Chereads / First Love Actually Dies / Chapter 7 - Chapter 5

Chapter 7 - Chapter 5

Gus

EXCITED akong maglakad papasok sa canteen dahil alam kong naroon si Hector. Hindi na sana kami pupunta dito pero dahil marami pang oras ay napapayag ko din ang mga kaibigan ko.

Agad kong nakita sina Marky at ang mga kaibigan niya kasama ang baby ko. Naka side view sila sa kinaroroonan namin.

"May nakita akong sing gwapo ni Adan. Hehehe." Napalingon ako kay Vaneza na siyang nagsalita.

"Sino?" tanong ni Donna

"Si Channing Nickolas nakikita ko mula dito. Ayun oh." Itinuro nito ang bago naming kaklase na nag-iisa sa mesang malapit kina Marky.

"Kawawa naman nag-iisa lang sya."

"Let's join him."

"Mamaya na. Punta muna tayo sa CR." Yaya ni Rochel sa amin

"Kayo nalang ang mag CR. Pupuntahan ko muna ang baby ko." ani kong nakangiti

"O siya sige. Pupuntahan ka nalang namin." Umalis nga sila at iniwan ako.

Naglakad ako palapit kina Hector na mag pilyong ngiti saking mga labi. Excited akong makita ang mukha niyang sobrang gwapo.

Malapit na ako sa kanila at naririnig ko na ang usapan nila.

"Wala akong pakialam sa kanya. Buti nga mabaling sa isang iyon ang atensiyon niya ng sa gayon ay tigilan na niya ako."

Rinig kong sabi ni Hector. Tumigil ako dahil pakiramdam ko ay ako ang tinutukoy niya. Nakita kong nagtawanan ang mga kasama niya.

"Kahit maglupasay pa siya sa harap ko hinding-hindi ko siya magugustuhan. Hindi siya ang tipo ko. Kasing pangit ng pangalan niya ang personalidad niya."

Nawala ang ngiti ko sa narinig mula kay Hector. Gusto kong isipin na hindi ako ang tinutukoy niya. Masyadong masakit ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

" Paano mo naman nasabi na pangit ang personalidad niya Jeff? Hindi mo pa siya gaanong kilala."

Nakita kong sabi ni Marky kay Hector. Ang kaninang tatawa-tawang kaibigan ko ay biglang sumeryoso ang mukha.

"Hindi maganda sa babae ang nag e initiate sa lalaki. Hindi ko na nga siya pinapansin, sige pa rin ng sige. Minsan naiisip kong mag transfer sa ibang school. Ayaw kong may nambubwesit sakin araw araw."

Biglang nanikip ang dibdib ko at ang sakit-sakit. Alam kong ako ang ibig niyang sabihin. Naiiyak ako pero dahil nakita kong tumingin sa'kin sina Marky at ang dalawang kaibigan niya ay pinigalan ko ang sarili ko.

Nakita kong nagtaas nang tingin si Hector kaya naman agad akong lumingon at sakto namang napagawi ang tingin ko kay Channing. Nakatingin din siya sakin kaya mas lalong pinigilan ko ang sarili kong umiyak.

Hindi ko kayang tagalan ang titig ni Channing kaya tumingin ulit ako sa harap. Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko ng magsalubong ang mga mata namin ni Hector. Subalit kasabay ng pagtalon na iyon ay para itong pinipiga sa sakit ng maalala ang mga sinabi niya.

Ngunit ayaw kong ipakita sa kanya na nasasaktan ako kaya naman binalewala ko ang nararamdaman. Ngumiti ako sa kanya at binati siya.

"Hi babe.."

Pero gaya ng dati ay hindi niya ako pinansin. Nakatingin lang siya sakin. Bigla kong naalala na gusto niyang lumipat nalang ng ibang school dahil sakin. Pakiramdam ko ay may bumikig sa lalamunan ko.

Kinausap ako ni Marky kaya sa kanya ako tumingin. Nagtanong siya at sinagot ko naman. May mga sinasabi pa sila pero hindi na magawang pagtuunan ng pansin dahil abala ako sa nararamdaman ko ngayon.

Narinig kong nagtanong sakin si Marky kaya tumingin ako sa kanya. Sinagot ko siya pero hindi ko na gaanong pinag-isipan ang sagot ko sa kanya.

