Chereads / Under the City Lights / Chapter 6 - Chapter 4

Chapter 6 - Chapter 4

"Kilala mo ba yun?" Jared asked me and I shake my head as a sign of disagreement. Jared offer me to carry the things that I bought from the grocery but I refused. It is not too heavy naman, kaya ko rin naman buhatin iyon.

"Sino kaya yun? Ang yabang kong makaasta." He scoffed. Tinawanan ko nalang siya at sinabihan na hayaan nalang dahil may ganoon talagang mga tao which is hindi natin maiiwasan iyon.

Pumunta kami sa parking area para sumakay na sa sariling sasakyan habang siya ay parang hindi mapakali. Minsan ko siyang nilingon and he looks like he has unsaid thoughts to be said so I asked.

"May sasabihin ka ba? Sabihin mo na malapit na ako sa sasakyan ko." Prangka kong sabi ngunit may ngiti pa rin sa labi.

"Are you free tonight? Cinema tayo, libre ko." He asked nervously, his stares is so intense. I scratch my upper right head, hindi ako pwede nito.

"Next time nalang Jared, may a-assignment kasi ako." Nauutal pa ako! Sana hindi mahalata na nagpapalusot lang ako. He sighed, he looks defeated but I didn't mind.

"Oh, okay lang Yanna marami pa namang next time eh hehe." He chuckled. I bid him my goodbye's. Ayaw ko ng patagalan iyon, ayaw ko na ilunod ang sarili ko sa mga patibong niya dahil mahihirapan akong isasalba ang sarili ko sa sakit.

Nagdrive na ako patungo sa bahay nang tumawag si mommy.

"Mom!" I said excitedly when I answered her call.

"Yanna! Anak! How are you there?" Pangangamusta niya sa akin.

"I should be the one who will ask you that question mom, how are you?" I asked her.

"Ayos lang naman anak, ang ganda ng view dito sa Davao nga eh! We should take a vacation here. I will bring you here once summer started." She looks so happy and overwhelmed with the view. Iyan lang naman ang hinihiling ko para sa mommy ko eh, ang maging masaya siya at makalimutan kahit panandalian lang dahil sa ginawa sa kanya ni daddy. Mahirap man magsimula ulit na kami lang dalawa pero sapat na iyon para huwag lang siya saktan.

"You should be happy mommy, you deserve that." Hindi ko na namalayan na napaluha na ako. I sobbed while I utter those words at nakakahiya dahil isang beses niya akong narinig umiyak sa call!

"Are you crying?" She asked worriedly.

"H-huh? Hindi ah! Yang audio niyo ata yan mommy!" I denied, ayaw kong mag-aalala siya dahil maayos naman talaga ako. Aside from the fact that my father whom I thought will never hurt me.

"Gianna, anak, pasensya na ha? Tinatawag na ako ng mga kasama ko rito mukhang magshoshopping daw kami." She chuckled and I smiled even though she didn't saw me smiling.

"It's okay mommy! Mag enjoy ka riyan, kahit mag-extend ka pa. Sige na mommy I am driving eh, bye I love you!" I hang up immediately the call kahit may sasabihin pa siya but I did it on purpose, she should enjoy herself there.

I focus on driving at nagsound trip nalang sa car ko, I love this moment in my life. Self care or quality time sa sarili, dito ko makikita kung paano ko iningatan ang sarili ko at mahalin lalo ang sarili ko. Hinayaan kong makisabay ang sarili ko sa kanta at na-enjoy ko naman ito. I went home safely and bring all the things I brought from grocery.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mapansin kong may text message ito.

Mommy

Yanna, why did you hang up the call? I didn't tell you that I love you too, hmp! Anyway, if you have something to open up, mommy is open ears to you okay? Mommy will listen to you, kung gusto mo umiyak handa ako umuwi ng Davao just to let you feel that mommy is at your side, you can lean on my shoulder anak kung hindi mo man kaya. Mahal na mahal kita, Gianna. Ikaw lang ang pinaka importanteng tao na pinaniwalaan ako, na hindi ako bibiguin at iiwan. Mag-ingat ka, anak<3

Ang taray may pa heart emoji pa.

Napatawa ako sa kasweetan ng ina ko pero napaluha na naman. Mabuhay talaga ang mga ina, there love to their children is unconditional. Iba magmahal ang mga ina.

