"Bakit naman tayo mag-uusap? Sira ka ba ha?!" I fired him with my rude words.
"Hindi mo ba alam na mas lalong sumisikat ang video live natin?" Sabi niya at napakunot naman ako ng noo. Tiningnan ko nga ang cellphone ko at pumunta sa twitter.
"Grabeh naman yan pinapahiya pa yung sikat na influencer!"
"Kawawa naman si Kyle, pasikat ka ate!"
"Sana po no ay naisip mo ate kung ano nagawa mo! Palibhasa ay uhaw sa atensyon ng sikat, magpapasikat ka tuloy?!"
"Ang yabang akala mo naman kagandahan"
Hindi ko na tinuloy basahin ang mga ibang tweet at retweet sa video live dahil masyado nang harsh ang pambabash sa akin. Hindi ko naman yun kasalanan ha!
"Ano ba ang nangyayari?" Tanong ko sa kanya.
"May isang kumakalat na nakita niya raw tayo sa Jollibee tapos namukhaan mo raw ako bilang isang sikat na influencer. Pinapahiya mo ako, sinasabihang manloloko kay Vivienne at sinasabihang walang kwenta at iba pang masasamang salita." He explained. "Sa madaling salita ay sinisiraan mo raw ako. Hindi ka lang sa Cebu sumikat pati na rin sa ibang lugar ng Pilipinas." Pagpatuloy niya at napamaang naman ako.
"Ginaganun ba kita?" I asked and he shake his head.
"Eh ganun pala e! Ikaw ang witness doon! Iclarify mo sa netizen ang totoong nangyayari, dinadawit mo pa tuloy ako sa kasikatan mo at nagmumukha pa akong masama dahil sa katangahan mo!" Galit kong sabi at sarkastiko siyang tumawa.
"Nagpapatawa ka ba? Akala mo ba madali lang sabihin iyon? Madadamay ang reputasyon ko at ang girlfriend ko!" Sabi niya at mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya.
"Nag-iisip ka rin ba? Anong connect doon? Alam mo paissue ka rin eh! Tuwang tuwa ka naman na ginaganyan ka ng mga tao ngayon dahil sisikat ka lalo. Uhaw ka rin sa atensyon at kasikatan!" Sabi ko sa kanya at napamaang siya.
"Alam mo I just came here and followed you for how many hours just to inform you what happened at para na rin tulungan kang e wala sa issue pero mukhang mas gusto mo pang magkasagutan!" Pangangaral niya.
I scoffed. "Lilipas lang iyan, kung ayaw mong magbigay statement ng clarification tungkol sa issue edi manahimik nalang tayo at huhupa lang yan." Sabi ko sa kanya at galit niya akong tiningnan.
"Tanga ka ba? Mas lalo tayong pag-iinitan kung wala tayong ginagawa!" Sabi niya naman.
"Mas tanga ka! Mas lalo tayong pag-iinitan kapag nalaman nilang magkasama tayo palagi o may connection. Baka tuluyang pagchismisan mo akong kabit! Hell no!" Sigaw ko sa kanya.
"Maki cooperate ka nalang! Kakausapin ka ng management namin ni Vivienne para manghingi ng statement sayo sa nangyari." Pakiusap niya at umiiling naman ako.
"Tapusin niyo yang mag-isa! Hindi ko na yan kasalanan kung bakit papansin ka sa akin nang araw na yan. Hindi naman talaga kita inuunahan ng bangga ha? Isa pa ay namumuro na ako sayo ha! Kanina ka pa sunod ng sunod, para kang holdapper!" Sabi ko at ngumisi naman siya.
"I know that, I saw you a while ago and everytime you look at me you panic." He hoarse to laugh.
"Oh talaga? Tuwang tuwa ka naman?" Inirapan ko siya at mas lalo siyang natawa. "Huling pagkikita na natin ito, maliwanag? Ayaw ko nang magcross ang mga landas natin dahil naiinis na ako sa presensya mo. At hinding hindi ako magbibigay ng statement dahil klaro na iyon sayo na wala akong ginagawang masama. Isa pa ay hindi rin naman sila makikinig sa akin." Deritsong sabi ko sa kanya.
"N-no you have to cooperate with us! Promise magbibigay kami ng dispensa sayo!" Sabi niya at napatawa ako.
"Huwag na! Marunong ako magpatawad sa mga taong nagbibigay sakit ng ulo." Mapait kong sabi at buti naman hindi niya yun naramdaman.
"P-please, kung gusto mo lumuhod pa ako rito sa harap mo o di kaya susundiin at kukunin kita sa University araw-araw, o hindi kaya lilibre kita ng pagkain mo. Ano?" Tinawanan ko naman siya.
"Ano kita? Sugar daddy? Afford ko lahat ang sinasabi mo kaya tigilan mo na ako! May klase pa ako bukas at pinupuyat mo ako dahil sa mga sinasabi mo! Shuta instant sikat na ako dahil sa kagagohan niyong mga influencer, ugh!" Sabi ko at tinalikuran siya para pumasok ako sa bahay namin.
