Adohira's POV
"Oizys! Tulong!" Sigaw ni Shivani.
Nang makatayo na ako ay umalis din siya sa tabi ko. "Salamat" saad ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakapikit ako.
"Hindi kayo titigil!? Ano suntukan tayong tatlo!?" Hindi ko alam kung ganap sa kanila dahil nakatalikod ako.
Humarap ako sa kanila. Hawak ni Lefu ang kwelyo ni Mion at binigyan niya ng isang suntok na puno ng pwersa. Hindi nakalaban si Mion dahil sinundan niya pa ng sipa at pinunterya niya ang tiyan ni Mion. Pareho ng duguan ang mga mukha nila. Gusto ko mang umawat ngunit hindi ko na kaya pang tumingin sa mukha ng lalaking mahal ko.
Gumanti si Mion ng sipa kay Lefu pero hindi sapat ang lakas niya para mapatumba si Lefu. Bumwelo ng suntok si Mion na nagpatumba kay Lefu. Hinahabol na nila ang kanilang hininga pero hindi pa rin sila tumitigil.
Napaupo ako tinakpan ang mukha ko. Hindi ko na sila kayang makita.
"Isa!" Tila kulog ang nagpatahimik sa paligid. Nag angat ako ng tingin "punyeta! Wala kayong balak tumigil!?" Sigaw niya sa dalawa. Salubong ang kilay ni Shivani at namumula ang leeg niya. Sila Mion at Lefu naman ay nagpapatayan gamit ang titig.
"Mion umayos ka." Nag iwan siya ng makahulugang tingin kay Mion saka pumasok sa loob. Sumunod naman sa kanya si Lefu.
Nang makita ako ni Mion ay napahinto siya at nagkaroon ng takot sa kanyang mga mata. Nilapitan niya ako pumantay sa akin. Pinunasan niya muna ang palad niyang bahid ng dugo at inilahad sa harap ko. Nag iwas ako ng tingin at humawak sa kamay niya. Walang salitang hinila niya ako patungo sa kanyang kwarto.
Umupo ako sa dulo ng kama niya habang siya naman ay hindi mapakali at ginugulo ang buhok. Napaawang ang aking labi nang bigla siyang lumuhod sa aking harapan. Pinatong niya ang noo niya sa hita ko at iniyakap ang kanyang mga braso sa aking bewang.
"Siya ang nauna." Hinaplos ko ang buhok niya. "Hindi ka galit?" Hindi ito ang tamang oras para sa galit.
"Diba sabi mo kapag kasama kita, maging totoo lang ako. Kaya naman bibigyan kita ng huling pagkakataon." Alam ko na sa isang relasyon ay hindi mawawala na magkaroon ng pagtatalo pero pagdating sa aming relasyon hangga't maaari ay iniiwasan namin ang magalit basta basta kasi baka may masabi kami sa isa't isa na magiging dahilan ng aming hiwalayan.
"Mahal na mahal kita, Adohira." Patuloy lang ako sa paglalaro sa kanyang buhok.
" Alam ko."
" Ang sabi ko mahal kita."
" Oo, narinig ko." Itinago ko ang pag ngiti ko nang tingnan niya ako ng masama. "Tabihan mo ako." Agad naman niyang sinunod.
Dahil sa kanya ay nakalimutan ko na may sugat pala ako
" Kukunin ko lang 'yung gamot kay Shivani." Namamaga rin ang kaliwang mata niya. Madali sana siyang gagaling kung pupunta kami sa ospital pero lagi siyang tumatanggi.
Alam ko kung saan ko makikita si Shivani. "Nasaan 'yung gamot?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya tumingin sa akin at itinuro ang isang cabinet gamit ang nguso habang naghihiwa ng repolyo. Nang makuha ko na ang kailangan ko ay bumalik ako sa kwarto. Katulad ng dati ay ginamot ko ang mukha niya at nilagyan ng tamang bandage ang namamaga niyang mata. Pagkatapos ko sa kanya ay ang sugat ko naman ang inatupag ko.
