Chereads / Fallen for you (Gabriel dela Torre) / Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 17 - Chapter 16

Ella's Pov

Kakalabas ko lang ng ospital kagabi at nakauwi na ako sa bahay nila Gabriel. Nandito ako sa kwarto namin at kakagising ko lang. Kasalukuyan namamg tulog na tulog si Gabriel. Nagkaroon daw kasi siya ng ilang emergency operations kaya sobra ang pagod nya. Nakarinig ako ng katok sa pinto. Tumayo ako at lumapit ako pagkatapos ay binuksan ko ang pinto.

"Ate kakain na daw. Pinatatanong ni mama kung sasabay ba kayong kumain o hahatiran na lang kayo sa kwarto nyo? Pasensya ka na kung naistorbo ka sa pagtulog. Makulit kasi si mama. Ayaw ka nya malipasan ng gutom." sabi ni Seb.

"Naku okay lang yun Seb. Sige susunod na ako." sabi ko.

"Sige sunod na lang kayo ni kuya." sabi ni Seb saka umalis.

Tinitigan ko si Gabriel habang natutulog. Nag iisip ako kung gigisingin ko ba ito o hindi. Nakakaawa naman kasing gisingin dahil sa sobrang puyat nito. Napagdesisyunan ko na huwag na itong gisingin at bumaba na lang.

"Oh ate, asan si kuya Gab?" tanong ni Seb.

"Hindi ko na ginising eh. Naaawa akong gisingin dahil sobrang puyat siya." sabi ko.

"Maupo kana Ella." sabi ni papa Emilio. Sinunod ko ito at naupo sa tabi ni Seb.

"Tayo lang po bang apat ang magbebreakfast?" tanong ko sa kanila.

"Naku iha, oo tayong apat lang muna. Tulog si Gabriel, si Joseph naman may out of town project. Si Migs naman maaga ang meeting. Kaya tayo munang apat. Sana nga lang bukod sa iyo may iba pa akong manugang kasi nakakasawa na ako lang ang babae sa pamilya. Buti nga lang dumating ka na." sabi ni mama Letty. Habang nakain kami. Napangiti naman ako sa sentimyento ni mama Letty.

"Naku Sebastian, mag asawa ka na daw sabi ng mama mo." biro ni papa Emilio kay Seb.

"Naku ma, hindi pa ako sawa sa buhay binata ko. Ilang taon lang ba ako? 24 pa lang po ako. Isa pa hindi ko pa natatagpuan ang babaeng pakakasalan ko. Mauuna muna sakin sina kuya Joseph at kuya Migs." sabi ni Seb.

"Siya nga naman mahal, kakagraduate pa lang ni Sebastian. Hayaan mo muna siya." natatawang sabi ni papa Emilio.

"Isa lang hiling ko sa inyo. Huwag nyong papaiyakin ang mga babaeng mahal nyo." sabi ni mama Letty.

"Yes ma! Gaya ng sabi nyo ang babaeng ipapakilala ko sa inyo ay babaeng papakasalan ko na. Gaya ni kuya Gab." sabi ni Seb.

Nakaramdam ako ng pagduwal kaya naman dali dali akong pumunta ng lababo. Naramdaman ko na may humahagod ng likod ko.

"Okay ka lang sweetie?" tanong ni Gabriel habang hinahagod ang likod ko. Humarap ako sa kanya pagkatapos kong sumuka.

"Okay lang ako. Nakakain kasi ako ng carrots. Ayaw tanggapin ng sikmura ko eh hahaha." natatawang sabi ko. Niyakap naman ako ni Gabriel.

"Ikaw talaga nakuha mo pang tumawa. Naku ayaw ba ni baby ng carrots? Madami pa namang sustansiyang makukuha sa carrots." sabi ni Gabriel.

"Ehem! Ehem! Puno na ng langgam ang kusina." sabi ni Seb.

"Istorbo!" mahinang sabi ni Gabriel sakin.

"Narinig ko yun! Dalian nyo na daw. May tinimplang gatas si mama. Baka daw lumamig sa tagal nyo." sabi ni Seb.

Naupo kami sa hapagkainan. Hinainan naman ako nila ng pagkaing walang carrots. Masaya kaming nagkukwentuhan kaso natigil sila nang may magsalita.

"Hindi nyo man lang kami iimbitahang kumain?" sabi ng matandang lalaki.

"Don Alfonso, anong pong ginagawa nyo dito?" tanong ni papa Emilio.

"Kasama ko si Stacy para pag usapan ang kasal nila ng apo kong si Gabriel." sabi ng lolo ni Gabriel. Malamang lolo kaso sabi nya apo si Gabriel eh. Napatingin ako kay Gabriel at umiling iling. Hinawakan nito ang kamay ko.

"Lolo, matagal nang tapos ang kasunduan na yan. Hindi pa ba kayo nagsasawa sa kakapilit samin ni Stacy?" sabi ni Gabriel.

"Well, okay lang naman sakin eh. Why not? Just say yes na lang babe." sabi nung Stacy. Wow ang kapal naman ng mukha ng babaeng ito.

"No!" galit na sabi ni Gabriel.

"At bakit apo? Ayaw mo bang ipamana ko sayo ang lahat ng ari arian ko?" sabi ng lolo ni Gabriel.

