Chereads / Thana's blue canvas / Chapter 29 - KABANATA 28

Chapter 29 - KABANATA 28

Adohira's POV

Umaga ng martes, habang papalapit ako sa building nila Vera ay tumataas ang emosyon ko. Hindi ko alam kung ano ang tumulak sa akin para kausapin si Sir. Mart. Nakasukbit pa sa balikat ko ang aking bag at ang malala pa ay may hawak akong paint brush number 10, para akong lulusong sa digmaan na brush ang sandata ko. Nang pinagtitinginan ako ng mga student dito ay gustong kong maglakad paatras.

"Vera" Nakasalubong ko sa corridor ng unang palapag si Vera.

" Bakit ka nandito?" Pabulong na sigaw niya.

"Kakausapin ko si Sir. Mart—" hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng building.

"Kung tungkol 'to sa video, huwag ka ng tumuloy. Sira ka ba? Ha? 'Yung dean nga walang ginawa—"

" Good morning, Sir. Mart!" Napalingon ako sa likuran ko dahil sa mga estudyanteng binigkas ang pangalan ng taong gusto kong harapin.

"Good morning din." Hindi ko siya huhusgahan bilang isang tao pero bilang isang guro ay napakarumi niya. Hindi niya ba alam ang moral ang values?

"Good morning, Sir!" Pagbati ko sa kanya na agad naman akong kinurot ni Vera sa likod.

"Oh, good morning din sayo Miss. Ngayon lang kita nakita dito. Transferee?"

" Hindi po, sir. Art student po ako."

" Art student" pinasadahan niya ako ng tingin."Mali ka ata ng building na pinuntahan, ah?" Tanong niya saka tumawa.

" Pwedi ko po ba kayong kausapin privately? "

Tumigil siya sa pagtawa, "Tungkol saan?" Tanong niya.

"Kay Ashia po" sumeryoso ang mukha niya. Tumingin ako sa mga students pero may sarili silang mundo.

"Hindi naman pala importante ang sasabihin mo kaya hindi na natin kailangang mag usap privately." Hindi ko pinapansin ang pagpigil sa akin ni Vera.

"Sa tingin ko importante naman po ito. Napanuod ko po 'yung video at—" lumapit siya sa akin kaya natikom ko ang bibig ko.

" Hija, may mga bagay na hindi mo gustong mangyari pero mas gusto mo naman ang kapalit at 'yung si Ashia, ginusto niya ang nangyari." Tinapik niya ako sa balikat bago naglakad palayo.

Ginusto nga ba talaga ni Ashia iyon? Dahil base sa reaksyon niya kahapon ay kasalungat sa sinabi ng guro na 'yon. Dapat ba akong magalit? Dapat ko bang ikagalit ang nangyari sa kanya? Bakit ako apektado kung hindi na kaibigan ang turing ko sa kanya?

"At bakit parang hindi sila apektado?" Tanong ko kay Vera nang mahimasmasan ako.

" Bakit sino ba si Ashia? Isang transfer student na walang na-iambag sa school. Ngayon, bakit siya pag-aaksayahan ng oras ng mga nasa itaas? " Kinuha niya ang hawak kong brush at pinalo sa ulo ko.

"Vera!" May tumawag sa kanya, "may self study pa tayo. Anong ginagawa mo diyan?"

Nilingon niya iyon, " Oo, alam ko. Relax". tumingin si Vera sa akin "bumalik ka na kweba niyo." Tumalikod na siya sa akin.

Kung ang mga teachers mismo ay walang magawa paano pa ako na estudyante lang? Kung makikialam ako ay baka maapektuhan ang graduation ko. Gusto kong maka graduate dahil iyon ang hangad ko 1st year pa lang ako. Bumalik na din ako sa room namin pero napahinto ako nang matapat ako sa art room dahil nakatiwangwang ang pinto. Pagsilip ko sa loob ay nadoon si Mion, naka upo, nakaharap sa blankong canvas.

"Mion" nakangiting usal ko saka lumapit sa kanya at na upo sa kanyang tabi.

"Kanina pa kita hinihintay. Saan ka galing?" Hinulog ko ang aking ulo sa balikat niya.

" Anong binabalak mong gawin?" Pag iiba ko ng usapan. Ayaw ko namang pag usap ang hindi naman importante.

"Hindi ko nga alam." Ibinaba niya ang hawak na pallete at brush.

"Thank you pala doon sa regalo mo."

"Nagustuhan mo?" Tumango ako.

