Chapter 26
Gus
I just hold my breath and wait for him to do something. Hindi pa rin ako makapaniwala na pinuri niya ako. He said that I'm fabulously gorgeous daw. Nag-party yata ang mga kulisap sa loob ko dahil sa papuri niya.
Halos hindi ako humihinga sa sobrang pagkadikit namin. My breasts are almost touching his chest. Akala ko ay sila ni Andy ang naglalampungan dito. Bakit pakiramdam ko kami yatang dalawa ang gagawa n'on! Aren't you grateful, self? Tumatalon-talon na ang puso ko sa dibdib ko. Jesus!
Nag-angat ako ng tingin at nagkasalubong ang mga mata namin. Nakatitig pa rin siya sa akin. Malalim na parang may nais siyang iparating. Bumaba ang tingin ko sa perpekto niyang ilong, pababa sa nakaawang niyang mga labi. He gasped. I swallowed. Minsan ko nang natikman ang mga labi niya. Matitikman ko kaya ulit ngayon?
Que horror, Gus! Wake up! Ang bata-bata mo pa!
"W-wala na yata ang mga tao sa labas." Stupid me! Kanina pa wala at alam na rin siguro niya dahil kanina pa tumahimik. Bakit ba iyon ang nasabi ko?
"Hindi mo sinunod ang sinabi ko." Bumalik sa mga mata niya ang tingin ko.
"Hindi kita maintindihan." Nagsalubong ang mga kilay ko.
"I told you to stay away from him. Lapit ka pa rin nang lapit. Nagpahawak ka pa talaga sa kamay niya." His raspy voice troubled deep within me.
"Don't act like you think I will listen to you. Huwag ka ring umastang ganyan. Kasi iniisip ko nang nagseselos ka... babe." I whispered. Hindi ko naman kailangang sumigaw kasi malapit na malapit lang kami sa isa't isa. Anyways, this is my chance. Naisip kong akitin siya at paaminin sa totoo niyang nararamdaman.
"Don't think too high of yourself, Gus. Baka masaktan ka na naman." May pagbabanta sa boses niya. Hindi ako nagpadala sa sinabi niyang iyon.
"Ano? Pagseselosin mo na naman ako sa Andy na 'yon? Kaya ka ba lapit nang lapit sa kanya para pasakitan ako?" He didn't say anything. "Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin na gusto ma na rin ako. Ano bang pumipigil sa'yo? Tell me, iintindihin ko." Pinapungay ko ang aking mga mata. Making sure that he'll get what I mean.
"You're still young, so am I. Huwag mong madaliin ang mga ganitong bagay."
"So kapag matanda na tayo, papatulan mo na ako? Why not do it now than do it later?" Natigilan siya. Tiningnan muna ako bago nagsalita.
"Hindi mo maiintindihan kung sasabihin ko sa'yo. Matigas ang ulo mo. You're one of the spoiled brats I have ever known."
"Spoiled brat?! How dare you!" Pinilit kong kumawala sa kanya. Naiinis ako sa pinaratang niya sa akin. Sa lahat ng ayaw ko ay iyong tawagin akong spoiled brat! Hayop na 'to! I have never been like that and I never will! Nagpumiglas ako. Pero kahit anong gawin ko ay mas lalo lang niyang hinihigpitan ang pagkakayapos sa akin. Dalawang kamay na niya ang nakapaikot sa baywang ko.
"Kung ayaw mo sa'kin, eh di 'wag! Chan is there!" Subalit mali yata ang sinabi kong iyon. Nakita kong nagngangalit ang panga niya. Dumilim ang mukha at mas lalong humigpit ang yapos sa baywang ko. Ang ikinagulat ko ay pinisil pa niya iyon.
"Don't you dare do that!" pabulong na asik niya sa akin. His stare was dangerous. Bigla akong natakot sa kanya.
"B-itiwan mo 'ko."
"Bakit? 'Pag siya ang yumayakap, okay lang. Pero kapag ako, itinutulak mo lang!" W-what? Pagtatampo ba ang nahimigan ko sa kanya?
I stand still. Tinitigan ko siya nang mabuti at inaarok kung tama ba ang narinig ko sa kanya. But I froze when he crossed the distance between our parted lips. He suddenly crashed his lips into mine. Ramdam kong nanigas ako. Hindi ko inaasahan ang biglang rumagasa sa kabuoan ko.
