Papunta kami ni Jared ngayon ng SM Seaside at kahit nasa loob ako ng sasakyan ay kinakabahan pa rin ako. Bumalot ang katahimikan sa amin ni Jared, panay sulyap din siya sa akin pero nakatuon lang sa kalsada ang aking paningin, hindi ako mapakali.
"A-ah Yanna, nabalitaan ko pala ang nangyari kanina." He broke the silence and I look at him.
"Hmm?" I asked.
"Sorry h-ha? E-eh kasi—" I stopped him.
"Why would you say sorry to me? Ikaw ba ang nagsabunot o nag-utos sa kanya na sabunutin ako?" I chuckled and he smiled.
Umiling siya. "No, of course not! Why would I do that? Eh kasi, hindi ko man lang siya napigilan kahit ilang beses ko na siyang napag-sabihan na tigilan ako o kung sino ang mga nasa paligid ko." He explained.
I smiled at him." It's okay, may kasalanan din ako dahil hindi ko siya napag-usapan ng maayos tungkol sa research namin." I admit to him and he shake his head.
"No! Y-yanna! Responsibilad niya ang research niyo, hindi siya pwedeng magnakaw ng kung kaninong gawa ng ibang tao!" He rolled his eyes at napatawa ako.
"Kabaklaan naman!" I teased him at pinandilatan ako ng mata.
"Kiss kita jan ih." He said and I laugh.
"Sige nga!" Nilapit ko ang mukha sa kanya at inaasar siya lalo.
"Ewan ko sayo!" Napatawa siya at umayos ako ng upo. Habang papunta kami ng SM Seaside para magdinner ay nagkwentuhan lang kami. Hanggang sa nakarating kami doon.
"Saan mo gusto magdinner? Libre ko na." He offered.
"Hati na tayo! Nakakahiya naman, hindi ako sanay sa libre eh." I smiled shyly.
"Nah, huwag na. Minsan ka nga lang magreply at hindi pa sumasagot sa mga tawag ko kaya lubos-lubusin ko na tong araw na ito." He said and I chuckled.
We decided to eat at Cafe Laguna.
"What do you want?" He asked me while we scan the menu.
"Bistek Tagalog nalang and I'm fine with bottled water." I replied.
"Lechon kawali, Buttered Chicken and Bistek Tagalog while the drinks are two local juice and two bottled water." Sabi niya sa waiter. Inulit ng waiter ang order namin at tumango naman si Jared.
"Share tayo sa Lechon Kawali." He said and I nodded.
"Sure! Starbucks tayo pagkatapos nito, libre ko na! Mag-isa kasi ako sa bahay aside from our helpers, wala rin akong kausap kaya I will spend my time here." Jared smiled at namumula pa ang kanyang pisngi kaya napakunot ako ng noo. "Why?" I asked him.
"First date natin hehe." Napangiti ako sa kanyang sinabi.
"Oo, friendly date." Pambasag kong sabi sa kanya at nagmemake-face siya.
"Whatever." He replied and natawa ako. Sampung minuto rin kaming naghintay sa aming order at dumating na ito. Dahil hindi ako nakakain ng kanin sa Mcdo ay naubos ko rin ang kinain ko. Habang kumakain kami ay nagkwentuhan pa rin kami.
"What she did to you after you confronted her?" Tanong niya sa akin.
"Parang inaaccuse niya pa ako na hindi ko nalang daw siya chinat kagabi para gawin ang part niya. Wala rin akong plano dahil baka plagiarism pa rin ang ipapasa niya sa akin kaya sa huli ay ako ang gumawa sa part niya." I replied and he nodded. "Tapos doon niya ako sinabunutan at sinasabihan ako na matagal na siyang nagtitimpi sa akin." I shrugged.
Jared stared at me for a seconds and sighed heavily.
"Huwag kang mag-aalala! Hindi mo naman iyon kasalanan." I assured him and umiiling-iling siya.
"Y-yanna! You don't deserve that, if I was with you that time baka nawalan ako ng respeto sa babae at nasampal ko na iyon!" He exclaimed.
"Hayaan mo na kasiii! Wala na iyon huwag mo nang isipin dahil lilipas lang yan." I said to him and he shrugged.
Ilang oras din kaming nakatambay sa Cafe Laguna dahil natutuwa kami sa presensya naming isa't-isa at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ang puso ko ay tumitibok pagtinititigan niya ako. Masaya ako dahil kahit sa maikling oras o panahon ay siya ang naging kasama ko. Matapos namin kumain at nagdaldalan sa Cafe Laguna ay naglakad-lakad muna kami sa mall. Busog pa kami para magstarbucks kaya nagtingin-tingin nalang kami.
