Chapter 18
Gus
My lips are slightly parted. I couldn't believe what was he just said. Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Ako na hinihintay ang susunod na sasabihin niya. Siya, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.
"Look, I am sorry. Nabigla lang ako kaya nagawa kitang itulak. Ayaw ko nang lumalapit ka sa akin ng ganoon kalapit. Refrain yourself, will you?"
Napatanga na naman ako. Sinasabi ko na nga ba at nagulat lang siya. But what? Refrain myself?
"Why?"
"What do you mean why?" aniyang nagsalubong ang mga kilay.
"Why should I refrain myself?" Sandali siyang natigilan.
"Dahil may Chan ka na. Nililigawan ka niya, di ba?" Ewan ko kung nagkamali lang ba ako pero parang nahirapan siyang sabihin iyon.
"No. Nagkakamali ka."
"Bebe?" Napalingon ako nang dumating si Chan at inakbayan ako. Wrong timing talaga itong kaibigan ko! "Sorry to keep you waiting. Marami pa kasing sinabi si coach."
"Huwag na huwag ka nang lumapit sa akin kung ayaw mong maulit ang nangyari kanina," ani ng baby ko sabay talikod sa amin. But I was halted when I saw a hint of sadness and jealousy in his eyes. Tama ba ang mga nakita ko? I am not sure kung iyon nga ba talaga ang nakita ko. Baka nagha-hallucinate lang ako at assuming masyado.
"Panira ka talaga ng pagkakataon!" Hinampas ko sa balikat si Chan nang hindi ko na makita si Hec.
"Whhyyy?"
"Why? Huh, why? Nakita mo na ngang nag-uusap pa kami lumapit ka agad. Sana hindi ka muna lumapit. He said he's sorry for what he did to me."
"Nakapagsorry na naman pala siya. What's wrong?" Talagang hindi niya makuha ang ibig kong sabihin.
"Nag-uusap pa nga kami di ba? Nag-uusap.."
"Nakapag-usap na kayo. Umalis na siya. So?"
"Ahhh!!! Nakakainis ka talaga, Channing!"
"Hehehe! Nakausap mo na nga ang pangarap mo, naiinis ka pa rin?"
"Iyon na nga eh, may sasabihin pa sana siya kaso dumating ka naman. Sasabihin ko sana na hindi totoong nililigawan mo ako."
"Hayaan mo siyang mag-isip na nililigawan kita. Ayaw nga niyang lumapit ka sa kanya. Sinabi niya di ba? Nakakabingi pala ang ma-inlove noh?" Muli ko siyang hinampas sa braso.
"Bakit na naman?" Naiinis ako sa kanya. Hindi ko tuloy naitama ang maling iniisip ng baby ko sa amin. "Para naman makapag-isip siya. Na hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. Let him realize something na hindi pa niya kayang tanggapin."
"What is it?" Hindi siya kumibo bagkus ay nakatingin lang sa akin at may itinatagong ngiti sa kanyang mga labi.
"What do you mean?" I asked him again.
"That's not for you to know." Mahina niyang tinapik ang noo ko at inakbayan ako ulit. "Hay, Gus, imbes na pag-aaral ang inaatupag mo."
"Nag-aaral naman ako ah," ani ko. Nagpatianod ako sa panggigiya niya palapit sa sasakyan ko. Ngunit bago pa kami makarating ay may kotseng biglang humarurot sa harapan namin. Konting-konti na lang at masasagi na kami. Sa bilis niyon ay hindi ko na nakita kung sino ang lulan ng kotseng iyon. Maging ang itsura niyon ay hindi ko na rin naaninag dahil bigla rin itong lumiko.
Gulat na gulat ako ngunit sa paglingon ko kay Chan ay tila balewala lang rito ang nangyari.
"That asshole!" aniya pa. "Are you okay?" Hinarap niya ako at tiningnan ang kabuuan ko.
"Y-yeah. Nagulat lang ako."
"Are you sure?"
"Oo. Sino ba 'yon?"
Nilingon niya ang daan kung saan lumiko ang kotseng malapit nang makasagi sa amin. "Isang baliw."
Hindi na ako nagkomento at nagtanong pa. Tinungo na namin ang kotse ko at nagpresenta siyang magmaneho.
Dalawang oras ang itinagal ko sa bahay nina Chan. Nalaman kong pawang mga doktor ang mga magulang niya. Nasa Africa raw ang mga ito dahil sa medical mission. I pity him pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanya. He is alone at mga katulong lang ang kasama niya sa bahay nila. They have a huge house na ang tahimik dahil nga iilan lang sila roon. Wala rin siyang mga kapatid.
