Chereads / All The Vanished Questions / Chapter 3 - A reason for your non-happily ever after ending

Chapter 3 - A reason for your non-happily ever after ending

[Chapter Soundtrack: Everybody wants you now -- https://youtu.be/0qEGBL2pboA]

Nalaspag na ung kalsada dahil sa pabalik balik na paglalalakad ng mga tao. Kung kaya lang nitong mag reklamo malamang, lahat ng nag lalakad ngayon ay kinain na ng lupa. Mas lalo pa itong nalaspag dahil sa pabalik balik na paglalakad ng ng isang babae na tila ba ay nawawala. Tumigil siya sandali sa isang convenience store.

Bumili ng Soya Milk at saka nilaklak. Naalala niya pa ang unang beses na iminum siya neto, mga ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nun, ay tinawag niya na ang sarili niyang Soya. Nagbayad na siya at saka lumabas ng store. Lumingon ng kanan at kaliwa ung babae. Umiling at naglakad ulet paliko dun sa may kanto ng kalsada. "Masama ito." Sabi niya sa sarili at nag patuloy uley sa pag lalakad. Huminto sandali at nagtanong dun sa aleng nagtitinda ng kendi.

"Saan ho ang ang sakayan papuntang simbahan?" tanong niya.

"Ano iyon, hija?" Tanong ng matanda.

Inulit ng babae ang tanong. Napa Ah oo naman ung matanda at tinuro ung berdeng multi cab sa may kabilang kalsada. Nagpasalamat ang babae at bumili ng tindang kendi ng matanda.

Sumunod na eksena.

Nakaupo na ang babae sa loob ng simbahan habang pinagmamasdan ang pagpapalitan ng pangako ng kinakasal. Inihanda niya ang kanyang cellphone para kunan ng litrato ang okasyon. Bahagyang napangiti ang babae habang naririnig niya ang pangako ng dalawa sa isat-isa.

Tumayo na siya ng marinig niya ang mahiwang linya ng Pari.

"You may now.."

"Not my cup of tea! Hindi ko kayang makakita ang mga ganyang eksena. Pakiramdam ko ay may nininakaw na neurons sa utak ko pag nakakasaksaksi ako ng mga ganyan. Masaya ako para sa dalawa kahit hindi ko sila kilala. Maswerte sila at nahanap nila ang isat-isa."Bulong niya sa sarili niya.

Naniniwala talaga siya na hindi lahat makakaranas ng ganyan. Ilang porsyento ng populasyon ng mundo ay mananitiling single hanggang sa huling utot nila. Hindi to biro. Matagal niya na rin tong pinag-isipan at saka nagsagawa din siya ng survey.

Kinuha niya muli ang notebook niya at saka nagsimulang magsulat. Mga Dahilan kung bakit hindi ka nakakahanap ng matinong significant other at kung bakit "It's complicated", o "SINGLE" pa ang status mo sa Facebook mo:

1. Choosy ka.

2. Wala ka ng ngang choices choosy ka pa

3. Puro ka lang "Let's just have fun."

4. May mga "I'm too young to settle." mode kang nalalaman

5. Nakatambay ka sa paboritong zone ng mga friends.

6. Nag aanatay ka ng magical sign.

Sampo dapat to pero, ayaw ko ng mag sayang ng neurons. Kaya hanggang anim lang at ito naman talaga ang isa lang naman talaga ang pinakamabigat na rason.

Medyo masakit to.

7. WALANG TALAGANG PARA SA'YO!!

Sampal yun na masakit. Di ba? Kaya naka all caps para intense. SaPAK Ganern yun! At dahil dyan. Naniniwala ako na kabilang ako sa porsyento ng daigdig na hindi makakahanap nito.

Naniniwala siya na parte siya ng porsyento yun ng mundo.

Come on, Let's be realistic naman! Wala tayo sa best-selling na romantic novel o sa hit block buster kilig movie ng taon. This is Life! What we read and what we see are total combination of Life and Lie. Sum it up! There you have it!

FICTION!

Adik tayo sa fiction. Kahit saan mo ibaling ang tingin mo, Fiction is everywhere. It will never leave us alone.

Saka niya sinara yung notebook niya.

Sa di kalayuan, nakatingin naman sa kanya yung isa sa mga groom's men.