Chapter 8 - Chapter 7

Gabriel's Pov

"Gabriel..."

"Oh yun naman pala eh. Sumabay ka na sa aming hapunan iho para makilala ka din namin." sabi ng lolo ni Ella.

"Sige po salamat po." sabi ko.

Inalalayan ko si Ella na makaupo sa hapagkainan saka ako umupo sa tabi nya. Naghain na ang mga katulong ng pagkain. Ipinaglagay ko ng pagkain si Ella sa kanyang plato. Ipinakilala ng lola ni Ella isa isa ang mga taong na nanduon.

"Iho, saan ka nga pala nakatira at ano ang trabaho mo?" tanong ng lolo ni Ella.

"Sa Manila po. Isa po akong neurosurgeon sa isang ospital." sabi ko.

"Ganun ba iho, maige naman at maganda ang trabaho mo. Mabubuhay mo na ang magiging pamilya mo." sabi pa ng lolo ni Ella.

Napansin kong hindi nagsasalita ang mga magulang ni Ella. Nakatitig lang ito ng masama sa akin.

"Kelan kayo mamamanhikan? Kung maaari sana ay sa lalong nadaling panahon para naman nandito kami ng lolo nya." sabi ng lola ni Ella.

"Kung gusto nyo po bukas na bukas din. Sasabihan ko lang po ang mga magulang ko." sabi ko. Napatango naman ang mga lolo at lola ni Ella.

"Grandma, Grandpa, pwede ko po ba munang kausapin si Gabriel?" tanong ni Ella.

Inaya ako ni Ella sa kwarto nya. Tutal tapos na akong kumain kaya nagpaakay naman ako. Pagkapasok namin sa kwarto ay pinaupo ako ni Ella sa kama nya habang siya ay nakatayo sa harap ko.

"Nababaliw ka na ba? Magpapatali ka sakin dahil sa bata? Sigurado ka bang sayo to?" tanong ni Ella.

"Sigurado akong akin yan. Alam ko naman na hindi ka basta basta napatol sa mga lalaki at isa pa ito ang dapat tamang gawin." paliwanag ko.

"Pero hindi mo ako mahal. Paano kung makita mo na ang mamahalin mo. Iiwan mo kami ng anak mo?  Ayoko ng ganun Gabriel." sabi nya.

"Sino bang maysabi sayo na hindi kita mahal? Seryoso ako sayo Isabella. Una pa lang kitang nakita na naglalasing sa club ay nabigyani mo na ako. Gusto kitang pakasalan Ella, hindi dahil sa bata o sa sabi ng mga kamag anak mo. Dahil sa gusto kitang makasama habang buhay. Maniwala ka man o hindi yan ang nararamdaman ko sayo." sabi ko.

"Alam mo kanina pa ako naguguluhan sa tawag mo sakin. Isabella ba o Ella. Ella na nga lang kasi." naiiritang sabi nya.

"I prefer sweetie instead of Ella. So ano payag ka na bang pakasal sakin? Huwag kang mag alala, gagawa ako ng paraan para mahulog ka sakin at mahalin ako ng sobra." tanong ko.

"Natatakot ako Gabriel. Ayokong madamay ka sa mga nangyayari sa akin." sabi ni Ella.

"Sweetie, hindi ako pupunta sa isang giyera ng hindi handa. Inalam ko kung ano ang mga nangyari sayo. Mabuti na lang at sinabi nila Jordan ang kalagayan mo dito. Tignan mo nga yan pisnge mo, may bakat pa ng pagkakasampal at yang sa braso mo may pasa at kalmot ka pa. Akala mo hindi ko mapapansin? Doktor ako sweetie at alam ko kung sadya yan o hindi." malumanay na sabi ko. Ayokong magalit dahil baka matakot lang si Ella.

"Pero Gabriel....." hindi ko siya pinatapos pa sa pagsasalita.

"Huwag mo akong alalahanin na madadamay ako. Kaya ko ang sarili ko. Kapag nakasal na tayo ay sisiguraduhin ko na ligtas ka sa puder ko. Wala nang mananakit sayo at mamahalin ka namin ng buong pamilya ko." sabi ko.

"Paano ang pamilya mo? Matatanggap kaya nila kami ng anak natin?" tanong ni Ella.

"Matutuwa ang buong pamilya ko sweetie. Kung alam mo lang sabik na sabik silang magkaroon ng bata sa bahay namin. Huwag kang mag alala mababait ang pamilya ko." sabi ko.

"Natatakot ako Gabriel." sabi nya.

"Halika nga dito. Umupo ka sa tabi ko." umupo naman siya sa tabi ko. Inakbayan ko siya at inihilig ang ulo nya sa balikat ko.

"Hayaan mo akong tulungan kita. Ginusto ko ito. Huwag kang matakot." sabi ko sa kanya. Naramdaman kong humihikbi siya. Inalis ko ang pagkakapatong ng ulo nya sa balikat ko at iniharap ko siya sa akin at hinawakan ko ang pisnge nya.

"Bakit ka naiyak?" tanong ko.

"Kasi ngayon lang may nagsabi sakin ng ganyan. Salamat Gabriel." sabi nya habang umiiyak.

Pinunasan ko ang mga luha nya at pagkatapos hinawakan ko ang kanyang labi. Hindi ko napigilang halikan siya.  Naging mapusok ang paghalik ko. Natigil kami dahil may nagsalita.

