[Chapter Soundtrack: Two Four by Gracenote https://youtu.be/ClAL4pz6Vzs]
Nakaupo lang siya sa labas ng isang coffee shop at pinagmamasdan ang palipas ng oras na sinasabayan ng paiba-ibang mukha ng taong nakikita niya. Nakahiligan niya na ang pag masdan ang bawat taong nagdaraan. Nagtataka at nag tatanong kung bakit mag kakaiba ang mukha ng tao, kahit pare-pareho may mukha.
Nagtatanong sa sarili at nag iimbento ng sariling sagot. Gagawan ng kwento bawat taong makaagaw ng pansin niya. Normal? Paano nga bang masasabi na normal ang isang tao? Dahil nag iisip siya katulad ng iba? Dahil sinusunod niya kung anong uso? o baka dahil sumasabay lang siya sa agos.
Wala rin siyang ideya.
Nasabi niya na sa sarili niya na hindi siya normal, pero hindi niya rin masasabi na one of a kind siya. May kanya-kanya lang talaga sigurong "unique side" ang bawat isa sa atin.
Bakit ba di pwedeng mamili ng magiging buhay?Sana di ba? Masyadong mapaglaro ang isipan. Kinuha niya ang ballpen at ang lumang notebook niya at isinulat.
"Ikaw ang nakatakdang ipanganak sa mundo ng mga tao. Ngayon, mamili ka kung ano ang gusto mong maging? Kung ano ang gusto mong itsura. Kung anong araw mo gustong ipanganak. Kung paano ka mamamatay at kung hanggang kailan mo gustong mabuhay?"
Hinampas niya yung ballpen sa noo niya at nag sulat ulet..
Ang saya siguro kung ganun! Pero hindi eh! Pinanganak tayong clueless at inosente. Habang tumatanda tayo ay unti-unting nilalason ng paligid ang munti nating utak. Maraming BS sa buhay. Mga BS na ayaw mong mangyari sa'yo pero, di mo maiwasan. May BS na minsan ay nagbibigay ng sorpresa sa buhay natin.
Yun siguro ang nagdadag ng kulay sa buhay. Yung mga BS na yan!
L I F E I S F U L L O F B S
Sinara niya na ang notebook saka sinuksok sa bag at saka tumayo at naglakad papunta sa may sakayan ng bus.
Isang araw na naman ang natapos. Isang araw na hindi niya kailangan. Kagaya ng dati sumakay lang siya ng bus at walang idea kung saan pupupnta. Bahala na kung saan hilahin ng Tadhana.