Gus
ISANG malakas na batok ang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Dagli kong nilingon ang pangahas na bumatok sa akin.
"Ano ba Gustiniana?! Kanina ka pa namin tinatawag hindi ka man lang natinag!" nakangising mukha ni Donna ang bumungad sa akin
"Bakit ba Gustiniana ka nang Gustiniana? Gustaniana ang pangalan ko Donnabelle ha!" asik ko
"Oo na Gustaniana.. Hahaha. Ano ba kasi ang iniisip mo at para kang wala sa ulirat diyan?"
"Wala.. Nagbabaliktanaw lang sa nakaraan. Hehehe." aniko
"O siya! Halika na at nagugutom na ako. Tayo nalang ang natitira dito."
Inilibot ko ang paningin at nagulat ako nang mapagtanto na kami na nga lang ang tao sa room. Ganoon ba ako katagal na nagmuni-muni? Tsk!
Agad kong kinuha ang mga gamit ko at sumunod na sa kanila. Tinatahak namin ang daan papuntang canteen.
" Malapit na ang acquaintance party natin may isusuot na ba kayo?" narinig kong tanong ni Rochel
"Oo nga ano? Sa susunod na buwan na pala yun." si Vaneza
"Wala pa akong isusuot. Medyo matagal pa naman marami pa tayong oras para makapamili." sabi naman ni Donna
Hindi na ako nag abala pang sumabat sa usapan nila. Kahit ako ay wala pa ring isusuot sa nalalapit na party. Baka manghiram nalang ako sa ate ko. Maraming gown at formal dress ang nakakatanda kong kapatid. Nasa college na kasi siya at marami nang party ang napuntahan. Kada party ay bumibili siya ng bagong isusuot kaya naman marami na rin akong pagpipilian.
Hindi naman ako materialistic at maluho, nakukuntento lang ako sa mga simple at maliliit na bahay kahit pa kaya ng mga magulang kong ibigay ang lahat nang gusto ko. Parehong abogado ang mga magulang ko at nagtatrabaho sila sa sarili naming law firm na minana pa nang Daddy ko sa Papa niya. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso.
Ang Kuya Gherald ko ay isa na ring lawyer pero mas piniling magtrabaho sa law firm nang Tita namin na naka base sa New York. Ang Tita Ursula na kapatid ni Daddy.
Ang Ate Germmalyn ko naman ay kasalukuyang nag-aaral nang medicine dahil gusto niyang maging doctor.
Alam kong hindi rin namomroblema ang mga kaibigan ko dahil kayang kaya din nilang bumili nang mga bagong damit na isusuot sa party. Galing sa mayayamang pamilya ang mga kaibigan ko. Pawang mga matagumpay na negosyante ang mga magulang nila. Pero hindi mababakasan ng kayabangan at kung kumilos ay walang mga finesse minsan. Minsan lang naman.
Bigla akong napatigil sa paglalakad nang mamataan ko sila Marky na nakatambay malapit sa canteen. Iisa lang ang daanan papunta sa school canteen at bago ka makarating nang canteen ay may mga bleachers na maaaring upuan sa ilalim ng mga punong mangga.
Biglang bumilis ang tibok nang puso ko ng makita kong kasama nila Marky si Hector.
Tumigil din ang mga kaibigan ko at alam kong nakita din nila si Hector. Lumingon sila sa akin at pilyang ngumiti.
"Nandito na ang bumubuo nang araw mo."
"Maganda ba ako?" sabi ko na medyo nataranta
"Oo.. Huwag kang mag-alaala hindi halatang haggard ka. Hahaha!"
Satuwing makikita o makakasalubong ko si Hector ay iyon nalang palagi ang tinatanong ko sa mga kaibigan ko.
'Maganda ba ako?'
'May dumi ba ang mukha ko?'
'Okay ba ang itsura ko?'
At nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko dahil ni minsan ay hindi sila nag reklamo bagkus ay walang sawa nilang sinasagot bawat tanong ko.
