Chereads / First Love Actually Dies / Chapter 9 - Chapter 7

Chapter 9 - Chapter 7

Gus

HANDA AKONG mabaliw kung si Hector din naman ang dahilan. Simula nang mainlove ako sa kanya, nabigyan ng ibang kabuluhan ang buhay ko. Excited akong bumangon at pumasok sa school araw-araw. Kahit sinusungitan niya ako ay okay lang. Makita ko lang siya sa malapitan.

"Gus, hija, why are you so quiet?" Napalingon ako kay Tita Gwyneth. Nakita kaya niya ang ginawa kong pagtitig sa napakagwapo niyang anak?

"I am just thinking of something, Tita," ani ko. Kimi akong ngumiti sa kanya.

Napunta sa akin ang atensyon ng mga kasama ko sa mesa. Pakiramdam ko bigla, ay pinamulahan ako ng mukha.

"Napakaganda mo, hija. I'm sure may boyfriend ka na." Sa pagkakataong 'yon ay nakabalik na sa mesa si Marky at si Hector.

"Ah, wala pa po, Tita." Yumuko ako at pasimpleng itinago ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.

"Well, that's acceptable naman. You're too young. I'm sure hindi rin papayag ang parents mo." Tiningnan ko si Tita Gwyneth at nakita kung ngumiti siya sa Mommy at Daddy ko na magkatabing naka-upo.

"You're right. Hindi kami papayag na makipag-boyfriend siya at a young age," sagot ni Mommy kay Tita Gwyneth.

"This is why I like here in the Philippines. Unlike sa ibang bansa, liberated na masyado ang mga kabataan doon. Nasanay na kasi sila. Girls are the one who keep on seducing and chasing the boys. Hindi sila nahihiyang ipahayag ang pagkagusto nila sa mga lalaki." Halos maibuga ko ang nainom kong juice dahil sa narinig mula kay Tita Gwyneth. Mabuti na lang at nalulon ko agad.

Halos mahimatay ako sa hiya nang hindi sinasadyang mapadako ang paningin ko kay Hector. Malalim ang pagkakatitig niya sa'kin. Para bang kanina pa niya ako tinitingnan. Kapagkuwa'y, sarkastiko siyang ngumisi. Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan siya ng masama.

"There are some here na ganoon na rin ang ginagawa. Too early to enter in a romantic relationship. Kaya 'yan si Gus, bata pa lang parati na naming pinapangaralan. And I am so proud of her, hindi siya ang klase ng babae na maghahabol sa lalaki. Same goes with her sister," wika ni Mommy na halos ikamatay ko na.

'Mahimatay na lang sana ako!'

Daddy told me na hindi raw alam ni Mommy ang tungkol sa sinabi ni Marky sa kanya. At wala siyang plano na ipaalam dito. Kaya hiyang-hiya ako ngayon kay Daddy, Marky at Hector, lalong-lalo na sa sarili ko. Dalagang Pilipina ako! Pero mali bang ipahayag ko ang nararamdaman sa taong iniibig ko? I can do whatever I want to do. Basta ba wala akong sinagasaang tao. Minamahal hindi sinasagasa.

I don't care about what the other countries' babe doing. Wala rin akong pakialam kung ayaw man ni Daddy na maging ganito ako. Sa iisang tao lang ako nagiging ganito. Kay Hector lang.

Nakikinita ko pa rin ang walang habas na pagtitig ni Hector sa'kin. Na para bang hinahanap niya kung saan banda ang mga sinasabi ni Mommy tungkol sa akin.

"Good thing na napalaki n'yo sila ng tama, Clara. My boy here is very aloof when it comes to girls. Hindi namin alam kung matutuwa ba kami o mamomroblema. Ang mga kaedad niya doon ay marami nang naging girlfriend. Pero ito, ni isa wala pang ipinakilala sa'min," ani Tita Gwyneth na itinuro si Hector.

"Baka may gf na pero ayaw lang ipakilala. Sa gwapo nitong si Jeff, eh imposibleng wala," wika naman ni Tita Nadia.

"Marky is in love with the same girl over a year now. Iyon ang sabi n'ya. At hindi pa ipinakilala sa'min. Hindi naman kami kokontra. We knew that he knows what he's doing, and we trust him," biglang singit ni Tito Mark.

"Dad?" saway ni Marky dito.

"What? Wala namang problema kung maging gf mo 'yon. Lalaki ka, walang mawawala sa'yo."

"Mark?!" Biglang nagtaas ng boses si Tita Nadia.

"Okay! Finish your studies first, Marky." Natatawang saad ni Tito Mark.

"Huwag kang gagaya sa Daddy mo." Natatawa ring dagdag ni Daddy.

