Chapter 12
"I told you. Stop staring at them. Kawawa ka lang," wika ni Chan na tumayo at tumabi sa'kin.
"What are you doing?"
"Helping you."
"By sitting beside me? Anong maitutulong n'on? Para saan?"
"Hindi ko alam kung bobo ka lang talaga o saksakan ka ng tanga," tatawa-tawang sabi niya.
"Hoy! Hindi na magandang biro 'yan ah," sabi ko.
"Talasan mo kasi ang pag-iisip mo. Hindi 'yong siya lang ang iniisip mo. Think of some ways na mapapa-ibig mo siya."
"Ginagawa ko na nga ang mga dapat gawin."
"Ang akitin siya? Landiin?"
"Oo. Bakit ano pa bang kailangan kong gawin?"
"Make friends with him. Alamin mo kung ano ang gusto niya sa isang babae."
"Palagi niyang sinasabi na hindi niya raw ako gusto. Ayaw niyang lumalapit ako sa kanya."
"Kasi hindi maganda ang approach mo. May mga lalaki kasing ayaw d'yan sa style mo. And I'm sure isa siya sa mga iyon."
"Bakit? Ano ba ang tipo ng mga kagaya niya?"
"Iyong sila ang lumalapit. Sila ang nanunuyo, nanliligaw. 'Yong mga gan'on."
"Tsk! Hindi nga ako pinapansin noon," frustrated kong sabi.
"Kaya nilandi mo."
"Eh, ano bang dapat na ginawa ko?"
"Sana kinaibigan mo muna. Iyong mga ganoon. Kung naging magkaibigan kayo malalaman mo kung ano talaga ang gusto niya sa isang babae." Nanlumo ako.
"Wala na. Nangyari na ang nangyari."
"It's not yet too late. Itigil mo na iyang ginagawa mo sa kanya. And make friends with him."
"Ewan ko. Pag lumalapit pa nga lang ako nagsasalubong na ang mga kilay niya."
"Talk to him," aniyang ipinagpatuloy ang pagkain.
"Anong sasabihin ko?"
"Na magsimula kayong muli?"
Huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam kung papayag siyang magsimula kaming muli. Na makikipagkaibigan ako sa kanya. Kapag malapit nga lang ako sa kanya hindi ko napipigilan ang sarili ko. Gusto ko siyang lambingin, hawakan, halikan. Kung papayag siyang maging kaibigan ako makakasama ko siya palagi pero alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko. Baka mahawakan ko siya, lambingin at halikan. Kapag nangyari iyon baka masapak na niya ako."
Nagulat ako ng biglang tumawa ng malakas ang katabi ko. Ang lakas ng tawa niya. Wala akong matandaan sa sinabi ko na nakakatawa. Tuloy ay lumingon sa amin ang mga tao sa pool area.
"Chan!"
"Hahahaha! Sorry hindi ko napigilan. Hahaha!"
"Bakit ka ba tumatawa?" Natatawa na rin ako. Nakakahawa ang isang ito.
"Wala! Don't mind me." Sapo ang tiyan nito na napapangiti pa rin.
"Mabilaukan ka sana," sabi ko.
"Hindi na kita tuturuan."
"Tse! Speaking of that, dalian mo na diyan." Nagsimula na rin akong kumain. Gusto ko mang lingunin ang kinaroroonan ng baby ko at ng kasama niya ay pinigilan ko ang sarili ko.
"But you know, nakikita kong gusto ka rin niya," ani Chan na hindi tumitingin sa akin.
"Bakit mo nasabi 'yan?"
"Ewan ko. Feel ko lang."
"Kalokohan, Channing! Tumigil ka!"
"Madali lang naman malaman kung may gusto nga siya sa'yo o wala." Napatingin ako sa kanya. Inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kanya kahit na mahina lang ang pag-uusap namin.
"Paano?" Tumitig muna si Chan sa akin.