"Ilan kayo magkakapatid?" Tanong ko sa kanya.
"We're three, ako ang pangawala at nag-iisang lalaki sa pamilya." He answered.
"May kapatid ka palang babae? Ang cool!" Sabi ko at napakunot naman siya ng noo.
"Wala kang kapatid?" He asked and I shake my head.
"Sayang naman, share tayo ng kapatid nalang kung ganoon." He chuckled.
"So magkapatid nalang tayo ganun?" I teased him. "What are you doing step bro?" I said in a seductive way and he frowned. Napatawa ako ng malakas dahil gulat na gulat siya!
"Joke lang eh!" I said.
"Nanunuod ka pala niyan ah!" Sabi niya at napatawa naman ako lalo.
"Eh kayo nga mga lalaki ay nanunuod so dapat kami rin mga babae no at isa pa saan ang gender equality kung kayong mga lalaki diring-diri kayo na malaman niyong nanunuod kami tapos kayo sarap na sarap pag nanunuod!" Sabi ko sa kanya at napatawa siya.
"Hoy hindi naman ganun! It is so unusual to hear that girls watch that kind of stuff eh." He explained and I snorted.
"Sos arte niyo." I said at napa-whatever nalang siya.
Nagkwekwentuhan pa kami. Naabutan kami ng alas otso sa SM Seaside kaya inaaya ko na siyang mag Starbucks.
"Ano sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Javachip nalang." He replied and I nodded.
"Isang javachip at Iced white chocolate mocha. For the pastry naman is two orders of Butter Croissant." Sabi ko sa cashier pagkatapos ay inulit niya ang order namin at tinanguan ko nang tama ang nasabi niya. We waited for a minute to call us.
"Picture tayo!" I said to him and he happily agreed. Nilabas ko ang cellphone ko at nagselfie kami.
"Wacky naman!" Suggest niya.
"Nagwacky ka na Jared." Asar ko sa kanya.
"Ang kapal ha." Sabi niya at tinawanan ko naman siya.
Ilang take rin kami nagselfie at pagkatapos nun ay saktong tinawag na kami para kunin ang order namin. Habang iniinom ang frappe ay tiningnan ko ang picture namin, tuwang tuwa pa akong tingnan isa-isa iyon. Hanggang sa hindi ko inaasahan ang nakita ko sa isang rebultong nakaupo sa likuran namin.
Dahan-dahan kong nilingon ang pamilyar na lalaking nakaupo sa likuran namin. Nakasuot ng leather jacket at puting sanina sa loob habang itim ang pantalon.
"Sir, pakitaas po yung sunglasses at facemask niyo." Narinig ko ang pag-usap ng guard sa Starbucks kay ginoong nakaitim. Itinaas niya ito at saktong pagtaas niya ng kanyang sunglasses ay nagtama ang paningin namin!
He freaking smirked! Agad akong napaiwas ng paningin sa kanya at inaabala ang sarili sa inumin at pagkain. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Jared!
"Hey, are you okay?" He asked when he saw me startled.
I nodded. "O-of course! May naalala lang. Anyway ano nga iyon?" I shift the topic.
"Yun na nga! Ang hirap ng mga minor subjects namin, tapos napaka demanding pa ng prof namin!" Sabi ni Jared at tumango naman ako. Hindi ko masyadong matuon ang atensyon sa kanya dahil kinakabahan ako! Akala ko ba tapos na ang nangyari kanina, hindi pa pala tapos ang gabi!
"O-oh talaga?" Utal kong sabi at nagpatuloy pang dumaldal si Jared. Ngiti at tango lang ang sinusukli ko dahil iba ang nasa isip ko, iba ang iniisip ko.
"Anyway, nagkaroon ka na ba ng boyfriend Yanna?" Tanong ni Jared.
"Oo naman." I chuckled. "Hindi na kita tatanungin dahil siguro ay hindi mo mabilang ang mga naging babae mo noon." I teased him at napasimangot naman siya.
"Sana ay tunog selos nalang iyan at hindi tunog pang-aasar." He pouted at napatawa naman ako sa kanya. "Malay mo last na kita." He smirked and I scoffed.
"Lokohin mo na ang lahat ng babae at huwag ako. Alam ko na ang mga linyang yan Jared at hindi na yan luma sa akin."Sabi ko sa kanya at umiiling naman siya.
"Hindi ah! Tingnan lang natin, Yanna..." Sabi niya at tinawanan ko nalang siya.
Alas nuebe kaming natapos sa Starbucks, inaya ko na siyang umuwi dahil malalim na rin ang gabi. Tiningnan ko ang upuan sa likuran ko nang tumayo ako kung nandoon pa rin ba ang lalaki ngunit wala na ito. Napa bugha naman ako ng hininga dahil kanina na rin ako kinakabahan sa tuwing nakita ko o nararamdaman ko ang kanyang presensya. Parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya at mahirap yun bayaran, yan an parati kong nararamdaman.
