Chereads / Under the City Lights / Chapter 5 - Chapter 3

Chapter 5 - Chapter 3

Nasa Serenitea kami ngayon, habang nag-aantay ng order ay nagkwentuhan muna kami. Taro Milk inoorder ko.

"Ano inorder mo para sa akin Lau?" Tanong ni Lacey sa kakambal niya.

"Brown sugar fresh milk hollys." Sagot ni Laurel.

"Eh sayo?" Tanong ulit ni Lacey.

"Cookie Brulee Milk tea"

"Ha? Nag milk tea ka? Bakit hindi mo sinabi! Sa akin nalang yan sayo na yang brown sugar." Ngisi ni Lacey at hinampas naman siya ni Laurel.

"Ilang araw na akong nagcrave nito, Lacey. Tigilan mo ako bahala ka." Napasimangot naman si Lacey.

"Ikaw girl?" Tanong ni Kelly kay Cheska.

"Green apple yakult." Sagot naman ni Cheska. "Sayo sis?"

"Strawberry Dream Cheese Frost." Sagot ni Kelly.

"Sayo Yanna?" Angas na tanong ni Lacey sa akin.

"Taro Milk lang." Sagot ko naman. Nagkwentuhan muna kami habang nag-aantay ng mga order namin.

"Napanood mo ba yung vlog ni Kyle at yung ka love team niya?" Napatingin ako sa tanong ni Kelly kay Lacey. Hindi ko alam o sino ang pinag-uusapan nila kaya iniwas ko ang tingin sa kanila.

"Oo naman subscriber nila ako no! Si Kyle Eliott at Zendaya Vivienne." Napasigaw pa si Lacey, mukhang die hard fan nga. Uso pa rin pala yan sa college?

"Tumahimik ka nga Lacey! Parang hindi mo naman nilalait si Vi! Si Kyle lang naman gusto mo sa kanila at hindi ang love team nila." Laurel rolled her eyes at her twin sister kaya naman napatawa ako.

"You know them?" Lacey asked me.

Umiling kaagad ako. "Nope, I really don't watch life vlogs of others. Prefer ko yung make-up vlog eh." I chuckled.

Nagkwentuhan muna kami tungkol sa vlog ni Kyle Eliott daw. Totoo ngang crush ni Lacey iyon pero sabi niya naman hanggang sa paghanga lang dahil matangkad daw ito. Laurel and Lacey are tall too kaya naman they prefer tall man. After few minutes ay dumating na rin ang order namin pero pinagtuloy pa rin ang chicka sa vlog ni Kyle Eliott.

"You know what? I saw Kyle Eliott too, may business meeting kasi sila mommy noon then nasa isang hotel building lang kami nina Kyle! Kaya na starstruck talaga ako noon sa kanya! Kung matangkad ako grabeh yung katangkaran ni Kyle sis." Kwento ni Cheska and Lacey pulled her hair kaya napa-ouch si Cheska.

"Girl, ang tagal ko ng naging fan girl ni Kyle tapos hindi mo naman chinicka sa akin? Ang plastic mo naman maging kaibigan!" Lacey exclaimed at napatawa naman kami sa kanya.

"HAHAHA oo nga Che! Why you didn't told us?" Laurel asked.

"I forgot na rin eh! I think final exam natin yun last year tapos napilitan lang din naman ako sumama pagkatapos nun ay exams and nakalimutan ko rin." Cheska explained and I nodded. While Lacey is still not convinced.

"Sos! Madamot ka lang eh!" Napatawa kami at busangot naman ang mukha ni Lacey.

Ilang oras din naman ang lumipas at naubos na namin ang inoorder namin kaya napagdecisyunan naming magsiuwian na. Dala-dala ang mga sariling sakyanan habang si Lacey at Lau ay iisa lang dahil tamad daw si Lacey magdrive.

"Ginagawa mo talaga akong driver! Or hindi kaya inuubos mo allowance ko sa gas, alam mo namang mahal ang gas, Lacey!" Reklamo ni Laurel habang papunta kami ng parking lot.

"Puro ka na naman reklamo eh papasakayin mo pa rin naman ako! Wag kang mag-aalala bukas ay ako magpapagas ng sasakyan mo basta ikaw na ang magdrive." Sabi naman ni Lacey at ni ngiwian lang ni Laurel ang kapatid.

