Chapter 21
Gus
Panay ang lingon niya sa akin habang naglalakad kami. Nauna siya sa akin ng ilang dipa habang ako naman ay nakasunod sa kanya. I am looking at him wondering kung ano ang sasabihin niya sa akin. Dumadagundong ang dibdib ko sa sobrang kaba. Nawawala ang tapang na dati kong baon sa tuwing lalapitan at babatiin siya. Marahil ay dahil sa hinalikan niya ako.
Tinutumbok namin ang puno ng acacia sa likod ng cashier's office. Nang makarating ay dumaan pa kami sa gilid ng kiosk. Madalang puntahan ang lugar na ito. Minsan ko lang nakita na may mga tao rito. Hindi naman nakakatakot bagkus ay nakakarelax pagmasdan ang kapaligiran. The place is so beautiful and solemn. Malinis, maaliwalas at tahimik. Bakit kaya dito niya ako dinala?
Napatigil na rin ako nang tumigil siya sa tabi mismo ng puno. Nilingon niya ako.
"Bakit dito tayo nagpunta?" Hindi nito naituloy ang sasabihin sana nang magtanong ako.
"Para walang makakita sa atin." Tumaas ang kilay ko. Ayaw niyang may makakita sa amin na magkasama. Kinakahiya ba niya ako? Ayaw niya bang makita kami ni Andy?
Naramdaman ko na naman ulit ang sakit sa aking dibdib. Kaya naman pala malalaki ang hakbang niya kanina. Hindi ko siya maabutan.
"Okay. Sabi mo, eh. Bakit gusto mo akong maka-usap?" I didn't want him to know that I was hurt. Kahit pride na lang ang matira sa akin.
"Your father asked me a favor," aniyang biglang nagsalubong ang mga kilay.
"Si Daddy? Bakit?"
"Gusto niyang bantayan kita. Isumbong ko raw sa kanya kung sino ang lumalapit sa'yo." Sinabi ni Daddy 'yon?
"Oh.. Ano'ng sabi mo?" Nakakatawa naman siya. Nakita kong natigilan siya dahil sa tono na palagi kong ginagamit kapag kami lang na dalawa. "Mabuti hindi mo sinabi kung sino ang nilalandi at hinahabol ko dito sa school."
"Stop that!"
"Hahaha! What?" Iniinis ko siya.
"Imagine my shocked when I found out that you and that.. that asshole were hugging?! Maraming beses pa!"
"Bakit nagagalit ka?" Nagugustuhan ko ang nakikita ko sa kanya ngayon. Halos magbuga siya ng apoy dahil sa galit. "Hindi ko alam na possessive pala ang.. baby ko." I didn't know na na-miss ko na pala ang pagtawag ng endearment sa kanya.
Natigilan siya. Tila hindi inaasahan ang pagiging malambing ko.
"And oh, before I forgot. Bakit mo nga pala ako hinalikan, baby?"
"A-anong hinalikan?!" He stammered. Nakita kong bigla siyang kinabahan.
"The other night! Nagpunta ka sa bahay kasi inutusan ka kamo.. and then you kissed me!"
"Hindi kita hinalikan! Wala akong maalala na hinalikan kita! Pwede ba? Huwag kang gumawa ng kwento?!" He's fuming mad all of a sudden.
"Totoo ang sinasabi ko. Bakit hindi mo maalala? Niyakap mo pa ako ng mahigpit. Tumakbo ka pa nga pagkatapos."
"Shut up! Will you please shut up?!"
"Alam kong naaalala mo! Hindi ko alam kung bakit ayaw mong aminin. You're hurting me, Hector." Napatda naman siya sa sinabi ko.
"Hindi kita dinala rito para pag-usapan ang kasinungalingang 'yan! Dinala kita rito para malaman mo na kapag nalaman ko ulit na nagyayakapan kayo ng lalaking' yon, isusumbong ko kayo!" banta niya.
"Eh di, isumbong mo. Isumbong mo rin na hinalikan mo ako doon mismo sa bahay namin."
"Shut up! Walang katotohanan 'yang sinasabi mo! Ganyan ka na ba ka-desperada? Gumagawa ka ng kwento na hindi ko naman alam o naaalala!"
Galit siya. Nagtatanong lang naman ako pero kung magalit naman, wagas! Hindi raw niya maalalang hinalikan niya ako? Talaga lang ha!
"Gusto mo ipaalala ko sa'yo?" He's halted. I could see him stiffened. Lalo na nang naglakad ako palapit sa kanya.
"What are you doing?"
"Nakakapikon ka na, ah. Alam kong naalala mo, duwag ka lang talaga. Hindi ko alam kung anong drama mo sa buhay. Deny ka nang deny alam ko namang gusto mo na ako." My God! Bakit ba iyon ang mga lumabas sa bibig ko? Hindi ko inaasahan na iyon ang masasabi ko. Ni hindi ako nag-iisip! Ano na lang ang iisipin at sasabihin niya sa'kin?
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi ka ba kinikilabutan sa mga pinagsasabi mo?"