Naaawa ako sa kanya. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nalulungkot siya. Kitang-kita ko iyon nang inilibot niya ang mga mata sa living room nila nang dumating kami. Nakilala ko rin ang mayordoma nilang si Nana Sabel. Ayon rito ay siya na raw halos ang nagpalaki kay Chan. Ayaw raw nitong tinatawag na Chan. Kaya nagulat si Nana nang marinig niya ang tawag ko sa alaga niya. Gusto ko sanang tanungin kong bakit pero naunahan na ako ng hiya.
Pagkarating na pagkarating namin ay agad kaming pinakain ng Nana Sabel niya. Naalala ko pa ang unang sinabi ni Nana Sabel.
"Nobya mo ba siya, hijo?"
"Naku, hindi ho!" sabi kong nahiya at napayuko.
"Bakit? Napakagandang bata naman ireng dinala mo rito."
"Nana, hindi ko po siya girlfriend. Kaibigan ko lang po siya."
"Sayang naman. Ligawan mo agad." Hanep talaga si Nana Sabel. Imbes na pangaralan ang alaga na huwag munang magnobya-nobya, eh binuyo pa. Kalaunan ay nalaman ko rin kung bakit nang umakyat si Chan at magpalit ng damit.
"Masaya talaga ako, hija at dinala ka ni Nick rito. Akala ko ay nobya ka niya. Ito ang unang beses na nagdala siya ng kaibigan rito. Kahit sa Davao ay wala siyang dinala sa bahay nila."
"Nagpapaturo ho kasi akong mag-gitara sa kanya, Nana."
"Kahit na. Kilala ko ang batang iyon. Alam kong espesyal ka sa kanya kaya dinala ka niya rito." Napangiti lang ako sa sinabi niyang iyon.
"Alam mo ba, pag-uwi niya noong Sabado ay nagpaluto agad siya ng kare-kare sa akin. Noong bata pa siya ay ayaw niyang kumain ng kare-kare. Ayaw niya sa itsura kaya kahit ang tikman ay hindi niya ginawa. Kaya nagulat ako nang magpaluto sa akin. Sabi niya, isang magandang babae raw ang nagpatikim sa kanya ng kare-kare. Ikaw iyon di ba, hija?"
"Opo, Nana." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Naku! Sinasabi ko na nga ba." Pumalakpak pa si Nana Sabel ng malaman niyang ako nga ang tinutukoy ng alaga niya. Natuwa rin ako ng malaman iyon.
"Kapag tinitingnan ko siya nitong mga nakaraang araw palagi ng may ngiti sa kanyang mga labi. Masaya siya. At kahit hindi ko tanungin ay alam kong ikaw ang rason."
"Hindi naman ho siguro. Bukod po sa akin ay may mga kaibigan rin naman po siya sa school namin. Mga kaibigan ko po ang mga kaibigan rin niya."
"Nagagalak ako at nakahanap na rin siya ng mga bagong kaibigan rito, hija."
Napapangiti pa rin ako nang maalala ang pag-uusap naming iyon ni Nana Sabel. Masarap maging kaibigan si Chan. Nakakatuwa dahil sa mga pangaral niya sa akin. Dahil siguro sa hindi niya palaging kasama ang mga magulang kaya maagang nagmature ang isip niya.
Nakakatuwa rin kasi hindi siya gaya ng ibang kabataan na nagre-rebelde dahil palaging wala ang mga magulang. Sa nakikita ko sa kanya, malayong maging isa siya sa mga iyon. Mabait ang kaibigan ko at natutuwa akong nakilala namin siya.
Pagkarating ko sa bukana ng gate namin ay agad akong pinagbuksan ng gate ni Manong.
"Thanks, Manong."
"Welcome po, Ma'am," aniya na nakasaludo pa. Parati niyang ginagawa iyon sa akin na palagi ko ring ikinatawa.
Ipinarada ko ang kotse ko sa likod ng kotse ni Daddy. My parking space. Hindi na ako dumaan sa front door bagkus ay sa gilid na ako dumaan. Sa nakagawian kong daan sa gilid ng hardin. Malamlam ang ilaw roon dahil natatakpan ng malaking puno sa bakuran namin.
I was humming my favorite song habang binabagtas ang daan.
"Ayyy!" Napatalon ako sa gulat ng sa pag-angat ko ng tingin ay may bultong nakasandal sa pader sa gilid ng pintuan. Pakiramdam ko ay saglit na humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.
"Hector?" Nakilala ko siya ng mag-angat rin siya ng tingin sa akin. Gulat na gulat ako nang makita siya.