Padabog ko itong sinara at dumeritso sa kwarto ko, sinulyapan ko ang bintana ng kwarto ko para tingnan si Kyle kung umalis na ba pero nandoon siya sa harap ng kanyang sasakyan, nakasandal at tila malalim ang kanyang iniisip.
I sighed heavily. Bahala siya sa buhay niya, bakit niya ako dinadamay jan? Pwede naman siya magbigay ng katotohanang pangyayari, bakit pa ako nadamay?
Naghugas ako ng katawan ko at nagtoothbrush, humiga ako pagkatapos magbihis. Ngunit hindi ata ako papatulugin dahil ginagambala ang isipan ko. Masyadong maraming nangyari ngayong araw pero hindi ito mapapalitan sa lahat nang pinaramdam sa amin ni Daddy lalo na kay Mommy.
Kumusta na kaya siya no?
Napatigil ako nang tumunog ang cellphone ko at may nagtext.
Jared Pangit
Yanna, kanina pa ako nakauwi. I saw your video live sa twitter at mukhang trending ka na naman. Kagagawan talaga ni Quinna!
Nagtipa naman ako ng sagot.
Me
Hayaan mo na lilipas lang yan.
Nagreply naman siya kaagad ngunit hindi ko na iyon sinagot dahil dinadalaw na rin ako ng antok. Alas otso na akong nakagising, dahil sa pagod ko ay mukha pa rin akong inaantok ngunit pilit akong bumangon dahil may klase pa ako. Nagbihis ako saglit at nagdala nalang ng biscuit para baunin dahil wala rin akong gana kumain ng breakfast.
"Yanna, wala rito ang sasakyan mo magpapahatid ka ba?" Tanong ng isang katulong namin.
"Hindi po, kukunin po ako ng kaibigan ko." Sagot ko sa kanya habang sinusuot ang neck tie ko.
"Talaga? Yun ba yung naghatid sayo kagabi?" Tiningnan ko siya at inaasar niya pala ako!
"H-ho? Chismosa ka po." Sumimangot ako at napatawa naman siya.
"Sos nako Yanna ganyan din ako! Kaso wala kaming car, sikad lang pero atleast romantic pa rin." Kwento niya at napatawa naman ako. "Manliligaw o jowa mo ba yun? Huwag ka mag-aalala hindi ako magsusumbomg sa mommy mo!" Sabi niya at napatawa ako.
"Manliligaw pa po ate." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya.
"Nako, siguradahin niya lang na hindi sasaktan itong alaga ko." Napangiti ako sa kanya. Ate Lorry is our helper since I was seven years old. Nakilala siya ni mama sa Canada at nangangailangan daw siya ng trabaho dahil pinaalis siya sa company na pinatrabahuan niya. Hindi rin siya pwedeng umalis ng bansa dahil nahospital daw ang tatay niya nun kaya kailangan niyang magpadala ng sapat na pera. Dahil may busilak na puso ang ina ko, naging all around yaya siya sa amin nung panahon na iyon. Saksi niya rin ang away, iyak at sakit sa aming magpamilya.
Kapag umiiyak nga ako ay umiiyak din yan pag nagkwekwento ako tungkol sa daddy ko. Gumaling din ang tatay niya sa awa ng diyos at kahit stable na ang buhay nila ay naging katulong pa rin siya sa amin dahil dito rin mapapaaral ang kanyang bunsong kapatid. Bagong katulong lang namin si ate May, ang kasama ni ate Lorry.
"Oh siya! Mag-antay ka jan para sa manliligaw mo, mag-ingat kayo ha tapos mag-aral muna kayo ng maayos! Punta muna ako sa laundry nang kunin ko ang pinalabhan ng mommy mo." Tumango naman ako lumabas siya.
Tiningnan ko ang aking cellphone nang nagtext si Jared.
Jared Pangit
Goodmorning Yanna, papunta na ako jan sa inyo. Sana ay nag-almusal ka na:))
Me
Magandang araw din Jared! Nagbaon lang ako ng biscuit. Mag-ingat ka papunta rito;)
Pagkatapos kong magtipa ng reply ay hindi na siya nag text ulit baka dahil nagdadrive siya. Hindi rin naman safe magtext habang magdadrive. Ilang minuto rin akong naghintay nang may bumisina. Hudyat na si Jared na iyon kaya lumabas ako.
Lumabas din si Jared sa kanyang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat.
"Ano to fake taxi?" Biro kong tanong nagulat siya ngunit nakabawi rin at natawa.
"Ang bastos ng mata mo! Umagang-umaga Yanna." Sabi niya sabay tawa.
"Sos mas bastos ang kamay niyo tuwing umaga." Sabi ko at tumawa naman ako ng malakas.
Umiling nalang siya dahil sa pagiging open minded ko, ewan sanay na rin ako sa Canada. Open minded at hindi conservative ang mga tao doon eh, straightforward din.
Nagkamustahan lang kami, wala akong balak sabihin sa kanya ang nangyari sa amin ni Kyle kahapon. Parang hindi rin maganda e share sa iba.
