Chereads / Thana's blue canvas / Chapter 22 - KABANATA 21

Chapter 22 - KABANATA 21

Adohira's POV

"Bigyan mo ako ng panahon." Mahinang saad ko. Nagulat ako nang bigla niyang kinuha ang canvas at hinagis sa pader.

"Putang ina!"

"Mion..." Hinawakan ko siya para pakalmahin pero iwinaksi niya lang ang kamay ko.

"Natatakot ako! Ayaw ko ng masaktan. Ayaw ko ng mawalan ng mahal sa buhay. Paano kung iwan mo din ako?" Tinakpan ko ang mukha dahil tuloy tuloy na ang paghagulgol ko.

"Hindi kita sasaktan. Pangako, Hira." Marahan niyang hinaplos ang buhok ko.

"Hindi ko pa kaya at hindi kita gaanong kilala." Rinig ko ang malakas niyang pagbuga ng hangin kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Mahigit apat na taon na tayong magkasama, Hira! Anong ginawa mo sa loob ng apat na taon!? Nagbulag-bulagan!?" Parehong nakakuyom ang dalawang kamay niya. "Ang gusto ko lang mahalin mo ako! Ilang taon kitang hinintay na maging okay ka, naghintay ako na makikita ko ulit ang inosenteng Hira na minahal ko at naging mabuti akong kaibigan...kaibigan mo ako dahil iyon ang sinasabi mo sa tuwing may nagtatanong kung anong relasyon natin." Namumula ang tenga niya at leeg.

"Sa apat na taon na 'yon Mion wala akong nakita kundi ang hindi mo magagandang ginawa. Papasok ka dito sa school na puro pasa sa katawan at minsan na hindi ka na pumapasok. Ako ang nagsusulat ng lesson para sayo kasi wala kang ibang ginawa sa klase kundi puro tulog—"

" Bakit mo sinusumbat sa akin 'yang mga 'yan?" Kalmado ngunit nakakatakot ang boses niya.

"Gusto ko lang na itigil mo na ang mga pag-uugali na 'yon kasi ako ang nahihirapan sa sitwasyon mo. Mion... please, intindihin mo ang nararamdaman ko." Pinunasan ko ang mga luha ko at kinalma ang sarili.

"Ititigil ko ang mga 'yon. Hindi na ako papasok na may pasa sa mukha at aayusin ko ang pag-aaral ko basta mahalin mo lang ako."

" Gawin mo 'yan para sa sarili mo." Napahilamos siya ng mukha.

" Kailangan kita, Hira."

" Hindi pa ako handa." Tatayo sana ako pero pinigilan niya ako. " Mion, huwag mong sirain ang pagkakaibigan natin." Nanlalambot ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

"Pagkakaibigan? Magkaibigan nga ba tayo, Hira?" Hawak niya ang magkabilang gilid ng inuupuan ko. "Walang magkaibigan na naghahalikan, Hira. Kung kaibigan ang turing mo sa akin bakit hindi mo ako tinulak no'ng naglapat ang mga labi natin?" Bumibilis ang pintig ng puso ko kasabay ng pagkawala ng boses ko para masagot ko siya.

"Ayaw ko ng masaktan." Pumikit ako dahil nagbabadya na namang tumulo ang aking mga luha.

"Iingatan kita, Hira. Hindi kita babasagin." Pinunasan niya ang luha kong nakawala at hinalakan ako sa noo. "Sabay nating alisin ang takot mo. May tiwala ka ba sa akin?" Tumango ako.

Rinig ko ang pagbukas ng pinto "Dito ko lang 'yon nakita—owemji!" Naabutan ni Jade na ganito pa din ang ayos namin ni Mion.

"Parang tanga naman kasi—" sunod si Kharen na nabunggo pa sa likod ni Jade.

" Bakit hindi pa kayo pumasok—" nanlaki ang mata ni Alexa at ang huli ay si Tala na natawa lang. Sabay sabay silang lumabas habang sinasarado ang pinto pero nakasilip ang mga ulo nila.

Uwian ng hapon ay inaya ako ni Mion na lumabas na kaming dalawa lang.

"Ipupunta kita sa mundo ko." Siya na rin ang nagdala ng bag ko, nakasabit sa kabilang balikat niya.

