon. Hintayin ko na lang na ipakita ito sa akin ni Mion.

Dinalaw ako ng antok kaya humiga ako sa kama ni Mion at natulog kaagad.

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong haplos sa aking balikat. Minulat ko ang aking mata at sinubukang kunin ang sitwasyon. Tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag sa kwarto niya. Magkayakap kami ni Mion at naka unan ako sa dibdib niya habang hinahaplos ang aking balikat. Hindi na muna ako gumalaw para masulit ang bawat segundo.

"Alam kong gising ka na." Bumalik ako sa pagpikit "Ramdam ko ang pag ngiti mo." Nag angat ako ng tingin sa kanya at hinalakan siya na agad naman niyang tinugon.

"Kain na tayo." Sabi niya habang inaayos ang buhok ko.

"Huh?" Lutang pa ang Hira niyo.

"Gabi na. Ang tagal ng tulog mo." Pagkabangon niya ay sumunod din ako.

Nakapatay ang ilaw sa kusina kaya nang buksan niya ito para akong mabubulag. Pinaghain niya ako at tahimik naming tinapos ang pagkain. Ang napansin ko lang sa kanya ay hindi niya sinasabi ang gusto niya o nararamdaman niya dahil inilalabas niya ito sa kilos niya tungo sa akin. Pagkatapos naming kumain ay siya ang naghugas ng mga pinggan at nakita ko na naman ang cupcakes ni Shivani na para kang sumakay sa roller coaster kapag kinain mo.

Pagbalik namin sa kwarto niya ay lumapit ako sa easel niya. "Anong nakapinta dito?" Tanong ko.

"Bawal mong malaman..." Lumapit siya sa akin at umupo. Binuksan niya ang mga pintura at naglagay sa palette. Umupo din ako paharap sa kanya at tinulungan siyang buksan ang mga pintura.

"Tapos mo na ba 'yan?" Tukoy ko sa canvas.

"Patapos na. May aayusin pa ako." Napahiran ng kulay ang daliri ko kaya ipinunas ko ito sa dyaryo.

"May pintura din ako sa daliri." Reklamo niya. Alam ko namang sinadya niyang lagyan ito.

Nanlaki ang mata ko nang pinahiran niya ng pintura ang pisngi ko saka tumawa. Hindi pa ako nakakabawi nang nagpahid ulit siya. Uulit na naman siya pero hinawakan ko ang kamay niya para ilayo ngunit dahil sa lakas niya ay nakuha niyang ilapit sa mukha ko kaya umurong ako hanggang sa napahiga ako sa mga dyaryo pero hindi pa din siya tumitigil. Sigurado akong rinig sa buong bahay ang halakhak namin.

"Mion! Tulog na sila!" Pag sita ko sa kanya pero patuloy pa din siya kaya pati sa katawan ko ay may pintura na. Tumigil siya at tumitig sa akin. Ang titig niya na parang pinapalaya ang kaluluwa ko.

"Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." Nalalasing ako sa mga salita niya.

Ipinikit ko ang aking mata dahil sa silaw ng buwan. Nagmistulan kaming si Eva at Adan sa makabagong panahon. Tulad ng huni ng mga ibon sa kalangitan ang ingay na aking pinapakawalan. Tila isa akong iskultura na binubuo ni Mion sa bawat paghaplos niya. Saksi ang buwan kung gaano siya kagaling na pintor. Napadilat ako ng aking mga mata nang sabay naming narating ang dulo ng kalawakan.

"Good morning, class!"

"Good morning, Sir!"

"Tagal nating hindi nagkita, ano?" Natawa siya at gumaya kami para plus points, biro lang.

" Sir mamimiss ka namin..." Lahat kami ay napatingin kay Jade. Napatikom naman ako ng bibig. "...totoo sir. Mukha po ba akong nagjo-joke?" Pagkatapos niyang magsalita ay napabungisngis si Sir.

"Ms. Jade, hindi mo na ako kailangan pang bolahin dahil wala ka namang bagsak."

" Ako ngay po Sir?" Tanong ni Kharen.

" Ako din Sir!" Makikita mo sa mukha nila na umaasa talaga silang pasado ang mga grades nila.

"Huwag kayong mag-alala dahil lahat kayo makaka-attend ng graduation pero 'yung iba literal a-attend lang talaga at hindi ga-graduate. Attend kayo para makita niyo kung paano ba umakyat sa stage o kaya taga-palakpak." Nagtawanan kami at biglang natahimik ang room nang ma-realize namin na hindi na nga pala ito isang laro na pwedi mong sabihing time freeze para huminto ang oras kapag napagod at nahihirapan ka na.

"Huwag niyong kalimutan 'yung final project niyo, ah? Sa Friday ang deadline. Kapag wala 'yun, wala ding diploma." Umasim ang mga mukha nila. " 'Yung mga drawing niyo ay ilalagay namin sa isang art exhibit na tayo din ang magde design kasi may mga artist sa iba't-ibang university ang bibisita sa school natin."