"Ako na maghatid sayo." Sabi niya at tumango naman ako.
"Syempre no." I chuckled and he laughed.
As we walked to the parking lot naramdaman ko ang kamay niya, hinawakan ang kamay ko at para bang ingat na ingat siyang hawakan iyon. Sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ay paniguradong namumula na ang pisngi ko.
"Chansing ka ha." Sabi ko sa kanya at napatawa siya. Hawak niya ang kamay ko hanggang sa nakarating kami sa sasakyan niya. Doon niya lang binitawan nang sumakay na kami.
"Nga pala, saan ang sasakyan mo?" Tanong niya sa akin.
"A-ah iniwan ko sa University, you asked me for a dinner eh." Kinakabahan tuloy ako!
"Ahh buti naman pumayag ka." He said.
"Oo, vacant ako eh." I said while I put my seatbelt on. Pinainit niya muna ang engine ng ilang segundo hanggang sa hinatid niya na ako pauwi.
Tiningnan ko ang kalangitan, napaka-ganda ang buwan at kumikinang ang bituin. Makikita mo rin sa malayo ang syudad ng Cebu City. Ang city lights ay kay sarap tingnan sa mata, kahit iba't-iba ang ilaw nito ay mas napaganda pa ang gabi dahil sa tanawin ng Cebu. Ang sarap nito lalo na kapag kasama mo ang taong sasama sayo sa hirap at ginhawa pero kung iisipin ko pa lang na baka kagaya lang ito ni Daddy ay mas mabuti pang mag-isa ko ito tanawin.
"Aliw na aliw ako sa city lights dito, ang ganda no?" Pambukas ko ng usapan kay Jared.
Tumango siya. "Yan din ang hinahangaan ko rito sa lugar namin, ang ganda nga ng tanawin, maswerte talaga at taga Cebu tayo. Hindi lang syudad ang mayroon kundi may bukid at preskong dagat pa!" Napatango naman ako sa kanya.
"Oo nga! Totoo yan! Tapos ang dami pang magagandang view na pwedeng puntahan no?" Sabi ko sa kanya.
Nagkwentuhan muna kami at habang nakikinig ako sa kwento niya ay napatingin ako ng side mirror niya sa banda ko. Akala ko ay namalik mata lang ako o inaantok pero sigurado ako na iyon yung sasakyan na nakita ko kanina! Hindi ako pwedeng magkamali dahil kasunod lang namin nito.
Mas lalo akong kinabahan na paliko kami ay sumunod din ang sasakyan na nasa likuran namin. Madalas lang kasi ang may dumadaan dito at kadalasan ay taga village lang namin. Impossible namang taga rito siya eh hindi ko naman siya napapansin o nababalitaan dito!
"Saang block ka?" Jared asked.
"A-ah a-ano, block 5 lot 3." I said.
"Sa Santa Cruz na sign board ba?" Sabi niya nang makita iyon at tumango naman ako.
Nakarating kami sa tapat ng bahay namin, tiningnan ko ang side mirror at likuran namin pero wala na ito. Tinanong niya pa ako kung nandoon ba ang parents ko but I said that my mom went to Davao.
"Yung daddy mo?" He asked and napatigil ako.
"Hmm?" Hindi ko alam anong isasagot ko at mukhang nakuha niya naman.
"I'm sorry for asking, it's okay if you cant answer, papasok sana ako para pormal na magpakilala pero di bale pag nandito na mommy mo bibisitahin ko kayo." He said.
"Y-yeah sure!" Why did I just stutter?
"Nga pala, bukas ng umaga ay wala naman ang sasakyan mo kaya pwede bang kunin kita para ihatid?" He offered me for a ride tomorrow!
"Sure, pabor pa yun sakin!" I chuckled.
"Oo naman! Anyway, I really had a great night with you Yanna. I hope we could do this again soon, goodnight and see you soon." Nagpaalam siya at nag goodnight din sa kanya. Sumakay siya sa kanyang kotse at hinihintay ko siyang umalis. Kumaway ako sa kanya.
"Magtext ka kapag nakauwi ka na ha!" I shouted and he nodded. Ilang minuto ay umalis na rin siya habang ako ay papasok na sa bahay namin nang may humablot sa kamay ko!
"Ano ba!" Sigaw ko dahil sa gulat! Tiningnan ko ang taong humablot sa braso sa akin at laking gulat ko ay ang lalaking namamahiya sa akin nung isang araw!
"We need to talk." He said in a deep voice.
Kyle Eliott is in my freaking house!