"Ano tayo High School?" Natatawang saad ko "akin na nga 'yan." Hindi naman siya umangal nang kunin ko ang bag ko.

" Saan tayo pupunta?" Palabas na kami ng room.

"Basta" napakamot siya ng batok.

Paglabas namin ng campus ay sumakay kami ng bus at umupo sa pinakadulong upuan. Aangal sana ako pero naka upo na kami. Ayaw ko umupo banda dito dahil gusto ko 'yung malapit sa bintana para sana mahangin. Naalala ko 'yung una naming sakay sa bus na magkasama kahit hindi sinasadya at puro pasa ang mukha niya na hanggang ngayon ay wala pa ding pinagbago.

Papalapit na sa amin ang konduktor kaya dumukot siya ng pera sa bulsa niya at iyon ang pamasahe namin. Hindi na rin niya kinuha ang sukli na pinagpasalamat ng konduktor. May tiwala naman ako sa kanya kaya kahit saan man niya ako dalhin ay alam kong magiging ligtas ako.

Hindi nagtagal ay huminto ang bus sa parang terminal kasi puro bus ang nakikita kong sasakyan dito. Hinawakan niya ang kamay ko pagkababa namin dahil maraming sumisiksik para lang makapasok.

"Nasaan tayo?" Nililibot ko ang kabuuan ng lugar ngunit ako pamilyar dito.

"Pupunta tayo sa tinitirhan ko." Nagsimula na kaming maglakad.

"Uuwi din ba tayo agad?" Tanong ko.

"Hindi pa nga tayo nakakarating, uwi na agad ang iniisip mo." Maragan niya akong hinila para madikit ako sa kanya at umakbay siya sa akin. Ang bigat ng braso niya.

Nakarating kami sa maputik na daanan at parang gustong maglakad paatras ng mga paa ko. Pansin ni Mion na bumagal ang paglakad ko at agad naman niyang naintindihan kung bakit. Hindi ako maarte, ayaw ko lang madumihan ang mga gamit ko lalong lalo na ang mga sapin ko sa paa, binabawi ko dahil maarte talaga ako.

"Wala ng ibang daan." Nagbaba ako ng tingin. Isang hakbang na lang ay makaka-alis na ako sa patag na daan.

"Ako na maglilinis ng sapatos mo." Hinila na naman niya ako.

Nang makaapak ako sa putik ay ramdam ko ang dulas nito at lambot. Kagat dila akong naglakad. Ayaw kong magreklamo dahil pinagtitinginan kami ng mga taga dito. May maruming shed na kung nakatambay ang mga lalaki na sa tingin ko mga bata pa kahit ang tatangkad nila. May maliit na tindahan at ang iba ang naglalaro na hinahagis 'yung barya sa lupa, hindi ko alam kung anong tawag.

Basta na lang huminto si Mion kaya nabangga ako sa likod niya. "Sa dulo nito, bahay ko na." Tukoy niya sa makipot na daan pero hindi na maputik, salamat naman.

"Sorry" aniya habang nakatingin sa sapatos ko. " Mukhang mamahalin 'yang sapatos mo." Medyo mahal nga ito.

"ayos lang " andito na tayo, aatras pa ba ako.

"Mion!" May nakasalubong kaming lalaki na malaki ang bilbil at nakasabit sa balikat niya ang kanyang damit. "Kahapon parang kulay brown 'yung buhok ng babaeng dinala mo dito ah, bagong chix?" Ngumiti siya kaya kita ko ang bungal niyang ngipin.

"Tangina mo. 'Wag mo akong siraan gago." Mas lalo niya akong dinikit sa kanya.

"may naghihintay sa bahay mo." Tinapik ng lalaki ang balikat ni Mion saka umalis.

"Ah—Mion..." Napadaing ako sa higpit ng paghawak niya sa kamay ko. Hindi siya nagsalita at tumuloy kami ng lakad.

Sa patuloy naming paglalakad ay may natanaw akong grupo ng mga kalalakihan sa hindi kalayuan. Nakaramdam ako ng kaba dahil parang hindi maganda ang dala ng presensya nila. Tumingin ako kay Mion at parang wala lang sa kaniya ang bigat ng paligid habang papalapit kami sa grupo nila. Madilim ang mukha niya at sumisingaw ang init sa katawan niya kaya mas lalo akong kinabahan.

