Gus
Lumipas ang isang araw na hindi ko matyempuhan ang baby ko. Sa bleachers ko pa siya huling nakita. Lumabas ako ng room at tumitingin sa mga dumaraan baka aksidenteng dumaan ang baby ko.
I could still remember his face noong mauna kaming umalis ni Chan sa bleachers. Nilingon ko siya at kinilabutan ako nang makita kong nakatingin siya sa akin. Kung nakakasunog lang ang tingin nito paniguradong toasted Gus na ako ngayon.
Iyon ang huling beses na nakita ko siya. Dumadaan ako sa room nila ngunit hindi ko siya makita. Baka hindi pumasok.
"Ano bang tinitingnan mo d'yan?" Halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita si Marky sa likuran ko. Ang kaninang malungkot na puso ko ay dagling nabuhay. Marky is here baka kasama niya si Hector. Subalit ganoon na lamang ang panlulumo ko nang makitang wala siyang kasama.
"Ehey! Wala ang minamahal mo. Nagkasakit kaya absent kahapon pa," aniya.
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"I mean, okay lang ba s'ya?"
"Sabi n'ya okay lang daw."
"Nag kausap kayo?"
"He called me, actually. Humihingi rin ng copy ng lessons kahapon at ngayon."
"Is that so," nalungkot ako. Kaya pala hindi pumasok kahapon at ngayon may sakit pala siya.
"Yeah. And my problem is ngayon niya hinihingi ang xerox copy. May quizzes kasi kami bukas."
"So? Ihatid mo, Marky. Kawawa naman 'yong baby ko." Nagkamot siya ng batok na parang namomroblema nga.
"Iyon na nga eh, inaya ko si Donna na ihatid siya pauwi sa kanila."
"Ha?! Really?" Hindi ako makapaniwala.
"Oo. Hahaha! Nahiya pa nga ako kanina."
"Finally! Lelong mo pahiya-hiya ka pa! Di bagay sa'yo, uy!"
"Eto naman! Gus, sige na, please?"
"Anong sige na?!"
"Pwede bang ikaw na ang maghatid nito kay Jeff?"
"Ano?! Ayoko nga!"
"Eto naman! Sige na," pagpumilit niya. Inabot niya sa akin ang ang mga nakatuping papel.
"Ikaw na lang, Marky. Baka magalit 'yon kung ako ang maghahatid."
"Hindi nga ako pwede. Ihahatid ko si Donna."
"Before or after mo ihatid si Donna."
"Ipapasyal ko muna siya, Gus. Ngayon nga lang ako makaporma, eh."
"Iyong mga kaibigan n'yo na lang. Huwag ako."
"May practice ng basketball ngayon, ayaw payagan ni coach."
"May practice pala bakit ka aalis agad?"
"Pinayagan naman ako ni coach. Saka magaling na naman ako," pagmamayabang nito.
"And I told Jeff na may practice. Walang ibang magbibigay. Sabi niya kahit sino na lang daw."
"Naku! Baka mas lalong magkasakit 'yon kung ako ang magbibigay n'yan!"
"Baka nga gumaling pa kamu. Hehehe!"
"Sa iba na lang, Marky. Please?"
"Ayaw mo n'on makikita mo siya. Kahapon ka pa daan nang daan sa room namin."
"Nahihiya pa rin ako, eh!"
"Sige na. Okay na ha?" Kinuha niya ang mga kamay ko at inilagay ang mga xerox copies sabay takbo.
"Hoy! Marky!"
"Sssshhhhhh!" Ang galit na mukha ni Gng. ang sumilip sa bintana ng room katabi ng room namin. "Quite!"
"Sorry po." Natakpan ko ang bibig ko at pumasok na sa room namin. Wala na akong choice kundi ihatid ang mga ito kay Hector. Tsk! Nakakainis naman!
Binuklat ko iyon at binasa 'Hector Jeff Guzman'. Ang sarap bigkasin ng pangalan niya. Kinilig ako. Ang inis ko ay napalitan ng kilig. Tama nga naman, makikita ko na siya pag inihatid ko ang ito.
