Sabi nila pag may na form na bond ang dalawang tao parang ang hirap na nitong putolin. Ito ata yung nangyayayri sa kanilang dalawa. Kung Romantic Story lang to eh malamang iisipin na niyo na meant to be sila, fated to meet each other, destiny at kung anu-ano pang salita na pwedeng gamitin para masabing nakatakda silang mag tagpo. Pero hindi, para sa kanila isa lang itong coincidence. WALA NG IBA! Or dahil sa katotohanan na parehas lang siguro sila mag-isip.
Nagkatinginan ulet silang dalawa.
"Alam dapat mag team up na lang ulet tayo. Ang saya kaya ng bond nating dalawa, don't get me wrong."Litanya ni Milo.
Totoo naman na masaya yung bond nilang dalawa. Yung mga concert na pinupuntahan nila, yung madaling araw na tambay sa playground tapos kung anu-anong random topic ang pinag-uusapan nila.
"Teka nga! Di ba nag aaral ka?"Tanong ni Soya sa kanya.
"Tss. Makakaantay yun. I'm currently engage in self betterment."Tinawanan ni Soya yung banat na yun.
"Aayaw pa? Di ba sinabi ko sayo Lucky Bastard ako. Swear! More chances of concert pa ang mapupuntahan mo pag kasama mo ako."Dagdag niya naman.
Ito yung nakakaingit sa kanya eh. Swerte siya sa mga raffle! Halos lahat ng concert na pinupuntahan niya ay napanalonan niya lang yung ticket.
Nilabas ni Milo yung ticket niya sa Super Sonic Fest na gaganapin bukas sa La Union.
"Aayaw pa talaga?"Pang aasar niya pa.
"Fine! Panalo ka na!"
***
Next Day
Super Sonic Fest
Background Music: Hearts Chill.
Nagsplash na ang mga beach ball at bubbles. Hudyat na patapos na ang Sonic Music Fest. Di pa rin magkamayaw ang mga concert goers at todo sing along pa sa last performers.
Hiyaw. Talon. Bitin na dance moves.
Nagtinginan naman silang dalawa.
Two strangers. Two different souls. Yung isa hinahanap ang sarili. Yung isa naman gusto lang mawala.
Nag book sila sa pinaka murang transient sa La Union, bigla kasing bumagsak ang malakas na ulan. Walang ibang ingay sa loob ng kwarto kundi ang makina ng aircon, ang patak ng ulan sa labas. Nakatulala lang si Soya sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang pag buhos ng ulan sa labas.
Nakaupo lang si Soya sa harap ng bintana habang pinagmamasdam ang pagbuhos ng malakas na ulan. Napansin naman ni Milo na tila malalim ang iniisip ni Soya. Dahan-dahan siyang lumapit para gulatin sana ito.
"Sige subokan mo!"Pagbabanta ni Soya.
"Moment Wrecker naman talaga oh!"Reklamo niya at saka lumabas ng kwarto.
"Anong iniisip mo?!"Napatalon siya at napamura nang bigla na lang siyang sumulpot sa likod niya.
"Masyado ka kasing spaced out dyan!"Sabi niya saka inabot yung kape. Parehas na sila ngayong nakatulala sa bintana at nagmamasid sa ulan.
"Pag ganitong maulan. Masaya mag stay sa bahay at mag isip isip habang pinapakinggan ang patak ng ulan. "Naiisip lang talaga yun ni Soya, pero di niya namalayan na nasabi niya na pala talaga.
"Natutuwa lang naman ako sa ulan pag nasa bahay ako pero, pag may lakad ka sobrang hassle tapos wala ka pang dalang payong. Nakakabanas!" Sagot naman ni Milo sabay higop ng kape.
"Tapos sira pa ang sapatos mo. Papasok ung tubig tapos basang basa medyas mo! Super hassle. Feeling mo kalahati ng problema ng buhay mo nasa paa mo na."Hirit naman ni Soya at saka sabay silang tumawa.
Tahimik lang silang dalawa pagkalipas ng ilang minuto ng pag-uusap. Wala kaming ginagawa, pero hindi sila nabobored.
Naisip ni Soya: May ganun naman na moment sa buhay natin di ba? Yung kahit wala tayong ginagawa, hindi natin maramdaman ang boredom.