" Saan 'yan, Sir?" Tanong ko.

" Sa auditorium, anak." Nasa kabilang building pa 'yon ah. Bakit hindi na lang sa art room para feel talaga. Kukulangin nga pala sa space.

"may tanong pa kayo? Kung wala na ay may tuturuan pa akong mga 1st year." Walang nagsalita. "Sige, kung wala na ay aalis na ako. Good luck." Lumabas ng room si Sir na kumekembot pa.

Isang hinga na lang at graduate na kami. Lunes ngayon kaya may tatlong araw pa para makagawa ng drawing. Nakay Mion ang mga gamit na binili ko dahil siya na daw ang gagawa syempre pumayag na ako dahil nga tamad ako.

"Ang hirap mag-isip ng i-dodrawing, kailangan ko ng inspiration. Nakasimula na kayo?" Kakapasok pa lang ni Alexa ay iyan na agad ang bukam-bibig niya.

Humikab ako at nagpadausus sa kinauupuan ko. Itinaas ko ang balikat at ibinaba kasabay ng pag-ihip ng hangin. Hindi maayos ang tulog ko dahil kay Vera. Kagabi kasi ay magdamag siyang nagpractice na magsalita para sa reporting niya at mas makapal pa sa mukha niya ang mga folder sa study table niya.

"Hira!" Umupo sa mesa ko si Alexa. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Anong kailangan mo?"

"Wala! Tatanong ko lang kung may nasimulan na kayo ni Mion?"

"Meron na, bakit?" Hindi ngayon pumasok si Mion dahil sabi niya sa akin ay tatapusin niya daw ngayon iyon.

" Kaya pala mukha kang kalmado." Malamang, talentado pa naman boyfriend ko. "Bigyan mo naman ako ng idea kung ano pweding i-drawing."

" Bakit ako kinakausap mo? Bakit hindi 'yung si Tala?" Tinuro ko si Tala gamit ang nguso ko.

" Meron na sa kanya. Ang plano kasi namin 'yung idea niya at akin ay parang kay Guko at Vegita, FUSION!" nagsalubong ang kilay ko dahil hindi naman ako mahilig sa mga cartoons o mga anime.

"Gets mo ba?" Tumango ako. "Edi tulungan mo ako." Tinatawanan ko na siya sa isip ko.

"mukha ng mama mo, papa mo, ate mo, kuya mo, tita, tito, pinsan, tsismosang kabitbahay o mukha mo. Nature, insekto, hayop, basta kasi nasa sayo naman ang desisyon."

Tumabi sa kanya si Jade, "Anong pinag uusapan niyo?" Umupo din sa mesa ko.

"Si Alexa hindi niya daw alam ang gagawin." Sagot ko.

"Buti nga at may kasama kang magaling magdrawing. Kumusta namin kami ni Kharen?"

"Narinig ko pangalan ko. Ako ba pinag uusapan niyo? Pinaplastik niyo ba ako?" Nagsiksikan sila sa mesa ko para maka upo silang tatlo.

" Oo, Kharen pinaplastik ka namin buti nga nandito ka para marinig mo kung paano ka namin pag usapan." Wika ko.

" Bakit kayo nagkukumpulan diyan?" Biglang sumingit si Tala. Nakita niyang walang espasyo sa mesa kaya umupo siya sa hita ko, ang galing. Naka upo ako sa upuan habang kalong si Tala tapos ang tatlo naman ay sa mesa ko na pilit ipinagkakasya ang mga sarili.

"Hindi nagkulang ang school sa pagbigay ng upuan sa atin. Sobra sobra pa nga eh kaya bakit natin kailangang magsiksikan?" Buti na lang hindi mabigat si Tala. Walang kumilos sa kanila.

"Tala si Alexa walang tinutulong sayo, no?" Asar ni Kharen.

" Halla! Hindi siya tumutulong? Sabihin mo kay Sir para taga palakpak na lang sa graduation natin." Sumabog ng tawanan dahil sa sinabi ni Jade. Napasimangot naman si Alexa.

"Hoy! Alexa!"

"Grabe! Walang tulakan!

" According to Republic Act. 091800 ay bawal manakit ng cute!" Nahulog ang dalawa sa mesa ko dahil sa pagtulak sa kanila ni Alexa.

" Ayos lang, hindi pa din naman ako tapos." Saad ni Tala.

"Ay, ang bait." Sabi ni Jade.

Natapos ang araw namin na walang naging problema. Tulad nang dati at sabay sabay kaming kumakain sa kung saan hihinto ang spin sa cellphone ni Jade. Pati sa uwian ng hapon ay sabay sabay kami at hihinto sa labas ng gate para magpaalam dahil magkaka-iba kami ng deriksyon sa pag uwi.

"Hira!"

__________________________________

I love you as certain dark things are to be loved, in secret, between the shadow and the soul.