"Sorry..." Kinuha niya sa kamay ko ang gamot at siya na ang nagtuloy kaya napangiti ako. "Mababaw lang naman ang sugat. Mahapdi ba?" Nang hipan niya ang siko ko ay nalanghap ko ang amoy alak niyang hininga. Nabura ang ngiti ko sa labi.
"Saan ka pumunta matapos mo akong maihatid kahapon?" Tanong ko.
"Nag aya ng inuman 'yung tropa ko. Hindi naman ako makatanggi dahil broken heated ang gago. Kailangan niya daw ng kausap."
" Bakit hindi mo sinabi sa akin kahapon?" Patapos na siya, tinatakpan na niya lang ang sugat ko.
"Baka hindi ka pumayag eh."
"Mion, ayaw ko ng may tinatago tayo sa isa't isa. Papayagan naman kita basta magpaalam ka lang."
"sorry..."
" Ibabalik ko na 'tong gamot." Aayusin ko sana pero binawi niya ang gamot sa kamay ko at nilagay sa isang tabi.
"Mamaya na 'yan." Akmang hahalikan niya ako pero hinarang ko ang kamay ko sa mukha niya.
"May project pa tayo." Sabi ko.
"Ano?" Inalis ko na ang kamay ko at umayos naman siya ng upo.
"Drawing. Sariling idea at partner tayo." Nagkamot siya ng ulo.
"Bakit nga pala nag away na naman kayo ni Lefu?"
" Wala 'yon. Huwag mong isipin 'yon."
" ano bang pinagmulan ng away niyo?" Binagsak niya ang katawan sa kama.
" Mababaw lang." Nagpakawala siya ng malalim na hininga.
" Ano nga?" Umupo ako ng nakaharap sa kanya.
" May utang ako sa kanya."
"Magkano?"
" Maliit na halaga—"
" At hindi mo pa nabayaran? Para 'yon lang halos magpatayan na kayo?"
" May mas malalim pa na dahilan at ayaw ko na balikan pa 'yon. Pasensya siya Hira pero binaon ko na 'yon sa limot."
" Ayos lang. Naiintindihan ko." May kumatok sa pinto at alam na namin kung sino. Pagtayo ko ay nagpahila siya sa akin para makabangon at hinalikan ako sa labi.
Pagpasok namin sa kusina ay naka upo na dito si Oizys at katabi niya si Lefu. Hindi pa nagagamot ang mga galos ni Lefu at parang naghilamos lang siya dahil nabura na ang bakas ng dugo sa mukha niya. Ngayon na magkalapit sila ay nakikita ko talaga ang pagkapareho ng mukha nila. Kung wala lang hikaw si Lefu at maayos siya sarili niya ay pwedi na silang magpalit ni Oizys. Pinaghila ako ng upuan ni Mion saka siya umupo.
"Our ulam for tonight is nilaga!" Inilapag ni Shivani ang kaserolang umuusok pa sa mesa na nakatabi ng pinggan ng kanin.
"Enjoy your meal." Umupo na din siya at naunang sumandok. Ito na ang pangalawang beses na makikain sa kanila.
Si Oizys kahit sa hapag kainan ay hindi niya mabitawan ang libro. Si Lefu at Mion ay mukhang patay gutom. 'Yung totoo baka si Mion at Lefu talaga ang tunay na kambal.
Pansin ko ang ang paggalaw ng mga mata ni Shivani kila Mion at Lefu. Nag aabang siguro siya kung magkakaroon ng alitan ang dalawa habang kumakain kami. Tuloy tuloy lang sila sa pag subo. Naubos siguro ang lakas nila sa laban nila kanina.
Pagkatapos kumain ay nanatili silang naka upo habang tinutulungan ko si Shivani sa pagliligpit. Nagpresenta akong maghugas ng pinggan pero tumutol siya. Napabalik ang tingin ko sa kambal na walang pakialam sa mundo pero si Lefu ay masama ang titig kay Mion.
Kinuha ko ang gamot sa kwarto ni Mion at tumabi kay Lefu. Inilabas ko sa kahon ang mga kailangan. "Adohira" tumingin ako kay Mion at binigyan niya ako ng nagbabantang tingin.
