Hector
MULI akong humarap sa salamin at inayos ang sarili. Simpleng polo lang naman at itim na pantalon ang suot ko pero napakagwapo ko pa rin. Hindi sa pagmamayabang pero ang gwapo ko talaga. Hindi naman siguro magkakandarapa ang mga babae kong hindi ganito ang itsura ko. Lalong lalo na si Gus.
At muli ay naaalala ko naman ang nangyari noong Friday. Mula ng maka-uwi ako galing sa paaralan ng araw na iyon ay parati nang sumasagi si Gus sa isip ko. Ang mga ginawi niya at ang reaksyon ng magkita kami sa parking lot. Nahiling ko na sana ay hindi niya narinig ang mga sinabi ko. Ngunit ang biglaang pag iwas niya ng tingin sa akin ay palatandaang baka narinig niya ang pag-uusap namin. Nangangamba ako subalit nakahinga rin ng maluwag.
"Son?" ang mommy ko
"Yes mom?"
"Aalis na tayo."
"Okay. I'm coming."
Niyaya kami ng mga bagong investors na mag dinner sa bahay ng mga ito. It's Sunday kaya nagpaunlak naman ang mga magulang ko. Ayaw ko sanang sumama ngunit nagpumilit ang mga magulang ko.
Lumabas na ako ng silid at bumaba. Nakita kong naghihintay na sina Mommy at Daddy sa'kin sa sala.
"What took you so long?" ang Daddy ko
"Hayaan mo na. Nagbibinata na ang anak mo kaya ganyan." tumawa si Mommy at kumindat sakin.
"Binata na talaga ako Mommy. Matagal na." biro ko sa kanila
"Okay let's go. Baka kanina pa tayo hinihintay ng mga iyon. Nakakahiya naman kung male late tayo."
"Where are we going?" tanong ko ng magsimula nang umandar ang sasakyan.
"Ipapakilala kita sa mga kababata ko anak. Siguradong magugustuhan mo sila. Mga investors din sila ng business natin."
Tumango nalang ako bilang pagsang ayon sa Mommy ko. Wala pa akong nakikilalang kaibigan niya dito sa Pilipinas. Ito ang unang pagkakataon na dadalo ang mga magulang ko sa isang dinner invitation kasama ako.
Nang sa wakas ay tumigil kami sa isang magarang bahay sa harap namin. Agad bumukas ang gate at bumungad sa amin ang isang security guard.
"Good evening Sir Guzman. Kanina pa po kayo hinihintay sa loob."
"Thank you. Papasok na kami." Nakangiting sagot ni Daddy
"Sige po sir." sumaludo pa ang security guard sa kanya.
Mabait ang Daddy ko at sobrang friendly kaya hindi katakatakang marami siyang kaibigan. Kahit mayaman siya ay hindi matapobre at proud ako sa ugali niyang iyon. Limang magagarang sasakyan ang nakagarahe sa parking lot. Kung magandang tingnan sa labas ay mas lalong maganda sa loob. Three-story ang bahay at maluwang ang bakuran.
Iginarahe ni Daddy ang kotse sa tabi ng isa sa mga magagarang sasakyan.
"Nandito na rin sila." masiglang ani ni Mommy
Sabay sabay kaming lumabas ng sasakyan. Lumapit si Mommy sakin at umabrisyete. Nagpatiunang maglakad si Daddy at hindi pa man kami nakakapasok ay may lumabas nang magandang babae na kaedad ni Mommy.
"Clara! Oh my God!"
Nagulat ako ng biglang tumili si Mommy. Bumitaw siya sa akin at sinalubong ng yakap ang tinawag nitong Clara.
"Gwyn..!"
Nakaharap samin ang babaeng kayakap ni Mommy at mababakas talaga sa itsura niya na masayang masaya siya. Pinakatitigan ko ang tinawag na Clara ni Mommy at napapamilyaran ko siya. Ang magandang korte ng kilay na mukhang nagtataray. Ang singkit ngunit bilugan niyang mga mata na napapaganda ng makakapal na pilik-mata. Hindi ko matukoy kung saan ko siya nakita.
"Nadia told me na nandito ka raw sa Pilipinas. Bakit hindi ka man lang tumawag sakin. Nakakatampo ka Gwyneth ha."