Nagpaalam na ako sa kanila dahil pakiramdam ko ay sumisikip ang paligid namin. Tinalikuran ko sila at naglakad papunta sa mga kaibigan ko. Hindi ko na tinapunan ng tingin si Hector baka totohanin na niyang lumipat sa ibang paaralan dahil sakin. Kahit pa hindi nila nabanggit ang pangalan ko ay malakas ang pakiramdam kong ako ang pinag-uusapan nila. Maraming may gusto kay Hector pero ako lang ang naglakas loob na pakitunguhan siya ng ganoon.

Namalayan ko nalang na nakaupo na ako sa  harap ng mga kaibigan ko. Nilingon ko ang katabi ko at nagulat akong si Channing pala iyon.

"Hi." aniya na medyo nakangiti

"Hello." hindi ko magantihan ang ngiti niya dahil nagdurugo pa ang puso ko

"Siya si Gustania Elaine Marquez, kaklase din natin." Pagpapakilala ni Vaneza sakin kay Channing

Masaya ang bukas ng mukha niya kaya unti-unti ay  nahahawa na rin ako.

"This is my very first time to hear a very exotic name." aniya na lumaki ang pagkakangiti

"Grabe ka naman." napasimangot ako

"And this is also my first time to met the person with the same name with my favorite Hollywood actor." Ani kong natatawa sa reaksyon nito

"My mother likes him. But I'd like you to call me Nickolas." Sabi niya na animo'y alam na niya kung sino ang ibig kong sabihin.

"Bagay sa'yo ang Nickolas pero mas maganda kung Chan ang itatawag namin sa'yo." Sabi ko na naaaliw sa pakikipag-usap sa kanya.

"Mas gusto namin ang Nickolas. Lalaking-lalaki ang dating Gus."

Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at ngumisi.

"You can call him that basta ako Chan ang itatawag ko sa kanya."

"Gusto ko rin yan." he said while staring at me

Nginitian ko naman siya subalit kasabay ng ngiting iyon ay ang pananakit ng dibdib ko. Kung sana ay ganito si Hector sakin sana ay hindi dumadalas ang pagsakit ng dibdib ko.

Ngali-ngali kong ibaling ang paningin kay Hector pero dahil natatakot akong baka makita niyang nakatingin ako sa kanya ay pinigilan ko nalang ang sarili ko.

Sa pag-uusap naming iyon ay napagtanto ko kung gaano kabait si Chan. Bagama't hindi gaanong nagsasalita tungkol sa pamilya niya ay hindi na namin binigyang pansin iyon. Alam naming may sarili siyang rason kung bakit ayaw niyang ibahagi samin ang personal na buhay niya.

Biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang lunchtime namin. Kaya naman nagsipagtayuan na kami at sabay-sabay na naglakad papalabas ng canteen.

"Gus! Wait." tinig ni Marky iyon kaya naman nilingon ko siya at tumigil kami sa paglalakad.

Nakasunod sila samin. Bagaman si Marky lang ang tiningnan ko ay batid kong katabi niya si Hector. Hindi ko na siya tinitingnan baka lubos na siyang magalit sakin pag gawin ko pa ang isa sa mga ayaw niya.

"Sabay na tayo." Sabi ni Marky

"Kay Donna ka nalang sumabay. Kita mong may kasabay na ako." Sabi ko na nagsimula nang maglakad. Kasabay ko pa rin si Chan.

"Sungit mo ngayon ah."

"Alam ko naman kung bakit ka sasabay sakin." Ani kong nakangisi bagaman hindi niya nakikita. Kasabay na nito si Donna sa paglalakad ng lingunin ko siya. At katabi na naman nito si Hector. Dahil nasa likuran lang namin sila ay bahagya pa akong natigilan sa paglingon. Mabuti nalang at hindi ko siya natingnan sa mga mata.

"Hindi mo ba kami ipapakilala sa katabi mo?" Sabi pa niya

"Tsaka na. Pagod na ako sa kakasalita."

Nagtawanan naman sila sa sinabi ko.

Biglang tumigil si Chan at humarap kay Marky.

"Nickolas Padilla." Sabi nito

Hindi na ako nagulat ng magpakilala ito kina Marky. Kanya-kanya namang pakilala ang mga kaibigan ni Marky kasama na si Hector.

Tiningnan ko lang sila isa-isa maliban sa huling nagpakilala. Ang baby ko. Ang baby kong sinaktan na naman ako.