"Ayos ka lang ba talaga? Ipapareport ko yung may ari ng twitter account." He said while his eyes look so worried.
I smiled. "No, it's okay lilipas lang kasi yan. Ganyan talaga ang mga tao rito sa Pilipinas eh masyadong sinisympathya ang mga loveteam na celebrity tapos napaka-one sided pa ng mga tao. Akala nila iyon ang katotohanan ngunit hindi nila alam sila lang pala ang niloloko ng kanilang mga hinahangaan." Sabi ko at napatango naman siya.
"Yan din nasa isip ko, they praise too much other people where in fact they should mind there own businesses. Wala namang problema kapag umiidolo ka ng ibang tao pero ang nakakainis kasi ay yung may inaapakan na sila ng ibang tao." I get his point, I mean we have the same point.
"True ka jan sismars. Masyadong mainit ang balita kaya mainit din ang hanash mo jan." Sabi ko at napatawa naman siya.
Nakarating na kami ng University at nang makarating ako ay pinagtitignan kami ng mga studyante. Hindi ko alam kung bakit dahil ba kay Jared o sa issue tungkol kay Kyle?
"Grabeh kahit si Jared sis nilandi pa niya."
"Are they together? Kaka trending niya lang kahapon sa twitter ah."
"Ang lupet naman tong transferee ng Accounting, si Jared na naman pinupuntirya."
Napakunot ako ng noo sa mga sinasabi nila. Bulong bulongan at mga matang tumitingin sa akin.
Nakarating ako ng room at pinagtitingnan din ako ng mga blockmates ko, aside from my friends of course.
"Ano? Reresbakin na ba natin yang mga sumisira sayo? Kapal nila ah!" Sabi ni Lacey.
"Oo nga parang walang problema sa buhay, nakikiproblema pa sa ibang buhay!" Sabi naman ni Laurel.
"I will contact our family investigator about that Yanna! That's too much, mas naging malala pa ito." Sabi naman ni Cheska.
"Sabihin mo kaagad sa akin pag sinusugod ka ng mga baby bra warrior ni Kyle at Vivienne ha papakainin ko sila ng katangahan." Sabi naman ni Kelly
"Chill guys! I'm okay! Sanay na ako sa ganito, mga paissue ang tao rito eh napaka liit ng utak." Sabi ko at tumango naman sila.
"Tangina talaga ng mga pinoy minsan eh! For sure gagawan ka ng meme nyan sis!" Sabi ni Kelly at napamura naman sila.
"Hayaan niyo na mawawala lang iyan." Sabi ko at tumango naman sila.
The day went go by, lumabas pa rin ako ng room kahit pagpyepyestahan ako ng chismis pero hinahayaan ko nalang ang mga matang nagmamasid at bulong na nakakarindi.
Let bygones be bygones.
Natapos ang linggong akala ng lahat ay impyerno pero kulang pa rin iyon. Kulang ba o naging manhid na talaga ako para maramdaman ang sakit, hiya at inis? Hindi ko rin alam, parang nawawalan na rin ako ng gana pakinggan ang mga opinyon sa akin ng mga ibang tao.
Nang mag gabi ng biyernes ay napagsundoon namin na pupunta kami ng Sentral para pampawala ng stress. Umuwi rin ako saglit at nagsuot ng cami top, black leather skirt at black boots. Nilugay ko rin ang kulay tsokalate kong buhok na may kulot sa dulo, naglagay lang ako ng light make up. I just bring my black pouch para mailagay ang pera, cellphone at lipstick ko.
Nang makarating ako ay uminom kaagad ako, masyadong akong stress sa mga gawain kaya kailangan ko ng alak. Nilagok ko ang first shot at nagkantyawan naman sila nang kinuha ko ang second shot. Ang sarap maglasing ngayon!
"Diba ikaw yung nasa video live?" Tanong ng isang batch mate namin na taga Psychology department sa University namin. Tumango naman ako at tumawa.
"Ang liit ng utak nila nun mars! Halatang hindi pa graduated ang braincells nilang pang grade 6!" Nagtawanan naman ang kasama namin, nasa VIP room kami, halo-halo lang at iisang University kami. Mga kakilala nila Cheska at Jared din iyon.
"Si Jared?" Bulong ko kay Laurel.
"Uyy hinahanap." Pang aasar niya sa akin at inirapan ko naman siya. "Parating na raw sis may dinadaanan lang." Sabi niya at tumango naman ako.
Lumabas ako saglit para mag-CR nang may bumangga sa akin, hindi ko na sana iyon papansinin dahil nahihilo na rin ako. Marami na akong nainom din. Papasok na sana ako ng CR hanggang sa may humablot ng pulsohan ko. Pipigilan ko sana to nang makita ko na naman ang matang kulay abo, malamig na tingin ngunit masisindak ka sa kanyang ngisi.
My body literally froze! Magsasalita na sana ako nang hilain niya ako palabas ng Sentral. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko, hinahayaan ko lang ang katawan ko na magpahila sa kanya. Hanggang pinasok niya ako sa sasakyan at nagdrive siya sa hindi ko malamang lugar.