Chereads / First Love Actually Dies / Chapter 25 - Chapter 22

Chapter 25 - Chapter 22

Chapter 22

Gus

Matagal kaming nagtitigan ng baby ko. I smiled at him ngunit gaya pa rin ng dati, hindi siya gumanti ng ngiti sa akin.

"Hoy! Bakit sa kanya ka nag-cheer?"

"Oo nga. E-cheer mo rin si Nickolas!" buyo ng mga kaibigan ko. Naririnig ko sila pero kay Hec pa rin nakatutok ang mga mata ko. Tumatakbo na siya at binabantayan si Chan. Si Marky naman ngayon ang may hawak ng bola kaya hindi mapuknat ang ngiti ni Donna. Kilig na kilig siya habang nakatingin sa kaibigan ko.

Nang maipasok ni Marky ang bola ay mas lumala ang sigaw an ng mga kababaihan. Para kaming nanonood ng totoong labanan samantalang nagpa-practice lang naman sila.

Muli akong napatingin kay Hec. Kahit sa pagtakbo niya ang hot pa rin niyang tingnan. Napakagwapo niya habang nagjo-jog at nakaawang ng bahagya ang mga labi. Ang sexy niyang tingnan. Nakuha niya ang bola at nag-dribble papunta sa ring nila. Ipinasa niya ang bola sa kasama at ibinalik din agad sa kanya.

Nang ihagis niya at muling pumasok ay mas lalong lumakas ang sigawan ng mga manonood. Sinisigaw ang pangalan ng baby ko lalong lalo na ang mga babae.

I was expecting him to look at me pero nanlumo ako nang hindi niya ginawa iyon. Instead tumingin siya hindi kalayuan sa amin. And there I saw Andy jumping and cheering him while calling his name. Kararating lang nila dahil sukbit pa ang bag at kauupo lang ng mga kasama niya.

Libo-libong thumbtacks yata ang nahulog sa puso ko dahil sa biglaang pagsakit niyon. Lalo na nang makita ko si Hec na ngumiti kay Andy. Ang matamis niyang ngiti na matagal kong inasam-asam na ibigay sa akin. Kay Andy lang pala niya ipapakita iyon.

Nanlumo ako. I didn't mind my friends kahit pa nakita rin nila ang nakita ko. I don't want them to look at me with pity in their faces. Dahil sa tuwing nangyayari iyon ay napapahiya ako.

Oh well, I'm used to it. Si Hector rin ang nagpasanay sa akin na maging ganito. Balewalain ang sakit at pagkapahiya. At ipagpatuloy ang ibig gawin at naisin. Pero putcha! Masakit na masakit talaga. Lalo nang hindi na niya ako tingnan. Na kay Andy na lang nakapokus ang mga mata niya. Bibigyan ng matamis na ngiti at muli na namang maglalaro. I envy her. Kilig na kilig siya kasama ang mga kaibigan niya. Ang kaninang naramdaman ko ay siya na ngayon ang nakakaramdam.

Nang magpahinga ang mga manlalaro ay kitang-kita ko ang paglapit niya kay Andy. Aaminin kong umasam ako na sa akin siya lalapit. Pero pinaasa ko lang ang sarili ko. Nakita kong kumuha ng panyo si Andy sa bag niya at pinunasan ang pawisang mukha ng baby ko. Letse!

Ang sakit-sakit na ah! Dinudurog na nila ang puso ko. At nag-eenjoy naman ang kumag na 'yon. Papikit-pikit pa habang pinupunasan ni Andy ang mukha niya! I hate you, Hector! I hate you so damn much!

"Aray!" Napahawak ako sa noo ko nang biglang may pumitik n'yon. I saw Chan grinning in front of me.

"Ang sakit n'on ha!" Hinampas ko siya sa braso para makaganti man lang. Hindi niya ininda ang hampas ko bagkus ay ngising-ngisi pa rin sa harap ko.

"Para matauhan ka," aniya.

"Tss!" Hinihimas ko pa rin ang noo kong pinitik niya. Siguradong namumula na 'to ngayon.

"O, heto!" May puti siyang ibinigay sa akin. Nang matingnan ko ng mabuti ay bimpo pala niya.

"Ano 'yan?" takang tanong ko sa kanya.

"Bimpo."

"Ano nga ang gagawin ko d'yan?" Lumapit siya sa akin.

"Punasan mo 'ko," seryoso siya. Pero nababanaag ko pa rin ang pinipigalan niyang ngisi.

"Uyyyy!"

"Oiiii!" Kuntodo tukso naman sa amin ang mga kaibigan namin.