"May mga oras talaga no? Na kahit wala kang gawa hindi ka bored."Agad napatingin si Soya kay Milo.
"Come on! Mag-usap tayo ng seryoso. Sabihin mo nga bakit ka naglilibot? Or bakit ka tumakas sa inyo?"Deritsang tanong ni Milo habang umuupo dun sa kama.
Ang tanong na ayaw marinig at ayaw sagotin ni Soya.
"Teka nga paano mo nala--"
"Kay Dibs, laging nag-aalala yun sayo. Yun ata yung common ground niyong dalawa eh! Parehas kayong nag layas para maging independent."Litanya naman ni Milo.
"I just want a time for myself. Hindi ako nag enroll last semester. Feeling ko kasi masyado akong stuck up sa buhay ko. You see? Bahay, school, trabaho, anime, sketch repeat. Minsan nanood ako ng concert o nag sisine yung mga ganung bagay na makakapagpalibang sa tao. Until one day, I was staring out my window napatingin ako sa mga bituin and I feel like. Is this life worth living for? I don't want to be stuck here." Litanya ni Soya.
Nakatingin lang naman sa kanya si Milo na parang nag aantay pa ng kadugtong sa sinabi niya.
"That's it!"Dagdag ni Soya at saka binato yung unan kay Milo na agad naman nitong nasalo.
"You're barely 19 tapos pinoproblema mo na yang "Is this life worth living for?" Ang aga mo naman mag mid-life crisis. Alam mo hindi na tayo bata, pero hindi pa naman tayo matanda. Marami pang pwedeng itry at pwedeng balian na rules. Pwede pa tayong gumawa ng maraming pagkakamali na pwede nating pagtawanan paga dating ng panahon. Alam mo yan mga drama mong yan ngayon, magiging bloopers na lang yan pag dating ng panahon." Pang aasar niya kay Soya at saka binato pabalik yung unan.
Bigla namang nag black out, pero tuloy pa rin sila sa kwentohan.
"Eh ikaw? Bakit ka lumayas? Don't tell me na inspire ka sa amin ni Dibs?"
"Medyo."
"Sauce! Baka lang dahil doon sa break up mo dun sa girlfriend mo!"Pang aasar naman ni Soya.
"Eh ikaw? Bakit ka lumayas? Don't tell me na inspire ka sa amin ni Dibs?"
"Medyo."
"Chika! baka dahil sa ex-lover mo."Pang aasar ni Soya.
"Yeah, right! Failed Relationship."Proud na sabi ni Milo kaya humagalpak ng tawa si Soya.
"Seryoso kaya to no, I've been with this girl for about half of my entire life."Banat ni Milo.
Binato naman ulet ni Soya si Milo ng unan.
"Lecheee!!Tagologin mo nga! kainis!"
"English para kunyari sosyal. Seryoso nga, half of my life. Mula grade school kasama ko na siya. Mag kaservice pa kami sa school bus. You know the typical childhood romance hanggang naging campus couple noong high school. Those stuff na pwedeng pang young adult fiction."Litanya ni Milo.
"..don't give me that look!"Dagdag niya nang mapansin na parang nandiri si Soya sa mga sinabi niya.
"Go on, nakikinig ako."
"Then, she decided to pursue her dream. Gusto niya daw maging pro ballerina."Napaslow clap naman si Soya.
"Pang Young Adult Fiction nga."
"Korni no?"
Biglang kumulog at may kasunod na kidlat kaya nasigaw silang dalawa.
"Rakistang, rakista tayo tapos takot sa kulog."Banat ni Soya.
"Wow! habang mas matinis yung sigaw mo. Nagulat lang! Ang ayos ayos na ng usapan natin! Moment Wrecker naman tong kulog."Natawa na lang silang dalawa.
"Alam mo naman na hindi tayo makakatakas habang buhay, pero sympre, sa ngayon ayos lang naman mag take time."Biglang sabi ni Soya.
"These dreams, the nightmares, the problems that we have. We can escape it, we can ignore, we can runaway. But at the end of the day, it is still within us."Dagdag ni Soya.
"Right! That's why we have to face them. But at least, not now."
"NOT NOW."Sabay nilang sabi.