"Mion, pare." Salubong sa amin ng lalaki. Humithit pa siya sa sigarilyo bago niya ito hinagis sa lupa at inapakan.

"Anong ginagawa niyo dito, Lefu?" Ipinunta niya ako sa likuran niya.

"Parang hindi mo naman alam. 'Yung utang mo kailan mo balak bayaran?" Humakbang ang lalaking nag-ngangalang Lefu. Sumunod naman ang tatlong kasama niya. Sila ang sinabi ng lalaki kanina na naghihintay kay Mion?

"Ang sabi ko babayaran ko pero hindi pa ngayon." Tumawa sila.

"Bakit hindi natin pag-usapan 'yan sa loob ng bahay mo? Nakakahiya naman sa kasama mo baka nangalay na siya sa kakatayo?"

" Sa ibang araw na tayo mag-usap." Sabi ni Mion.

Sumenyas si Lefu at agad kaming hinawakan ng mga kasama niya. Dalawa ang nakahawak kay Mion at basta na lang ako hinila ng isa.

"Tangina!" Reklamo ni Mion pero hindi siya nagpatangay lang siya sa paghila nila sa kanya.

Pagpasok namin sa bahay ay hinagis ako ng lalaki sa sofa at tumabi siya sa akin kaya umurong ako palayo. Hawak pa din nila si Mion at sumindi ng panibagong sigarilyo si Lefu. Yumuko siya katapat ng mukha ko at saka ibinuga ang usok kaya napaubo ako na ikinatawa naman niya. Hinawakan niya ang buhok ko gamit ang kamay niya na naka-ipit sa dalawang daliri niya ang sigarilyo. Natatakot ako na baka mapaso ako.

"Puta Lefu! Huwag mo siyang hahawakan—ugh!" Sinuntok siya ni Lefu sa sikmura.

"Paano kung ganito..." Tumabi siya sa akin at umakbay sa akin "Hindi mo na kailangan bayaran ang utang mo...pero...ibigay mo sa amin 'tong babaeng ito at tapos bayad ka na." Inaalis ko ang braso niya sa balikat ko pero mas lalo niya lang hinihigpitan.

Nagpumiglas si Mion hanggang makawala siya sa hawak nila. Sinugod niya si Lefu at hinila patayo gamit ang damit saka binigyan ng malakas na suntok. Napatakip ako ng bibig nang matumba si Lefu ay dinaganan siya ni Mion at pinaulanan ng suntok sa mukha. Hindi ako makagalaw nang kisap matang nabaliktad ang sitwasyon. Si Mion na ngayon ang nakahiga at sinasangga ang bawat suntok ni Lefu.

"Hawakan niyo!" Agad namang kumilos ang dalawa at hinila nila ang magkabilang braso ni Mion upang makatayo.

Hindi pa sila nakuntento at pinagtulungan si Mion. "Bakit hindi mo ilabas ang yabang mo? Bakit hindi ka lumaban? Lumaban ka!" Pinagsisipa nila si Mion at gusto kong takpan ang tenga ko dahil sa rinig kong pagdaing ni Mion. Tumatawa lang ang lalaki sa tabi ko na para bang nanunuod ng isang uri ng pelikula.

"Lumaban ka! Ipakita mo sa babae mo kung gaano ka ka-demonyo!" Tumingin sa akin si Lefu. "Dalhin mo 'yang babae dito." Hinawakan ng lalaki ang bag ko at hinila palapit kay Mion.

"Boyfriend mo?" Tanong niya sa akin.

"Uh—" ano nga ba kami ni Mion?

"Tingnan mo kung paano ko papasayahin ang girlfriend mo ngayon araw." Naiyak ako nang makuha ko ang ibig sabihin ng binigkas niya. Nakatitig sa kanya si Mion. Pumikit ako nang maramdaman ko ang kamay ng lalaki sa balikat ko at parang hinahaplos niya.

__________________________________

He shall never know I love him and that not because he's handsome, but he's more myself than I am. Whatever our souls are made of, his and mine are the same.