"Punasan mo na, Gus! Si Donna nga pinupunasan si Marky, oh." Ininguso ni Vaneza si Donna na pinupunasan nga si Marky. Ang sweet nilang tingnan na dalawa dahil nagbubulungan pa. Walang pakialam sa mga nakatingin sa kanila. Napangiti ako sa nakita ko. At last!

"Sige na, Gus. Punasan mo na si Nickolas. Kawawa naman walang magpupunas sa kanya." Pagbaling ko kay Chan ay nagpapaawa pa ang itsura habang nakatingin sa akin. Nakonsensya naman ako.

"Akin na nga." Kinuha ko ang bimpo na nakasampay sa balikat niya. Yumuko siya at inilapit ang mukha sa akin. Dahil sa katangkaran niya ay mahihirapan akong abutin ang mukha niya kung hindi siya yuyuko. Napaatras naman ako ng kaunti ng mapuna kong masyadong malapit ang mga mukha namin.

Banayad kong pinunasan ang pawis niya. Inuna ko ang noo niya pababa sa ilong at baba niya. He even closed his eyes para mapunasan ko ng maigi ang talukap niya pati na rin ang ilalim ng mga mata niya.

"You're so lucky," wika ko.

"Why?" aniyang nakapikit pa rin.

"Kasi ako ang nagpupunas sa'yo." I don't want to sound bitter pero hindi ko napigilan. I wanted to look at them pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Hindi ko kaya ang makita siyang pinupunasan ng iba. Somehow deep in me, nahiling ko na sana ako na lang ang nasa puwesto ni Andy. Na sana ako na lang ang nagpupunas sa pawisan niyang likod at mukha.

"Turn around," ani ko kay Chan na nakatingin na pala sa akin.

"Bakit ang lungkot mo? Mabaho na ba ako?" Inirapan ko siya.

"Mabango ka. In fact napakabango mo." Totoong mabango siya. Mamahaling pabango siguro ang gamit nito.

"Eh bakit nga malungkot ka?"

"Wala. Sige na, turn around, Channing!" Hindi na siya nagpumilit pa at tumalikod na. Bahagya kong itinaas ang damit niya at pinunasan ang likod niya.

"Magpalit ka na kaya ng damit. Basang-basa ang likod mo," nag-aalala kong sabi. Naku, sigurong basa na rin ang likod ng baby ko. Sa isiping iyon ay tiningnan ko ang kinaroroonan nila. Only to be froze nang makita ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin, sa amin.

Napaawang ang labi ko. What's with that look? Matalim ang tingin niya sa akin na para bang anumang oras ay handa niya akong sakmalin. Natigilan ako. Nang mapadako ang mga mata ko kay Andy ay katakot takot na irap ang binigay niya sa akin.

"Maglalaro pa kami." Naibalik ko ang atensyon kay Chan nang humarap siya sa akin at sabihin iyon.

"P-pero gabi na."

"Gusto mo na bang umuwi?" I looked at him. His voice was too sweet when he asked me that. Hindi ako nakasagot agad.

"Sandali na lang naman ang laro namin. Hintayin mo na ako." Bumalik sa dati ang tono ng pananalita niya. Nakangisi na rin siya sa akin.

"Sige."

Narinig namin ang boses ni coach na tinatawag na sila. Hudyat na maglalaro na naman sila. Bago ako iwan ni Chan, tumaas ang kamay niya at hinawakan ang ulo ko. Akala ko ay hawak lang ang gagawin niya pero nagulat ako ng ginulo niya ang buhok ko.

"Chan!" Hahampasin ko na sana siya pero tumalikod na at bumaba. Gagong 'yon!

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang dalawa kong kamay. Nakahiligan na niya ang gawin 'yon sa akin. Ginagawa niya akong parang bata. That gesture is only for kids, I thought.

Nagsimula na ang kanilang laro. Gaya kanina ay panay pa rin ang ngisi at flying kiss ni Chan sa tuwing makakashoot siya. Pero ang inaabangan ko ay hindi na nangyari. Hindi na tumingin sa gawi ko si Hec. He was too occupied by Andy. Every time he shoot the ball, he will glance and smile to Andy. Na lubos kong ikinalungkot.

Hanggang sa matapos ang laro nila ay nalulungkot pa rin ako. Thanks to Chan, I sometimes managed to smile kahit na ba nagkapira-piraso na ang puso ko. I didn't know that falling in love with him would be too difficult.

Sabay-sabay kaming lumabas ng court nina Donna, Marky, Vaneza, Rochel at Chan. Nagkandahaba-haba naman ang leeg ko sa pagtanaw kina Hec at Andy. Nanghina ako nang hindi ko na sila matanaw. My heart is aching. At the same time ay naiinis ako kay Hector.

