Chereads / Fallen for you (Gabriel dela Torre) / Chapter 12 - Chapter 11 (SPG)

Chapter 12 - Chapter 11 (SPG)

Gabriel's Pov

Isinama ko si Ella pauwi ng Manila. Hindi na ako pinigilan pa ng grandparents at kuya nya. Alam ko na mas gusto nila na isama ko si Ella lalo pa at nangyari ang insidenteng iyon. Mukhang walang alam ang mga lolo at lola ni Ella sa mga nangyayari sa kanya.

"Tulog na ba si Ella, anak? tanong ni mama pagkababang pagkababa ko. Inuna kong pakalmahin si Ella at nang makatulog ito ay saka ako bumaba.

"Yes ma." sagot ko.

"Kawawang bata mabuti na lang at nakatulog na siya. Kanina pa nag iiiyak sa sasakyan ang batang iyon. Matagal na bang kinakawawa siya sa kanila?" tanong ni papa.

"Sabi ng mga kaibigan nya, simula pagkabata po ay ganun na nila ituring si Ella. Kaya nga po medyo ilag siya sa tao at hindi nagtitiwala sa iba dahil sa kagagawan ng pamilya niya." sagot ko.

"Mukha namang maayos ang lolo at lola nya pati na ang kuya nya." sabi ni mama.

"Ang kuya nya lang po ang laging nagtatanggol sa kanya. Kaya lang pagnasa trabaho ang kuya nya ay hindi siya mabantayan sa ibang pamilya nya. Ang grandparents po niya ay walang kaalam alam na dumaranas si Ella ng kalupitan. Sa America po kasi sila nakatira." paliwanag ko.

"Kaya ba kinuntsyaba mo kami para mahuli sila sa akto ng pangmamaltrato kay ate Ella?" tanong ni Migs.

"Tama ka Migs. Gusto ko kasi may ebidensya para tigilan na nila si Ella. Sumusobra na kasi sila. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Ella para paulit ulit nilang sinasaktan ito. To the point na ang mga kaibigan nya na ang magsabi na iligtas ko si Ella." paliwanag ko.

"Mabuti na lang pala at nasundan ko sya bago pa nila mabaliktad ang mga pangyayari. Grabe, hindi ako makapaniwala na kayang gawin nila iyon sa kapatid nila." sabi ni Joseph.

"So ano nang plano mo anak?" tanong ni papa.

"Gusto ko muna po sanang pakasalan siya sa huwes para maging legal na siya sa puder ko at para wala na silang habol. Ayoko na po kasi siyang bumalik sa bahay na iyon." sabi ko.

"Maige pa nga pero kailangan mo pa din sabihan ang mga grandparents nya at ang kuya nya." sabi ni papa.

"Siyempre naman po." sagot ko.

"Huwag kang mag alala kuya susuportahan ka namin." sabi ni Seb.

Napangiti ako sa sinabi nila. Iniisip ko palang sobrang saya ko na lalo pa siguro pagkinasal na kami ni Ella. Gusto ko maranasan nya na magkaroon ng ganitong pamilya. Nagpatuloy kami ng paguusap tungkol naman sa mga negosyo namin. Pagkatapos ay nagpaalam na ako para puntahan si Ella sa kwarto. Pagdating ko sa kwarto naabutan ko itong gising pero nakahiga pa din sa kama.

"Hey sweetie. Kanina ka pa ba gising?" tanong ko.

"Hindi kakagising ko lang. Medyo nakaramdam kasi ako ng gutom." sabi ni Ella.

"Sige halika na sa baba para makakain ka na." pag aaya ko.

Inalalayan ko siyang bumangon. Bumaba kami at nagpunta sa kusina. Naabutan namin si Mama na nag aayos ng kusina.

"Ma, may pagkain pa ba tayo? Nagugutom po si Ella." sabi ko kay mama.