Isinilid ko ang mga iyon sa bag ko. Hindi nagtagal ay dumating na ang guro namin. Wala akong naiintindihan sa mga itinuro niya. Nag-iisip kasi ako kung ano ang sasabihin ko sa baby ko mamaya. Paano ko siya lalapitan o di kaya ay babatiin.
Haayyy!
Para akong timang. Kanina aayaw-ayaw pa ako. Ngayon naman excited akong makaharap siya.
Baliw ka na, girl! Tsk! Nakakabaliw talaga ang ma-inlove. Lalo na sa baby ko. Woh!
"Class dismissed!"
Naghiyawan ang mga kaklase ko. Kasabay ng mga hiyaw nila ang malakas na pagpintig ng nagwawala kong puso.
*Beep - Beep*
Kinuha ko agad ang cellphone ko. Si Marky ang nag-text at ang address nina Hector ang ipinadala niya.
To marky:
Gago ka! Mabilaukan ka sana sa harap ni Donna!
Agad akong umalis at nagpaalam sa mga kaibigan ko. Nasa parking lot na ako nang makasabah ko si Chan.
"Uwi ka na?" aniyang nakangiti.
"Oo. Ikaw rin?"
"Yeah. So, bukas ulit?"
"Okay. Thank you kanina."
"No problem. Sige, take care."
"You too. Bye."
"Bye."
Ini-start ko na ang kotse at nagsimula nang mag-drive. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa bahay nina Hector ay walang patid ang pagkabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako ng sobra.
Nang sa wakas ay marating ko ang bahay nila, mansion pala. Hindi nalalayo ang mansion nila sa amin pero mas malaki ang sa kanila.
Bitbit ang mga xerox copies niya, nag-doorbell ako. Ilang sandali pa ay lumabas ang katulong nila.
"Magandang hapon po, nand'yan po ba si Hector?"
"Opo, ma'am. Pasok po kayo," anito.
"Naku, hindi na po. Pakibigay na lang po nito sa kanya." Iniabot niya ang mga papel rito.
"Ang bilin po kasi ma'am, paakyatin raw po kayo sa silid niya. Kanina pa po siya naghihintay."
'What? Bakit sa silid? Hinihintay niya ako?'
'Huwag masyadong assuming, Gus. Baka iba ang ini-expect niya.'
"Dito po tayo."
Pagpasok namin sa loob ay hindi ko maiwasang hindi igala ang aking mga mata. Napakaganda ng bahay nila. Marami silang mga antigong gamit. Umakyat kami sa hagdan, pagkarating sa taas ay lumiko kami sa kanan. Ang daming silid ng mansyon nila. Ang nakakaaliw pa ay iba-iba ang mga kulay ng pinto. May red, green, pink, blue. Tumigil kami sa pintong nakukulayan ng asul.
"Kumatok na lang po kayo, ma'am. Alam na po niyang darating kayo."
"Samahan n'yo po ako sa loob, Ate." Mas lalong lumala ang kaba ko.
"Hindi na po, ma'am. Pinagbilin po ni sir."
"H-ha?" Umalis na si Ate at naiwan akong nakatulala sa labas ng pinto ng baby ko. Kung kanina ay excited ako ngayon naman ay parang may mga kabayong naghahabulan sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok n'yon.
Nag-alangan akong kumatok pero naisip ko paano ako makakaalis dito kung hindi ko maibigay sa kanya ang pakay ko? So I knocked three times. Walang sumagot. Muli akong kumatok ngunit wala pa rin. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura, it's open. Kaya naman binuksan ko na.
Walang tao nang makapasok ako. May kadiliman ang silid niya dahil itim at kulay abo ang pintura ng buong silid. Napadako ang tingin ko sa kulay puti niyang kama. At para akong sinapian ng malanding kaluluwa dahil sa kiliti na naramdman ko sa buong katawan.
Damn!
Naglalayag na naman ang isip habang nakatingin pa rin sa ibabaw ng kama niya. Ano kaya ang itsura niya kapag natutulog? May dinala na kaya siyang ibang babae rito?
'Hoy, Gus! Mahalay kang babae ka! Umayos ka nga!'
'Okay! Okay! Erase, erase!'
Narinig kong may bumukas sa likuran ko. Paglingon ko ay halos malaglag ang panga sa sobrang gulat.