"Pagselosin mo siya." Hindi ako makapagsalita sa suggestion niya. Naisip ko na rin iyan kaso nahihiya akong sabihin sa kanya. Pero ganitong siya ang nagsabi sa akin bakit hindi ko na lang e grab.
"Kanino ko siya papagseselosin?" Tumingin si Chan sa akin na para bang sinasabi niya na 'Hello? I'm here'.
"I'll help you."
"What? Paano?"
"Akong bahala. Basta sumakay ka na lang."
Kinakabahan ako sa binabalak ni Chan. Paano kung hindi magselos ang baby ko? Masasaktan at mabibigo lang ako. Pero paano kung hindi ko susubukan? Hindi ko malalaman. Bahala nang masaktan at mabigo. At least malaman ko kung ano na ang estado ko sa buhay niya. Nasasaktan na rin lang naman ako, susubok na lang ako. Kung malaman ko mang walang epekto sa kanya ang gagawin namin ni Chan, okay lang. Hindi pa rin ako titigil sa kakalapit at pang-aakit sa kanya.
"Finish your food. Magsisimula na tayo." Double meaning ang nais niyang ipabatid sa akin. Magsimulang tumugtog ng gitara at papagselosin na namin ang baby ko. Ang baby kong walang ginawa kundi subuan ang katabi niya.
Letse!
Iyon ang nakita ko nang lumingon ako sa kanila. Disabled ba ang kasama niya at kailangang siya ang sumubo? Namputsa naman oh! Parang tinusok tusok ng isandaang karayom ang puso ko.
"Most important rule sa gagawin natin. Huwag na huwag kang titingin sa kanya."
"Ha? Paano ko malalaman kung nagseselos siya?"
"Ako lang ang titingin sa kanya. Ako na ang bahala."
"Kinakabahan naman ako sa'yo. Baka may pilyo kang binabalak ha."
"Kapal talaga nito. Tinutulongan ka lang."
"Hehehe. Oo na. Okay sige na."
Nang matapos kami ay inaya niya akong maupo sa beach chair na malapit sa pool. Dala ang gitara niya ay sabay at magkatabi kaming umupo. Kung hindi ako nagkakamali ay eksaktong nasa harap namin sina Hec at ang kasama niya. Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata.
Ibinigay sa akin ni Chan ang gitara at hinayaan niya akong tumipa.
"Sauluhin na natin ang kakantahin mo. Tipain mo muna at sabay tayong kumanta," aniya.
"Hinaan lang natin nahihiya ako, eh."
"Hindi ako naniniwalang mahiyain ka. Maarate ka lang talaga."
"Hehehe. Abusado ka na, ah. Nilalait mo na talaga ako." Nakangiti siyang umusog sa akin papalapit.
"Let's start the show, bebe."
"Yuck! Wag mo nga akong tawagin niyan."
"Pag ikaw pwede pero pag ako hindi?"
"Biro lang naman 'yon."
"Gamitin natin 'yang endearment sa pagpapaselos sa pangarap mo."
"What?"
"Yeah. You will call me bebe and I will call you that too."
"Dito? Baka marinig ng parents ko."
"Eh, di hindi natin ipaparinig sa kanila."
"Fine," nakangiting wika ko. Excited ako sa gagawin namin dahil excited rin akong malaman ang reaksyon ng baby ko.
Nagsimula akong tumipa sa unang verse ng kanta.
"Hindi ganyan," saway sa akin ni Chan. "Kapag chord A2, ilagay mo ang mga daliri mo rito. Ganito." Hinawakan niya ang mga daliri ko sa kaliwa at idiniin sa 1 4 2.
Dahil sa ginawa niyang 'yon ay mas lalo siyang lumapit sa akin. Magkaharap na kami sa isa't-isa upang hindi siya mahirapan sa pagturo sa akin. Kumaskas ako sa gitara gaya nang itinuro niya. Dahil tinuruan na niya ako noong una naging madali na lang sa akin ang unang verse.