Tila nakiliti hindi lang ang labi ko kundi maging ang kasuluksulukan ng katawan ko. Idiniin niya ang labi sa akin kaya mas lalo akong nadiin sa likod ng pinto.
Baby ko...
Bakit ba niya ako hinahalikan? Tapos kakalimutan lang naman kinabukasan...
Ang landi ko nga talaga. I experienced my first kiss at this young age. Pero wala akong pinagsisihan na ang baby ko ang una kong halik. Nilipad lahat ang iniisip ko nang gumalaw ang labi niya. Kakaibang galaw kaysa noong una niya akong hinalikan. He slightly parted his lips at saka ikinulong ang pang-ibaba kong labi. Naalarma ako.
He kept on doing that again and again on my upper and bottom lips. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatangay na ako sa sensasyong ini-endorso niya sa akin. Tuluyan nang bumuka ang mga labi ko. Gusto kong gayahin ang ginagawa niya. Nang ginawa ko na, he abruptly nipped my bottom lip. At kapwa namin narinig ang ungol na hindi ko akalaing magagawa at lalabas sa aking lalamunan.
He stopped. Malalaki ang mga matang tinunghayan ako. Para bang nagulat siya at wala sa huwisyong nakatingin sa akin. Na parang hindi alam kong ano ang ginawa niya sa akin.
Here we go again..
Baka naman itatanggi niya pa ang ginawa niyang paghalik sa akin. Unti-unting lumuwag ang pagkakayapos niya sa baywang ko. Hanggang sa tuluyan na siyang bumitaw at umatras ng ilang hakbang sa akin. He looks.. nothing. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Is he preparing to run from me again? Iyong takbo niyang daig pa ang kabayo sa sobrang bilis.
"You should go back to the party."
I was wrong. Akala ko ay tatakbuhan niya ako. Ngunit mali pala ako. Dahil ang gusto niya ay ako ang tumakbo palayo sa kanya. Parehas lang naman di ba? He wants us to go back to the party separately, without talking about what just happened.
Subalit lahat ng pag-alinlangang ko ay dagling naglaho nang muli siyang lumapit sa akin at marahang hinaplos ang pisngi ko.
"We will talk tomorrow."
Iyon lang ang sinabi niya, okay na ako. I smiled at him, looking forward for tomorrow. He gently pull me and open the door behind me.
"See you at the party." He said. Para nang sasabog ang puso ko dahil sa mga inasal at mga sinabi niya. Ito na ba 'yon, Lord? Mag-ko-confess na ba siya sa akin? Mahal niya rin ako?
Gusto kong magtatalon habang naglalakad papunta sa hall. I could still remember the way he looked at me before I turn my back to him. Hindi ko maipaliwanag pero he seems like he likes me the way he looks at me. Iyon ang panghahawakan ko para makapaghintay ako hanggang bukas. He told me we will talk tomorrow and I am so excited!
Nakasalubong ko si Chan while I'm on my way to our table.
"Ang tagal mo yata," aniya.
"Ah, nagpahangin lang ako saglit." Na-guilty ako. Gusto ko mang sabihin sa kanya ang totoo, naunahan na ako ng hiya. For sure I will be bombarded with sermon from him and from my friends.
Tumingin pa siya sa likuran ko bago ako sinabayan papalapit sa mesa namin. Tama nga ako kanina, nagsimula na ang party. Pinaghila ako ng upuan ni Chan. I thanked him after I sat down na sinuklian niya ng simpatikong ngiti.
"What took you so long?" Agad na tanong ni Vaneza pagkaupo ko. Nakatingin silang lahat sa akin.
"Nagpahangin pa ako pagkatapos kong mag-cr."
"Sana nagpasama ka sa amin," ani Rochel.
"Okay lang. I'm fine." Ngumiti ako sa kanila para hindi nila mahalatang na-tense ako. Mabuti nga at hindi ako nagpasama sa kanila. Kung nagkataon ay hindi mangyayari ang namagitan sa amin ni Hec kanina.
"Okay. Tara, let's dance?" aya ni Vaneza sa amin.
"Oo, sige!" They're excited. Pero ako, iba ang dahilan ng excitement ko. I'm just wondering kung narito na siya sa party. Marky is still with Donna kaya hindi niya marahil alam kung sakaling magtatanong ako sa kanya.
Nauna na silang tumayo at bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan. Wala akong balak na sumayaw dahil sa nararamdaman ko. Para pa rin akong nakalutang sa alapaap at hindi mawaglit-waglit ang halik niya sa akin. Tila nararamdaman ko pa rin ang labi niya sa labi ko, nanunuyo at naghahanap ng katugon.
