Gus
ABALA ako sa pagsusulat ng biglang magtilian ang mga kaklase kong babae.
"Ang gwapo talaga niya!!!!!"
"Ang tangkad pa!!!!!"
"Ang bango pa niya!!!!"
Itinigil ko ang pagsusulat at tumingin rin sa labas ng bintana. Nakita ko si Marky na dumaan sa room namin. Kaya pala nagtititili ang mga kaklase kong babae.
Iniwan kami pansamantala ng guro namin dahil may meeting sila. Pero binigyan din naman kami ng kokopyahin. Sana pinalabas na lang kami katulad ng iba. Istrikto talaga si Miss Zenai at hindi gusto na may nasasayang na oras sa pag-aaral.
Tumambay pa sa labas ng room namin si Marky at ang dalawang kaibigan niya. Kaya hindi na magkamayaw sa katitingin ang iba kong kaklase kasama na ang mga kaibigan ko. Crush talaga nila si Marky pero hindi ko siya crush. Kaibigan ko lang siya at kababata kaya hindi ako naapektohan sa kagwapohan niya.
Magkaibigan ang mga magulang namin kaya bata pa lang ay magkaibigan na rin kami. Gwapo si Marky, matangkad, maputi, basta guwapong-guwapo. Basketball player siya sa school namin kaya sa una pa lang ay napapansin na siya ng mga babae. Lapitin talaga ng chicks ang mokong.
Nasa third year high school na ako samantalang fourth year high school naman si Marky. Dalawang taon ang agwat ng edad namin.
"Sshhhhh! Classmates, quiet!!!! Ano ba?!" saway ng class president namin na si Jim.
Bumalik sa dating upuan ang mga kaklase ko pero hindi pa rin tumigil sa pagbulong-bulangan. Inilabas ko ang cellphone ko at tinext ang gagong si Marky.
'Panget umalis ka d'yan. Iniistorbo mo kami dito!'
Message Sent
Pagkatapos ma-sent ay tiningnan ko siya at nakita kong kasalukuyan niyang binabasa ang message ko dahil nakangisi siyang tumingin sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin at ibinalik na ang atensiyon sa blackboard.
Tumunog ang message tone ko. Kinuha ko ang cp sa bulsa ng school uniform ko.
'Ayoko! Ang ganda ng pwesto ko dito tas papaalisin mo ko. Hahaha!'
Nag-reply agad ako sa kanya.
'Nakakaistorbo ka sa'min! Ang iingay ng mga klasmeyts ko dahil sa iyo. Ang panget-panget mo naman! Alissssss!'
Natawa pa ako pagka-sent ng message.
Hindi ko nilubayan ng tingin si Marky kaya nakita kong kumunot ang noo niya. Dinilaan ko siya at gumanti rin ang gago. Pero tumayo na siya at naglakad paalis.
'Ang feeling mo talaga. Panget naman! BLehhh!'
Natawa ako ng malakas sa message niya. Childish talaga ang kaibigan ko. Pikon rin.
"Ay... Sayang, umalis na sila Marky. Huhuhu."
"Oo nga. Bakit sila umalis?"
Hindi ko na pinansin ang mga ito. Ilang sandali pa ay tumahimik na rin ang mga kaklase ko. Mabuti na lang at nakinig ang Marky'ng iyon.
Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos din ako sa pagsusulat. Hinihintay na lang na matapos din ang iba nang sa gayon ay sabay-sabay rin kaming lumabas ng room. Tatatlo pa lang kaming nakatapos ng pagsusulat kaya humarap muna ako sa bintana at pinanood ang mga dumaraan.
Ang section lang yata namin ang hindi pinayagang lumabas. Lahat ng guro ay kasali sa meeting kaya lahat ay walang pasok pero sandali lang daw ang meeting kaya hindi pina-uwi ang mga mag-aaral.
Nahihilo na ako sa katitingin nang biglang..
dumaan ang baby ko..
Napasinghap ako at parang tumigil ang inog ng mundo ko.
Ang lalaking 'sing gwapo ni Leonardo de Carpio na hinaluan ni Keannu Reeves at kasing tangkad ng mga ito.
'My Hector Jeff..'
'my first love..'
'my baby love...'
Buo na naman ang araw ko nang makita ko siyang dumaan sa room namin. Gusto ko sanang lumabas pero na shocked ako at hindi nakakilos kaya hindi ko siya nabati man lang.