Nakarating na ako sa sasakyan ko kung saan pinark ko at nagpaalam na ako sa kanila na mauna dahil ako ang pinaka malapit nakapark. We bid our goodbye's at magkikita naman kami ulit ngayong monday. Habang iniinit ko muna ang engine ay tiningnan ko ang phone ko kung may notifications or text.

Mommy

Hi anak! Sorry ngayon lang kita nareplayan, na busy kasi ako eh. Don't worry, I'll be safe. Ikaw din mag-ingat jan, mahal ka ni mommy Yanna:))

Napangiti ako sa text ni mommy at nagtipa rin ng text. Tiningnan ko ang iba at nakita ko ang isang text message galing kay Jared.

Jared Pangit

Yanna, lunch tayo this coming monday ulit? My treat!

Napa buntong hininga nalang ako. Mamaya ko nalang siguro replayan. Nagdrive na ako patungo sa bahay at nag-isip-isip.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong meron sa puso ko at bakit tumitibok pag siya na ang nagtext or tatawag, pero yung isip ko naman ay sinasabing titigilan ko na ang ginoo. Hindi ko maiintindihan, sumasabay lang din naman ako sa agos ng tadhana. Kung saan ako nararapat at magiging masaya, lalakarin ko ito dahil dito magiging maganda ang kinabukasan ko.

Ayaw ko matulad nila mommy, gusto kong mahalin ng mga anak ko ang kanilang ama, gusto ko maging completo ang pamilya kong walang sakit na dinadanas. Gusto ko pag may problema ay mapag-usapan, gusto ko yung malayo sa temptasyon at gusto ko yung mapagkatiwalaan.

Perpekto man pakinggan at mataas ang standards pero gusto ko ganito ang magiging kasama ko sa habang-buhay. Oo, bata paman ako ay nangangarap na ako ng ganito at hindi sinasabayan ang laro ng mga lalaking manloloko pero mahirap bumuo ng pamilya at sa katunayan pa nga ay hindi pera lang ang pag-uusapan. Marami pang pundasyon na maaring simulan pag pamilya na ang pinag-usapan. Kaya wala akong oras sa laro na yan dahil iisipin ko pa lang ang magiging kinabukasan ko at ng aking anak ay baka papalpak ito dahil sa laro, hindi ko na alam kung saan ako magsisimula.

De bale ng mahirapan ako ngayon, sasarap din naman ang buhay ko sa lahat ng sasakripisyohin ko.

Nakarating na ako at wala akong ibang iniisip kundi iyon lang. Pumasok na ako ng bahay at dumeritso ako ng bathroom para maghalfbath at magskin care para maghanda matulog. Tinapos ko rin naman ang mga assignment ko school nung may vacant ako tuwing tapos ang discussion. Kaya naman ay wala na akong pinoproblema, isa pa ay walang pasok bukas kaya free ako gawin ang kung ano.

Nakatulog ako dahil na rin siguro pagod ako mentally. Gumising ako alas nuebe na at day-off lahat ang mga katulong namin kahit yung driver. I checked the fridge if may magpaglutuan ako ngunit isang mansanas lang ang meron, hindi naman ako pwede kumain ng mansanas lang sa umaga lalo't lalo na ay kakagising ko lang. Tinatamad naman ako magluto kaya I think something to make my body productive.

Napa-isip ako at iyon ang pag wowork-out, may gym naman ang subdivision namin. We can access it for free at kilala ko na rin ang taga bantay doon. I changed my clothes into gym outfit.

Isang white nike sports bra ang top ko habang black leggings ang bottom. Dinala ko na rin ang croptop hoodie ko na binili ko lang last week sa SHEIN. Suot din ang white nike sneakers shoes at pinusod ko ang aking buhok. I also brought my water jug and a clean towel to wipe my sweat later. Hindi na ako naliligo at balak ko rin naman lumabas pagkatapos maligo.

Nagwawarm-up muna ako at nagjogging papunta sa gym, hindi naman sobrang malayo sa subdivision namin pero sapat na itong pagpawisan pag nagjojoging ako. Nakarating ako sa gym and luckily hindi ito masyadong matao. Dahil din tamad ang mga tao rito walang balak mag work out.