" Pero bakit si Shivani ang nagbigay sa akin bakit hindi ikaw?"

"Tinapos ko 'yung drawing natin."

" Ang sabi ni Shivani, tulog ka daw."

"Unggoy 'yon. 'Wag mong paniwalaan." Nag angat ako ng tingin sa kanya.

" Dala mo ba 'yung drawing?" Tanong ko.

" Oo, nasa locker." Sagot niya.

Naguluhan ako nang hinila niya ang inuupon ko papalapit sa kanya saka niya ako niyakap sa bewang at halikan ang pisngi ko. Namumungay ang mga mata niya.

"Anong oras ka natutulog sa gabi?"

"Maaga"

"Inaantok pa 'yang mata mo."

Nginitian niya lang ako at hindi niya pinansin ang sinabi ko. Hinalikan niya ako sa gilid ng aking labi. Patuloy ang paghalik niya hanggang sa mismong labi ko na pero paunti unti ang kanyang paghalik na para bang nang aasar. Pinalo ko siya sa dibdib niya na ikinatuwa naman niya.

"Hindi ka nakakatuwa—" sinamantala niyang nakabuka ang aking labi para halikan. Alam niya ang kanyang ginagawa at alam niya kung paano ako bibigay sa kanya.

"Halla! Porn!" Agad akong humiwalay sa kanya nang marinig ang tawanan sa likuran namin.

"Ang tagal ko na dito sa art room pero hanggang ngayon ay wala pa ring humahalik sa akin." Sabi ni Kharen habang sinasara ang pinto.

" School po ito hindi ano...kaya umayos kayo." Inaayos naman ni Jade ang canvas sa easel. Wala si Alexa at Tala.

"Asan 'yung dalawa?" Tanong ko.

"Nasa taas pero pababa na din." Si Kharen ang sumagot.

Nagsimula silang gumuhit sa canvas at ngayon ko lang naalala na hawak ko pa pala ang brush. Hinagis ko ito sa katabing mesa buti na lang hindi napansin ni Mion. Hindi iyon ang niregalo niya, lumang brush ka na iyon kaya ayos lang kahit itapon ko.

"Guys! Alam niyo ba!" Bigla na lang bumukas ang pinto at mas nauna pang nakapasok ang boses ni Alexa keysa sa kanya. "May bagong issue, mainit init pa." Aniya saka umupo paharap sa amin. Sunod na pumasok ay si Tala habang hawak ang sketch pad at lapis.

"Anong issue?" Tumigil si Kharen sa ginagawa niya.

"May nakipag chukchuk sa prof sa kabilang building."

" Anong chukchuk? " Tanong ni Jade.

" Eto oh! " Pinaharap niya sa amin ang screen ng cellphone niya at dahil nakalingon lang ako sa kanya ay mabilis akong naka iwas para hindi na ulit makita pa ang video.

"Eeeeeewwwww!!!" Reaksyon nila.

"Sino 'yung babae?" Tanong ni Kharen.

"Taga dito sa school natin."

"Kilala natin?" Tanong ni Jade.

" Oo, gagi hindi niyo namukhaan? Si Ashia, 'yung friendlaloo ni Hira." Nakuha nila ang atensyon ni Mion kaya sumingit siya sa tsismisan nila.

"Ay wow Mion, kailan ka pa naging tsismoso?" Tiningnan ko ulit sila. Pinapanuod ni Mion ang video pero agad niya din binalik kay Alexa ang cellphone saka bumalik sa tabi ko at pinagpatuloy ang pagpipinta. Nakatingin lang ako sa kanya, naghihintay ng masasabi niya tungkol sa bagay na iyon.

"Alam kong mangyayari 'yon, unang kita ko pa lang sa kanya. " Wika nang hindi tumitingin sa akin.

" Luh! Alexa nanonood ng porn." boses ni Kharen.

"Gagi, pinasa lang sa akin 'to."

" Pinasa nga pero pinanuod mo naman."

" Kakapasa lang sa akin kanina at binuksan ko lang nang ipanood ko sa inyo."

Uwian ng hapon, nakalingkis ako sa braso ni Mion habang palabas kami ng school. Katabi ko si Vera at himala dahil wala ngayon si Ashia. Ang apat naman ay nasa likuran lang at hindi pa rin tumitigil ang usapan tungkol sa video. Paglabas namin sa gate ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Aalis na rin sana ako pero inipit ni Mion ang kamay ko sa pagitan ng braso niya at tagiliran.