"Ganun ba? Ano bang gusto mong kainin Ella?" tanong ni mama. Tumingin sa akin si Ella na parang nagtatanong kung okay lang ba. Tumango ako.

"Naku iha huwag kang mahiya sa akin. Simula ngaun ituring mo na akong ina mo. Huwag kang mag alala aalagaan ka namin dito." sabi ni mama. Napalingon ako kay Ella. Tumutulo na ang luha nito at nagiging emosyonal. Pinunasan ko ang mga luha nito.

"Gusto ko po sanang kumain ng seafood o kahit isda o tuyo po okay na po sakin." nag aalangang sabi ni Ella.

"Naku bata ka, napakamahiyain mo pala. Mabuti na lang at may mga stock pa ako dito. Sige lulutuan kita ng buttered shrimp. Okay na ba sa iyo yun? Gusto mo ba na magsigang din ako ng hipon para may sabaw ka?" sabi ni mama.

"Ahm.... pwede po ba?" nahihiyang tanong ni Ella.

"Naku pwedeng pwede iha. Lalo pa at dalawa kayong kakain. Huwag kang mahiya sa akin, isipin mo ang baby nyo. Gusto kong maging malusog kayo ng apo ko." sabi pa ni mama.

"Tama si mama sweetie, huwag mo din alalahanin kung nakakaabala ka kay mama sa kusina. Naku natutuwa pa yan kasi mahilig yan magluto at naku laging nasa kusina si mama. Muntik na ngang maglagay ng kwarto si papa dito sa kusina eh hahaha." natatawang sabi ko. Napangiti naman si Ella at napahalakhak si mama.

Nagpaalam ako kay mama at Ella na may gagawin lang ako sa kwarto ko. Nakatanggap kasi ako ng tawag mula sa kaibigan kong si Tony. Ayaw ko naman na marinig ni mama at Ella ang pag uusapan namin. Isa pa gusto kong magkaroon ng bonding ang dalawa para mapanatag naman si Ella. Umakyat ako sa kwarto ko at tinawagan si Tony. Agad nya naman itong sinagot.

"Yo bro!" sagot ni Tony sa kabilang linya.

"Anong balita sa pinapagawa ko?" tanong ko.

"Well ang ama niyang si David Garcia ay isang mayor sa Baler, Aurora. Malapit na ang eleksyon at mukhang tagilid na ang ama nya. Ang kanya namang ina na si Eva ay isang prinsipal ng isang paaralan sa Baler. Ang ate Monica niya at isang Guro sa paaralan na pinamumunuan ng kanilang ina. Ang ate Karen naman nya ay isang modelo. Ang kuya Oliver nya ay kapitan ng isang barangay. Yung asawa ng ate Karen nya ay ang ex boyfriend nya. Medyo naghahanap pa ako ng ibang impormasyon. Ah may email pala ako sayo. Basahin mo na lang" sabi ni Tony.

"Sige imbestigahan mo ang bawat isa sa pamilya nya. Bilis bilisan mo, ang bagal mo magimbestiga. Tawagan kita ulit kapag nabasa ko na ang email mo." sabi ko. Pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag.

Binuksan ko ang email at ito ay naglalaman ng impormasyon sa mga magulang ni Ella. Mukhang pakitang tao lang ang pagiging mabait na mayor nito. Nakita ko din ang mga larawan ng mag anak pag may okasyon o mahahalagang pagtitipon. May napansin lang ako, bakit hindi nila kasama si Ella sa lahat ng larawan? Tinanggal ko ang email dahil baka maabutan ako ni Ella. Sinimulan ko na lang gawin ang mga trabaho ko sa ospital na dinala ko sa bahay.

"Hindi ka na bumaba para sabayan ako kumain. Mabuti na lang at sinabayan ako ni mama mo kumain." sabi ni Ella habang papalapit sa kama at umupo ito sa gilid ng kama.

"Naku sweetie, pasensya na. Ang dami ko kasing naiwang mga trabaho eh. Isa pa gusto ko din na magkaroon kayo ng bonding ni mama. Kamusta ang usapan nyo." tanong ko.