Pinauna nila ako at gaya ng dati ay dahan dahan ang ginagawa naming paglalakad.
Nang pumantay na kami sa kumpol nila Marky ay tumingin ako sa mukha ni Hector. Hindi siya tumitingin sa amin dahil nasa aklat na hawak niya ang paningin niya.
Lumapit pa ako nang bahagya sa kanya at walang gatol na binati siya gaya ng nakagawian ko na.
"Hi babe.."
Mas lalo kong pinalambing ang boses ko kaya hindi ako nabigo at tiningnan niya rin ako.
Hindi na ako nagulat dahil gaya nang dati ay tumitingin naman siya sa akin sa tuwing binabati ko siya.
Tumingin siya sa akin ngunit blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi siya ngumiti pero masaya na rin ako dahil tiningnan niya ako.
Kinindatan ko siya.. at walang sabi sabing tumalikod at naglakad papasok sa canteen.
Alam kong nasa likuran ko at nakasunod sa akin ang mga kaibigan ko. Nauna na akong umupo sa upuan nang bakanteng mesa na naroroon. Kasabay ng pag-upo ng mga kaibigan ko ay napahawak rin ako sa dibdib ko. Malakas pa rin ang kabog niyon.
"Hi babe.." panggagaya pa ni Vaneza sakin
Sabay naman kaming natawa.
"Ga graduate nalang si Hector mo pero wala pa ring katugon ang mga pagbati mo sa kanya Gus." sabi ni Donna
"Okay lang sakin yun ang importante nakikita at napapansin niya ako
"Oo nga. Hindi kagaya nang dati na dinededma ka lang niya at dinaandaanan lang."
"Deadma pa rin naman siya ngayon ah. Hahaha." pang aasar pa ni Rochel sa akin
"Kahit na.. Napapansin naman siya kahit na walang katugon mula sa babe niya. Hehehe."
"Umorder na nga tayo. Hindi na kayo nasanay. Pasasaan ba at kakausapin din ako nang maayos nun." napapangiti pang sabi ko
Umorder na kami at sabay sabay na kumain at nagkukwentuhan nang kahit na ano.
Bigla akong siniko ni Donna kaya napatigil ako sa pagsubo.
"Nandito si Marky kasama si Hector." Sabi niya
Agad akong napabaling sa tinitingnan niya at nakita ko ngang naka upo sina Marky at ang dalawa niyang kaibigan kasama si Hector. Magkatabi ang mesa namin kaya napakalapit lang nila sa amin. Nakaharap sa gawi ko si Hector samantalang nasa bandang kanan ko naman siya.
"Hi again babe.." tawag pansin ko sa kanya na tahimik lang na naka-upo katabi si Marky
"Hello babe.." si Marky ang sumagot at sabay pa kaming napatingin ni Hector sa kanya.
Inirapan ko siya at humalakhak lang ang loko.
Agad na napalitan nang matamis na ngiti ang labi ko nang bumaling sa akin si Hector. Tiningnan niya lang ako at agad ding iniiwas ang tingin niya sa akin.
Nangingiti pa akong ipinagpatuloy ang pagkain.
"Gus, hey.." tawag sakin ni Marky
"What?" sagot ko na hindi man lang tumingin sa kanya
"Sasama ka ba sa family mo this coming weekend?"
"Bakit? Anong meron?" napatingin na ako kay Marky
Nakita kong abala sa kinakain ang babe ko kaya nagkaroon na naman ako nang oras na tingnan ang napaka gwapo niyang mukha.
"We will be having a family dinner remember?"
"Ahh.. Yeah. I forgot." napako ang tingin ko kay Marky
"Close pala ang family nyo bro?" si Reden, isa sa mga kasama at kaibigan ni Marky
"Yeah bro. Hindi pa kami ipinapanganak ni Gus ay mag kaibigan na ang mga magulang namin."
"Kaya pala close din kayo ni Gus. Buti hindi kayo nirereto nang mga magulang nyo sa isa't-isa?"