Pagpasok ko kaninang umaga ay hindi ko siya nakita kaya hindi ko nagawa ang nakasanayan ko na. Ang e-greet siya ng 'Good morning' kaya feeling ko ay na miss ko siya bigla.
Nanghinayang ako ng hindi na siya makita ng mga mata ko. Sayang..
Hector Jeff is my first love.. Naaalala ko pa noong una ko siyang makita, that was last year..
Transferee siya sa school namin. Nasa second year high school ako samantalang third year high school naman siya..
Nagkagulo ang buong campus dahil sa angking kagwapohan niya palibhasa tisoy na tisoy. Matangkad at parang si Leonardo at Keannu ang mga magulang. Maganda ang mga mata niya at agad kong nalaman na half American pala siya. Mayaman at sa abroad nanirahan. Ang rason kung bakit dito na siya sa Pilipinas tumira at nag-aral ay hindi ko alam. Gustuhin ko mang malaman pero sadyang misteryoso ang pagkatao niya at walang nakakaalam maliban na lang sa Amerikanong ama at Pilipinang ina niya.
May negosyo raw ang mga magulang niya bukod doon ay wala na kaming alam sa pagkatao niya.
The first time I saw him ay hindi pa ako na inlove sa kanya. Hindi tisoy ang type ko sa isang lalaki. Ang type ko ay iyong moreno.. tall, dark and handsome. Iyon ang mga tipo kong lalaki, parang bad boy ang dating.
maginoo pero medyo bastos ika nga!
At ang weird ko raw sa part na iyon, sabi ng mga kaibigan ko.
Inalala ko kung kailan ako na inlove sa Hector Jeff ng buhay ko..
2nd year high school
LIBRARY
Apat kaming magkakaibigan at ang pastime namin ay magbasa ng kahit na anong babasahin sa library. Magmula first year ay sa library na ang tambayan naming magkakaibigan. Bukod sa library, sa canteen o di kaya ay sa ilalim ng punong mangga kami tumatambay.
Kagaya ngayon, vacant time namin at mas pinili naming sa library sagutan ang mga assignments para bukas. Tahimik dito at walang istorbo kaya nakakapag-aral kami ng matino.
Agad naagaw ang atensiyon namin ng biglang umingay ang paligid. Pumasok pala ang crush ng campus na si Hector Jeff Guzman. Nag-iisa lang siya.
"Ang gwapo talaga ng transferee, anoh? Kaya maraming nababaliw sa kanya," ani Donna.
"Lahat yata ng kababaihan dito sa campus ay crush siya," sabi ni Rochel.
"Lahat, kasali na tayo. Hehehe!" Bungisngis naman ni Vaneza.
Agad na tumunog ang bell hudyat na kailangang tumahimik ang lahat. Galit na sinaway ng librarian ang lahat na naroong students sa library. Hindi ko inalis ang tingin kay Hector na nakayukong naglakad at pumuwesto sa mesang malayo sa lahat.
"He's such a loner," sabi ko pa sa mahinang tinig.
"Yes. He really is," ani Vaneza na siyang katabi ko sa right side ng table. At sa puwesto naming iyon ay kitang-kita namin si Hector.
"Hoy, Gustiniana! Crush mo rin siya noh?" tanong ni Donna sa akin.
"Ano ba, Donna? 'Wag mo ngang banggitin ang pangalan ko. Nakakainis!" ani ko.
"Hahaha! Wala kang magagawa. Kung napapangitan ka sa pangalan mo puwes nagagandahan naman ako," mahina pa itong napahagikhik.
"Eh, di pumunta tayo sa NSO ipagpalit na lang natin ang mga pangalan natin, gaga!"
"Kung pwede nga lang matagal nang nagkapalit ang mga pangalan natin," aniya.
At kinabahan kami bigla ng tumunog na naman ang bell. Pag-angat ko ng tingin ay sa'min nakatingin lahat ng naroroon. Wala sa sariling napatingin ako kay Hector at nahiya ako bigla nang napatingin din siya sa'min. Sa akin, actually.
"Quiet!" saway samin ng librarian.
Sabay-sabay kaming napatungo at napabalik sa ginagawa. Hindi ako makapag-concentrate dahil naaalala ko pa ang klase ng tingin na ipinukol ni Hector sa akin.
Pagkalipas ng ilang sandali..
"Ano, Gus? Crush mo rin ba siya?" bulong ni Vaneza sa'kin at nakatingin din naman sa'min sina Rochel at Donna.