"I'm sorry Clara. Nag-alaala kasi ako sa negosyo ni Mommy at masyadong busy kaya hindi ako nakatawag agad."
"I heard that too. I'm sorry for what happened to your family's business."
"It's okay. Unti-unti nang nakakabawi. I talked to Nadia about the investment. Ikaw na sana ang susunod kong lalapitan good thing na nabanggit niya sakin na may family dinner daw kayo. So, she invited us." Sabi ni Mommy at lumingon samin ni Daddy.
"Hindi mo pa nakikilala ang binata ko."
"Oh.. Si baby Jeff na ba yan?"
Muntik na akong mabilaukan ng marinig ang tawag nito sakin. Baby Jeff?
"Yes Clara." natatawang sang ayon ni Mommy.
"OMG. Ang laki na ah. Ang tangkad mana kay Andre. At ang pogi mana sayo Gwyn." Lumapit sakin ang natutuwang kaibigan ni Mommy.
"Mabuti nga nagmana sakin. Naku ang pangit siguro kong nagmana kay Andre."
Nahawa na rin ako sa tawanan nila.
"Anyways, son I'd like you to meet your Tita Clara. Kaibigan at kababata ko siya."
"Hello po." bati ko ngunit nagulat ako ng lumapit pa sa Tita Clara sakin at yumakap.
Yumuko ako upang hindi siya mahirapan. Nahihiya man ay niyakap ko rin siya ngunit hindi mahigpit.
"Ang laki na ng baby Jeff namin. Dati kinakarga ka lang namin." binitawan ako ni Tita Clara at pinisil ang pisngi ko habang natatawa.
"Masaya ako at nagkita tayo ulit. Maliit ka pa lang nung huli kaming nagkita ng mga magulang mo."
Bumaling si Tita Clara kay Mommy at hinawakan sa kamay.
"Tara na sa loob. Kanina pa kami naghihintay sa inyo. I'm sure matutuwa ang mga bata pag nakilala ang anak nyo."
Nauna sina Mommy at Tita Clara'ng maglakad habang nasa likod naman kami ni Daddy.
"Bahay ba nila Tita Clara ito Dad?" tanong ko kay Daddy na nakangiting nakasunod ng tanaw sa dalawang magkaibigan.
"Nope. It's you Tita Nadia's house."
"Oh.." akala ko talaga ay bahay ni Tita Clara ito. Siya kasi ang sumalubong samin.
"Tatlo silang magkakaibigan. Nagkahiwalay lang nung nagsipag asawa na. Ang Mommy mo ang masyadong napalayo." Saad ni Daddy
Tatango tango akong sumunod sa kanila. Napakaganda ng living room ng bahay. Kulay blue, white at sky blue lang ang kulay na makikita. Maliban sa chandelier at mga mesa na napapatongan ng iba't ibang klase ng mga bulaklak. Mababatid mong mahilig sa mga bulaklak ang nakatira sa malaking bahay na ito. Maging ang mga throw pillows ay flowers ang print ngunit dark blue ang kulay.
Narating namin ang dining are. Maraming pagkain ang nakahain doon ngunit walang ibang tao maliban sa mga maids.
"Sa patio tayo." Ani Tita Clara na nilingon kami ni Daddy
Ngumiti ako sa kanya at sumunod sa kanila ni Mommy.
Hindi malayo ang patio. Narating agad namin at namangha ako sa ganda ng paligid. Maluwang at may malaking mesa sa gitna. Kung maraming pagkain sa dining table sa dining area mas maraming pagkain ang nakalatag sa mesa dito sa patio.
"They're here." masiglang anunsiyo ni Tita Clara sa mga naroon.
"Jeff bro?"
Nagulat ako ng marinig ang tawag na iyon. Hinanap ko ang tumawag sakin at napamaang ako ng makita si Marky. Ang gulat ay napalitan ng ngiti.
"Marky!"
Lumapit siya sakin at tinapik ako sa balikat. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Tita Clara samin.
"Magkaklase po kami Tita." sagot ni Marky
"Oh? Eh di school mate mo rin ang anak ko?"
"Yes Tita." si Marky pa rin ang sumagot. Nakangiti lang ako na humarap kay Tita Clara.