"Hindi niyo ikakamatay ang mawalay sa isa't isa ng isang gabi. Meron pa bukas." Hindi pa rin pinapakawalan ni Mion ang kamay ko kahit na pilit ko ng hinihila ito.

" Punta ka sa bahay." Sabi niya.

"Hoy! Mion—" Napatigil siya dahil sa pagbusina ng kotseng huminto sa tapat namin.

Bumaba ang bintana ng kotse at mukha ni Shivani ang bumungad sa amin, "Pare!" Sigaw niya.

"Nandito na sundo natin." Lumapit si Mion sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

"Bye, Vera." Tumatagos ang tingin niya kay Shivani na nasa loob ng kotse.

"Bye" wala sa sariling bigkas niya. Pumasok na din ako sa kotse.

"Hindi pala siya makaka uwi mamaya." Rinig kong sabi ni Mion kay Vera pero ang gaga ay parang tanga na nakatitig kay Shivani.

" Grabe 'yung titig sa akin ng kaibigan mo Hira, nakakakilabot." Nakapasok na din sa kotse si Mion kaya pinaandar na ito ni Shivani.

"Type ka niya" walang kagatol gatol na bigkas ni Mion.

"Hindi ko siya type" napaka presko ng lalaking ito.

"Ano type mo?" Tanong ko, "ay teka, may girlfriend ka ba?" Natawa si Mion. Wala pa kasi akong nakitang babae ni Shivani. Baka hindi niya lang pinupunta 'yung babae niya sa bahay nila.

"Magugulat ka kapag nalaman mo ang type ko. Delikado." Gamit ang salamin ay kita ko ang pag ngisi niya. Delikado ang type niya?

Kinuha ni Mion ang palad ko na nakapatong sa hita ko saka hinalikan at kinulong sa palad niya. "Huwag mo siyang isipin." Binigyan niya ng tingin si Shivani gamit ang salamin.

Pagkarating namin sa bahay nila ay naunang bumaba si Shivani. Pagkapasok namin sa loob ay dumiretso ako sa kusina samantalang si Mion ay ipinasok ang bag namin sa kwarto niya.

Pagka upo ko ay pinatay ni Shivani ang kalan, "Sakto, ang galing ko talaga at ang gwapo ko pa." Napataas ang kilay ko sa lakas ng hangin.

"Ulam ba natin 'yan mamaya?" Nanuot sa ilong ko 'yung amoy nang buksa niya ito kanina.

" Oo—shit!" may kumalabog sa taas, sa kwarto nila. Agad namang pinuntahan iyon ni Shivani. Mag isa na lang ako dito sa kusina kaya pumunta na lang ako sa kwarto ni Mion.

Pagbukas ko ng pinto ay rinig ko ang pagbuhos ng tubig na nanggagaling sa banyo niya. Binuksan ko ang damitan niya at ako na ang kumuha ng kanyang susuotin. Nandoon pa din sa pwesto ang easel na may takip na puting tela. Nangangati ang kamay ko na alisin ang tela at tingnan ang nakapinta doon ngunit ayaw ko namang pakialaman.

"Next month na birthday mo, diba?"

"Huh?" Nakalabas pala siya sa banyo.

"Makikita mo lang 'yan sa birthday mo." Umupo siya sa kama habang nagpupunas ng buhok.

" Nakalimutan ko na ang birthday ko." Kinuha ko sa kamay niya ang tuwalya at ako na ang nagpunas sa buhok niya. "Paano mo nga pala nalaman?" Sarili kong kaarawan hindi koan lang maalala.

" May gusto kang puntahan?" Huminto ako dahil biglang pumasok sa aking isipan ang bagay na matagal ko ng gawin.

"Kahit ba hindi ko pa birthday pwedi mo ba akong dalhin sa isang lugar na gusto kong puntahan?"

" Oo naman" walang pag aalangang sagot niya.

" Gusto kong pumunta sa dating bahay ko. Tanda mo pa ba 'yung bahay na umakyat ka sa bintana ko?" Natawa siya saka tumayo at nagsimulang magbihis.

" Kailan mo gustong pumunta doon?" Binababa niya ang laylayan ng kanyang damit para matakpan ang katawan niya.

"Pagkatapos ng graduation." Sabi ko.

"Sige" Napahinto siya sa paglapit sa akin nang may kumatok, "Istorbo".

"Kakain na!"

__________________________________

If there's a single lesson that life teaches us, it's that wishing doesn't make it so.