Sa pangalawang verse ay nakaalalay pa rin siya sa akin. Hinahawakan ang mga daliri upang maidiin sa tamang chord. Habang ginagawa namin iyon ay hindi naming maiwasan ang magtawanan. Nagkakabungguan kasi minsan ang mga ulo namin.
"Hindi ka naman mahirap turuan."
"Marunong na ako dati pero nakalimutan ko lang."
"Mga ilang araw pa, kabisado mo na."
"Salamat sa'yo. Hehehe."
Natigil kami sa pag-uusap ng dumaan sa harap namin ang baby ko at ang babaeng kasama niya. Hindi ko na sila sinundan ng tingin ng sinyasan ako ni Chan.
"Tara! Maligo na tayo." Si Marky ang nag-aya sa amin ni Chan. Napagkasunduan naming maligo na pagkatapos ng isa pang kanta.
"Maliligo ka?"
"Oo. May suot naman ako sa ilalim."
"Oh , okay." Parang natural na lang sa amin ang nag-usap ng ganoon. Araw-araw kaming magkasama at unti-unti ko na rin siyang nakikilala. Bukod kay Marky ay si Chan lang ang lalaking kaibigan ko.
Panay ang kulit sa amin ni Marky kaya naman hindi na namin natapos ang isang kanta at tumigil na kami.
"Pumunta tayo rito para maligo. Hindi para maggitara," sabi ni Marky sa amin. Wala kasi itong kahuntahan sa pool kaya nagpupumilit.
Pasimple kong hinanap si Hector. Nakita ko siyang lumalangoy na sa pool kasama pa rin ang babaeng iyon. Napansin ko rin na wala na ang mga magulang namin sa pool area.
"Nasaan sina Mommy?"
"Nasa entertainment room. Magvi-videoke daw."
"Gannon ba. Hindi ko napansin."
"Abala ka kasi sa pagpapacute kay Nickolas," ani Marky.
"Tss! Malisyoso ka." Kaming lima na lang pala ang nasa pool. Pati ang mga katulong ay wala na.
Nakita kong naghuhubad na si Chan sa t-shirt niya. Agad kong iniwas ang paningin ko sa kanya. Ewan pero naaasiwa ako. Tumalikod ako sa kanya at maghuhubad na sana ng damit. Ngunit sa pagtalikod ko kay Chan ay siya namang pagharap ko sa gawi nina Hector. Nakita kong abala sila sa pag-uusap habang nakalubog ang mga paa sa pool.
Sino kaya siya? Hindi man lang pinakilala sa amin. Nainggit ako nang makita kong maganda ang pagkakangiti niya sa harap ng babaeng iyon. Na para bang nag-eenjoy ito sa pakikipag-usap.
Naalala kong hindi pa siya ngumiti ng ganyan kaganda sa harap ko. Pero bakit sa babaeng iyon ay madali lang siyang patawanin. Umiiyak ang puso ko sa tanawing iyon kaya naman sinimulan ko nang hubarin ang pang-itaas ko.
My heart is bleeding. I feel like crying pero ayaw kong makita nila akong umiiyak. Lalo na at nasa malapit lang ang dahilan noon.
"Ohh, wow! Ara Mina?" Napabaling ako kay Marky ng sumigaw siya. Nakatingin pala siya sa akin. Hindi naman ako nabastusan sa pagkakasabi niya bagkus ay mahahalata ang paghanga niya sa pigura ko.
"OA naman yata kung Ara Mina. Sexy 'yon masyado," sabi kong kinakalas sa pagkakatali ang buhok ko.
"You're beautiful." Napabaling ako kay Chan nang sabihin niya iyon. And I saw him only wearing his boxers. Ang itim na boxer niya na para na ring swimming trunks dahil sa iksi at sikip niyon. Itinaas ko ang mga mata at nahiya rito.
"Thank you and so are you."
"Why, thank you. Haha!" Agad napawi ang pagkailang ko ng magbiro siya.