"Look who's talking," wika ni Tito Mark na itinuro pa si Daddy.

"Shut up," natatawang sagot ni Daddy.

Babaero si Daddy noon? 'Yon ang tanong na umuukilkil sa utak ko habang naririnig silang nagsipagtawanan.

"Bakit hindi natin ipagkasundo itong si Gus kay Jeff?" ani Tita Gwyneth na nagpatigil sa pagtibok ng aking puso. "Ipakasal natin sila kapag nagsipagtapos na sila sa pag-aaral?"

"No!" Hindi ko namalayang naisatinig ko iyon. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin kay Hector.

Mababakas sa mukha niyang nagulat din siya. Kung sa sinabi ko o sa Mommy niya, ay hindi ko alam. Nakita ko ang pagtaas ng dalawa niyang kilay habang nakatingin sa'kin.

"Hahaha. Nagulat si Gus sa iminungkahi ninyo, Tita." Ang halakhak ni Marky ang umagaw sa aking atensyon.

"Ah.. Hehehe. Opo, nagulat lang po ako, Tita." Kumontra ako nang sabihin ni Tita Gwyneth na saka na kami ipapakasal ni Hector kapag pareho na kaming nakapagtapos ng pag-aaral. Matagal pa 'yon. Marami pang mangyayari.

Subalit ang dahilan kong iyon ay hindi ko na sinabi pa. Nakakahiya. Baka isipin nilang atat na atat akong magpakasal kay Hector. Labis na ligaya ang nadama ko nang marinig ang sinabing iyon ni Tita Gwyneth. Ang ipagkasundo akong ipakasal kay Hector. Bagama't nagulat, ay sobrang saya pa rin ang nangibabaw sa'kin.

"Mom, that's ridiculous! Don't you dare!" Tumayo si Hector pagkatapos sabihin iyon. Nakakunot ang noo niya nang sumulyap sa akin dahilan ng pagkirot ng puso ko. Ayaw niya akong pakasalan. Ayaw niyang magpakasal sa'kin.

Ayun na naman ang sakit at kirot sa dibdib ko. Ang isiping hindi niya gusto ang suggestion ng Mommy niya ay nagbigay ng matinding kurot sa puso ko. Nahihiya ako sa mga taong nakatunghay sa'kin ngayon.

"Well, it's too early for that, noh? Hehehe. Pero kung sakali mang magkagustuhan kayong dalawa, hinding hindi kami tututol." Ginagap ni Tita Gwyneth at pinisil ang kamay kong nakapatong sa mesa.

Para hindi ako mapahiya, ngumiti ako. Hindi ko hinayaang makita nila ang kirot na bumalatay sa mukha ko. Ayaw kong sabihin sa kanila ang totoong nararamdaman ko para sa anak nila. Ayoko ring malaman ng Daddy ko na si Hector ang lalaking hinahabol ko.

"Palagay ko po ay hindi 'yan malabong mangyari, Tita. Hindi siya mahirap gustohin. Pero kung ganoon s'ya kasuplado, baka hindi ko na nanaising lapitan pa s'ya." Sinundan ko iyon ng malakas na tawa. Pinakita ko sa kanilang nagbibiro lang ako. Loving him made me a liar.. a beautiful liar.

"He's really like that, hija. Pagpasensyahan mo na. Suplado talaga ang anak namin," wika ni Tita Gwyneth.

"But still handsome.. a handsome snob," sabi kong nakangiti.

"Not all the time, hija." Kinindatan ako ni Tita. Well, sana nga. Ginantihan ko naman siya ng isang magandang ngiti.

"Excuse me po. I'll go to the comfort room." Tumayo ako at nagpaalam sa kanila. Tango at ngiti lang ang tinugon nila sa akin at nagpatuloy na sa pag-uusap.

Binabagtas ko ang daan papasok sa dining area. Wala akong katulong na naabutan kaya hinanap ko na lang ang banyo. Paglampas ko sa dining table ay may nakita akong isang itim na pinto. Marahil ay iyon na ang hinahanap ko. Lumapit ako at kumatok muna. Nang walang sumagot ay dahan-dahan kong pinihit ang seradura. Pumasok na ako nang makitang walang tao sa loob.

Pagkatapos kong maghugas ng kamay, ay inayos ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin. Habang nakatitig sa repleksyon ko, naaalala ko na naman ang reaksyon ni Hector sa sinabi ng Mommy niya.

Maganda naman ako, ah. Bakit ayaw sa'kin ng taong 'yon? Dahil ba ako ang lumalapit sa kanya? Tsk! Buti nga nilalapitan ko siya. Ang iba nga, nagkukumahog pa makuha lang ang atensyon ko.