Naririnig namin ang pag-uusap nila kaya naman nagulat ako sa sinabing iyon ni Reden. Napasulyap ako kay Donna at nakahinga ako nang maluwang na nginitian pa niya ako. Alam kong alam niya na hindi ko gusto si Marky at kailanman ay hindi ko magugustuhan dahil kapatid lang ang turing namin sa isa't-isa.
Malakas na tumawa si Marky kaya napalingon kami sa kanya.
"Hindi mangyayari yun bro dahil alam nang mga magulang namin na hindi namin magugustuhan ang isa't-isa. Magkaiba ang ugali namin bukod doon ay parang kapatid na ang turing ko sa kanya." mahabang litanya ni Marky na ikinatawa ko
Alam ko naman na patay na patay siya kay Donna kaya malabong magkagusto siya sakin. Natawa pa ako dahil kay Donna siya nakatingin habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Besides hindi ko magugustuhan ang mukhang yan bro. Hahaha!"
"As if naman magugustuhan ko rin ang mukhang yan noh." sabi ko pa at natawa na rin
"Hindi ka magugustuhan ni Gus kasi yang katabi mo ang gusto niya Marky." singit ni Vaneza
Tiningnan ko ang mukha ni Hector pero parang walang narinig na ipinagpatuloy lang ang pagkain. Tsaka ko lang napansin na matatapos na siya. Agad kong minadali ang pagkain ko dahil gusto ko siyang makasabay pabalik. Sakto namang nagpupunas na ako ng bibig nang tumayo siya.
"Saan ka pupunta babe?" agaw pansin ko sa kanya
Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. Nasa likod niya ako at hindi pa kami gaanong nakalayo sa mesa namin. Lumingon sa akin at tiningnan ako nang deretso sa mga mata. Napalunok ako sa klase nang tingin niya.
"Will you please stop calling me that?! Nakakainis pakinggan! Tumatayo ang mga balahibo ko sa tuwing tinatawag mo ako nyan!"
Galit siya..
May mga pagkakataong nagagalit siya at sinisinghalan ako. Pero mas lamang ang pagkakataong hindi siya umiimik at titingnan lang ako. Sanay na ako sa ganitong galit at pasinghal singhal niya.
"Why? Gustong gusto kong tawagin kang babe eh.. At walang makakapigil sakin.. babe." nginitian ko siya nang pagkatamis tamis at nilapitan pa siya
"What's with you? Pwede bang tumigil ka na sa kakalapit sakin?! Naaalibadbaran ako." kuntodo kunot ang kanyang noo
Mas gusto ko ang ganitong galit siya sa akin kumpara sa hindi niya ako pinapansin.
"And why is that? Swerte mo nga at sayo lang ako lumalapit nang ganito. Ang iba diyan ay nahihirapang lumapit at makipag-usap sakin."
Totoo naman kasi iyon. Hindi ako maganda masyado, konti lang. Pero maraming nagagandahan sa akin. Ewan ko kung ano ang nakita nila at gandang ganda sila sa itsura ko. May mga lalaking nagpapapansin at gustong kausapin ako pero hindi ko sila type kaya denidedma ko lang sila.
"Bakit hindi ka sa kanila lumapit at tawagin silang babe?!"
"Ayaw ko sa kanila babe.. Ikaw lang ang gusto ko."
"Puwes itatak mo to sa kukote mo. Hindi kita gusto at hinding hindi kita magugustuhan. Ilang beses ko na bang sinabi sayo na hindi kita type!"
"Then I will make you fall for me." hindi pa rin ako nawawalan nang pag-asa
"By following me around?"
"Yeah.."
"Mapapagod ka lang. Nag aaksaya ka lang nang oras sa kakasunod sakin. Hindi ako ang tipo nang tao na magkakagusto sa mga ginagawa mo!"
"At hindi ako ang klase nang tao na basta na lang sumusuko babe.. Sisiguraduhin kong mai inlove ka rin sakin bago pa matapos ang taong ito." nang aakit ang ngiti na binigay ko sa kanya
Sandali siyang natigilan at napatitig sakin.
