Chereads / Thana's blue canvas / Chapter 25 - KABANATA 24

Chapter 25 - KABANATA 24

Adohira's POV

"Saan ka galing kagabi?" Tanong ni Vera at hinagisan ako ng isang butil ng kanin sa mukha.

Kumakain kami ng hapunan ngayon. Hindi na ako nakapunta sa school kanina dahil pagkakita ko pa lang ng kama ko ay parang hinihila ako nito para mahiga ako.

Nagising ako dahil sa paglindol ng aking kama at mukha ni Vera ang bumungad sa aking pagdilat. Kanina pa malagkit ang tingin niya sa akin na parang may ginawa akong isang bagay na hindi kaaya-aya.

"Hoy!" Dumikit sa pisngi ko ang piraso ng kanin na ibinato niya. "Tinatanung kita kung saan ka natulog kagabi?" Lumalaki pa ang mga mata niya. Sasabihin ko ba ang totoo o mag-iimbento ako ng kwento.

"Ano?sagot!" Akala mo nanay ko siya.

"Kay Mion." Walang gana kong sagot.

" Lintik ka!"

"Ah!" Pinalo ba naman ako ng sandok sa palad.

" Huwag mong sabihin na pinintahan ka na niya." Ano bang pinagsasabi nito.

" Ano ka ba! Anong tingin mo sa akin? Canvas? Para mag-pinta siya."

" Para sabihin ko sayo, graduation muna bago honeymoon. Makukurot talaga kita sa anit mo." Lihim akong napangiti. Kahit na ganyan siya magsalita ay dama ko ang pag-aalala niya.

"Dahil kumerengkeng ka kagabi, ikaw ang maghuhugas ng pinggan ngayon. Parusa mo 'yan." Uminom siya ng tubig at umalis na papunta sa kwarto.

"Nakabayad ka na ba ng apartment para ngayong buwan?" Dalawa kaming nakatira rito kaya hati kami sa mga bayarin.

Umikot siya paharap sa akin at nagflip hair "duh! Kaninang umaga pa." Bakit parang iba sa umakto ngayon? Wala akong nakikitang galit sa kanya dahil hindi ako nakapagpaalam kagabi na hindi ako makaka-uwi. Baka may regla siya kaya iba ang kinikilos niya?

Tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan namin. Hinugasan ko ang mga ito at pumasok sa kwarto upang makaligo na. Nakahiga si Vera sa kama niya at hawak ang isang men's magazine, 'yung pictures ay puro mga lalaking naka-underwear lang at naglalakihang mga muscles at abs.

May abs ni naman si Mion, nakita ko kaya n'ong ginamot ko siya kahapon. Kumuha ako ng pajama sa wardrobe ko at nilapag sa kama saka pumunta sa banyo. Binuksan ko ang shower at sinimulang basain ang katawan.

Pagkuha ko ng sabon ay napatitig ako rito. Hindi ko napigilang pumasok sa aking isipan ang nangyari sa banyo niya kagabi. Ang bawat haplos niya...umiling ako at kinuha ang shower head saka tinutok sa mukha ko para mawala ang kalaswaan sa aking isipan. Hindi ko 'to kaya. Inuntog ko ang aking ulo sa pader nang isang beses lang, masakit eh.

Binilisan ko ang pagligo at dali daling tinuyo ang katawan. Nakatapis ako ng tuwalya nang bumalik ako sa kwarto namin at sinuot ang hinanda kong pajama kanina. Habang nagsusuklay ng buhok ay napatingin ako kay Vera na halos hindi na kumukurap ang mga mata sa pagtitig sa mga pictures ng mga lalaki sa magazine. Pinulot ko ang aking unan at binato sa mukha niya.

"Aray abs ni Ven Hur!" Bumangon siya habang matalim ang tingin sa akin. "Bakit mo ako binato ng unan? Nagulat ako!" Binato niya pabalik sa akin ang unan ko pero nasalo ko iyon.

"Paano 'yung gulat? Patingin nga." Inikutan niya ako ng mata at bumalik sa pagkakahiga. "Sino si Ven Hur?" Hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagbanggit niya sa pangalan ng lalaking iyon.