Napapikit ako..
"Hindi ko siya crush! Hindi ko siya type," ani ko.
"Wehh.. Hindi kami naniniwala," wika ni Donna.
"At bakit?"
"Dahil palagi kang nakatingin sa kanya."
"Tumitingin ako sa kanya kasi nakatingin rin kayo."
"Hindi iyon. Minsan nakikita namin na ang lagkit ng tingin mo sa kanya."
"Ano ba! Guni-guni n'yo lang iyon. Hindi ko siya crush. Tsk!" ani ko na nanggigigil sa inis.
Ganoon ba ako kung tumingin sa kanya? Parang tinitingnan ko lang naman ang reaksyon niya sa tuwing titingin ako sa kanya. Nagu-gwapohan ako sa kanya at gustong-gusto kong tingnan ang mukha niya. Mula kilay hanggang sa cleft chin niya. Pero hindi naman ibig sabihin n'on na crush ko na siya.
Sarili ko lang ang kinakausap ko at gustohin ko mang ipaliwanag sa kanila ay hindi na ako mag-aabala pa dahil hindi rin naman sila maniniwala. Patuloy lang nila akong tutuksuhin. Nakakainis ang mga kaibigan ko.
Tumayo ako at maghahanap ng pagkakaabalahang basahin, tutal natapos ko na ang mga assignments ko.
"Hoy! Saan ka pupunta?" paanas na tanong ni Vaneza. Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
Pumunta ako sa pinakadulo ng shelf at hinanap ang Readers Digest. Pinaka-gusto kong basahin ang librong iyon. May mga sikat na personalidad kasi silang itinatampok at sinusulat ang talambuhay ng mga ito.
Hinanap ko ang hindi ko natapos basahin kahapon. Hindi ko na makita sa pinaglagyan ko kaya inisa-isa ko pa hanggang sa bandang itaas. Nahihilo na ako sa kakatingin at hindi ko pa makita.
Nang sa wakas ay nakita ko ang hinahanap..
I was going to get the book nang pagtaas ko ng tingin ay nakita ko ang pinakamagandang mata na nakita ko sa tanang buhay ko..
a bluish gray pair of expressive eyes..
Napatanga ako sa nagmamay-ari ng mga matang iyon. Malaki ang distansiya ng shelves kaya kitang-kita ko mula noo hanggang cleft chin niya. Kilala ko ang nagmamay-ari ng mukhang iyon. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos, palagi kong nakakasalubong ang mukhang iyon. Malamang na namemorya ko na ultimo ang kalit-liitang nunal sa bahaging iyon ng sentido niya.
Si Hector..
At nakatingin siya sa akin. Hindi ko magawang kunin ang libro dahil napako na ang tingin ko sa kanya. Napalunok ako at kitang-kita ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya.
Hindi ko alam ang gagawin kaya..
"H-hi," utal kong bati sa kanya.
Tiningnan niya ako na animo'y kinakabisa ang aking mukha. May kinuhang libro sa katapat na shelves, tumalikod at tuluyan nang umalis.
Napasandal ako at napahawak sa dibdib ko.
Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?
Kinakabahan ako bigla.
Anong nangyayari?
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang tinatambol sa lakas ang dibdib ko sa tingin niyang iyon. Palagi ko siyang nakakasalubong pero ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mga mata niya. Ang ganda ng mga mata niya.
Para akong dinadala sa ibang dimensyon.
Nagulat ako ng may isang estudyanteng dumaan sa harap ko. Di ko man lang namalayan na papalapit pala siya. Agad kong kinuha ang librong babasahin ko at naglakad na pabalik sa mesa namin.
Hindi na ako nag-abalang sulyapan pa si Hector sa gawi niya. Nahihiya ako, baka isipin niya ay gusto ko siya. Kaloka!
"O? Bakit ang tagal mo yata?" takang tanong ni Rochel.
"Hinanap ko pa kasi 'to," ani ko na medyo nabawasan na ang kaba.
"Punta tayo sa canteen, nagugutom na ako."
"Mamaya na. Tapusin ko lang ito," wika ni Vaneza na patuloy pa rin pala sa pagsusulat.
"Text kasi nang text kaya hindi matapos-tapos."
"Inggit ka lang kasi hindi ka tinetext ng bf mo. Hehehe."
"Wag na kayong maingay baka pagalitan tayo," ani Rochel na naka-focus pa rin sa binabasa.
