Chapter 19
Gus
Masakit ang ulo ko. Pero kailangan kong mag-concentrate sa aralin namin ngayon. After this lesson ay magkakaroon kami ng quiz kaya kailangan ko munang isantabi ang nangyari kagabi.
But damn! Hindi ko pa rin talaga makalimutan ang halik ng baby ko. Halos hindi na ako mag-toothbrush kagabi dahil ayaw kong mabura ang amoy niya. Ang amoy niyang amoy baby at amoy chico. Nakakabaliw!
"Number one!" Napaigtad ako nang marinig ang malakas na boses ni Ma'am Zenai. Shit! Mag-qu-quiz na pala. Nabigla na lang ako ng may naglagay ng papel sa desk ko. I saw Chan looking at me and pointing the paper he gave.
"Marquez!" Napapikit ako nang marinig ang pagtawag ni Ma'am sa akin.
"Lutang ka yata ngayon. Gusto mo bang lumabas?"
"N-no, Ma'am," ani kong nakayuko.
"Sabihin mo lang. Bukas ang pintuan para sa mga estudyanteng hindi interesado sa klase ko," mataray niyang sabi sa akin.
"Sorry po, Ma'am."
"Number one!"
Muli akong napapikit nang hampasin pa niya ang mesa niya. Lutang talaga ako kanina dahil sa halik na iyon. Pero hindi ako makakasagot kung patuloy ko pa ring isipin ang nangyari.
Nang matapos si Ms. Zenai ay agad niyang pinapapasa sa amin ang mga papel na sinagutan namin. Hindi ako sigurado sa lahat ng sagot ko. Bahala na.
"Are you okay?" Agad na tanong ni Chan nang makalabas na ang guro namin.
"Okay lang," wika ko. Ayaw kong sabihin sa kanila ang nangyari sa akin kagabi. Ang paghalik ni Hec sa akin at ang pagtakbo nito na parang hinahabol ng asong nauulol.
"Tulala ka yata, Gus. What happened?" ani Donna nang makalapit na sila sa akin.
"Masakit lang ang ulo ko. Napuyat kasi ako kagabi."
"Bakit? Ano ba ang ginawa mo at napuyat ka?" tanong ni Rochel.
"Nanood lang ng mga movies. Hindi kasi ako makatulog."
"Naku, alam mo namang may pasok tayo ngayon."
"Ewan ko ba. Hindi ako dalawin ng antok."
"Uminom ka ng gamot kung hindi pa rin mawala ang sakit ng ulo mo," sabi ni Chan na agad namang binigyan ng malisya ng tatlo.
"Ang sweet mo naman, Nickolas," ani Vaneza na ikinatawa lang ni Chan.
"Punta na tayo sa canteen?" aya ni Donna sa amin. Breaktime na kaya naman nagkanya - kanyang labas na ang mga kaklase namin. I haven't seen Hec this morning pagkapasok ko. Kailangan ko siyang maka-usap. I'm sure pupunta siya sa canteen ngayon.
We are on our way nang makasalubong namin sina Marky, Reden at Jay. Parang sinipa ng kabayo ang dibdib ko nang tumahip iyon ng malakas. Tiningnan ko pa ang likuran nila baka kasama nila ang baby ko ngunit wala akong makita na kasunod nila.
"Saan kayo pupunta?" Naunahan ako ni Donna nang tanungin niya si Marky. Agad na kumislap ang mga mata ng huli pagkakita kay Donna.
"Babalik na sa room."
"Maaga kayong nag-snacks?"
"Oo, eh. Wala kasi si Mr. Ramos. Pero kailangan naming pumunta ng library para sa assignment namin."
"Ganoon ba?" Mababakas ang panghihinayang sa boses ni Donna.
"Don't worry, sabay tayong mag-lunch at ihahatid naman kita mamaya."
"Talaga?"
"Gutom na kami, friend! Ano maglalampungan pa kayo d'yan? Mauuna na kami," wika ni Vaneza.
"Mamaya na lang," ani Marky.
"Okay. Hihintayin kita." Nauna nang naglakad sina Donna, Rochel at Vaneza. Nagpahuli ako at nilapitan si Marky na halatang hinihintay rin ang paglapit ko.
"Gustaniana." aniya.
"Si Hector?" agad na tanong ko sa kanya. Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya. Nasa likod ko si Chan.
"Nauna na sa library kanina pa. Hindi na nga sumabay sa amin sa pagkain." Tumaas ang kilay ko. Tinataguan ba niya ako?
"Akala ko hindi pumasok. Hindi ko siya nakita kanina."