"Gus baby come here!"
Nanigas ako ng marinig siyang may tinawag. At hindi ko naitago ang panlalaki ng mga mata ko ng makita si Gus na tumayo.
Hindi kaya...
"Gusto kong makilala mo ang anak ko Jeff."
Anak niya si Gus?
Tiningnan ko si Gus na noon ay naglalakad papalapit sa amin. Nakatingin siya kay Tita Carla.
"Tatlo silang magkakapatid. Ang panganay namin nasa New York, ang ate niya kumukuha ng medicine kaya hindi nakapunta kasi duty niya ngayon."
Nanatili akong nakatingin kay Gus. May biglang lumapit dito na matangkad at gwapong lalaki. Marahil ay ama nito dahil makikita rin ang pagkakahawig sa kanilang dalawa.
"And this is my husband. Your Tito Thomas."
Tuluyang nakalapit ang mag ama sa amin. Kinamayan ako ni Tito Thomas kaya nabaling sa kanya ang tingin ko.
"It's good to see you again young man." Niyakap niya ako at tinapik sa balikat.
"Good to see you po Tito." ani ko
"Gus, this is Jeff. Anak siya ng Tita Gwyneth mo."
Gusto ko sanang sabihin na magkakilala na kami pero nagulat ako ng magsalita si Gus bago ko pa maibuka ang bibig ko."
"Hi Jeff. Please to meet you." Sabi niya
Pansamantala akong natigilan at napatingin sa kanya. Naramdaman ko nalang nang sikohin ako ni Marky.
Dagli akong nakabawi at tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Hindi ako makapaniwalang magkakaibigan pala ang mga magulang namin.
"Nice to meet you too." tiningnan ko siya sa mga mata. Gusto kong malaman kung ano ang drama niya. Formality shown in her eyes and written all over her face. Nasaan ang 'hi babe' na palagiang pagbati niya sa akin. 'hi babe' 'hello babe' 'good morning babe'?
Nadismaya ako ng ngumiti siya sakin ngunit hindi ako nakikita. Nakatingin subalit parang lumalampas sakin ang tingin niya. Nakikita ako pero parang hindi.
Naalarma rin ako sa aking sarili. Bakit ganito ang aking nararamdaman. Hindi ko gusto ang mga ikinikilos niya. At hindi ko rin gusto ang pagkadismaya ko, ang pag asam ko.
Bago kami dumulog sa mesa ay pinakilala muna sakin ang mga naroroon. Ang mga magulang ni Marky na sina Tita Nadia at Tito Mark. Pareho ang mga reaksyon nila. Masaya na muli kaming makita. Na pagkalipas ng mahabang panahon ay nakita rin nila kami ulit. Sa pag-uusap naming iyon ay napansin ko ang pananahimik ni Gus.
Eksaktong magkaharap kami ng pwesto ni Gus. Naninibago ako sa sarili ko. Bakit biglang gusto ko siyang nakikita at nakakaharap. Bakit biglang inaasam ko na batiin niya ako sa dati niyang ginagawa?
"Jeff baby? Kumain ka ng marami." si Tita Clara
At bakit pati ang mommy niya ay nakiki baby rin? Mag ina talaga sila.
"Thank you Tita." ngumiti ako sa kanya
Panaka naka ay sinusulyapan ko si Gus na tahimik lang at panay ang subo.
Ang lakas talaga niyang kumain. Nababawasan ang ganda sa tuwing susubo ng malaki at ngunguya. But somehow I found it cute.. really cute.
Ang nakakainis lang ay kung umasta siya parang ngayon lang kami magkakilala at nagkita. Hindi niya ito maintindihan. O baka naman dahil sa narinig niya talaga ang mga tinuran ko sa canteen.
Muli ko siyang sinulyapan at pilit inaaninag ang emosyon niya. Paniguradong nasaktan siya sa mga sinabi ko. Tumayo ako.
"Excuse me." pero sa kanya lang ako nakatingin. Nakita kong nag angat siya ng tingin sakin.
"May tatawagan lang ako." paalam ko. Dagli siyang yumuko at nagkunwaring walang pakialam.