Masyado pang sariwa sa pandinig ko ang mga binitawan niyang mga salita. Natatakot akong baka makita niya ang sakit sa mga mata ko. Alam ko namang hindi siya titingin sakin kaya hindi na ako nag-abalang silipin siya sa gilid ng aking mga mata.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa building namin. Nauna kaming nagpaalam kina Marky dahil mas una naming narating ang room namin.

Hanggang sa makaupo ako ay hindi ko na sila tiningnan. Nagsimula ang klase namin ng wala akong maintindihan kahit na isa sa mga pinagsasabi ng mga guro namin. Sa buong maghapon ay nagliwaliw ang aking isipan sa mga narinig ko kay Hector. Muli kong inalala ang mga pagpapansin ko sa kanya. Nahihiya ako dahil sa nalaman ko. Alam ko namang ayaw niya pero iba pa rin ang pakiramdam nang marinig ko kung paano niya sabihing ayaw na ayaw nga niya sakin.

Ang mga tulad ni Hector ay dapat kong iwasan. Noong hindi ko pa siya nakikilala ay hindi ako nakakaramdam ng ganitong sakit sa araw araw. Nang nakilala ko siya ay araw araw ko ding nararamdaman ang sakit at paninikip ng dibdib. Kung sana ay alam ko lang na ito ang mapapala ko hindi ko na sana itinuon ang paningin sa kanya. Nang sa gayon ay hindi ako nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko gustong magsisi dahil nakilala ko siya pero sa mga reaksyon niya at mga sinasabi niya ay parang gusto ko nalang pagsisihan ang araw na nakilala ko siya.

Hector

Kinakabahan ako sa ginawi ni Gus kanina sa canteen at habang pabalik kami sa kanya-kanya naming room ay hindi na niya ako tiningnan pa. At hindi ko rin lubos na maunawaan kong bakit kinakabahan ako. Ayaw kong e entertain ang pakiramdam na ito pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.

Alam kong narinig niya ang mga sinabi ko kanina kaya naging ganun ang akto niya. Gustong ko iyong pagsisihan pero ayaw kong bawiin ang mga nasabi ko na. Totoong ayaw ko sa mga ginagawa niya. Ang gusto ko ay iyong maghintay kung kailan ko siya liligawan hindi iyong siya ang unang magpapansin sa akin.

'Liligawan mo ba siya kung sakali?'

Natigilan ako sa naisip ko. Kung sakaling hindi niya ginawa ang mga ginagawa niya ngayon may pag-asa kayang magustuhan ko siya?

'Bakit naman hindi? Maganda naman siya. Kabigha-bighani ang ganda niya.'

Maaaring magustuhan ko nga siya pero dahil sa ginagawa niya ay natu turn off ako.

Dagdagan pa sa ginawi niya kanina sa harap ng bago nilang kaklase na siya kamung type niya. Nakikita ko siya kanina na panay ang salita at bungisngis sa harap ng Nickolas na iyon. Marahil ay dahil dito kaya hindi na niya ako pinapansin at hindi man lang magawang tapunan ng tingin.

Iyong tipong nakakita lang ng bagong gwapo ay mababaling na ang pag tingin ang siyang pinaka ayaw ko sa lahat. Hindi pwedeng pagkatiwalaan.

Natapos ang buong maghapon na abala ang isip ko sa mga bagay-bagay na may kinalaman kay Gus. Nang sa wakas ay uwian na. Makakapagpahinga na ako pati na rin ang isip ko. Pinili kong huwag ng isipin si Gus ng sa gayon ay makapagpahinga na rin ang isip ko.

Ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Nasa parking lot na ako ng pagtingin ko sa harap ay nakita ko siyang pasalubong sakin. Nag-iisa lang siya at nakakunot ang noo habang naglalakad. Parang hindi niya ako nakita base na rin sa reaksyon niya. O baka naman dedma na nman ako sa kanya. Malapit na kami sa isa't-isa na hindi pa rin niya ako tinitingnan.

Nakatingin lang ako sa kanya ng biglang mag-angat siya ng tingin at magsalubong ang tingin namin. Para pa siyang nagulat ng makita ako. Tumigil siya mismo sa harap ko kaya naman napatigil na rin ako.

"Oh.. Hello..." Sabi niya

Medyo nagulat ako at naghintay pa sa susunod na sasabihin niya. Subalit wala ng kasunod ang pagbati niya. Pasimple siyang ngumiti at napatango naman ako ng bahagya. Iniiwas niya ang tingin sakin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Unti-unting rumehistro sa utak ko ang nangyari.

'Tumango ba ako?'