"Late siya kanina. Mabuti nga at pinapasok ng teacher namin kahit kalahating oras na siyang late."
Late siya? Bakit kaya? Kasi lasing nga siya kagabi di ba?
"Sige. Maraming salamat," ani ko at sumunod na sa mga kaibigan.
"Puntahan mo sa library," pahabol ni Marky sa akin. Hindi ko na siya sinagot. Ayaw kong puntahan siya sa library. Mag-iingay lang kami doon. I will confront him. Kung bakit niya ako hinalikan kagabi. At sariwa pa rin sa akin ang pagtulak niya sa akin doon.
"Why are you looking for him?" ani Chan nang magkasabay na kami. Paano kung sabihin ko kay Chan ang nangyari kagabi? Huwag na lang, nakakahiya. That was my first kiss at awkward masyado kung kay Chan ko pa sasabihin. Maybe kina Donna ko na lang sasabihin kapag handa na ako.
"Hindi ko kasi nakita kaya hinanap ko siya."
"Akala ko may nangyaring hindi maganda."
"Wala." Napakaganda nga ng nangyari, Chan. Sa sobrang ganda ay halos hindi na ako mag-toothbrush kagabi. Halos hindi rin ako nakatulog kaya para akong bangag ngayon. Nais ko sanang idugtong ang mga iyon sa kanya. Subalit agad na nag-init ang aking mukha. Awkward!
Matatapos na ang buong araw ngunit hindi ko pa rin nakita ang baby ko. Lunch time kanina sa canteen ay hindi ko rin siya nakita. Ang sabi ni Marky ay sa labas daw ito kumain.
"Sino'ng kasama niya?"
"Hindi ko alam. Baka sina Reden." Nag-iisa si Marky nang lumapit siya sa amin kanina sa canteen. Hindi na ako nag-usisa pa.
First subject namin kaninang hapon ay lumabas lang ako. Sinadya kong puntahan siya sa room nila. Ngunit hindi ko siya makita. I texted Marky pero hindi rin niya alam kung nasaan si Hector. Akala ko ay nag-cr lang siya kaya naman bumaba ulit ako.
Sa labis na kagustuhan kong maka-usap siya ay pinasok ko na ang CR ng mga lalaki. Walang tao. Saan kaya siya nagpunta?
Ngayon nga ay matatapos na ang araw ngunit hindi ko pa rin siya matyempuhan. Naglalakad kami ng mga kaibigan ko papunta sa locker namin. Lulugo-lugo kong inilagay ang mga aklat ko sa locker. Iniisip ko pa rin kung saan kaya maaaring magpunta.
"Is that Hector?"
Agad kong isinara ang locker nang marinig ko si Vaneza. Sinundan ko ang tingin niya. There, I saw him walking beside Andy? Tama ba ang nakikita ko? Magkasama sila ni Andy? At halos malaglag ang puso ko nang makita ko siyang inakbayan si Andy.
"Bakit siya nakaakbay kay Andy?" I heard Rochel asked me. Ngunit hindi ko na siya tiningnan pa.
Andy Rellita is pretty. Isa rin siya sa mga nahuhumaling kay Hec. Pero bakit niya inakbayan ang babaeng 'yon?
"I heard na sabay daw silang nag-lunch kanina sa labas."
"Oo nga. Ang rinig ko ay sa restaurant daw dinala ni Hector si Andy."
"Nakita raw sila kanina nina Michelle."
Sumasakit ang dibdib ko pagkarinig sa mga sinabi ng mga babaeng malapit sa akin. They are not even aware na narito ako sa likod nila at naririnig sila. Nang lumingon sa akin ang isa ay agad namang hinila ang mga kasama at naglakad na paalis.
Hec and Andy are walking towards us. Sa locker rin papunta ang mga ito. Sa locker ni Andy. Hindi ko inaalis ang mga mata ko kay Hec. When he saw me, nais ko siyang sumbatan ngunit hindi ko magawang ibuka ang aking bibig. Masakit. Nasasaktan ako sa nakikita ko sa kanila. Habang papalapit sila sa direksyon ko ay para namang pinipiga sa sakit ang puso ko.
He kissed me last night. And he left me without saying anything. Inaasahan kong kakausapin niya ako ngayon ngunit iba ang ipinapakita niya. What is he trying to say? Ano ba ang nais niyang iparating sa akin?
Nakatayo lang ako sa harap ng locker ko. Nakatingin sa kanya. Sandali lang niya akong tiningnan at agad na tinulungan si Andy sa mga gamit nito. Nagsisikip ang dibdib ko. I was dreaming of him helping me like what he is doing to Andy right now.