'Susmaryosep naman Lord!'
'Bakit s'ya nakahubad?!' tili ng isip ko.
"What are you doing here?" 'yon ang unang bungad n'ya sa'kin. Nakatapis lang siya ng tuwalya sa beywang at may tubig pang tumutulo pababa sa katawan niya.
"Baby naman. Huwag mo akong gugulatin ng ganito. Mamamatay ako ng maaga n'yan, eh!" Tinakpan ko agad ang pagkapahiya ko. Akala ko hinihintay niya ako pero iba pala siguro ang inaasahan niya.
'Sheyt! His abs.. ang sarap hawakan!' Eeiiiyyy!!!'
"Eyes up, Gus. Tumutulo na ang laway mo sa kakatingin sa'kin." Namamalikmata ba ako? Did he just smile at me?
"Punasan mo na lang kung tumulo. Hehehe!"
"Ang dumi ng utak mo," aniyang naglakad na papasok sa isa pang pinto.
'Marumi? Pupunasan nga, marumi?'
Sa pagtalikod niya ay malaya kong napagmasdan ang mamasel niyang likod. Ang swerte talaga ng magiging girlfriend niya. Mahahawakan ang bato-bato sa likod niya. Tsk!
"Ano bang ginagawa mo rito?" Sayang natakpan na ang nakakakita niya katawan. Nakapajama at puting t-shirt na siya.
"Inutusan ako ni Marky na ihatid ang mga 'to." Lumapit ako sa kanya na may pilyang ngiti sa aking mga labi.
"Bakit ikaw ang inutusan niya?" Wala man lang epekto sa kanya ang nakakabighani kong ngiti.
"Kasi gusto kitang makita. Akala ko ba may sakit ka? Bakit naligo ka?" Totoong nag-alala ako. Kung ako kasi ang magkakasakit hindi ako naliligo. Mas lalong sasakit ang ulo ko.
"Magaling na ako," aniyang umupo sa gilid ng kama at tiningnan ang mga xerox copies.
Hindi man lang ako inimbitang maupo. Walang modo talaga 'tong baby ko. Sus! Kaya inimbitahan ko na lang ang sarili ko. Umupo ako sa tabi niya. Inaasahan kong uusog siya at lalayo sa akin ngunit himalang nanatili siya sa kinauupoan niya. Lumapit pa ako ng konti.. ng konti pa.
'Sheyt! Ang bango niya talaga..'
Nakapikit ko siyang sininghot. Mas lalo ko pang inilapit ang ilong ko sa leeg niya.
'Why so bango, baby? Magkakasala ako sa'yo nito, eh.'
"What are you doing?" Napamulat ako ng malanghap ko ang hininga niya.
'Ginoo ko! Amoy baby rin?'
"Inamoy mo ba ako?" Malapit masyado ang mukha namin sa isa't-isa.
"Hindi noh! Feeling ka masyado, baby!"
"Huwag kang masyadong malapit sa'kin. Lumayo ka."
"Sungit naman nito. Hindi ka man lang nagpasalamat." Sandali siyang natigilan. Marahil naisip niya na tama ako.
"Thank you," aniyang muling ibinalik ang pansin sa mga papel na hawak.
"Hindi ka galit?"
"Bakit ako magagalit?"
"Kasi ako ang naghatid niyan dito."
"Nagpasalamat nga ako, di ba?"
'Sungit talaga!'
"I missed you." Kinapalan ko na ang mukha ko. Totoo naman kasing namimiss ko na siya.
Hindi man lang siya nag-react. Basta lang binuklat-buklat ang mga papel. Hindi naman ako naghihintay ng katugon. Okay na sa akin ang marinig niya ang nararamdaman ko.
"You missed me, huh?"
Tama ba ang narinig ko? Hah! Himala..
"Yeah. Hindi ka naniniwala?"
"Hindi."
"At bakit?" Nagkibit-balikat lang siya. Nagtataka ako. Kakaiba yata ang pakitungo niya sa akin ngayon. Mabait yata siya.
Kapwa kami natigil ng biglang tumunog ang ring tone ko. Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko.
Channing calling...
"Hello?" Agad kong sinagot ang tawag ni Chan.
