Chereads / All The Vanished Questions / Chapter 5 - A brief Friendship History

Chapter 5 - A brief Friendship History

Dito nag simula ang lahat:

Isa sa hilig ni Soya ay ang mag obserba ng tao tapos mag iimagine ng buhay nila, kung saan sila galing at kung saan sila pupunta. Minsan naiisip niya rin na baka isa sa kanila ay nabubhay sa buhay na gusto niya. Lahat naman tayo may dream life di ba?

Napatingin siya sa Soya Milk na iniimon niya.

At that moment parang gusto niya na rin tawagin ang sarili niyang Soya. Gusto niya ng bagong buhay, naisip niya na siguro dapat simulan niya sa pag palit ng pangalan niya at saka lumipat sa ibang ciudad.

Nagsimula siyang magtrabaho bilang isang barista. Halos araw-araw ay pare-parehong tao lang ang dumadating sa coffeeshop na pinagtatarabahohan niya. Madalas yung mga teenager na maiingay na palaging nag-uusap tungkol sa mga crush at love life nila. Mga freelance worker, mga estudyanteng nag rereview.

"Around 9-11pm yan laging pumupunta dito, Si Miss Sana."Sabi ng katrabaho niyang si Patrick habang pumapasok yung isang mukhang mataray na babae. Umorder naman siya ng Iced Americano at saka pumwesto doon sa may bintana.

Maya-maya ay dumating ang isang matangkad na lalaki at dumeritso siya doon kay Sana. Tapos maya-maya pa ay dumating yung isang singkit na lalaki na halos ka edad lang ata ni Soya, naka uniporme pa at may hawak na sachet ng Milo.

"Manong!"Sigaw niya pagpasok niya sa loob.

"Ayan, makulit yan."Sabi ni Patrick.

Nagkatinginan sila ni Soya.

Halos linggo-linggo atang pumupunta yung Milo boy sa coffee shop. Hindi naman siya umoorder, nakikigulo lang siya dun sa mataray na babae at dun sa lalaking matangkad.

"Huwag ka ngang makulet, pumunta ka na lang sa bahay."Sita sa kanya nung matangkad na lalaki.

"Ang init maglakad."Reklamo niya.

Halatang inis naman yung matangkad na lalaki sa kanya.

"Ayan, umorder ka nga dun at dun ka maupo sa kabilang table o kaya mag review ka."Sabi nung lalaki habang inaabotan ng pera yung Milo boy.

Dito nangyari ang kanilang Close Encouter #1.

"Hello, what's your oder?"Nakangiting bungad ni Soya dun kay Milo.

Nakatingin naman si Milo dun sa menu at isa-isang binabasa yung nakasulat. Ilang minuto pa siyang nakatingala.

"Yes, go ahead po."Pinauna niya yung lalaki sa likod niya.

Natapos nang gawin yung order nung isang lalaki, habang siya naman ay hindi pa rin makapili ng oorderin niya.

"Meron ba kayong something na kalasa ng Milo?"Tanong niya.

Nag recommend naman si Soya ng ibat-ibang drinks.

"Ah sige, Milo Dino na lang."Nakangiting sabi niya.

"Name na lang po for the cup" Tanong ni Soya.

"Bakit gusto mo malaman pangalan ko? Type mo ba ako?"Banat ni Milo. Nag plastic laugh na lang si Soya.

"Joke lang. Just put Boy."Sabi ni Milo.

"Moment Wrecker."Mahinang Bulong ni Milo.

Moment Wrecker - Yan ang paboritong linya nito ni Milo.

Halos laging ganyan ang set up nila pag nag oorder si Milo sa coffeeshop.

"Praning talaga yan! batchmate ko yan noong high school."Sabi ni isa niya pang katrabaho.

Close Encounter #2

Music Festival – Puerto Galera

Isa rin sa hilig ni Soya ay ang manood ng gig at concert. Malakas ang supporta niya sa Indie Music Scene ng Pinas.

