[Chapter Soundtrack: Be My Thrill by Clara Benin -- https://youtu.be/9cl-JrLXzoU]
Nag anunsyo na yung conductor ng Bus na nakarating na sila sa terminal station sa Baguio. Pagalaw-galaw lang siya ng leeg at ulo, na stiffneck ata siya dahil sa posisyon ng pagtulog niya. Maya-maya ay agad niyang inayos yung gamit niya at saka nag suot ng jacket.
Inaantay niya muna na makababa na lahat ng tao bago, para na rin makaiwas sa siksikan.
"Miss, yung bucket hat mo."Sabi ng lalaking kumalabit sa kanya.
"Salamat."Sabi niya at saka siya bumaba ng bus.
Bigla niyang naisip na parang pamilyar yung boses noong lalaki. Hindi niya kasi nakita yung mukha.
Isinawalang bahala niya na lang yun at saka agad naghanap ng convenience store para makabili ng maiinom at ng salonpas. Pagkabayad ay umupo muna siya para mag lagay ng salonpas sa leeg. Pakiramdam niya ay mababali na ang leeg niya.
Kinuha niya ang phone niya at saka nag check sa google map para maghanap ng pinaka malapit na McDo. Bigla niya kasing naisipan kumain ng Fries.
Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas na siya at dumeristo sa Mcdo.
Walang ibang available seat maliban doon sa isang lalaki na tulog ata. Nakahood siya at ginawang unan yung bag niya.
"Nakakahiya naman to si Kuya! Hindi na nga nag order, nakitulog pa!"Bulong niya.
Lumapit siya sa table niya at nagtanong kung pwedeng makishare. Hindi naman sumagot yung lalaki, kaya inulit niya yung tanong. Nag thumbs up naman yung lalaki at saka sinipa yung upuan para makaupo yung babae.
Nagmadali sa pagkain yung babae.
Biglang napaokunot noo yung babae dahil sa amoy, hindi naman mabaho pero kasi pamilyar sa kanya yung amoy na yun.
"Moment Wrecker talaga."Bulong niya at saka kumain muli.
Parang may mahika na dala ang mga amoy, kasi minsan nakakatrigger sila ng memories, yung mga ala-ala na nalimot mo na o kaya yung mga ayaw mong maalala. Parang marardaman mo ulit lahat tulad ng dati.
Nailing na lang siya nang may biglang sumagi sa isip niya.
Biglang nalaglag yung coin purse ng lalaki. Nagdalawang isip naman yung babae kung pupolitin niya ba yun, baka daw kasi budol-budol tong lalaking kaharap niya.
"Yung coin purse mo nalaglag."Sabi ng babae pero hindi siya pinansin.
Hinawakan niya na lang yung bag niya at saka inabot yung coin purse, pero pag harap niya ulet dun sa lalaki.
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat at saka naman tumugtog ang kanta ni Clara Benin na Be My Thrill.
šµMy life's better than any book I've read
Ever since you came in and took over my head
And my heart it pounds to the beat of the songs
And the words you tend to speak šµ
Nagbibiro ata yung mundo minsan. Naisip niya.
"Yo! Long time no see!"Sabi nung lalaki at saka ngumiti.
Parang slowmotion ang lahat. Hindi slowmo ng Romantic Film kundi slowmo ng thriller, splatter. Alam mo yung moment na malalaman na nila yung hide out ng monster o yung moment na marireveal na yung killer. Ganung ang naramdaman ng babae.
Nagkatinginan lang silang dalawa. Nakangiti pa yung lalaki.
"Hoy! hello? kinakamusta kita."Sabi nung lalaki habang winawagay way yung kamay niya at saka kumuha ng fries.
"Wow! Ikaw bumili?"Sabi nung babae.
Ngumiti naman yung lalaki at saka kinuha yung inumin ng babae.
"Soya naman oh parang wala tayong pinagsamahan eh."Sabi nung lalaki.
Paano masasabi na kilala mo ang isang tao? Dahil alam mo ang pangalan niya? Yung address niya, paboritong subject, kinakatakutan?How can you identify a stranger?
MILO. Yan yung tawag ko sa kanya, dahil sa hilig niya sa Milo. Regular customer tong si Milo sa coffeeshop na pinagtatrabahohan ni Soya dati.
Sa nakalipas na ilang buwan laging nagkakasalubong yung landas nila. Yung pag nagkikita sila siguradong may hindi magandang magyayari. Maliban sa pangugulit niya sa coffeeshop, ang pinaka close encounter niya dito ay yung nagpalibre siya ng pamasahe pauwi mula Pasay kasi nadukot daw yung wallet niya.
"Namiss mo ba ako?"Nag eww agad si Soya nang marinig niya ang sinabi ni Milo.
"Hoy! kilabutan ka nga! kadiri ka talaga."Sagot naman ni Soya.
Tumawa na lang ulet yung si Milo.
Pag tingin ni Soya dun sa fries niya, wala na! ubos na!
"Teka nga, di ba nag goodbye na tayo?"Tumango-tango naman siya sa sinabi Soya.
"Well, heto tayo! Hello again"Nakangiting sabi niya.
And then na-realized ni Soya, that goodbye is not forever.