"Let's go?" Inilahad niya ang kamay sa akin at tinanggap ko naman iyon. Later did I realized na bakit magkahawak kamay pa kami papunta sa pool?
"Saan tayo dadaan?" tanong ko sa kanya nang mapansin kong sa may hagdanan kami patungo. Kung saan nakaupo sina Hector at ang babaeng kasama niya. I saw them looking at us. Ngumiti sa akin ang babae ngunit ang baby ko ay agad iniwas ang tingin sa amin.
'Suplado! Ni hindi man lang naappreciate ang ganda ng katawan ko.'
"Careful," ani Marky na hinawakan pa ang beywang ko upang hindi madulas sa hagdan ng pool.
"Hi," bati sa akin ng babae. Tumayo ito at lumapit sa amin.
"Jeff didn't introduce me to you two. I'm Helena."
Pati pangalan niya maganda. Wala yatang hindi maganda sa kanya. Mas sexy nga lang ako sa kanya.
"Hi, I am Nickolas and this is Gus." Nakipagkamay si Chan kay Helena.
"Nice to meet you, Nickolas."
"Nice to meet you too. Bebe, this is Helena." bumaling sa akin si Chan. Halos matawa ako sa endearment na ginamit niya. So the show still going on. Ayaw ko sanang tanggapin ang kamay ni Helena ngunit kabastusan naman kong gagawin ko iyon.
"Hello," ani kong nakangiti. Ang plastic ko talaga!
"Hi, Gus. Nice name. Ang astig!"
"Thank you!" Naku kung malalaman mo lang ang buong pangalan ko baka bawiin mo 'yang astig-astig, nice name-nice name mo. Tsk!
"Let's go, bebe," yaya ni Chan sa akin na lihim kong ikinangiti.
"Okay." Muling niyang hinawakan ang beywang ko at inalalayan ako pababa sa tubig. Ngali-ngali kong lingunin ang baby ko kung ano ang reaksyon niya ngunit pinigilan ako ni Chan. Hinigpitan niya ang paghawak sa aking mga kamay.
"Nakita mo ba?" Mahina kong tanong sa kanya ng lumangoy na kami papunta kay Marky.
"Yeah," aniya.
"Ano? Dali ano na? Anong reaksyon niya?"
"Excited?" Hinila ko siya sa kamay ng lumangoy papalayo sa akin.
"Nakakainis naman 'to!"
"Hahaha. Well, kung nakakamatay lang ang tingin niya siguradong kanina pa ako bumulagta at nagpalutang-lutang dito sa tubig." Lumapit ako sa kanya.
"Talaga?!"
"Lower your voice."
"Talaga?" ani ko sa pinakamahinang boses. Masyadong malapit ang mukha ko sa tenga niya.
"Siguro dahil hinawakan ko ang kamay ni Helena kaya ganoon siya makatingin sa akin."
"Ha?"
"Nagkataon kasi na napatingin ako sa kanya nang makipag kamay ako kay Helena. I am not sure kung saan siya nagalit. Sa pakikipagkamay ko o sa paghawak ko sa iyo."
"Ano ba 'yan!" Frustrated kong sabi. Nilingon ko sina Hector at Helena at ganoon na lamang ang paglukso ng puso ko nang makita kong nakatingin sa akin ang baby ko.
Nakatingin lang siya sa akin habang nagsasalita si Helena. Hindi ko alam kung ano ang iniisip siya. Parang hindi naman siya galit habang nakatutok sa akin ang mga mata niya. I smiled to him. Ang pinakamatamis na ngiti ko ang iginawad ko sa kanya.
And I mouthed 'Hi, babe'. Hindi ko na hinintay ang reaksyon niya. Basta na lamang akong lumubog sa tubig at sumisid. Malakas ang pintig ng puso ko habang lumalangoy pailalim. Ang seryoso niyang mukha ang nakikita ko sa ilalim at nakatingin sa akin.