Yeah! He's starting. Nagsisimula na siyang laitin ako. Kaya bago pa siya may masabing hindi maganda ulit, dali-dali akong humakbang palapit sa kanya. Hindi siya nakagalaw marahil ay dahil sa gulat. Hinawakan ko ang kwelyo ng uniporme niya. Hinila at saka ko sinalubong ang nakakaakit niyang mga labi.
I kissed him. Nakakakilabot na kiliti ang dumaloy sa kasulok-sulokan ng aking katawan. Hindi rin nagtagal ang halik ko sa kanya. I pushed him. Nagulat ako sa sensasyong hatid ng pagkakalapat ng mga labi namin. Hindi ko kaya. Kinakabahan ako ng sobra-sobra.
"Siguro naman maaalala mo na ngayon." Nakatanga lang siya sa akin. Tinalikuran ko siya. Lakad takbo ang ginawa ko upang makalayo sa kanya. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Kung noon ay nakakaya ko pang landiin siya, ngayon ay hindi na. Biglang nag-iba ang nararanasan ko. It's as if I am falling deeply.. deeply inlove with him.
Subalit paano ko siya mapapa-ibig kung susukuan ko siya agad? Paano niya pa ako mapapansin kung hindi ko na siya lalapitan? Kailangan kong labanan ang lumalalang sensasyon upang patuloy ko pa rin siyang malapitan. But somehow I could always feel this urge na gustong-gusto ko siyang makita at lapitan.
Ngunit parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa isip niya ang mga payo ni Chan at ng mga kaibigan niya. Gustong sundin ng isip niya ang mga payo ng mga ito. Subalit ang puso niya ay tahasan siyang kinokontra. Napapapitlag sa tuwing makikita niya at naroon ang pagnanais na malapitan ito. Kahit pa nga maraming beses na siyang nasaktan ng mahal niya.
Natapos ang buong araw na klase namin ng wala man lang akong naintindihan sa mga lessons. Iisang tao lang kasi ang iniisip ko. Ang malambot niyang labi at mabangong hininga. Somehow ay naiinis rin siya rito. Ilang gabi siyang hindi nakatulog sa kaiisip ng halik nito tapos ito ay hindi man lang maalala ang gabing iyon sa bakuran nila?
Gagong 'yon!
"Gus! Manood raw tayo ng practice nila Chan." Bumalik ang nagliliwaliw kong isipan nang kalabitin ako ni Donna. Nakatingin silang lahat sa akin at naghihintay sa sagot ko.
"Gusto n'yong manood ng ensayo namin sa basketball?"
"Oo, sige!" wika ko. Makikita ko na naman siya mamaya. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? I just kissed him.
"Okay ka lang ba?" Chan asked me. Nasa likod kami ng tatlo naming kaibigan papunta sa court.
"Okay lang ako." Nunkang sasabihin ko kay Chan na hinalikan ko si Hec kanina. Baka mabatokan pa ako kapag nagkataon. Nakakahiya!
"Ano'ng pinag-usapan n'yo ng pangarap mo?" Sandali akong natigilan. Biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko.
"Ahm, ano.. Sinabi niya na inutusan daw siya ng Daddy na bantayan ako."
"Bakit raw?" Nagkibit-balikat lang ako.
"Iyong pagyayakapan daw natin isusumbong daw niya kay Daddy."
"Ano?"
"Oo. Don't worry, nakausap ko na siya. At saka narinig naman niya kanina kung bakit mo ako niyakap di ba? Hindi na raw niya isusumbong."
"Ano pa ang mga pinag-usapan n'yo?"
"Wala na. Iyon lang naman. Hindi na raw tayo pwedeng magyakapan."
"Ang sabihin niya, nagseselos lang siya. Ayaw niya lang aminin." Hinampas ko siya sa braso.
"Aray!"
"Pwede ba. Hinaan mo nga 'yang boses mo. Nakatingin na sa atin ang mga tao."
"Hayaan mo sila," nakangising ani niya.
"He's just jealous."
"Mukha nga. Ayaw lang aminin. Nakakainis siya!"
"Hayaan mo siya. Pagselosin pa natin lalo para mabaliw na 'yang pangarap mo." Natigil kami sa pag-usap ng makitang marami ng tao sa court. Karamihan ay mga babae. Naghihiyawan habang nakatingin sa mga players na nakapagpalit na ng damit.
"Channing!"
"Channing!" Muntik na akong mapabunghalit ng tawa nang makita ko ang sambakol na mukha ni Chan sa tabi ko. Ayaw nga raw niya ng may nagche-cheer sa kanya. But looking at the crowd now na animo'y may paliga ng basketball dahil sa dami ng mga manonood.
"Ang dami mong fans. Hehehe!" Nginisihan ko siya. Masama ang tingin niya sa akin.
"Nick! Come on," tawag na siya ni Marky.
"Come on na daw. Hehehe. Channing! Channing!
Bebe Channing!" Natawa kami pareho. Tinapik niya ako sa balikat at saka tumakbo palapit sa mga ka-teammates niya.
"Sila na ba?"
"Hindi yata."
"Magkaibigan lang daw sila."