"Hindi ko alam kung saan ka kumukuha nang kakapalan ng mukha para masabi sakin ang mga yan."
"Matagal nang makapal ang mukha ko babe.. Kaya wala nang ikakapal pa."
"You're just wasting my time. You did not deserve any second of it." sabi niya
May kung ilang libong karayom ang tumutusok sa puso ko. Nasasaktan ako sa sinabi niya.. sa mga sinasabi niya.. lahat nang sinabi niya pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makita ang sakit na dulot ng mga salitang binitiwan niya.
"Hindi ako hihingi nang sorry.. dahil gusto ko ang mga ginagawa ko at mga gagawin pa lang sayo. Magalit ka na't lahat pero hindi mo ako mapipigilan sa mga gagawin ko pa." seryoso ang mukha ko nang sabihin iyon sa kanya
Mas lalong nanlaki ang mga mata niya kaya naman dahan dahang sumilay ang ngiti sa mga labi ko. Kinindatan ko pa siya.
Ilang sandali siyang napatitig sakin at biglang tumalikod kaya nagulat ako. Nagsimula siyang maglakad papalabas nang canteen at wala akong ginawa kung hindi ang sundan lang siya.
"Stop following me!" lumingon siya sakin at sininghalan ako
"Who told you that I'm following you.." kitang kita ko na natigilan siya
"Pupunta ako ng CR babe.. I am not following you.. Sadyang pareho lang ang daan na tinatahak natin." lihim akong napangiti ng hindi pa rin siya makakibo
"Don't worry.. hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang mga sinabi mo. I'll stop when I need to... babe." kinindatan ko pa muna siya at nagsimula nang maglakad. Lalampasan ko lang sana siya pero may kapilyahan akong naisip gawin sa kanya.
Nang nasa tapat ko na siya ay nagdahan dahan akong maglakad at walang sabi sabing hinaplos ko nang bahagya ang braso niya pababa sa kamay niya. Habang ginagawa ko yun ay hindi ako tumigil sa paglalakad.
Hindi ito ang unang beses na na hawakan ko ang kamay niya pero gaya nung una ay naramdaman ko pa rin ang kuryenteng dumaloy sa bawat hinaymay nang katawan ko. Kakatwa sa pakiramdam at napasinghap ako dahil doon.
Wala akong alam kung ano ang reaksyon nya dahil agad kong binilisan ang paglalakad ko. Napangiti ako pero hindi ko rin maiwasang kabahan. Batid kong nagagalit siya sa kapangahasan ko at hindi ko na kaya ang may marinig pang masasakit na salita mula sa kanya.
Tama na ang mga narinig ko sa kanya sa araw na ito.
Tinatahak ko ang daan papunta sa girl's comfort room. Gusto ko pa siyang lingunin pero natatakot ako sa makikitang galit o pagkamuhi sa mga mata niya kahit pa hindi ako sigurado kung iyon nga ang makikita ko sa kanya.
Hindi naman talaga ako mag c cr pero iyon na lang ang naging dahilan ko nang makita kong ayaw niyang sundan ko pa siya. Quota na ako sa mga sinabi niyang nakakadurog sa puso ko. Bawat araw ay may mga binibitawan talaga siyang masasakit na salita. Pinapakita ko sa kanya na okay lang pero deep inside me ay nasasaktan ako.
Ganoon pa man ay hindi pa rin nababawasan ang nararamdaman ko sa kanya. I still love him.. At ang mga ganoong ipinapakita niya sa akin ang nagbibigay nang kaligayan kahit pa katumbas rin iyon nang kasakitan sa loob loob ko.
Nasasaktan ako dahil hindi niya nagugustohan ang mga ginagawa ko pero nasisiyahan ako dahil kinakausap niya at hinaharap niya ako kahit pa puro masasakit na salita ang lumalabas sa bibig niya.