A woman called my name.

"Gian!" Since we came here my neighbors called me Gian instead of  Yanna. I didn't against din naman dahil sa kanila na nila iyon.

"Ate Chemay!" I greet her back.

"Work out ba? Aba sexy ka na beh ah!" I am flattered kaya naman ay nagblush ako. I didn't expect that! I gained weight nga eh.

"Hindi po ate Chemay! I gained weight nga eh, madalas akong nagstrestress eating ngayon dahil yan lang po ang comfort food ko." I pouted.

"Sos, hija mas maganda pa rin yung uunahin mo ang pagkain para sa sarili mo kesa naman ay mawawalan ka ng malay dahil sa pagpapasexy mo! Maganda ka na Gian, marami ng naghahabol sayo rito." Nagcompliment pa jusko. Tinatawanan ko nalang siya and I end up agreed with her. After that I started my work out.

Isang oras at kalahati rin ako doon at sa nagdaang oras na nagwowork-out ako ay parami ng parami ang mga tao lalo na ang mga kalakihan para magwork-out. May sumubok na lapitan ako ngunit iniiwas ko ang sarili ko o hindi kaya sinasabihan ko lang na "I'm married". I laughed at my own mind while I say that two words. Sino ba naman kasi yung asawa ko at isa pa 22 years old pa ako, masyado ba akong atabs para magpatali!

Alas onse na akong bumalik sa bahay ay nagpahinga lang saglit. May shower room naman sa gym unfortunately I didn't bring a spare of clothes. After 10 minutes of cooling down and wiping my sweats, I proceed to the bathroom, naligo, nagtoothbrush at nagskin care. Nag-isip-isip ako kung ano ang ikakain ko ngayon lunch kaso isang mansanas nalang ang natira sa fridge kaya napagdecisyunan kong pumunta nalang sa pinakamalapit na grocery store.

I wear a printed tee loose t-shirt and pair it with maong shorts. I wear my nike white shoes and blow my hear to tie it in a messy bun. I also wear my sunglasses and bring a wallet with me.

At dahil nga wala ang driver namin, I independently buy my needs to eat ngunit napatingin ako sa cellphone ko nang may nagtext.

Jared Pangit

Goodmorning Yanna! I hope you do well:))

I sighed. I don't want to give false hope kaya I didn't reply back to his messages at hinayaan nalang iyon.

Nakarating din ako sa grocery store at nagkuha ng mga gulay-gulay at chicken breast. Plano kong gumawa ng chicken salad. Nagtingin-tingin din ako ng mga chips at maiinom dahil balak kong mag netflix sa amin ngayong gabi para naman may magawa ako. Excited akong magbayad papuntang counter dahil ang dami kong plano sa isip ko mamaya sa bahay. Habang papunta na ako sa counter para mag bayad ay may nabunggo sa akin na cart.

"Ay hala sorry!" I intentionally said, kasalanan niya naman pero ganun talaga ako mas ako pa ang naunang magsorry.

Napatingin ako sa taong nakabunggo sa akin. Isang lalaking nakasuot ng gray hoodie at white sweat pants, suot din ang black facemask. Napakunot ako ng noo, ang init-init tapos naka takip lahat sa katawan.

"Watch where you going." Napamaang ako sa lalaking nakabunggo sa akin at umalis siya, my body froze of what he said! How dare he is! Siya ang may kasalanan, kung makaasta siya ay parang sa kanya ang grocery store!

Naglakad nalang ako patungo ng counter para magbayad, kinuha ko lahat ang mga binili ko para ilagay sa counter at habang kinuha ko lahat ay mayroong kumuha ng atensyon ko.

"Gianna!" Lumingon ako sa lalaking tumawag sa akin.

Nagulat ako nang nandoon din pala si Jared. "Jared?" My eyes are widened! Ang unexpected naman, nakakahiya dahil hindi ko naman siya nireplayan.

He walked towards me and he smiled widely habang dala-dala ang cart ngunit napatigil siya nang may bumunggo sa cart niya.

"Sorry but I came first." A man who wore gray hoodie and white sweat pants with black face mask interrupt us again. He stared me so cold and my body froze!

What the heck is wrong with this guy?