"Gus, hi."
"Oh? Napatawag ka?"
"Are you free tonight?"
"Tonight? Why?"
"I can teach you tonight. Kung papayag ka."
"Wala ka bang gagawin ngayon?"
"Wala. How about you come here sa bahay namin?"
"Nakakahiya naman kung ako ang pupunta d'yan."
"No, it's okay. Nasa England ang parents ko. Ako lang at ang mga katulong ang narito."
"Eh di mas hindi pwede. Kasi wala ang parents mo d'yan baka anong isipin ng mga katulong n'yo."
"Hehehe. Ikaw ang bahala. I informed you kung papayag ka lang naman."
"Okay lang sa'kin. Hehe. Mabuti nga 'yon para matuto agad ako. Nahihiya lang ako."
"Sus, mahiyain ka pala?"
"Uy! Hehehe. Oo no! Hindi lang halata."
"Okay sige. I'll send you the address."
"Okay. E send mo agad. Wala pa akong ginagawa."
"Sure. See you."
"See you. Bye," sabi ko at pinatay na ang tawag.
"Lumalandi ka na naman ba?"
Nagulat talaga ako ng magsalita si Hector sa tabi ko. Pansamantala ko siyang nakalimutan dahil sa pag-uusap namin ni Chan.
"Of course not. Ikaw lang naman ang nilalandi ko." Nakasimangot pa rin siya sa akin at inirapan ako.
"Hindi ko gusto ang ugali mong 'yan."
"Ang alin?"
"Malandi." Ang sakit n'on, ah. Ang tawagin niya akong malandi. Pero binalewala ko na naman siya.
"Teka nga. Nagseselos ka ba, baby?"
"No!"
"Oh, eh bakit nagkakaganyan ka?"
"Bakit? Ano ba ako?" Mataman ko siyang tiningnan. Galit na siya sa'kin. Muling umalingawngaw ang sinabi niya noon. Na kung hindi ako titigil ay lilipat na lang siya ng ibang school.
Agad akong lumayo sa kanya. Kung lilipat siya ng ibang school, hindi ko na siya makikita araw-araw. So behave, Gus.
"Aalis na ako." Tumayo ako at inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa. Gusto kong pigilan niya ako. Subalit mukhang malabong mangyari. Ang sikip ng dibdib ko habang dahan-dahang naglalajad patungo sa pinto.
"Saan ka pupunta?" Napatigil ako ng marinig ko siyang magsalita. Narinig ko ang yabag niya papalapit sa akin.
"Going home." Iyon ang lumabas sa bibig ko. Ayaw kong sabihin sa kanya na pupunta ako kina Chan. Baka tawagin na naman niya akong malandi.
"Going to Chan?" Hinarap ko siya.
"Paano kung sabihin kong, oo?" Hindi siya umimik. Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin.
"Huwag kang ganyan, baby. Baka isipin kong nagseselos ka nga. Aasa pa ako." Tahimik lang siya. Nilapitan ko siya at nginitian.
"Kailangan ko nang umalis. Magpapaturo pa ako kay Chan mag-gitara." Isang araw at kalahati ko siyang hindi nakita. Kaya naman sa paglapit ko sa kanya ay hindi ko maiwasang panabikan siya.
Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang balikat niya. Dinama ang katigasan n'yon. Pinadausdos ko ang kamay ko papunta sa dibdib niya. High school pa lang kami ngunit mamang-mama na ang katawan niya. Sabagay, half-American siya.
Dinama ko rin ang matigas niyang dibdib. Kung hindi siya magagalit sa'kin baka halikan ko na siya sa mga labi. But I know my limits. Hindi ako aabot doon. Sa baba ko pa lang siya nahalikan. At ngayon..
Tumingkayad ako at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Matagal kong pinalapat ang mga labi ko sa pisngi niya. Ninanamnam ang kiliting hatid n'yon. God! I love him, so much.
"I missed you, baby."
Hindi ko na siya tiningnan. Tumalikod na ako at nagmamadaling lumabas sa silid na iyon. Habang naglalakad papunta sa kotse ko, kakaibang damdamin ang nadadama ko. Masaya na malungkot. Masarap na masakit. Bakit kaya ganito?