Nawalan na ako ng ganang magbasa. Dahan-dahan akong tumingin sa gawi kung saan naka-upo si Hector. Nakita kong busy siya sa pagsusulat.
Kahit ganoon ang itsura niya ay hindi man lang nabawasan ang appeal niya. Bagkus ay nakadagdag pa lalo sa kagwapohan ang mukha niyang napaka-seryoso. Hindi ko magawang ilayo ang paningin ko sa kanya. Sinusundan ko ang bawat galaw ng kamay niya.
"Iyan ba ang hindi type?" Nagulat ako sa bulong ni Vaneza. Kaya agad akong napatingin sa kanya, sa kanila. Pareho silang nakatingin sa'kin at may pilyang ngiti na naglalaro sa kanilang mga labi.
"Lokohin mo ang sarili mo, Gustiniana. Hahaha!"
"Ewan ko sa inyo!" napapahiyang napayuko na lang ako at nagkunwaring magbabasa na.
REALIZATION NO. 2
Basketball Court
2nd year high school
"OH MY GOD!!!!"
"Kasali din ba siya sa basketball team?"
"Oo raw. Balita ko pinasali siya ni coach!"
"Ahhhhhhh! Nadagdagan na naman ang gwapo sa basketball team!!!!"
Naroon kami sa bleachers at manonood ng practice nila Marky. Nagyaya si Donna dahil patay na patay ito sa kaibigan ko. Simula first year high school ay inamin na sa akin ni Donna na gusto nga niya si Marky. Pero ayaw naman niyang ipaalam sa lalaki. May pagka-conservative si Donna kaya nahihiyang lumapit kay Marky kahit pa gumagawa ako minsan ng paraan na magkalapit sila.
Kasalukuyan naming naririnig ang usapan ng mga kababaihang kaklase nila Marky. Nakita rin naming kasama ni coach si Hector at isa-isang pinakilala sa mga players.
Pagkakita ko pa lang sa kanya ay para nang nagmamarkulyo ang dibdib ko. Ang bilis ng tibok nito. Masaya ako na kinakabahan. Malapit lang sila sa kinauupoan namin kaya naman kitang-kita ko ang mukha niya lalo na ang mga mata niya. Napaka-ilap at parang walang pakialam sa mga taong sumisigaw para sa kanya. Para mapansin lang niya.
Ilang araw matapos mangyari ang insidenteng iyon sa library ay iniwasan ko munang makasalubong siya. Nahihiya ako dahil hindi man lang niya sinagot ang pagbati ko sa kanya noon. Pero hindi naiwasang makasalubong namin siya. Ang ginawa ko na lang ay ang hindi siya tingnan.
Nagsimula na silang maglaro at kung gaano kagaling sila Marky ay ganoon rin siya. Sumasabay siya sa laro ng mga dating players. Habang tumatagal ang laro nila ay lalo akong humahanga sa mga galaw niya. Hindi ako marunong mag basketball pero dahil palagi kaming nanonood ay may nalalaman na rin naman ako sa larong ito.
Kahit si coach ay napabilib niya.
Dahil sa mga ipinakita niya ay lalong humanga ang mga kababaihang pinapanood din siya. At siyempre pa, hindi ako exempted sa mga humahanga sa kanya. Sa paglalaro niyang iyon ay mas lalo siyang gumugwapo sa paningin ko. Nakikita ko ang iba't ibang ekspresyon sa mukha niya. Naroong humihingal siya sa katatakbo, ngingitian ng simple ang mga kalaro niya, magulat at minsan ay hahalakhak.
Natapos ang laro at lumapit sa amin si Marky. Kinuha sa akin ang towel na ipinahawak niya kanina.
"Si Donna na lang sana ang magpapahid ng pawis mo, Marky. Hehehe!" ani Vaneza na ikinasimangot naman agad ni Donna.
Ayaw talaga nitong tinutudyo kay Marky.
"Huwag na. Baka lakasan ang pagpunas masira pa ang balat ko. Hahaha!"
"Gago ka talaga!" sita ko sa kanya na ikina-iling lang niya.
"Ang galing ng bagong recruit ni coach, anoh?" sabi niya pa.
"Oo nga. At ang gwapo pa. Hehehe!" turan ni Rochel na kinikilig pa.
"Gusto niyo ipakilala ko kayo?"
"Huwag na!" agad na sabi ko. Nagulat silang lahat sa reaksyon ko.
"Anong huwag na? Oi, Gustiniana. If I know gusto mo ring makadaupang palad ang campus crush na iyon, no!"