"What are you doing here?" Agad na nagtatatalon ang puso ko pagkakita sa kanya.
"May inihatid lang akong papeles sa Daddy mo. Inutusan ako ng Daddy ko," aniyang hindi man lang kumilos sa pagkakasandal. Deretso niya akong tiningnan na para bang kinakabisa ang bawat anggulo ng aking mukha.
"Is that so? Eh, bakit nandito ka sa dilim? Bakit hindi ka pumasok?" Nakakakaba ang uri ng titig niya. Kabang nanunuot sa bawat himaymay ng aking katawan. Naglakad ako palapit sa may pintuan.
"Tara sa loob, Hec." aya ko sa kanya. Ngunit laking gulat ko ng bigla niya akong hawakan sa braso at hatakin palapit sa kanya. Napasubsob ako sa dibdib niya na agad kong ikinabahala. Lumayo ako at tiningala siya.
"What happened to babe? Baby, huh?"
When he said that ay naamoy kong amoy alak siya. I could not utter even a single word. I was so shocked when I looked at his eyes. Hindi lumabas ang katagang nais ko sanang banggitin sa kanya. Hindi siya nakuntento. Sa isang kisapmata ay isinandal niya ako sa pader.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
"H-hector?" Labis na kaba ang bumundol sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Kung noon ay pinangarap ko ang ganitong sitwasyon sa amin ngayon na narito at nangyayari na ay para bang gusto kong magtatatakbo at lumayo sa kanya.
The feeling is too much to bear. It is very unbearable. Nakakapanibago, nakakakaba. Halos lumuwa ang puso ko at gustong lumabas.
"You are having fun with him, aren't you?" Amoy alak talaga siya.
"Are you drunk?" Halos hindi lumabas ang katagang iyon sa bibig ko. Namamaos ako. And I don't know why.
"May pakialam ka pa ba sa akin?" Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
"Why are you doing this, Hector?"
"Hector again, huh?" Namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"May gusto ka pa ba sa akin?" Napaawang ang bibig ko. Ano bang pinagsasabi niya? Ano bang nangyayari sa kanya?
"I'm asking you, dammit! Gusto mo pa ba ako?"
Tumaas ang isang kamay niya at hinawakan ako sa pisngi. Nasasalamin ko ang galit sa mga mata niyang nakatuon sa aking mga mata. Bumaba ang isang kamay niya sa aking beywang at mas lalo akong hinapit sa kanya. Idiniin niya ako sa pader na kinasasandalan ko.
"Gus.. do you still like me?" He whispered. His eyes are pleading. Nalulunod ako sa klase ng titig niya.
"Answer me!" Tumaas ang boses niya.
"O-oo naman." Shock above all shocks. He kissed me. He pressed his lips to my lips. I tremble when an unexplained feeling hit me. Nanlaki ang mga mata ko while his eyes are closed.
Maraming paro-paro ang nagliparan sa loob ng tiyan ko papunta sa puso ko. Nanghina ang mga tuhod ko. Kung hindi niya ako niyapos ay baka bumagsak na ako.
Gumalaw ang labi niya ngunit nanatiling nakasara. He kept on kissing me. Dinadampi-dampian ng mga labi niya ang mga labi ko. Pressing hard that it tickles me.
'Oh my God..'
'This is my first kiss.. I am having my first kiss!'
Ipinikit ko ang aking mga mata. Naliliyo ako sa hatid ng bawat halik niya. Ngunit napamulat din ako ng mariin niyang pisilin ang beywang ko. Napakapit ako sa mga braso niyang mahigpit na nakayapos sa akin. When he stopped kissing me, inilayo niya ang mukha sa akin. Tinitigan niya ako. Matagal. We were both panting.
"You're making me crazy." He whispered. Niyakap niya ako ng mahigpit. Nabibigla pa rin ako sa mga nangyayari. Nguguluhan. Pinakawalan niya ako pagkaraan ng ilang sandali subalit muling tinitigan ang mukha ko. Nagtagal sa mga mata ko. Para bang gusto niyang makipag-usap sa akin ngunit hindi alam ang ibig iparating.
He was about to kiss me again nang biglang may tumawag sa pangalan ko. My Mom is calling me. Bumitaw siya na parang napapaso at tinitigan ako na parang naguguluhan.
Umatras siya. Tumalikod at agad akong iniwan. Sinundan ko siya ngunit tumakbo siya palabas ng gate namin at hindi man lang pinansin si Manong.
'What was that?'
Natulos ako sa kinatatayuan. I gripped my chest dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Hinihingal ako at parang nahihirapan akong huminga.
'Bwesit tinakbuhan ako!'