Nakasimangot na mukha na ang nakita ko sa repleksyon. Minsan mas gusto ko na lang sumuko subalit sa tuwing makikita ko ang mukha niya sa balintataw ko, kung paanong tumibok ang puso ko, nagbabago ang isip ko.

Ang hirap talaga kapag one sided love. Patay na patay ka na nga sa kanya, dinededma ka pa.

'Kasi nga hindi ka n'ya gusto, Gus. Ayaw n'ya sa'yo,' anang kontrabida kong isip.

Malungkot kong binuksan ang pinto. At halos mapatalon ako sa gulat nang mabungaran ko ang lalaking laman ng aking isipan. Nakapamulsang sumandal sa gilid ng pinto.

"What are you doing here?" tanong ko.

Nakatingin lang siya sa'kin. Na parang walang balak sagutin ang tanong ko.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Akala ko ay hindi na naman siya iimik. Umayos siya ng tayo at nakapamulsa pa ring humarap sa'kin.

"Obviously, I will use the comfort room. What took you so long?" Striktong tanong n'ya sa'kin.

Tatarayan ko na rin sana siya ngunit baka lalo siyang mainis sa'kin. Kaya naman..

"Iniisip pa kasi kita, babe," pilya akong ngumiti at lumapit sa kanya.

Tila hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Nakita kong natigilan siya pero saglit lang. Ang gulat niyang mukha ay agad napalitan ng nang-uuyam na tingin sa'kin.

"Why a sudden change?" tanong niya. Alam ko ang ibig niyang sabihin. At kahit iyon lang ay labis na ang saya ko. Ibig ba niyang sabihin ay hinihintay niya ang paglalambing ko sa kanya?

"Why? Did you miss me, baby?" Mas pinalambing ko pa ang boses na ani ko. Hinawakan ko ang pinaka unang butones ng polo niya. Pinaglandas ko ang aking hintuturo sa mga butones pababa sa may puson niya.

Nahihibang na yata ako! Hindi ko alam kung saan ko natutunan ang mga ito. Subalit masaya ako sa mga ginagawa ko sa kanya. Lalo na at nakikita kong natitigilan din siya.

"I didn't know that you're a seducer," wika niya sa namamaos na tinig. Ang kaninang malakas na kabog ng dibdib ko'y mas lalo pang lumakas.

"Are you seduced, baby?" Nunkang ipapakita ko sa kanya kung gaanong nagwawala ang tibok ng aking puso.

Good thing that I'm wearing high heeled sandals. Hindi ako nahihirapang tingalain siya. Inangat ko ang kamay ko at dahan-dahan kong hinaplos ang cleft chin niya. Mabawbaw na guhit ngunit nakikita pa rin. Ang isa sa mga kinababaliwan ko sa kanya. Inilapit ko ang aking mga labi sa baba niya. Pinaglandas ko ang dalawa kong kamay patungo sa batok niya.

Habang ginagawa 'yon ay mas lalo pang nagharumentado ang tibok ng aking puso. Nag-iinit ang mukha ko at wala akong pakialam kung nakikita man niya iyon. Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon. Dinampian ko ng mabining halik ang baba niyang may mababaw na guhit. Matagal ko nang gustong hawakan ang cleft chin niya. Ngayon ay natupad na, hindi ko lang nahawakan, nahalikan pa.

Nakita kong gumalaw ang Adam's apple niya. Lumunok siya. Lihim akong napangiti dahil hindi lang pala ako ang naaapektohan, maging siya ay ganoon rin.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at marahas na itinulak. Napasandal ako sa pader at gulat na gulat na tumingin sa kanya.

"How dare you do that to me! We're both young to do that!" Dinuro niya ako at tiningnan sa nanlilisik niyang mga mata. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako. Nag-init ang paligid ng aking mga mata. Kumurap ako ng maraming beses upang pigilan ang mga luhang nais kumawala.

"Why? You don't like it?" ani kong matiim siyang tinitigan.

"Wala kang pinagkaiba sa mga liberated na mga babaeng nakilala ko sa California! Saan mo natutunan ang mga kilos na 'yon?!" Galit pa ring tanong niya.

"Inborn, baby. Hindi iyon natutunan bagkus ay kusang lumalabas sa tuwing malapit ka sa'kin." Pinapungay ko ang aking mga mata upang hindi niya makita ang batid kong pamumula n'yon.

"Bakit hindi mo 'yan gawin sa harap ng mga magulang mo?"

"At bakit ko naman gagawin 'yon?" Hindi ako papatalo sa kanya.

"Nang sa gayon ay malaman nila kung gaano kalandi ang bunso nila." Bagama't nagulat ay hindi ko pinahalata sa kanya.

"Oh.. Ikaw lang naman ang nilalandi ko, babe." Humakbang ako palapit sa kanya. "No other than you."