"Sinabi mo pa. Nakita ko ngang halos nakanganga ka kung tumitig sa kanya. Kulang na lang ay tumulo iyang laway mo sa kakatingin. Hahahaha!"
"Markimiano Asuncion! 'Yang bunganga mo tatapalan ko ng bato 'pag hindi ka tumigil! Hindi totoo 'yang sinasabi mo. Bawiin mo ngayon din!!!!" Hinampas ko pa ang braso n'ya.
"Eh!! I'm just telling the truth, Gustiniana. Sinasabi ko lang ang nakikita ko kaya 'wag ka nang magmaang-maangan pa. Hahaha!"
"Gago ka talaga kahit kailan. Nakakainis ka na!" Tumatawa lang ito habang umaatras palayo sa akin.
"Jeff, bro! Halika muna rito!" Tinawag nga niya sa Hector kaya naman biglang nag-init ang mga pisngi ko.
Huli na para umatras dahil patakbong lumapit sa amin si Hector.
"I'd like you to meet my friends, Donna, Rochel, Vaneza and.. the last but not pretty, Gus."
"Hi." Isa-isa kaming kinamayan ni Hector at ako ang pinakahuli.
"Hello!" magkasunod na sabi nina Donna, Rochel at Vaneza.
At hindi ako nakapagsalita nang hawak na niya ang kamay ko. Ninenerbyos ako habang kaharap siya. Ang tangkad niya na hanggang ilong lang niya ako. Napatingala ako at napatitig sa mga mata niya.
"Hi. It's you again." Ngumiti siya sa'kin. Ang ngiting hindi ko basta-basta makakalimutan. Nakakapanghina ng tuhod ang ngiting ibinigay niya sa akin.
"H-hello.." alanganing ngiti ang naigawad ko sa kanya. Para pa nga akong nakangiwi kung tutuusin. Nahihiya talaga ako 'pag kaharap ko siya.
"I have to go. Nice meeting you all," aniya at kumaway pa sa amin habang dahan-dahang umatras.
"Sige, Jeff. Kita na lang tayo bukas. Thank you," ani Marky.
"Okay," tuluyan na siyang tumalikod sa amin.
Napuno ng panghihinayang ang puso ko habang tinatanaw siyang papaalis. Gusto ko pa sana siyang makaharap at makausap. Pero ganunpaman ay masaya na rin ako dahil pormal at personal ko na siyang kilala.
Ang masaya, ay kilala na rin niya ako.
Pero kinabukasan n'ong magkasalubong kami ay parang hindi niya ako kilala. Hindi niya ako pinansin. Kahit pa n'ong breaktime na kasama niya si Marky ay hindi rin niya ako pinansin. Si Marky lang ang nakausap ko. Napakasuplado naman niya.
Nahiya rin akong kausapin siya ng ako ang mag-initiate. Baka hindi niya ako pansinin.
Napapansin kong mas pinapansin pa niya ang mga babaeng bumabati at nagpapapansin sa kanya. Naiinggit tuloy ako sa kanila. Gusto ko silang gayahin pero nahihiya ako.
"Bakit hindi mo rin batiin ang crush natin, Gus?" tudyo ni Vaneza sa'kin.
"Oo nga naman. Sigauradong papansinin ka rin niya. Pinansin nga ang iba, ikaw pa kaya?"
Hindi na lingid sa kanila ang nararamdaman ko para kay Hector. Hindi ko inamin pero sila na rin mismo ang nagsabi sa akin base na rin sa mga napapansin at nakikita nila sa mga kilos ko.
"Nahihiya ako, baka dedmahin lang ako n'on."
"Sabi nga ng iba ay namimili lang daw nang papansinin 'yon. Ang mga magaganda lang ang pinapansin."
"Narinig ko nga rin 'yan noong nag-CR ako kanina. Ang cheerleader na si Che pinagmamayabang pa na palagi rin daw siyang binabati ni Hector," ani Rochel.
"Ang yabang niya. Parang siya lang ang binabati. Hehehe! 'Di ba binati niya rin tayo noon?" wika ni Donna.
"Tayo lang tatlo, hindi kasama si Gus that time, 'di ba?" Napatingin ako sa kanila.
"Bakit hindi niyo sinabi sa akin?"
"Nasa canteen kami noon tapos ikaw nagpaiwan sa room. Hindi ba namin nasabi sa iyo?"