"Ouch babe, why no? Ayos naman tayo dati ah." sabi nung Stacy tapos umarte ng kunwari nasasaktan siya.

"First of all dati yun. Wala nang tayo naintindihan mo ba? Pangalawa, ikakasal na ako at pangatlo magkakaanak na ako. Kaya pwede ba lolo at Stacey tantanan nyo na ako." sabi ni Gabriel.

"Ano! Ikakasal ka na?" sigaw nung Stacey.

"Tama ang dinig mo. Kaya pwede bang tigilan mo na ang anak ko." galit na sabi ni mama Letty.

"Hindi pwede to! Kailangang makasal kayo ni Stacey. Hiwalayan mo yung babaeng papakasalan mo Gabriel." uyos ni lolo.

"Don Alfonso! Pwede bang umalis na kayo. Wala kayong karapatang manduhan ang anak ko. Kung hindi nya gusto si Stacey ay tanggapin nyo. Isa pa gusto mong mawalan ng kumpletong pamilya ang apo ko?" galit na sabi ni papa Emilio.

"Mag usap tayo." sabi ng lolo ni Gabriel kay papa Emilio.

Habang nag uusap sila lolo at papa Emilio sa library, kami naman ay nag aantay sa sala. Napansin ko na panay ang tingin ni Stacy kay Gabriel. Nagring ang cp ko at tumatawag si kuya Oliver.

"Sandali lang Gabriel, sasagutin ko lang ang tawag ni kuya ko." paalam ko.

"Gusto mong samahan kita sweetie?" tanong ni Gabriel.

"Hahaha! Ano ka ba? Diyan lang ako sa labas." sabi ko sabay turo sa garden. Tapos pumunta na ako sa garden at sinagot ang tawag ni kuya.

"Ella!" sigaw ni kuya.

"May problema ba kuya?" tanong ko.

"Wala naman gusto lang kitang kamustahin. Siya nga pala, pinalayas ni Grandpa ang mga magulang natin. Pati na si ate Monica." balita ni kuya.

"Ganun ba. Hayaan na natin sila mamuhay na lang tayo ng masaya kuya." sabi ko.

"Tama ka. Siya nga pala, birthday ko na. Sasamahan mo pa ba ako sa bahay ampunan?" tanong ni kuya.

"Tatanungin ko si Gabriel kuya ha kasi naman nde ako sigurado kung pwede akong bumiyahe ng matagal dahil sa kalagayan ko. Gusto ko sana kasi hindi na ako nakasama sayo. Susubukan ko kuya ha. Kung sakali ba ano ang dadalhin ko?" tanong ko.

"Kahit anong donasyon pwede naman. Sana pwede ka. Kasi ikaw na lang ang nagpapasaya sakin, bunso." sabi ni kuya.

"Naku! Mag asawa ka na nga! Naunahan pa kita. Maghanap hanap ka na para may kasama ka na sa buhay." biro ko kay kuya Oliver.

"Hanap mo ako. Hahaha!" sabi ni kuya.

"Gusto mo doktor?" tanong ko ulit kay kuya. Naisip ko kasi si Faith. Mukhang bagay sila ni kuya.

"Text mo agad ako bunso kung pwede kang sumama ha. Sige bye bye na." sabi ni kuya pagkatapos ay pinutol na nya ang tawag.

"Si Gabriel po mama Letty?" tanong ko.

"Nasa kusina, kumukuha ng cupcakes na gawa ko kanina." sagot ni mama Letty.

Pinuntahan ko si Gabriel sa kusina. Hindi pa ako nakakapasok ng tuluyan sa kusina ng may marinig ako nagtatalo. Kilala ko kung sino ito.

"Ako na lang ulit babe, magtitino na ako. Mahal mo pa ako diba?" narinig kong sabi ni Stacey.

"Pwede ba Stacey, matagal na tayong wala at wala naman talaga akong naramdaman sayo. Magkakaanak na ako at ikakasal na ako sa babaeng mahal ko. Pwede ba huwag ka nang manggulo." narinig kong sabi ni Gabriel.

"Hindi ako papayag!" sabi ni Stacey. Aba ang kapal naman ng mukha nito.

"Bakit? Dahil ba sa mamanahin mo? Humanap ka na lang ng taong mauuto mo." sabi pa ni Gabriel.

"Akin ka lang Gabriel!" narinig ko sabi ni Stacey. Pumasok na ako kasi hindi ko na matiis ang sinasabi ng babaeng yun. Kaso pagpasok ko ay nakita kong nakayakap sa leeg si Stacey at hinahalikan si Gabriel. Nakita kong tinulak ni Gabriel si Stacey. Napalingon siya at nanlaki ang mata ni Gabriel ng makita ako.

"Sweetie, mali ka ng inaakala. Magpapaliwanag ako." sabi ni Gabriel.

"Hindi na kailangan." galit na sabi ko.

Nakita kong ngumisi si Stacey. Lumapit ako sa kanila at saka nginitian si Stacey. Pagkatapos ay malakas ko itong sinampal. Napahawak ito sa pisnge nya dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko. Nanggigigil ako sa pagmumukha nya. Gusto kong ingudngod ang mukha ng haliparot ba ito sa simento. Sobra na ba siyang desperada para gawin nya iyon. Dahil lang ba talaga sa mana? O meron pang iba?

"Sweetie...." malumanay nasabi ni Gabriel.