"Ito oh!" Pinakita niya sa akin ang pahina ng magazine kung saan may mestisong singkit na lalaki na nakasuot ng laylay na denim pants kaya kita ang garter ng Calvin Klein na underwear niya at walang suot na damit kaya kita talaga ang walong pandesal. "Gwapo diba?" Inismiran ko siya.

"Ano ngayon kung gawapo 'yan?"

"Crush ko kaya 'to. Hindi ako bumubili ng ibang magazine. Loyal ako sa kanya." Niyakap pa niya ang magazine at nagpagulong gulong sa kama niya. "Balang araw magiging boyfriend ko din siya."

"Kilala ka ba niya?"

"Hindi"

"Wala ka ng pag-asa at paano 'yung crush mo sa school, 'yung magaling sa animation? Anong name niya?"

"Joshua" huminto siya sa paggulong nang nakadapa na nakatingin na pa din sa magazine.

"Narinig ko tinawag siyang walot ng mga kaklase niya." Binalik ko ang suklay sa panglagyan.

" Walot? Palayaw niya siguro."

" Bakit hindi mo aminin sa kanya na crush mo siya?"

" Paano kung hindi niya ako gusto? Anong gagawin ko? Hahabulin ko siya? Huh! Hindi ako ganu'n ka-desperada."

"Malapit na graduation, sayang naman 'yang feelings mo ng dalawang taon, masasayang lang."

" Hindi ko alam." Bigla siyang lumingon sa akin "hindi dahil may love life ka na eh mapipilit mo akong umamin sa crush ko." Tumalikod siya sa akin.

" Edi huwag kung ayaw mo." Humiga na ako at nagkumot.

"Good night." Sabi ko.

"Good night. Papatayin ko 'yung ilaw pagkatapos ko silang pagsawaan..." Hindi ko na narinig pa ang sunod niyang sinabi dahil kinain na ako ng antok.

Maaga akong nagising hindi dahil gusto ko at para maaga akong makapasok. Hanggang sa panaginip ay hindi ako tinatantanan ng nangyari sa amin ni Mion. Kailangan ko na atang maligo ng holy water. Halos buhatin ko na ang aking mga binti para lang maka-akyat sa 2nd floor. Antok na antok pa ako at napapahikab habang naglalakad kaya napapatingin sa akin ang ibang estudyante sa corridor.

Kumikintab ang katawan ko sa pawis nang makapasok ako sa room namin. Naabutan ko silang nagkukumpulan sa notice board namin. Sa notice board kasi nilalagay ng mga prof ang ipapagawa nila kapag tamad silang magturo o may importante silang gagawin at hindi nila kami maharap. Ayos lang naman sa amin iyon dahil tao din lang kami, nakakaramdam ng katamaran.

"Ano 'yan?" Tanong ko sa kanila pagkalapag ko ng aking bag sa upuan ko.

"Another project" sagot ni Jade.

Lumapit din ako dito at binasa ang nakasulat. May gagawin na naman kami pero iba na ngayon dahil hindi canvas at paint brush ang kailangan namin kung hindi ang sketch pad at lapis. Tapos pares pa ito at nasa amin na kung ano ang gusto naming iguhit.

Nagdadabog na bumalik sa kanyang upuan si Kharen "isinusumpa ko ang taong nag-imbento ng drawing na 'yan." Bumalik na din ako sa upuan ko.

"Partner tayo Tala!" Sabi ni Alexa at lumingkis pa sa braso ni Tala.

"Mukha mo." Sagot sa kanya ni Tala. Alam namin kung gaano kagaling si Tala sa pagguhit dahil lahat ng gawa niyan ay hinaluan niya ng pagmamahal.

Tumingin sa akin ang dalawa "Partner ko si Mion." Parehong nanlambot ang kanilang mga tuhod.

Nagkatinginan sila at nagtabi sa upuan saka tinapik ang balikat ng isa't-isa. Sabay silang tumango, ibig sabihin ay wala na silang pagpipilian kaya magtulungan na lamang. Marunong naman sila mag drawing basta sobrang effort ang ilabas nila. May tiwala ako sa kanila.

"Ako na magkukulay, Kharen." Sabi ni Jade.