"Ay, oo! Hindi natin nasabi sa kanya kasi nga hindi niya type si Hector noon," ani Vaneza.
"Yeah! Yeah! Naalala ko na rin. Hindi na kami nag-abala n'on na sabihin sa iyo. Hindi ka naman interesado sa kanya 'di ba?"
Napalabi na lang ako sa harap nila.
"Bukas na bukas din sinasabi ko sa inyo, papansinin rin niya ako." Pakiramdam ko ay na challenge ako sa lalaking iyon. Hindi naman ako panget para hindi niya pansinin.
KINABUKASAN, pagpasok ko sa room ay nandoon na sina Vaneza, Donna at Rochel.
"Ang aga n'yo yata?" ani ko sa kanila.
"Kararating lang din namin. Nagbreakfast ka na ba?"
"Oo, tapos na. E, kayo?
"Tapos na rin kami," sagot ni Donna.
"Guuuuyyyysss!!! Si Hector papadaan na. Gus, halika na batiin mo na daliiii!!" sigaw ni Vaneza na nasa pintuan na pala ng room namin.
Hinila ako nina Donna hanggang sa makarating kami sa labas ng room. Nag-ensayo pa ako kagabi para sa gagawin ko ngayon. Pero labis-labis pa rin ang kaba na nararamdaman ko.
Paparating na siya..
Kahit kinakabahan ay hinanda ko pa rin ang sarili ko. Kaya ng nasa harap ko na siya ay..
"G-good morning, Hector." Nginitian ko pa siya at kitang-kita kong natigilan siya. Nakabadha ang gulat sa mukha niya. Pero hindi nagtagal ang reaksyon niyang iyon. Nagpatuloy siya sa paglalakad na ni hindi man lang tumugon sa pagbati na ginawa ko sa kanya.
Oo.. tiningnan lang niya ako. Hindi man lang niya ako sinagot o ngitian, kahit tango ay wala. Tinanaw ko pa siya habang papalayo sa room namin.
Magkahalong hiya at inis ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.
"Bakit sina Andy pinansin niya kanina," ani Vaneza.
"Sshhh.. 'Wag mo nang sabihin." bulong ni Donna pero narinig ko pa rin.
"Nakakaturn off naman iyong ginawa niya. Kahit crush ko siya hindi nakakatuwa ang ginawa niya sa'yo," ani Rochel.
"Okay lang. Hindi kasi ako maganda. Tsk!" sabi ko pa.
Umupo na ako sa upuan ko at nangalumbaba habang iniisip pa rin ang kahihiyang sinapit kanina.
"Sorry, Gus." Napatingin ako kay Donna.
"Bakit ka nagso-sorry?"
"Feel ko lang. Nalulungkot ako para sa'yo."
"Sus! 'Wag n'yong isipin 'yon. Hindi basta-basta sumusuko ang Gus na kilala n'yo. Nakalimutan n'yo na ba?" Nginitian ko sila.
"Yes Tama! Wag kang panghinaan ng loob. Baka nagulat lang talaga si Hector kanina."
"Malay mo next time magawa ka na niyang sagotin."
"Hahaha. Sagot agad? Hindi ko pa nga niligawan eh." Sabi ko
"Ay!!! Bakit hindi mo nalang siya ligawan?" si Rochel
Nagulat kami at napatingin sa kanya ng sabay.
"Hehehe.. Joke lang. Peace." nag peace sign pa talaga ito
"Darating din tayo dyan. Kung hindi ko sya makuha sa santong dasalan, kukunin ko sya sa santong paspasan. Hahaha!"
Sabay sabay pa kaming natawa sa sinabi kong iyon. Pero sa loob loob ko ay wala akong balak na gawin ang bagay na iyon. Kung ayaw niya talaga sa akin hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kanya. Hindi man ako kagandahan pero hindi din naman ako panget.
Marami rin namang nagkakagusto sa akin, sabi ng mga kaibigan ko.
I am pretty.. pretty.. and pretty.
Malakas daw ang sex appeal ko sabi nila pero parang hindi ko makita. Ewan.
Naniniwala akong hindi lang panlabas na anyo ang basehan para tawagin o bansagan kang maganda. Kutis, tindig, aura o nasa personalidad yan ng isang tao.
Maganda ako sa sarili kong pamamaraan at gagamitin ko ito para maakit ang isang Hector Jeff Guzman.
Kasehodang matagalan.. Ang importante magiging akin din sya sa hulihan.