Napaigtad ako nang may brasong lumapat sa balikat ko. Tumingala ako at nakita ko si Chan na nakatingin sa akin. Nakikisimpatya ang klase ng tingin na ibinigay niya sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at pinaharap sa kanya. Patalikod sa gawi ng lalaking muli na namang nanakit sa damdamin ko.
I didn't know that I was crying unti he simply wiped my tears away.
"Don't let him see you in pain." Ang sunod-sunod na patak ng mga luha ko ay pinabayaan na lang niya. Hindi na niya pinahiran bagkus ay niyakap niya ako.
"Stop crying." He told me. "Maraming tao ang nakatingin sa'yo." Nasa likod ko lahat ang mga tao. Sa likod ni Chan ay terrace na. Nasa ikalawang palapag kami at katabi noon ay puno na ng mangga.
"Sa bahay mo na lang iiyak 'yan. Huwag dito. He is watching you."
Watching me? Haharap sana ako ngunit maagap niya akong pinigilan.
"Don't move. Makaganti ka man lang." I was puzzled. What is he trying to say?
"I said stop crying. Save your tears when you go home, in your room," malumanay niyang sabi sa akin. I look at him. He is very calm. Para bang amused pa siya sa nakikita sa akin. Nginitian niya ako.
"Why are you smiling?" I asked him. Pinigilan ko nang umiyak. Nakakahiya nga kung makikita ako ng mga kapwa ko estudyante na umiiyak.
"Para hindi nila mahalata na umiiyak ka. Para isipin ng mga nanonood sa atin na naglalampungan lang tayo." Natawa ako sa termino na ginamit niya. Tinuyo niya ang magkabilang pisngi ko.
"Naglalampungan talaga?"
"Why? Para naman hindi ka magmukhang kawawa. I can see that he is watching us. Naguguluhan ako diyan sa pangarap mo. Kung nakamamatay lang ang tingin ay baka na-cremate na ako." Hinampas ko siya.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan." Nakita kong natigilan siya.
"Ayaw mo bang mangyari 'yon?" He asked me seriously.
"Oo naman. Kaibigan kita noh!" Tinitigan niya ako. I was halted when he hugged me after a minute or so. Mahigpit niya akong niyakap na ipinagtaka ko.
"Ms. Marquez! Mr. Padilla!"
Sabay kaming nagulantang nang marinig namin ang dumadagundong na boses na iyon. Binitiwan ako ni Chan kasabay nang pagtulak ko sa kanya. Napaharap ako at nagulat nang makita si Bb. Joyce. Ang guidance counselor namin. Nakatayo siya malapit sa puwesto nina Hec at Andy. May eyes darted to him and I saw him looking at me. Nagbabaga sa galit ang mga tingin niya sa akin.
"What are you two doing?!" Bumalik ang tingin ko kay Bb. Joyce. Galit siyang nakatingin sa amung dalawa ni Chan.
"Did you know that public display of affection is strictly prohibited in this school?! Ang babata niyo pa para umakto kayong gan'on!"
"Ma'am, it's not what you think." Chan said.
"Ano sa palagay mo ang nakita ko?!"
"I was just.." Hindi niya naituloy ang sasabihin. Nakayuko lang ako.
"You're just hugging Ms. Marquez! At hindi ito ang unang beses na nakita ko kayo! You kept on hugging and touching her!"
"Oh my God!"
"Totoo ba?"
"Palagi silang nagyayakapan?"
"Oo nakita ko sila noon sa labas ng library."
"Nakita ko rin sila sa may parking lot!"
"Pati doon sa court! Sila na ba?"
Maraming napasinghap dahil sa bulong-bulongan ng mga kapwa namin estudyante. Marami pang sinabi ang iba ngunit hindi ko na marinig pa ang mga iyon. What are they talking about?
Those were just a friendly hug. Bakit nila binibigyan ng malisya iyon?
"Girlfriend mo ba si Ms. Marquez, Mr. Padilla?!" tanong sa amin ni Bb. Joyce. I was about to tell her na hindi ngunit walang lumabas na salita sa lalamunan ko nang sa pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Hec na tumalikod at naglakad palayo sa kinaroroonan namin. Sumingit siya sa mga estudyanteng nagkukumpulan at nakikiusyuso sa amin.
"Bring your parents tomorrow! Kakausapin ko sila!" Iyon lang at umalis na si Bb. Joyce. Napanganga ako.
Lagot na! I will be doomed!