After kong magdrama ay dumeritso na ako sa kusina at nagluto ng makakain, I made a chicken vegetable salad at one can bottle of four season fruits juice. Napaka productive ko naman kaya naubos ko kaagad ang ginawa ko.

Wala akong ibang ginawa nung maghapon ay magbasa ng mga novel or hindi kaya ay mag advance reading. Nung kinagabihan ay nag drive thru ako ng Jollibee pero malas na ang lumapit dahil sira daw ang machine sa drive thru kaya pumasok ako sa loob at nag-order ng burger steak at chicken joy.

"Take out, maam?" The crew asked me and I nodded. I waited for 5 minutes when my number called. However, a man bumped to me kaya nagulat ako. Tiningala ko ito at pamilyar ang kanyang hoodie. This is the man who bumped my cart and Jared's cart! He looked at me too with eyes widened.

"I told you to w-watch w-where you going!" He stutter and I scoffed.

"Kanina ka pa ha." I said it in a cold way but I am trying to control my words. Calm down Yanna, this is not Canada.

"Ikaw yung kanina pa! I walked towards to get my order at sa tuwing nandoon ako sumusulpot ka! Stalker ka ba?" He said, napatingin na ang karamihan sa loob ng Jollibee kaya I defend myself.

"What the fuck? Are you accusing me? Shuta lang baka ikaw yung sunod ng sunod sa akin eh! Hindi kita kilala, tanga ka ba? Isa pa, number ko ang tinawag kaya wag mo akong sabihan na stalker ako. Nakakadiri ka!" I said it with all my feelings!

Pero ang gago talaga ng lalaki, imbes rumespeto ay tatawanan ka pa. He smirked and my eyebrows furrowed.

"Hindi mo ba ako kilala?" He asked and took his facemask off but I am curious with other people's reaction! Nilabas pa ang camera para picture-an siya o videohan! This is ridiculous!

"Sino ka ba? Hindi kita kilala! Isa pa ay wala akong balak kilalanin ka kaya tigilan mo ako, okay? Kung sikat ka, matuto kang dumistansya para hindi ka pagpyestahan ng mga tao. Nakakahiya ka kung influencer or artista ka man, hindi ka magandang ihemplo sa mga tao!" Mariin kong bulong sa kanya at pumunta agad sa counter para kunin ang order ko, binigay ko ang aking receipt sa cashier at kumpirmadong akin nga iyon. Pinag-titingnan pa rin ako ng mga tao at sa ginoo na iyon habang hawak ang camera kaya binilisan ko ang lakad ko at yumuko. Nilampasan ko ang lalaki at kulang nalang ay tumakbo papunta sa aking sasakyan.

Nang makarating ako sa sasakyan ko ay nakahinga ako ng maluwag, hindi ko na namalayan na ang bilis na pala ng tibok ng puso ko! Shuta!

Nagdrive na ako papunta sa bahay at para akong nakalutang, na naglakad. Nawalan tuloy ako ng gana kumain ngunit kailangan ko kumain kaya pilit kong isubo iyon. Hindi ko ma proseso ang nangyari kanina, hindi ko kilala ang ginoo kaya ako ay naguluhan sa mga kilos ng tao sa Jollibee kanina. Sikat ba talaga siya?

Imbes na magmovie marathon ako ay balak ko nalang matulog dahil pagod din ako, I do my night routines and went to sleep.

Maaga akong gumising, alas otso at sakto na iyon para maghanda at travel time papunta school. Hindi ko na binuksan ang social media ko, I want to start my day healthy at ayaw ko muna makigchismisan! Nandoon na ang mga katulong namin, hindi na ako nagpapahatid sa driver namin dahil mas trip ko magdrive ngayon. The weather is great!

Pumasok ako ng University na may ngiti sa labi ngunit ako ay nagtataka sa mga kinikilos ng ibang studyante.

"Siya yun no?"

"Hala siya yung nasa live kagabi ah!"

"Trending na trending talaga siya kahapon no? Jusko nakakahiya naman nun"

"Kung ako naman sa lugar niya ay gaganuhin ko rin naman siya no!"