Paheadbang-headbang siya habang nakikisong along sa Happier This Way ng Save Me Hollywood. Nang matapos na ang concert ay agad siyang bumalik sa room na pinag check-inan niya. Lagi niyang dala ang lahat ng bagay na kakailanganin.

Chopsticks, Spoon and fork mahirap ng gumamit ng mga utensils sa sa tabi-tabi. Extrang damit, sympre pag may mga emergency happenings. Tsinelas, alam mo na mahirap ang mood swings ng panahon iba na ang handa sa baha! Swiss knife with flashlight, multi purpose to. Crackers, canned tuna at tumblr, sympre in case ma trap ka at least may pang tawid gutom. Orange, Vitamin C iwas chapped lips.

Nag linis na siya ng katawan. Hindi niya na rin malabanan yung antok, pag kalabas niya ng CR ay agad na siyang humiga.

Pakiramdam ni Soya ay full charge na siya. Napaunat siya sandali.

Teka nga!

Kinapa niya yung unan.

Noo.

Malambot at makinis na mukha.

Mata

Matangos na Ilong.

Tenga.

"Putaktee!!"

"Ano ba. Mamaya na!" Biglang may nagsalita.

Medyo madilim pa sa kwarto. Agad kinuha ni Soya yung phone niya at saka binuksan ang flashlight.

Catastrophee!

"Ahhhhhhhhhhh!"

Napaupo naman ung lalaki tapos tinakpan niya ung bibig niya. Di pa rin masyadong maaninag ni Soya yung mukha dahil medyo blurry pa rin ang paningin niya.

"Ang ingay mo kita ng may natutulog pa dito! Moment Wrecker!"

Nag echo sa utak niya ang huling salita.

Moment Wrecker!

Agad hinawakan ni Soya yung kamay na nakatakip sa bibig niya at saka tinitwist. Napasigaw naman siya sa sakit, pero mas lumakas yung sigaw niya nang ala jiu jitsu yung pag atake ni Soya sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?"Imbes na sumagot sa tanong sa tanong niya ay nag reklamo lang siya sa sakit.

"Malamang nag check in."Pilosopong sagot niya.

Mas diniinan pa ni Soya yung pag kakahawak sa braso ni Milo.

"Aray ko. Pwede bang umalis ka na sa likod ko. Ang sakit na ho."

"Ang violente mo pala!"Reklamo niya at saka bumangon, pumunta sa CR. Napanganga na lang si Soya. Ibang klase talaga yun! Sino pa ba? Eh di yung makulet na customer na si Milo.

Napatingin naman si Soya dun sa susi sa ibabaw ng mesa. Bulag ba siya? ROOM 6 dapat siya!

Pagkalabas niya sa CR ay ang taas na naman ng energy ni Milo.

"Sorry na! Wala namang kababalaghan nangyari. Hilong-hilo kasi ako kagabi, di ko na napansin yung numero. At saka kasalanan mo kaya na iniwan mong hindi nakalock yung pinto."Sabi ni Milo habang nag pupunas ng mukha.

Close Encounter #3

Reggae Fest -- MOA Grounds

Natawa si Milo nang mapanasin yung baristang si Soya, agad niya itong sinundan papuntang Lake Stage.

"Look who's here." Nilingon naman ni Soya yung nagsalita at saka niya ito nginitian at saka bumati ng plastic na 'hi there' na parang sinasabing lumayo ka sa akin. Sinuksok niya sa bag niya yung mga pinamili niya at saka lumipat ng River Stage.

Dahil sa pagmamadali niya ay di niya napansin na nalaglag ang phone niya, agad naman itong pinulot ni Seb at saka tinginan. Wala lock screen! Umalis naman siya para sundan yung barista pero di niya na mahanap. Umupo na lang siya sa tabi at saka pinakialaman yung phone. Tiningnan niya ang gallery na puno ng picture ng sunset, sunrise, halaman at iba ibang kulay ng kalangitan at isang selfie. Yung music player naman ang pinagdiskitahan niya. Nailing siya sa mga kantang nakita niya.