"Gus?" Naagaw ni Chan ang atensyon ko. I looked at him when he called me.
"Yes?" He's hesitating.
"Can I have this dance with you?" I was speechless at first. Pero bakit hindi? He's been a good friend to me.
"Why not?" Ngumiti siya. Pero para siyang kinakabahan. Bakit kaya? Ipinagsawalang bahala ko na lang ang napansin ko sa kanya. I accepted his hand and stood up. Iginiya niya ako sa gitna at malapit sa mga kaibigan namin. Subalit nang makarating na kami, saka naman na tapos ang kanta. We both laughed. Hindi nagtagal ay umalingawngaw ang isang magandang awitin.
That Arizona sky burnin' in your eyes
You look at me and, babe, I wanna catch on fire
It's buried in my soul like California gold
You found the light in me that I couldn't find
Inilagay ni Chan ang dalawa kong kamay sa balikat niya. Hinawakan naman niya ako sa aking baywang.
So when I'm all choked up
But I can't find the words
Every time we say goodbye
Baby, it hurts
When the sun goes down
And the band won't play
I'll always remember us this way
Hindi yata at nababagay ang kantang ito sa amin ng baby ko. Damang-dama ko ang ibig sabihin ng kanta ni Lady Gaga. Kung sana ay nakita ko siya agad, siya sana ang kasayaw ko ngayon.
Lovers in the night
Poets tryin' to write
We don't know how to rhyme
But, damn, we try
But all I really know
You're where I wanna go
The part of me that's you will never die
But then, I was taken aback when I saw Chan's eyes. He's staring at me with full of admiration in his eyes.
"Sinabi ko na ba sa'yo kung gaano ka kaganda ngayong gabi?" Sa tangkad niya ay kailangan ko pang tumingala kahit na naka-stiletto na ako.
"Oo, kanina sa bahay." Bahagya akong natawa sa kanya. Paano, ang seryoso niya habang nakatingin sa akin.
"Ikaw ang pinakamagandang babae ngayong gabi." He's really serious, dead serious. Kinabahan na ako kaya naman biniro ko pa rin siya.
"Ngayong gabi lang?" He just nodded and continued staring at me. Ni hindi man lang na-gets ang joke ko.
So when I'm all choked up
But I can't find the words
Every time we say goodbye
Baby, it hurts
When the sun goes down
And the band won't play
I'll always remember us this way
Oh yeah,
I don't wanna be just a memory, baby, yeah
Hoo, hoo, hoo, hoo
Hoo, hoo, hoo, hoo
Hoo, hoo, hoo, Hoo, hoo
"Hindi. Ikaw na ang pinakamagandang babae sa buhay ko simula nang makilala kita." Napatda ako sa sinabi niyang 'yon. Hindi siya nagbibiro. Nakikita kong sensero siya sa inihayag niya.
Bahagya ko siyang hinampas. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!"
"Who said I'm joking?"
Ilang segundo akong napipilan at nakatingin lang sa kanya. Examining him. "Why are you acting like that?" Naguguluhan na ako sa inaasta niya sa harap ko ngayon. Hindi na niya ako sinagot. Tinitigan lang niya ako habang sumasayaw pa rin kami. We're dancing slowly while staring at each other. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. May sasabihin ba siya sa akin? Dapat sabihin na niya dahil hindi ko na siya maunawaan.
"Ahh.. Hehe! Wala naman. Gusto ko lang sabihin na ang ganda-ganda mo ngayon."
I give him a 'duh?' look. Sobrang ganda ko ba na kahit ang kaibigan ko ay tila natutulala na sa harap ko? "You're making me nervous," sabi ko.
"Bakit?"
"I dunno!"
"Kinakabahan ka ba sa akin?"
"Kinakabahan kasi seryoso ka masyado. Hindi ako sanay," nakalabi kong sagot sa kanya. He gives me an unarrogant smile.
"Hindi mo alam kung ano ang epekto mo sa akin." Ayan na naman siya. Pero ngayon ay may bahid na ng ngiti ang kanyang mga labi. Nagniningning ang mga mata niyang nakatunghay sa akin. After a minute of scrutinizing me, he lean on ang surprisingly kiss my forehead. Without saying any single word, he gives me a friendly kiss on my forehead. Or was it a friendly kiss?