"Ang galing mo talagang maglaro," wika ni Donna kay Marky. Nasa likod nila kami ni Chan kaya narinig ko ang sinabi niya.

Masaya ako para sa kanilang dalawa. But there's a part of me na nainggit ako kay Donna. She loves Marky and Marky loves her too. The feeling is mutual. May katugon ang nararamdaman nila sa bawat isa. Samantalang ako, wala.. walang wala.

"Kumusta ang laro ko?" Napabaling ako kay Chan nang tanongin niya ako.

"Magaling ka," ani ko.

"Wala namang kabuhay-buhay 'yang boses mo." Ganoon ba ang tono ko?

"Namomroblema ka na naman doon sa pangarap mo."

"Hindi ah!"

"Sus, kunwari pa. Kitang kita naman d'yan sa itsura mo." Natahimik ako. Hindi ako makasagot. Ganoon na ba ako ka-transparent sa kanya?

Napabuntong hininga ako. Mabuti pa si Chan napapansin ako kahit sa kaliit-liitang bagay. Samantalang ang iba d'yan walang pakialam.

"Gus, Donna, mauna na kami sa inyo." Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa parking lot. Nagpaalam na sina Vaneza at Rochel.

"Sige. Ingat kayo," sagot ko sa kanila.

"Kami rin mauuna na," ani naman ni Donna na humarap sa amin ni Chan.

"Okay. Ingat rin kayo."

"Una na kami, Gus, Nick!" Paalam ni Marky na nagniningning pa ang mga mata.

"Huwag mong pababayaan si Gus, bro."

"Oo naman. Ako na ang bahala sa kanya."

"Bye, Gus!" wika ni Donna.

"Bye, Gus. Huwag masyadong dibdibin!" Ginulo rin ni Marky ang buhok ko.

"Ano ba!" Ikinatawa lang nila ang reaksyon ko. Nakakainis din naman kasi. Huwag ko raw masyadong dibdibin. Lintik! Kung maaari nga lamang, matagal ko nang ginawa.

Tatawa-tawang tinalikuran na kami ng dalawa. Halos magitla pa ako nang sinuklay ni Chan ang nagulo kong buhok gamit ang mga kamay niya.

"Pikon ka talaga. Kaya ang sarap mong asarin," aniyang nakangisi sa akin.

"Nag-e-enjoy ka naman. Kita mo nang may pinagdadaanan aasarin n'yo pa."

"Huwag mo raw masyadong dibdibin sabi ni Marky. Ang laki kasi ng problema mo. Para kang nalugi ng bilyon-bilyon."

"Hindi ka pa kasi na-in love kaya 'di mo 'ko naiintindihan."

"Tsk!" Iyon lang ang isinagot niya. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Eksaktong pagpihit namin ay nakita namin sina Hec at Andy. Nakatayo sa sasakyan ng huli at magkaharap.

Nadurog ang puso ko sa tanawing iyon. Magkaharap lang sila, nagtitinginan at ni hindi man lang nag-uusap. Halata namang nagpa-pacute lang si Andy kay Hec. Ang landi!

"I have to ask you something." Narinig kong sabi ni Hector. Isang kotse lang at motorbike ni Chan ang nakapagitan sa amin. Hindi yata nila napansin na naroroon kami. Mahina ang boses ni Hec ngunit sapat lang upang marinig namin ni Chan.

"Ano 'yon?" wika ng babae habang maarte pang inipit ang tumakas na buhok niya.

"Will you be my date on our acquaintance party?"

Napanganga ako sa narinig kong iyon. Niyaya ng baby ko na maging ka-date si Andy sa acquaintance party namin?

Bakit siya ang niyaya niya? Bakit hindi ako? At sa harap ko pa mismo niya tinanong ang babaeng iyon. Sana man lang tumitingin siya sa paligid nila kung may makakakita ba sa kanila. Hindi iyong parang mga walang pakialam.

Baby.. bakit mo ba ginagawa ito sa akin?

Tila pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Lalo na nang makita kong hinaplos ni Hec ang pisngi ni Andy nang pumayag ang huli. That was too much.

Hindi ko na na itago ang sakit na mababanaag sa mukha ko nang makita kong lumingon sa kinaroroonan namin si Hec. He's looking at me. Hindi man lang siya nagulat ng makita akong nakatunghay sa kanila.

Ang masama pa ay nawalan bigla ang ngiti niya ng makita ako. So, hindi ko ba talaga pwedeng makita ang matamis na ngiti niya? Exclusive lang ba iyon kay Andy?

I should hate you right now, babe. Ngunit bakit hindi iyon ang nararamdaman ko? Kailangan ko na sigurong magpakonsulta sa doktor. Hindi na normal ang nararamdaman ko. Baka nababaliw na ako.