Iyon ang mga narinig ko habang naglalakad palapit sa mga kaibigan ko. Ang daming tsismosa sa campus na 'to.
"Dito ka, Gus." Umusog si Donna at pina-upo ako sa tabi niya. Nang makaupo ay agad kong hinanap ang lalaking hinalikan ko kanina. Agad kumalat ang init sa aking mukha pagkaalala sa ginawa ko kanina.
Mas lalo pa yatang nag-init nang mamataan ko siya sa ilalim ng ring at binabato ang bola sa mga kasama niya na nakapila sa harapan di kalayuan sa kanya. Napakagwapo niya sa suot na jersey short at cotton sando. Nagsusumigaw ang nakakahalina niyang biceps.
"Hector!"
"Hector!"
Napabaling ako sa mga kababaihan na nagche-cheer sa kanya. Ang feeling ng mga 'to!
"Donna, sigaw ka rin! E-cheer mo naman si Marky," wika ni Rochel.
"Ayoko nga! Nahihiya ako!"
"Sus! Mahiya daw ba? Nagde-date na nga kayo, mahihiya ka pa?"
"Nahiya ako sa mga makakarinig."
"Hindi nga nahiya ang ibang babae d'yan na walang relasyon sa mga lalaki d'yan sa baba!"
"Vaneza, hayaan mo na si Donna. Mahiyain talaga 'yan," saway ko sa kanila.
"Ikaw, Gus. Hindi mo ba e-che-cheer ang baby mo?" Napalingon ako kay Rochel. Natangin silang tatlo sa akin at hinihintay ang sagot ko.
"Ayoko!"
"Huh? Bakit?"
"Hoy! Hindi pa sila okay. Baka nakalimutan mo ang ginawa ni Hec kay Gus sa library," ani Vaneza kay Rochel.
"Hindi naman. Pero alam ko na balewala na lang kay Gus 'yon, di ba, Gus?"
"Ha?"
"Sshhh.. Wag na kayong maingay. Magsisimula na." Thanks to Donna. Hindi ko na kailangang sagutin si Rochel. Her question is so complicated. Ayaw kong sagutin iyon.
"Ay, tingnan mo, Gus!" Sinundan ko ang itinuro ni Vaneza.
Chan is dribbling the ball habang nakabantay naman si Hec sa kanya. Pilit inaagaw ni Hec ang bola ngunit hindi makuha-kuha ng baby ko. Nang makarating sa kabilang ring ay agad na ini-shoot ni Chan ang bola.. three points!
Hindi magkamayaw ang mga babaeng nagchi-cheer kay Chan. Nakita ko nang tumakbo si Chan sa gitna ng court kasabay ang ibang manlalaro. When I look at Hec, hawak na niya ang bola. Nagdi-dribble siya at ipinasa kay Marky, nang makapasok sa kabilang ring ay muling ibinalik sa kanya ni Marky ang bola. He's dribbling habang si Chan naman ay nakabantay sa kanya at pilit na inaagaw ang bola.
Ngunit katulad niya ay hindi rin naagaw ni Chan ang bola sa kanya. He jumped and threw the ball.. three points rin! Wow.. I smiled.
Pero dagling napawi ang ngiti ko at napalitan ng ibayong kaba ng tumingin siya sa akin. He's looking at me. Nagmamalaki ang tingin niyang 'yon. Katulad ng mga babaeng hindi magkamayaw sa kasisigaw kay Hec ang puso ko. Hindi ko maampat ang pagwawala ng puso ko.
Nang tumalikod siya at tumakbo sa kabila, saka ko pa lang napakawalan ang malaki at kilig na kilig kong ngiti.
"Ay! Ay! kinikilig siya oh..." sabi ni Vaneza.
"Nakita namin 'yon!"
"Grabe ang titigan! Hanep talaga! Hehehe!"
"Hehehe!" Natawa ako kasabay ng kilig ko. Ewan ko ba pero ibayong saya ang hatid sa akin ng ginawa niya.
Hindi lang iisang beses nangyari iyon, maraming beses pa. Sa tuwing makakapuntos siya, sa akin siya tumitingin. Ang lokong Chan ay ganoon din ang ginagawa. Pinangatawanan nga ang sinabing pagseselosin pa namin ang baby ko. Ang malala kay Chan ay may kasama pang flying kiss. Tuloy ay hindi mapuknat ang kilig ng mga kaibigan ko.
Natatawa na lang ako sa mga reaksyon nila. Kahit alam kong inggit at inis ang mga tingin na ibinabato sa akin ng ibang babae na narito sa court. Nang muling nakapuntos si Hec ay napatalon na ako sabay sigaw.
"Yes, baby!!!" Tili ko na ikinalingon ng mga kaibigan ko. Hindi ko na sila pinansin dahil nakapokus lang ang mga mata ko sa kanya. He looked at me and he's a bit halted when he saw and heard me. Hindi niya yata inaasahan ang inasta ko.
Author's Note:
Thank you so much for waiting. Sana magustuhan n'yo. βΊοΈ
Please don't forget to vote and follow me. Ty π