Gusto kong isipin na friendly kiss iyon. Because we're really friends, close friends in fact. Natapos ang halik niya sa noo ko at tiningnan na naman ako. When he pulled away, I saw Hec behind him hindi kalayuan sa amin. Nanlaki ang mga mata ko lalo na nang makita kong madilim ang mukha niya. He's looking at us. Kunot ang noo at galit na sinalubong ang tingin ko.
Hector...
He walked away with his fist clenching. Nakita niya ang paghalik sa akin ni Chan. Ang masama pa ay nakapikit ako habang nakadikit ang labi ni Chan sa noo ko. 8 wanted to follow him. Ayaw niyang nagpapahawak ako kay Chan kaya siguro nagalit na naman siya.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Susundan ko siya. Mag-uusap pa kami bukas. Baka hindi na matuloy iyon dahil sa nakita niya kanina.
"Saan ka pupunta?" wika ni Chan nang humiwalay ako sa kanya at tumalikod.
"May pupuntahan lang ako. Sandali lang." Pagkatapos ko siyang lingunin at kausapin sandali, nagpaalam na ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na si Hec ang pupuntahan ko. Tinahak ko ang dereksyon na dinaanan niya.
Lumabas na ako ng hall at hinanap siya. May mga tao na rin sa labas. Gusto ko silang tanungin pero dahil abala sila sa ginagawa, baka hindi rin nila nakita si Hec. Nang makarating ako sa building kung saan ko siya nakita kanina at hinalikan ako, I stopped.
Nakabukas pa rin ang pinto sa silid-aralan ng building na iyon. Baka nandoon siya. Baka bumalik siya ulit sa room. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Agad akong lumapit sa nakabukas na silid at handa na sanang tingnan ang loob.
Subalit nagulat ako nang dalawang tao na ang nabungaran ko. Ang nagpatalon ng mataas sa puso ko ay ang makita siyang sapo ang mukha ng isang babae.. ni Andy. Nakilala ko dahil sa damit na suot niya.
Bakit ganoon sila kalapit? Bakit sapo niya ang magkabilang pisngi ni Andy? Narito na naman ang pamilyar na sakit sa puso ko. Pinipiga sa sobrang sakit. Baka nga dehydrated na ngayon ang puso ko.
"Will you be my girlfriend?"
Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig. Tama ba ang pagkadinig ko? He's asking Andy to be his girlfriend? Para yatang tinadyakan ng malaking kabayo ang dibdib ko. Masikip at nahihirapan akong huminga.
I stepped inside. Letting him know that I am here watching them.
"Hec?" I called him. My voice was shaking. Hindi pa muna siya bumaling sa akin. Pinakatitigan niya si Andy na parang hindi ako narinig.
"Hector.." I called him again. This time, lumingon na siya sa akin. Pero wala akong makita sa mukha niya. I couldn't see any emotion. Unlike me, I am already bleeding inside. Gusto kong makasiguro kung Tama ba ang narinig ko kanina.
"B-bakit nandito si Andy?"
"He wants me to be his girlfriend, stupid!" Si Andy ang sumagot sa akin. Siya, nakatingin lang at walang balak na magsalita.
"B-but you.. y-you said.. na mag-uusap tayo bukas, di ba?" Pumiyok ang boses ko. Hindi ko matanggap ito! Bakit hindi niya ako sinasagot?
"Baby.." I called him one more time. Umiling siya. Umiling-iling siya. Nilampaso niya ang puso ko dahil doon. Ano bang ibig niyang sabihin?
"I'm sorry. Si Andy ang gusto ko."
"Pero hinalikan mo ako kanina." I am already crying. Basa na pala ang magkabilang pisngi ko. Ang sakit.. ang sakit-sakit.
"T-that was nothing! N-nag-away lang kami ni Andy kanina and then you came here. Ikaw ang napagbalingan ko."
"N-no. Liar! Sinungaling ka, Hec!"
"He already told you, Gus! Ano pang hinihintay mo d'yan?!"
"Shut up! Hindi ikaw ang kinakausap ko."
"You, shut up! Hinalikan mo s'ya?!" What's with this Andy? Bakit ba siya nakikialam? Tatawirin ko na sana ang pagitan namin ni Hec. Ngunit humarang si Andy sa daraanan ko.
"Hector! Don't do this to me! You're hurting me too much!" Hindi ba niya nakikitang umiiyak na ako? Basta lang siyang nakatingin sa akin at walang reaksyon ang mukha niya.