Ako ba ang pinag-uusapan nila? Hindi ko na sila tinignan at tumakbo akong nakayuko papunta sa classroom. Nakita ko sina Cheska at mukhang may inaabangan sa bukana ng classroom at nung nakita nila ako ay tumakbo sila palapit sa akin.

"Ayos ka lang ba, Yanna?" Tanong ni Cheska.

"Inaano ka ng gagong yun ah?!" Laurel asked.

"Unsubscribe ko na yun, Yanna promise!!" Kelly raised her right hand.

"Uncrush ko na rin yun. Yanna! Ang pangit ba naman ng ugali jusko!" Lacey exlaimed.

Hindi ko sila na gets so I stared them confusedly habang sila ay patuloy na tinatanong kung ayos ba ako. Hindi ako makasagot dahil hindi sila tumigil kaka tanong.

"Sandaleeee!" I shouted. My blockmates joined us too, nakikiintriga.

"Ano ba ang nangyari? Ayos lang ako!" I said. And their forehead creased.

"Gianna, nagtrending ka kagabi! May nag live kasi at nakaaway mo si Kyle Eliott sa Jollibee." My blockmate said, si Arianne.

"Yes Yanna! Sabi pa niya, papansin ka raw." I frowned with that!

Marami pang nagsumbong sa akin. May nagcomment pa na papansin daw ako, nagpapalandi, attention seeker at nababaliw na sa pagiging fan girl kay Kyle Eliott. Sila ata baliw eh! Eh hindi ko naman kilala siya!

Nanahimik ako buong araw at hindi ako nagpaliwanag kahit sa mga kaibigan ko, nakaka walang gana naman ngayong araw. Nung nag recess ay nakisuyo nalang ako kina Cheska na bilhan ako ng makakain. They didn't take my money dahil yan daw talaga ang plano nila, bilhan ako ng makakain. I stayed at my seat, nakatungo lang at nilaruan ang ballpen ko. I tried to open my twitter pero hindi ko kayang buksan ang account ko dahil ang dami ng retweet ng video live.

Nadagdagan pa ang mga bash sa akin, stinalk ko rin ang naglive namin kagabi. Dummy account iyon at first post pa niya. Kadalasan ay mutual friends naming taga USJR lang kaya kutob ko ay she is from USJR.

I sighed and off my phone. Nakakahiya!

Napapikit ako at minamasahe ang ulo ko, ang dami na ngang problema dumagdag pa to! Napatalon ako sa gulat nang may tumabi sa akin.

"Uh Yanna, yung research pala natin." Quinna spoke to me at tatango na sana ako nang may tumawag sa akin.

"Gianna! Tinawag ka ng mga taga Engineering Department, tawag ka ni Jared daw." Napahagikhik naman siya and I mentally rolled my eyes. Bukas naman ang pinto kaya sinilip ko nalang iyon.

Nakatayo si Jared at ang mga ibang kaibigan niya sa may hallway hawak ang pulang rosas at may kasama pang pagkain. This is not what I want! I hate gifts!

"Yanna, we should start this huwag mo ng eentertain yan." Dumagdag pa tong si Quinna.

"Kunin mo Quinna." Utos ko sa kanya habang nagscascan ng pwedeng ma research topic namin. I looked at her and she blushed.

"H-huh? E-eh hindi n-naman sa a-akin yun Yanna." Napautal pa pero mukhang ginusto naman, iirapan ko pa sana siya but I didn't.

"Kunin mo na, sabihin mo gumagawa tayo ng research. Bilisan mo." Pamamadali kong utos sa kanya at mukhang nagnamadali siyang magmaganda, inaayos ang buhok at tinignan ang sarili sa kanyang maliit na salamin. Naglakad siya na para bang Maria Clara ang datingan at napatawa nalang ako sa kanya. Patay na patay.

"U-uh J-jared, sabi kasi ni Y-Yanna na kukunin niya ang b-binigay m-mo. Gumagawa kasi kami ng research eh medyo busy." I observed her, she sounds so sweet when she is around with Jared.

"Pakisabi nalang Quinna na kukunin ko siya at ihahatid ko siya ngayon. Thanks." I heard Jared spoke so fast to Quinna! Napamaang naman si Quinna at mahigpit ang hawak sa rosas at pagkain. She frowned and her body froze!

"Akala niya ata sa kanya yan."

"Desperada kasi, sis."

"Illusyunada kamo."