"Ano na mag drawing..." Bigkas ni Kharen kaya nagkakaroon ng pag asa ang mga mata ni Jade. "...mag drawing ng stick na tao, bundok na pa-triangle at punong kulot kulot ang mga dahon." Nagtawanan lang sila sa kalokohan nila.

Ilang oras ang nakalipas nang biglang pumasok ang prof namin para sabihin ang tungkol sa graduation, 'yung mga babayaran at kailangan ng pasadong grade para hindi mahuli. Hindi kami natakot dahil makakapal ang mukha namin na isiping pasado kami sa lahat ng subject kahit na ang tamad tamad namin. Ang totoo ay alam namin sa sarili namin na wala kaming bagsak dahil kahit na pinapangunahan kami ng katamaran ay nagpapasa naman kami ng requirements isang segundo bago ang deadline.

Dumating ang hapon at nagpapaalam na si haring araw. Plano kong puntahan si Mion para sabihin ang tungkol sa project at 'yun lang naman. Pumunta muna ako sa apartment para magpaalam kay Vera pero wala pa siya kaya nag iwan ako ng sticky note sa refrigerator para alam niya na aalis ako pero hindi ko sinabi kung saan.

Inalala ko ang paraan kung paano makapunta sa kanila. Sumakay ako ng bus at naglakad hanggang sa makarating sa dating maputik na daan kung saan nag inarte ako. Sa kabutihang palad ay hindi maputik ngayon kasi adidas na kulay puti ang suot kong sapatos.

Sa paglalakad ko ay maraming nakakalat na mga bata na naglalaro sa lupa at napapatingin sa akin tuwing nadadaanan ko sila. Nakarating ako sa daan na dati ay may nakasalubong kaming lalaki na hindi maganda ang ngipin. Tinahak ko ito kahit na may takot sa loob ko. Kung paano ay naka-abang ulit si Lefu.

"Hira?" Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko.

"Shivani?" Gumaan ang pakiramdam ko dahil may kasama na ako.

"Saan ka pupunta?"

"Kay Mion...sa inyo."

" Talaga?" Lumiwanag ang mukha niya "Tara! Sabay na tayo." Umakbay siya sa akin. Bumusangot ako dahil ang bigat ng braso niya. Ang bilis pa niyang humakbang kaya natatangay ako.

"Biruin natin si Mion, gusto mo?" Ngumunguya pa siya ng bubble gum.

"Biruin o galitin?" Tanong ko.

"Pareho" aniya at tumawa.

"Kaninong bahay 'yon?" Danaan namin ang bahay kung saan binugbug ni Lefu si Mion.

"Marami."

"Sino?"

"Kapre, white lady at mga tiyanak" hindi siya nakakatuwa. Nahalata niya siguro ang pag seryoso ko. "Wala ng nakatira sa bahay na 'yon. Matagal na." Hindi ko gusto ang binigay na alaala sa akin ng bahay na 'yon.

Nakarating kami sa bahay nila at napako ako sa kinatatayuan ko nang maabutan naming nagsusuntukan sila Mion at Lefu. Agad namang umawat si Shivani na pumagitna sa dalawa pero hindi siya sapat para matigil ang dalawa. Tinakbo ko ang distansya namin at agad na pinigilan si Mion ngunit tinulak niya lang ako. Naunang tumama ang kanang siko ko at nauntog pa ang ulo ko sa semento kaya naman medyo umiikot ang paningin ko nang bumangon ako.

"P're awat na, tangina!"

"Hoy gago! Huwag niyo akong suntukin!

"Putcha!"

"Mion si Hira nandito!"

"Gago hindi 'yun pupunta dito!"

"Lefu isusumbong kita kay Khalida kapag hindi pa tumigil."

Hindi ko alam kung alin ang hahawakan ko sa sakit. Ramdam ko ang hapdi ng sugat ko sa siko kaya hindi ko ito maigalaw. Walang sugat sa ulo ko pero pumipintig sa sakit. Naramdaman kong may palad na umalalay sa akin patayo.

__________________________________

It is a curious thought, but it is only when you see people looking ridiculous that you realize just how much you love them.