"Gagamutin ko lang siya, Mion." Nakabusangot siyang sumandal.
Papahiran ko na ang mukha ni Lefu nang pigilan niya ang kamay ko. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Nagmamalasakit lang ako eh.
" Baka lumala ang mga galos mo kung hindi 'yan magagamot agad." Nilipat niya ang tingin kay Mion at binitawan ang kamay ko. Hindi naman siya nagsalita habang ginagamot kaya pasasalamat ko na din 'yun.
Pagkatapos ay bumalik ako sa tabi ni Mion. "Salamat nga pala kanina, Oizys." Nilipat niya ang pahina ng libro. Siya kasi ang tumulong sa akin na makatayo kanina.
Tiniklop niya ang libro at humarap sa akin "Hindi dahil boyfriend mo ang kaibigan ko ay kaibigan ka na rin namin." Nagbaba ako ng tingin.
" Oizys—" pinigilan ko si Mion dahil baka kung ano pa ang masabi niya. Ayaw ko namang masira ang pagkakaibigan nila ng dahil lang sa akin.
"Naiintindihan ko." Saglit akong ngumiti.
" Mion, mag usap tayo." Wika ni Oizys at naglakad palabas. Hinawakan muna ni Mion ang kamay ko bago sumunod.
"Adohira..." Banggit ni Lefu sa pangalan ko. "Pamilyar 'yang pangalan mo. Parang narinig ko na 'yan dati." Pinakitaan niya ako ng nakakaloko niyang ngiti pero agad din siyang sumeryoso.
" Pasensya na sa nangyari n'ong nakaraan at salamat sa paggamot sa mukha ko. Patay ako kay Khalida kapag nakita niya akong sira ang mukha."
" Girlfriend mo si Khalida?" Tanong ko.
" Oo" napako ang mata ko sa labi niya dahil ang paraan ng pag ngiti ay iba, halata talaga na mahal niya si Khalida. Ang kanyang senseryong mata na nakatingin sa kawalan.
"Walang anuman." Nahawa ako sa paraan ng pag ngiti niya. Kahit gaano pa kasama ang ikinikilos ng isang tao ay hindi iyon sapat upang diktahan mo ang buong pagkatao niya.
"Oy! Bakit nakangiti kayong dalawa?" Bigla na lang sumulpot si Shivani. "Best friend na kayo?" Tanong niya habang nilalapag sa lababo ang mga nahugasan. May lababo naman dito sa loob pero mas gusto niya daw sa labas at hindi ko alam kung bakit.
"Tangina mo!" Tulad ng mga kaklase ko noong High School na palamura ay ngayon kailangan ko ding masanay sa kanila.
Sa kanila ang salitang 'I love you' ay binibigkas nila sa pamamagitan ng pagmumura. Kung gawin ko din kaya 'yun kay Mion, ano kaya magiging reaksyon niya?
Hinintay namin sila Oizys at Mion na makabalik. Naka upo lang kaming tatlo, nakapalumbaba si Shivani, si Lefu naman ay naka krus ang mga braso sa dibdib, at ako ay malapit ng mabagot. Gaano ba ka-importante ang pinag uusapan nila?
Nang makabalik na sila ay bumalik sa pagkakaupo si Oizys sa tabi ni Lefu at binuklat ang libro. Galak kong hinintay na maka lapit sa akin si Mion.
"Mion, putang ina." Nakangiting saad ko.
Nabitin sa ere ang pwetan niya. Nakuha ko ang atensyon ni Oizys. Natawa naman si Lefu at Shivani.
Nang makabawi si Mion ay umupo siya at hinarap ako. "Ano? Saan mo natutunan 'yan? Sinong nagturo sayo na mag mura?" Magulo ang kanyang ekspresyon.
"Putang ina mo." Ulit ko at hindi ko mapigilan ang kasiyahan. Sana naman makuha niya ang ibig kong sabihin.
"Putang ina mo din." Natatawa niyang sagot. Inakbayan niya ako at hinaplos ang buhok ko.
__________________________________
Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage