Chereads / Under the City Lights / Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 4 - Chapter 2

"Ano course mo pala?" Tanong ko kay Jared.

"Teka lang naman crush hindi mo na sinabi na getting to know stage na pala tayo." Ang OA naman ng sagot nito.

"Hindi mars, curious lamg ako kung ano ibabagsak mo." I smirked.

"Hindi magandang biro yan Yanna, kung sa tingin mo hindi ako seryoso sayo pwes sa pag-aaral ko napaka seryoso ko." Napamaang ako sa sinabi niya, seryoso nga siya. Napahiya naman ako kaya yumuko ako at kinain nalang ang chicken salad ko.

"Hoy hala! Seryoso mo naman mars." Napatawa siya at tinignan ko siya. Parang may mali pa rin.

"Weh." Sagot ko.

"HAHAHA joke lang aba eh kasi wala na akong pambawing asar ganun." Sabi niya.

"Bagay ka maging ka tropa ko, Jared." Sabi ko at ininom ang iced tea ko.

"Friendzone agad?" Sabi niya sabay madamdaming hawak sa dibdib.

"Hindi naman! Eh kasi we're better being friends, like sa simple na lunch na ito nakapag-usap tayo ng maayos, diba? Feeling ko rin hindi tayo compatible if mag-on tayo." Explain ko sa kanya.

"Tingnan ko lang, Yanna." He smiled sincerely.

But inside of my mind I don't trust him, kaya sinabi ko nalang ito dahil baka titigilan na niya ako. Alam ko naman na trip niya lang ito at gagawin akong biktima niya. He is a flirt and a playboy, bagay siya sa mga babaeng kakarmahin siya.

"Why don't you date Quinna? She is pretty and smart naman eh. You two could be one." Nireto ko nalang siya sa babaeng iyon para naman humupa na ang mga sabi-sabi sa kanya.

"Quinna? I don't like her, Yanna. She's desperate, naalala ko nga noon nasa sentral kami tapos sinama siya nila Cheska. Akala ko pa naman mabait at mahinhin yung parang Maria Clara ang datingan? Pero nung nalasing kahit 3 shots lang naman nainom niya, nagtwerk na sa harap ko! Pinilit niya pang hawakan ko dede niya at kumandong pa sa akin, sa inis at pandidiri ko tinulak ko siya!" Kwento niya sa akin.

Bahagya akong nagulat dahil totoo naman ang sinabi niya na parang Maria Clara nga ang datingan ni Quinna, akala ko nga magiging kaibigan ko yun pero mukhang salunggat ang ugali namin.

"What happened to her after that?" I asked him.

"Marami palang nagvideo sa kanya, mga batchmates ko lang sa Engineering at kinalat sa twitter. Umiyak siya pagkatapos kong mainis, hindi ko talaga sinasadya na ganunin siya kasi kahit ganito ako ay marunong ako rumespeto ng pisikal sa mga babae pero nakainom na ako eh tapos ayaw ko yung ginaganun ako. Umiyak siyang umuwi, sasamahan nga siya ni Cheska pero tinulak niya mga kaibigan niya." Napailing ako sa kwento niya.

"Doon nagsimula ang pagiging traydor niya sa groupo nila Cheska. Si Jane? Yan ang dakilang bokya at pariwala sa Accountancy kasi naman nadedepende lang sa batchmate niyo kaya ayun nuknukan ng chismis yang si Jane. Nachismisan nina Cheska yun kaya naman pinagkalat ni Quinna ang group conversation nila Cheska. Kaya nagrambulan sina Cheska at Jane." Napatango ako sa kwento niya.

"Bakit naman ginaganyan ni Quinna sila Cheska?" Curious kong tanong sa kanya.

"Dahil akala niya nakikiisa si Cheska sa issue niya nung nagviral siya sa twitter. Feeling niya wala siyang kakampi pero todo lapit nga sila Laurel eh. Doon ako kinausap ni Laurel pero napalapit kami ni Lau kasi nga business partner ang mga magulang namin ni Lacey at Lau. Pero dahil sabi nila patay na patay sa akin si Quinna pinagkalat din na nilait niya si Pia, yung nanalo ng Miss Architecture last year." I am really shocked!

"Galit na galit nga si Lacey noon eh, sinabunutan talaga niya si Quinna pero dahil magkaibigan si Lau at Pia hindi naniniwala si Pia dahil nga sa katangahang ginagawa ni Quinna noon. Pagkatapos nun humupa ang issue niya, nalaman niyang nagconfess sa akin si Jane pinatulan ko naman si Jane." Napakamot siya ng ulo niya na para bang nahihiya siya sa kagagawan niya.

"Si Jane na naman inaaway niya, pinagkalat niya yung conversation at sinabing ginamit ko lang si Jane sa kama." I laughed.

"Oo! Pero hindi naman yun totoo, Yanna. Fake conversation, edited." Sabi niya. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kwento niya. Mukhang kailangan ko nga iwasan si Quinna at baka may ibang gagawin to sa akin.

Lumipas ang oras umalis na kami ng Ayala Malls, may dalang sariling kotse si Jared so we decided to take parts away. Masaya na ako sa kwentuhan ngayong tanghali.

"Yanna! Save mo number ko ha." Pangungulit niya sa akin nang nakarating na kami sa parking lot.

"Oo na nga, ang kulit mo naman eh." Sabi ko sa kanya at napangiti siya.

"Ang lambing mo naman mahal." Nang aasar pa talaga!

"Alis na nga ako shuta nang aasar ka na naman! Irereto kita lalo kay Quinna eh." Bigla naman siyang nahilaw sa sinabi ko kaya natawa ako sa kanya.

I went in to my car and start the engine, I beep him para alam niyang aalis na ako. Swabe lang naman ang byahe ko pabalik sa unversity. Buti naman ay hindi ako na late at may 30 minutes pa akong natira.

"Yanna? Saan ka galing? Nawala ka ng matagal ah." Napatingin ako nang sumalubong sa akin si Quinna. Sasagutin ko na sana siya na sa Ayala na ako naglunch ngunit si Lacey sumagot.

"Pake mo ba Quinna? Kaibigan ka ba?" Sabi niya at napahiya naman si Quinna. Nakokonsensya ako sa kanya pero naiintindihan ko si Lacey na galit na galit siya sa ginawa niya kay Quinna kay Laurel.

"Wag kang magtanong kung hindi ka kaibigan ha masyado ka na namang papansin! Baka si Gianna na naman sisirain mo ngayong taon. Pa check up ka rin Qui—"

"Ano ba Lacey! Hindi mo ba titigilan ang pambubully mo sa akin? Sumusobra ka na!" Sagot ni Quinna at napatayo naman si Lacey.

"Aba sumasagot na naman tong painosente na ito oh! Hoy kung akala mo hindi ko pa nalilimutan yung ginawa mo kay Laurel at sa amin aba hindi talaga kita titigilan. Tantanan mo tong mga kaibigan ko ha? Masyado kang papansin akala mo naman kinaganda mo yan! Kaya hindi ka kayang tingnan ni Jared kasi desperadang panget ka!" Sigaw ni Lacey sa kanya.

Umalis na umiiyak si Quinna paalis ng room, kahit ako ay naawa sa kanya pero hindi naman ata tama na pinagkalat niya ang pribadong pag-uusap nila Cheska. Invading of privacy iyon.

Umupo na ako katabi nila Lacey at sinasaboy na naman ako ng tukso, parang walang nangyari lang eh!

"So kumusta yung lunch date niyo girl?" Kilig na kilig na tanong ni Kelly.

"Aba nang-aasar oh! Di baleng malasing ka ulit at umiiyak sa ex mo vivideohan na kita para naman mahiya ka doon sa sentral, kaya walang bumalak na ligawan ka eh sa club ka pa naman iyak ng iyak!" Asar ko sa kanya. Napanguso naman siya.

Imbes na ako ang inaasar nila si Kelly yung inaasar namin kaya tuwang tuwa ako at nabaling sa kanya ang atensyon.

"Nga pala Gianna, bakit mo tinulak at sinampal kahapon si Jared?" Tanong ni Laurel sa akin at napatingin naman ang mga kaibigan ko.

Hindi ko alam ano isasagot ko dahil totoong nakakahiya yung ginawa ko. Napatawa ako ng peke pero tinitignan lang ako nila Cheska.

"Ah hehe nalasing na ata ako." Palusot ko pero napangiwi naman si Lacey.

"Ghorl isang shot mo pa yun, welcome shot pa nga yun eh. Mas matindi to kesa kay Quinna." Napatawa naman si Kelly.

Ningitian ko nalang sila at saktong dumating na ang prof namin. Nakikinig lang ako sa subject niya, business law ito at bago matapos ang klase ay nagpasa na kami ng assignment.

"Very good, Miss Cheshire perfect na ito." Pinuri ako ng professor namin nang matapos niyang macheck lahat ang assignment namin. Nagtataka ako kung bakit ako lang, kinopya kaya ni Quinna yung assignment?

Lumingon ako sa likod ko at tinanaw si Quinna, nakayuko siya pero nagulat ako nung dahan-dahan niyang tiningnan ako. Nandidlim ang kanyang paningin sa akin, nagagalit at malapit ng magkadikit ang mga kilay niya.

Iniwaw ko ang tingin sa kanya at nakapagtataka na ganoon lang ang kilos niya. Anong meron?

"Yanna, Serenitea tayo ngayon." Sabi ni Laurel at tinanguan ko lang siya.

"Okay class, to end this discussion. I would like to inform you that you may start your research paper starting tomorrow. I will give the list of names sa mga ka partner niyo." Napangiwi naman ang mga kaklase ko sa sinabi ng guro namin, maraming reklamo at kunwaring umiiyak pa.

"Ito na naamn tayo sa pukinginang research!" Reklamo ni Lacey.

"Sana ka partner kita, Yanna." Sabi ni Cheska.

"Aba ang traydor mo na ha! Noon gusto mo ako lang ka partner mo." Sabi naman ni Khelly.

"Syempre sis nauumay na ako sa peslak mo." Napangiwing sabi ni Cheska.

Nag-announce na ng pairing ang prof namin, ka pares ni Lacey ay si Laurel dahil Lustrous naman sila habang si Kelly at Cheska ay same pa rin. Sa hindi ko inaasahan ay si Quinna ang ka pares ko dahil Cheshire ako at Castillo ang surname niya. Kinakabahan ako hindi dahil sa research na iyon, kundi ang nandidilim niyang paningin sa akin!

"Ah Yanna, partner pala tayo no?" Lumapit sa akin si Quinna at tumango naman ako. Maka- Yanna akala mo naman close oh hmp!

"Yes, we can start planning our research tomorrow. Can I have your Instagram or Telegram? So I can send you the details, isesend ko nalang din yung mga ideas ko." Suggest ko sa kanya. Plano ko nalang irevised yung research ko last year, tungkol din naman iyon sa business law at malaki ang puntos ko doon.

"Sure Yanna! Pwede rin naman tayong mag Starbucks today para makapag-usap din tayo." Her smile is so sweet! Ang fake naman nito.

"Ah, we're planning to go Serenitea ngayon eh kasama ko sila Cheska. Tomorrow nalang masyadong nakaka-drain ang discussion eh." Sabi ko sa kanya.

"Ha? Ganun ba? Edi sige ikaw bahala kung gusto mo bumagsak." Nagulat ako sa sinabi niya!

"Anong sabi mo?" Walang galang tanong ko sa kanya, napataas na ang boses ko dahil sa irita at napatingin na rin ang ibang kaklase ko.

"Ha? Ah Yanna ang sabi ko lang naman—" Nataranta naman siya at hindi niya tinapos ang sinabi niya dahil inunahan ko na siya.

"Anong meron kung bukas nalang natin simulan ang research paper? Isa pa ay hindi tayo babagsak dahil sabi ng prof ay bukas na pwedeng magstart ng plano. Pangalawa nangongopya ka nga sa akin ng business law assignment tapos ako babagsak? Boba ka ba?" Galit na galit na talaga ako.

"Yanna hindi ganun ang ibig kong sabihin—"

"Ayan, nagpapansin na naman ang feeling pavictim at nerd shit oh." Panghihimasok ni Laurel.

"Pwede ba? Tigilan niyo na ako! Masyado niyo na akong pinagtutulungan!" Napamaang ako sa sinabi niya.

"Girl pa check up ka naman minsan, malala na yang sakit mong painosente." Sabi naman ni Lacey.

"Ano na naman ba tong sinasabi mo kay Yanna, Quinna? Pwede ba? Can you stop pretending that you're the innocent one here? You always make a way to make a mess! This isn't the first time, stop making trouble or else I will send you the office!" Napatahimik kaming lahat sa sigaw ni Cheska. Totoo naman ang sinabi niya, hindi iyon ang unang beses.

Napahiya na namang yumuko at umupo si Quinna, habang kami ay bumalik sa mga gawain.

"You okay?" Tanong ni Laurel sa akin at tinanguan ko naman siya.

Habang nag-aantay akong matapos ang oras tumunog ang cellphone ko at tinignan ko iyon.

Jared Panget

Saw you

Me

Saw you lang ako?

Jared Panget

Hindi, nakita talaga kita. Assuming mo crush.

Me

Bobo.