"Stop it! Huwag kang lumapit sa'kin," aniya.

"Why? Hahaha!" Maarte kong tawa. " Afraid that I might bite you, huh?" Malandi ko ring tanong sa kanya.

Nakita kong gumalaw ang panga niya. "Get lost!" Iyon lang at tinalikuran ako. Dere-deretso siyang naglakad patungo sa patio.

"Sus. Magba-banyo raw. Sinungaling!" Nanghihina akong sumandal sa pader at bumuntong hininga ng malalim. Ang sakit talaga ng dibdib ko. Hagaran niya akong tinatanggihan.

Oh well, sanay na naman ako. Hindi na 'to bago sa' kin. Hinaplos-haplos ko ang dibdib ko at humugot ulit ng malalim na hininga.

Ilang sandali pa muna ang pinalipas ko. Inayos ko ang sarili at saka naglakad pabalik sa patio. And there, I saw him drinking. Drinking? Umiinom na pala siya. Magkaharap sila ni Marky at umiinom ng beer.

"Gus, dito ka!" Tawag sa'kin ni Marky. Lumapit ako sa kanilang dalawa na hindi man lang siya tinitingnan. Umupo ako sa pagitan nilang dalawa.

"Drink this." Inabot sa'kin ang wine glass na may laman. "Wine 'yan. Don't worry," ani Marky.

"Not worried at all," wika ko nang nakangiti sa kaibigan. Bumaling ako kay Hector at nadismaya ako nang makitang hindi man lang niya ako tinitingnan.

"Where have you been?" tanong ni Marky.

"Diyan lang, sa CR," sagot ko naman.

"We were talking about your new classmate, Nickolas."

"Chan? What about him?" Bigla akong naintriga.

"Chan? I thought it's Nickolas," ani Marky.

"His name is Channing Nickolas." Nakangiti kong sabi sa kanya. Alam ko kung ano ang Iisipin nito.

"Really?!"

"Yeah!" Pareho kaming natawa. Sabi ko na nga ba. Iisa ang isip namin.

"What's so funny?" Himalang tanong ni Hector.

"Eh kasi, Kapangalan pa niya ang idol nitong si Gus. At parang magkamukha talaga sila." Bumaling sa'kin si Marky. "I was about to tell you that noong una kaso masungit ka. Nakalimutan ko na tuloy." Natatawa pa ring kuwento ni Marky.

"Channing Nickolas, that's his name. Bagay sa kanya 'di ba?" Malaking ngiting wika ko kay Marky.

"Channing's name is Channing Mathew Tatum, hindi Nickolas," singit na naman ni Hector. Aburido itong nakatingin sa'min.

Galit pa rin ba ito sa ginawa ko? Tsk! Nakakatampo na talaga.

"Pare, Channing lang ang ibig naming sabihin. Hehehe. 'Wag kang seryoso, bro."

Hindi siya sumagot. Salubong pa rin ang kilay na nakatitig sa basong hawak nito.

"Anyways, he'll be joining the basketball team." patuloy na kuwento ni Marky sa akin.

"Is that so?" Hindi naman talaga ako interesado kay Chan. Good for him na nakasama siya sa team nila Marky.

"Yea!"

"Marunong pala siyang magbasketball? Dadami na pala ang mga fans n'yo n'yan," biro ko sa kanya.

"Hindi naman mga fans n'ya kung sakali ang magpaparami ng manonood. Fans ko syempre. Hahaha!"

"Laos ka na, Markimiano. New face si Chan, ubod ng gwapo, matangkad pa, macho at higit sa lahat, very manly." Pang-aasar ko sa kaibigan ko.

Natigilan kami nang malakas na ilapag ni Hector ang baso sa ibabaw ng mesa. Dahil doon ay tumalsik ang lamang beer niyon. Mabuti na lang at hindi ako nabasa.

"Dude, what's wrong?" tanong ni Marky kay Hector.

"Nothing!" Bruskong sagot niya. Gumagalaw pa rin ang panga habang nakatingin sa iniinom niya. "I just remembered some LIBERATED girl in California. Very aggressive!"

Bigla kong nainom ang wine sa baso ko. Galit pa rin pala siya sa akin. Pinagdiinan pa talaga ang salitang liberated.

"Ohh.. What about her?" Tsismoso talaga ang kaibigan ko.

"I just can't believe what she's doing." Umiling pa siya. "I was thinking maybe I will tell her parents about her wrongdoings."

Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Nakatingin na rin siya sa akin.

Ako ba ang tinutukoy mo?

Whats wrong with you?

Iyon ang mga nais kong itanong sa kanya. Ngunit ang nagbabagang tingin lang niya ang sumagot sa akin.