"Pinatatawag ka ni Grandma. May sasabihin ata sayo Ella." nakasimangot na sabi ng ate ni Ella.

"Baba muna ako Gabriel. Dito ka muna at magpahinga. May gusto ka ba? Juice, kape o tubig?" tanong ni Ella.

"Tubig na lang. Sige na bumaba ka na at naghihintay na ang ate mo." sabi ko. Nakabusangot pa din kasi ang ate nya.

Lumabas na sila ng kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang mga magulang ko.

"Hello Gabriel." bati ni Mama sa kabilang linya.

"Hello Ma, may good news ako sa inyo. Magkakaapo na kayo." sabi ko.

"Talaga iho! Naku ang sayang balita nyan. Teka tatawagin ko ang Papa mo. Emilio!" sigaw ni Mama sa kabilang linya. Ramdam ko ang saya sa boses ng aking ina.

"Emilio! Magkakaapo na tayo sabi ni Gabriel. Gabriel i laloudspeaker ko para marinig ng Papa mo." sabi ulit ni Mama.

"Hello anak. Totoo ba ang sinasabi mo? Huwag mo kaming bituin ng ganyan. Alam mo kung gaano kasabik ang Mama mo." sabi ni Papa sa kabilang linya.

"Ma, Pa, hindi ako magbibiro ng ganyang bagay. Tumawag ako para magtanong po sa inyo kung kelan kayo pwede para makapamanhikan po. Nandito ako sa Baler. Uuwi po ako diyan para sunduin kayo." sabi ko.

"Naku anak kahit bukas na bukas din. Sige umuwi ka muna dito para makapaghanda tayo ng mga dadalhin sa kanila. Hindi naman pwedeng pumunta kami diyan na walang dalang kahit ano. Emilio! Excited na ako!" masayang sabi ni Mama.

"O siya sige anak, antayin ka na lang namin dito. Mag iingat ka sa pag uwi." sabi ni Papa.

Pinatay ko ang tawag. Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard ng kama. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Akala ko masusupresa ko si Ella sa pagdating ko. Nasupresa nga siya pero mas nasupresa ako dahil sa pagbubuntis nya. Pumasok si Ella ng kwarto at naupo sa harap ko.

"Dito ka na daw maghapunan sabi ni Grandma. Kung gusto mo daw dito ka na sin daw matulog." sabi ni Ella.

"Si Granda mo lang ba ang maysabi? Ikaw gusto mo bang nandito ako?" tanong ko sa kanya.

"Siyempre pati ako." nahihiyang sabi niya.

"Naku sweetie, gustuhin ko man pero kailangan kong umuwi agad para makapaghanda para mamanhikan bukas. Dadaan muna ako sa ospital para ayusin ang ilang mga bagay dun." sabi ko. Napangiti ako nang makita kong nalungkot siya.

"Huwag kang malungkot. Babalik agad ako bukas." sabi ko. Tumango na lang siya.

Inaya ko na siya para bumaba. Kailangan ko nang magpaalam para makabalik kami agad bukas. Lumapit kami sa Grandparents nya na nasa sala.

"Grandma, grandpa uuwi na daw po si Gabriel." sabi ni Ella.

"Bakit naman iho? Maaga pa naman. Dito ka na maghapunan." sabi ng lola ni Ella.

"Kailangan ko muna po kasing magpaalam sa trabaho. Bukas naman po ay babalik kami para mamanhikan. Nasabi ko na po sa mga magulang ko." paliwanag ko.

"Ganun ba iho, o siya sige. Mag ingat ka pauwi ng Manila." sabi ng lolo ni Ella.

"Salamat po. Mauna na po ako." paalam ko sa kanila.

Inihatid ako ni Ella sa labas ng gate. Bago ako sumakay sa sasakyan ko ay hinalikan ko ng mabilis si Ella sa labi.

"Aalis na ako. Babalik agad ako bukas. Tawagan mo ako kung may kailangan ka. Eto, binilihan kita ng bagong cellphone. Sabi nila Alex iniwan mo ang cellphone mo sa apartment nyo. Nandiyan na din ang number ko." sabi ko.

"Naku hindi mo na sana ako binilihan ng cellphone." sabi nya.

"Gusto kong bilihan ka. Huwag ka nang umangal pa. Sige na aalis na ako at baka pagnagtagal pa ako ay mahirapan na akong iwan ka haha." masayang sabi ko.

"Sige ingat ka. Salamat Gabriel." sabi ni Ella.

Sumakay ako ng kotse at saka pinaandar ito. Nakita ko sa salamin na hinintay ni Ella na makalayo ako bago pumasok sa loob ng bahay nila.

Masaya ako sa nangyari. Akala ko mapapasabak ako sa pamilya ni Ella. Nagtataka lang ako kung bakit panay ang mga lolo at lola lang ni Ella ang nakikipag usap. Anong problema sa mga magulang ni Ella. Ganun na lang ba ang galit nila sa anak nila? Inaasahan ko na magwawala ang ama nya pero hindi nangyari. Bakit? Lahat sila tahimik at ang kuya ni Ella lang ang nakikipag usap sakin. Alam kong may mali, pero ano iyon. Malalaman ko din iyon pagkatapos ng pinagagawa ko sa kaibigan ko. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa pagmamaneho.