"Go ahead." sabi ni Mommy. Tumango ako sa mga naroroon at tumalikod. Pumunta ako sa may gilid ng patio. Iyong hindi na maririnig ng lahat ang sasabihin ko. Pero ang totoo ay wala naman akong tatawagan. Ginawa ko lang yun para makita at malaman kung ano ang magiging reaksyon ni Gus. Wala siyang pakialam.
Inabala ko agad ang aking sarili sa pag pindot pindot ng cellphone ng makita ko si Tito Thomas na tumayo at naglakad papalapit sakin.
"What happened?" tanong niya pagkalapit sakin
"Ah.. Hindi po sumasagot ang kaibigan ko. May nakalimutan kasi akong sabihin." defensive na ani ko
"Ganoon ba?"
"Opo."
Matagal siyang tumingin sakin at kapagdaka'y ngumiti.
"Nakikita mo ba ang dalaga ko sa school nyo hijo?"
Umawang ang labi ko sa gulat dahil hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin niya. Pero hindi agad ako nagpahalata at ginantihan ang ngiti ni Tito.
"Opo. Nakakasalubong ko siya minsan." gusto kong itanggi pero iyon ang lumabas sa bibig ko.
Tumango tango si Tito.
"Nakita mo na ba siyang may kasamang lalaki? Nobyo kaya?"
"H-ha? Ah.. Wala po Tito. Wala pa po akong nakita na may kasama siya bukod kay Marky."
"Mabuti naman kung ganoon."
Napalunok ako. Kung alam mo lang Tito kung anong pinagsasabi ng dalaga mo sakin.
Baka siguro umakto si Gus na ganoon dahil takot siya sa parents niya.
"My youngest is very fragile and sensitive yet very charming. Mabait siya, maalalahanin at mapagmahal. Pero masyado pa siyang bata para sa mga bagay na iyan. Having a boyfriend is not good at her age. Hindi ako makakapayag na gumaya siya sa iba dyan na ang babata pa pero nagbo-boyfriend na."
Hindi ako makapagsalita. Katulad niya ay tiningnan ko rin si Gus. Abala na ito sa pakikipag-usap kay Marky. At muli ay hindi niya nagustuhan ang tagpong iyon.
"Ayokong masaktan siya sa napakamurang edad dahil sa bagay na 'yan. Ayokong pagdaanan niya ang pinagdaanan namin ng Mommy niya."
Bumuntong hininga ako.
"Wala po akong nababalitaan na may boyfriend siya sa school Tito. Mga kaibigan lang niya ang palagi niyang kasama."
"Good to hear that hijo. Kaya pinababantayan ko siya palagi kay Marky. And Marky told me na may kinababaliwan daw ang anak ko sa eskwelahan ninyo."
Napalunok ako ng sunod-sunod.
"Kilala mo ba kung sino yun?"
Batid kong nakatingin sakin si Tito kaya hindi ko siya nagawang tingnan.
"H-hindi ho.. Tito."
"Ayaw sabihin ni Marky kung sino. Lilipas rin daw ang nararamdaman ni Gus sa lalaking iyon."
"Sana nga ay lilipas din agad. She's too young. I scolded her yesterday nang malaman iyon kay Marky." patuloy niya kaya hindi na ako umimik pa.
"Sabihin mo sakin kung may mabalitaan ka Jeff." tinapik niya ako sa balikat at muling nginitian.
"Oho Tito. I will."
"Okay. Let's go." inakbayan ako ni Tito at giniya palapit sa mesa.
Gus
Kinakabahan ako habang nakatanaw kina Daddy at Hector na nag-uusap. Ano kaya ang pinag-uusapan nila. Pawang mga seryoso ang mga hitsura. Parehong nakakunot ang noo.
Mabilis kong ibinaling ang tingin kay Marky na noon ay panay ang tanong tungkol kay Donna.
"Kailan ko kaya siya pwede yayaing makipag date." tanong niya
"Ligawan mo kaya muna."
"Natotorpe ako Gus. Baka hindi ako sagutin."
"Sasagutin ka noon. She likes you too."
"She likes me pero baka hindi pa siya handang makipagrelasyon."
"Tanungin mo muna siya. Kausapin mo."