"Naku ang bait ng mama mo. Ang sarap nya kasama at kakwentuhan. Ang sarap pa ng mga niluto nya sakin na mga pagkain at binigyan nya pa ako ng cookies." kwento ni Ella.

"Sabi na sayo eh, mabait si mama. Matatanggap ka ng pamilya ko. Wala kang dapat ipag alala sa kanila. Siya nga pala sweetie, kung okay lang sayo, gusto sana kita ipacheck up bukas." sabi ko.

"Okay lang naman sakin. Siya nga pala Gab, gusto ko sanang puntahan sina Alex at Jordan." sagot ni Ella.

"Walang problema, pagkatapos ng check up nyo ni baby ay sasamahan kita sa mga kaibigan mo." sabi ko.

Tinigil ko ang pagtatrabaho at lumapit ako kay Ella. Inalalayan ko ito na humiga sa kama at saka ako tumabi sa kanya. Nakatagilid kami at nakaharap kami sa isat isa

"Dito ka rin ba matutulog?" tanong sakin ni Ella.

"Oo kaya simula ngayon ay masanay ka na may katabi ka sa kama." sabi ko.

Hinawakan nya ang pisnge ko at inilapat nya ang hinlalaki nyang daliri sa labi ko. Hindi ko napigilan na halikan siya. Naging mapusok ang aking paghalik. Hindi ko napigilan na unti unting dumaloy ang aking kamay hanggang sa mapunta ito sa kanyang pagkababae. Bumaba ang aking halik patungo sa kanyang leeg.

"Ohhhh Gabriel...'" bumaba ang aking mga labi papunta sa kanyang malulusog na dibdib. Gamit ang isa ko pang kamay ay nilaro laro ko ang isang dibdib nya at dinilaan ko ang isa pa.

"Te..kka! sigaw ni Ella. Napatigil ako at napatingin sa kanya.

"Hindi ba makakasama sa baby natin ang ginagawa natin?" inosenteng tanong ni Ella.

"Huwag kang mag alala, alam ko kung makakasama sayo ito o hindi. Naku nakalimutan mo na ba na doktor ako?" sabi ko.

"Pe....ro ka...si.. eh...." hind na natapos ni Ella ang mga sasabihin nya. Nahirapan na itong magsalita dahil bumaba ang halik ko sa puson nya papunta sa pagkababae nya. Sinisid ko ang kanyang pagkababae. Ibinuka ko ang kanyang mga hita at nagsimula akong laruin ng aking dila ang kanyang pagkababae. Hindi ko ito tinantanan hanggang sa mabaliw sya.

"Gabriel!" sigaw ni Ella habang ito ay nilalabasan. Tumigil ako at humiga ulit sa tabi nya.

"Sa ngayon yan na lang muna, mukhang hindi ka mapanatag na baka mapasama sa baby natin ang mga ginagawa ko sayo. Pwede mong tanong yan sa magiging doktor mo." sabi ko.

"Teka paano ikaw?" nag aalalang tanong ni Ella. Sa totoo lang tigas na tigas na ang pagkalalaki ko.

"Pwede naman ako sa banyo magparaos eh. " sabi ko. Tumayo ako at pupunta sana ng banyo.

"Ahm! Teka!" sigaw ni Ella.

"Bakit sweetie?" tanong ko sa kanya. Napansin ko na kinakagat nya ang ibabang labi na para bang nang aakit.

"Pwede ko bang laruin ang sandata mo? Hahawakan ko lang." nag aalangang tanong ni Ella.

"Naku sweetie pwedeng pwede. Hindi mo lang alam sweetie kung gaano ko kagusto yang gagawin mo." masayang sabi ko sabay hubad ng aking short.

Pagkatapos nyang gawin iyon ay nilabasan ako. Nahiga siya sa tabi ko at niyakap ko sya. Natulog kami na magkayakap.