"Umalis ka na, Gus. Si Andy ang gusto ko. Ito ang tatandaan mo, kahit kailan hinding-hindi kita magugustuhan!"
I wanted to say something pero hindi ko maibuka ang aking bibig. Nasapo ko ang dibdib, ang sakit na. Masakit na masakit. I cried endlessly while looking at him. Siya ang taong minahal ko ng sobra subalit walang ibang ginawa kundi pasakitan lang ako. Do I deserve this? Ito lang ba ang nararapat sa akin?!
Umatras ako hanggang sa tuluyan nang tumalikod sa kanila, sa kanya. Hilam sa luha ang aking mata. I chose to run. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I run and run as fast as I can. Hoping that the throbbing pain in my chest will disappear. Ayoko na! Ayaw ko na siyang mahalin! Pagod na ako. Masakit na masakit na!
Channing
I kept on searching for her. Sinundan ko siya. I wanted to tell her na gusto ko na siya ngunit naduwag ako. Natorpe at nahiya ako sa kanya. Baka hindi na niya ako kausapin kapag sinabi ko. And worst, baka tapusin na niya ang pagkakaibigan namin.
I looked for her everywhere but she's nowhere to be seen. Bumalik ulit ako sa hall baka nandoon na siya. Subalit wala pa.
"Si Gus?" Donna asked me and looked behind me.
"Hinahanap ko nga. Sinundan ko pero hindi ko nakita."
"Saan siya nagpunta?" Vaneza's face was worried.
"Hindi niya sinabi. May pupuntahan lang daw."
"Tara, hanapin natin. Kanina pa siya naglalakad ng nag-iisa. Hindi man lang tayo isinama," sabi ni Rochel at nagpatiuna nang maglakad.
Nasa gilid na kami ng hall nang may makasalubong kami. Two girls in their white dress.
"Hinahanap n'yo ba si Gus?" ani ng isa.
"Oo!" Agad na sagot ni Vaneza.
"Nakita mo ba s'ya?"
"Oo, she's running. Nakita namin silang nag-usap nina Hector at Andy sa isang room. Narinig namin ang lahat." They told us everything they heard. Kumuyom ang dalawa kong kamao. Napamura naman si Marky.
"And she's crying." Naalarma kami nang marinig iyon. Si Gus tumatakbo habang umiiyak. Nag-alala na kami kaya naman pagkatapos magpasalamat ni Donna ay umalis na kami.
Nauna kami ni Marky sa kanila. Worried while we scanned the hall before we went outside. Papunta na kami sa dereksyon ng CR nang mahagip ng tingin ko ang babaeng tumatakbo sa oval. Medyo madilim sa gawi roon pero alam at kilala ko ang pigurang 'yon. Hindi ako maaaring magkamali.
"Ayun siya!" Pointing at her. Hindi ko na sila hinintay. I run and so as Marky. Para kaming nag-uunahan ni Marky na mahabol si Gus. Pareho kaming nag-alala sa kanya. Alam naming humahabol din sa amin sina Donna, Vaneza at Rochel. We run as fast as we can.
Pero parang hinahampas ng martilyo ang dibdib ko dahil sa kaba nang makita kong tinatahak na ni Gus ang daan palabas ng gate.
"Gus!"
"Gus!"
"Gus!"
"Gus!"
Paulit-ulit namin siyang tinawag. Umaasang maririnig niya kami. Subalit sa kasama ang palad ay hindi siya lumingon sa amin. Tinodo ko na ang lakas ko. Binilisan ko ang takbo kasabay ni Marky. Malapit na kami kay Gus, malapit na malapit na.
"Gus!"
"Gus!"
Magkapanabay naming tawag ni Marky sa kanya. Ngunit para siyang bingi dahil hindi niya kami naririnig. She's crying dahil naririnig na namin ang palahaw at pagsigaw niya. Ilang dipa na lang ang layo namin sa kanya ngunit nanlamig ang buong katawan ko sa nasaksihan ko.
She was hit by a car!
Nakita kong nabangga siya ng isang rumaragasang kotse. Nabundol siya at tumilapon sa ire.
"Guuuuuusssssssss!!!!!"
Parang nag slow motion ang lahat. Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko nang marinig ko ang pagsigaw ni Marky sa tabi ko. I can't move while looking at her lying. Puno ng dugo. I was shocked. Nakita ko si Marky na tumakbo sa tabi ni Gus at hindi alam ang gagawin. I couldn't moved. Naparalisa na yata ang buong katawan ko.
'Guuuuuuuusssssssss!'