Maya maya ay agad dumating sa harapan niya yung barista. Nakapamewang ito at saka inagaw yung phone sa kanya.

"Bakit nangingialam ka ng phone ng iba."Sita ni Soya kay Milo.

"I'm just checking the photos para malaman kung kanino isasauli ang phone."Tumayo naman si Seb at saka naisipang asarin yung barista.

"I knew it! kinuha mo yung ticket na iniwan ko sa coffeeshop noong nakaraang araw." Hindi naman nag deny yung barista at saka kwenento na binenta niya yung isang ticket. Napa facepalm naman si Milo at saka inaya yung barista na ilibre siya ng pagkain at saka niya ito hinila papunta sa kainan.

"Alam mo feeling ko dapat magsama tayong dalawa."Agad tinaponan ng masamang tingin ni Soya si Milo. Dumepinsa naman agad si Milo.

"Not that way, I mean I've seen your playlist we have the same music preferences so feeling ko baka mag click tayo."Tumango naman si Soya habang kumakain ng fishball.

"You know what, pwede tayo maging temporary friends."Sabi ni Soya sa kanya na tinawanan niya lang naman ni Milo.

"Bakit temporary?"Tanong ni Milo.

"Kasi, aalis din ako soon."Paliwanag ni Soya

"Dont tell me you're dying soon?!"High picth na tanong ni Milo kaya pinagtinginan sila ng ilang tao.

"Di ba ganun yung usual plot sa young adult? Yung dying si girl."Hirit naman ni Milo.

"Baliw! Wala tayo sa young adult fiction no!"Sabi naman ni Soya.

"So anong pangalan mo?"Binigyan na naman ni Milo si Soya ng mapang-asar na tingin. Bago pa man siya asarin nito at bumanat na si Soya.

"Shit not that pick up line again, please! Itutusok ko talaga sayo tong stick na to."Tumawa na lang si Milo.

"Tanungin ko na lang si Dibs, schoolmates daw kaya noong high school eh."Dagdag ko naman.

"Andaya naman neto!"Reklamo ni Milo.

"Call me Soya. Mind you that's not my real name."Tumago-tango naman si Milo at saka nagtanong kung bakit yung ang name niya. Sumagot naman si Soya na feel niya lang daw kasi.

"Sa totoo lang I've been calling you Milo."Natawa naman si Milo sa sinabi ni Soya at saka sinabi na yun na lang daw ang itawag nito sa kanya. Nag high five sila at saka naman nag sigawan yung mga tao sa Main Stage.

Agad silang tumakbo papunta sa Main Stage. Nakipagsiksiksikan sila hanggang makarating malapit sa stage. Nag simula ng tumugtog ang Iration kaya mas lumakas ang sigawan ng mga reggae fans. Nakisabay naman sila sa pagkanta at pag sigaw.

Ilang beses pa sila nag palipat lipat ng stage hanggang matapos na ng ang concert. Tawa naman sila ng tawa habang naglalakad papunta ng sakayan.

"Makahampas ka parang sobrang close na tayo." Pang aasar sa kanya ni Milo.

"Wag kang mag alala, mahina pa lang yan pag mas close na tayo mas lalakas na yan."Banat naman ni Soya saka muling tumawa. Natawa na rin lang naman si Milo sa tawa niya.

Ayos naman talaga yung temporary friendship nilang dalawa eh. Madalas silang tumatambay sa playground or mag jogging sa buong subdivision, manood ng gig at concert. Hanggang sa umalis na si Soya sa coffeeshop. Nagpaalam naman siya ng maayos kay Milo bago siya umalis, sabi naman ni Milo sa kanya noon ay aalis din daw siya.

Matino naman yung paghihiwalay nila ng landas.