"Nahihiya ako." hinampas ko siya sa balikat
"Itigil mo yang nararamdaman mo kung nahihiya ka. Wala kang mapapala dyan."
"Bakit ba ang sungit mo."
"Naririndi ako sayo. Ang kulit mo. Sabi ng kausapin mo si Donna puro ka hiya hiya. Wala ka namang hiya."
"Ikaw Gustaniana hindi ka na mabiro."
"Sasabihin ko kay Donna na nagbibiro ka lang."
"Ano ba!" natatawa ako sa reaksyon niya. Para talagang bata.
Bata. Naaalala ko na naman ang panenermon ni Daddy sakin kahapon. Nagsumbong daw sa kanya si Marky na may hinahabol at kinababaliwan akong lalaki sa school. Ngunit hindi sinabi ni Marky ang pangalan ng kinababaliwan ko. Pagkadating niya kanina ay agad niyang kinompronta ang kaibigan. Hindi naman ito nag deny at hindi rin humingi ng paumanhin.
"Alam kong narinig mo kahapon ang mga sinabi ni Jeff. Siguro naman titigil ka na sa kakasunod sa kanya." aniya
"Bakit ba nakikialam ka? Hindi naman ako nangingialam sa inyo no Donna ah." ani ko
"Inutusan ako ni Tito na bantayan ka kaya hindi mo ako masisisi."
"What's wrong with what I'm doing? Sinasabi at pinaparamdam ko lang naman ang damdamin ko."
"Nagiging mali dahil hindi nagugustohan ng hinahabol mo. Ayaw niya sayo. To the point na ang sasakit na ng mga naririnig ko sa kanya. We're friends Gus. Nasasaktan din ako sa tuwing may sinasabi siyang hindi maganda sayo."
"Pasasaan ba at magugustuhan rin niya ako Marky."
"Bahala ka."
Alam kong nagtatampo lang siya sakin kaya naman ginawa ko ang lahat upang mapatawa siya. Iyon ang nangyari bago ako magulat ng makita si Hector. Nagulat talaga ako ng malamang magkakaibigan ang mga nanay namin, ang mga magulang namin.
Bumalik ako sa kasalukuyan ng iwagayway ni Marky ang kamay sa mukha ko.
"Nawawala ka na naman sa sarili. Hahahaha."
"Ano ba? Bakit ba?"
"Tinatanong ko kung ano pa ang sinabi ni Tito sayo kahapon."
"Ayaw muna niyang magkanobyo ako. Ayaw niyang may manligaw sakin. At hindi niya nagustuhan ang nalamang may hinahabol akong lalaki. And worst may kinababaliwang lalaki."
"Napaka istrikto niyang si Tito sa inyo. Hindi lang niya sayo ginawa yan pati rin daw kay Ate Germa."
"Saan mo narinig yan?"
"Kanina habang nag-uusap sina Mommy."
"Hindi ko rin maintindihan kung bakit. Napaka overprotective niya samin. Na kesyo ayaw niyang mangyari samin ang nangyari sa kanila ni Mommy. Pag tinatanong hindi naman sinasabi kung anong nangyari sa kanila."
"Pati ako nako curios dyan."
"Ewan. Nakakainis. Ang gulo."
"Tigilan mo na kasi si Hector."
"Nahihiya na ako sa kanya alam mo ba yun?" Sabi ko
"Bakit naman?"
"Dahil sa mga narinig ko sa kanya noong Friday."
"O eh di titigilan mo na siya?" aniya
"Naku hindi ah. Magpapahinga lang ako ng ilang araw tapos aakitin ko na naman siya."
"Tsk. Para kang baliw Gustaniana. Kaya ko nga sinumbong kay Tito para tumigil ka na sa kahibangan mong yan." sermon na naman
"Pero alam mo Markimiano.. iba na ang mga tingin niya sakin ngayon. Hehehe." kinikilig na sabi ko
"Sigeee.. Mangarap ka ng dilat ang mga mata. Baka lumuha ka naman niyan."
"Sus.. Totoo. Pansinin mo, panay ang sulyap niya sakin Marky. Hehehe!"
Matagal akong tiningnan ni Marky at saka sumulyap sa gawi ni Hector.
"Ewan ko sayo. Baliw ka na."