Chereads / Fallen for you (Gabriel dela Torre) / Chapter 19 - Chapter 18

Chapter 19 - Chapter 18

Ella's Pov

Kasalukuyan kaming nag uusap ni Gabriel sa kanyang opisina sa ospital. Kakagaling lang kasi namin kay Faith para tanungin kung pwede na akong bumiyahe ng matagal. Pinayagan na kasi ako ni Gabriel na pumunta sa Baler sa birthday ni kuya Oliver. Kailangan nya lang daw tapusin ang mga trabaho nya at kailangan nyang ipasa ang ibang surgery na hawak nya sa ibang doktor. Sinabi naman ni Faith na pwede na akong bumiyahe kaya sobrang saya ko.

"Sweetie, bago tayo.pumunta ng Baler, pwede bang pirmahan mo muna ang papel na ito?" nag aalangang tanong ni Gabriel.

"Ano ba yan? Bakit parang balisa ka?" tanong ko naman.

"Sweetie, gusto ko kasing marehistro agad ang kasal natin. Saka na ang kasal kasi alam ko naman na magulo pa ang sitwasyon natin. Gusto ko lang na matanggal na ang karapatan sayo ng pamilya mo. Kahit nasa tamang edad ka na, hanggat apelyido nila ang gamit mo ay hindi ka makakawala sa kanila." paliwanag ni Gabriel.

"Yan ba ang ikinababahala mo? Ano ka ba Gabriel, hindi ako magagalit sayo. Alam ko naman na kapakanan ko lang ang lagi mong nasa isip. Okay lang naman sakin ang hindi muna makasal." sabi ko. Aarte pa ba naman ako? Mas importante sakin na tanggap ako ng pamilya ni Gabriel at ang bubuuin naming pamilya ni Gabriel. At isa pa kuntento na ako na dumating sa buhay ko si Gabriel.

"Hayaan mo sweetie, pagkatapos ng gulo na ito ay papakasalan kita sa kahit saang simbahan at o kahit anong gusto mong kasal." sabi ni Gabriel.

"Ano ka ba? Sinabing okay lang yan eh. Asan ba ang pipirmahan ko?" sabi ko.

Binigay sakin ni Gabriel ang mga pipirmahan. Pati na ang paglilipat ng pangalan ng coffeeshop.

"Ibibigay ko na agad ito kay Tony para maproseso na." sabi nya.

Tinawagan nya si Tony para papuntahin sa ospital. Hindi naman nagtagal ay dumating ito.

"Eto na ang mga papeles. Kailangan ko ng mabilis na proseso." sabi ni Gabriel.

"Ano ka ba naman Gab, straight to the point? Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa asawa mo?" sabi ni Tony.

"Ang arte mo. Sweetie, si Tony kaibigan ko. Isa din siyang private investigator at isang abogado. Tony, si Isabella o Ella ang asawa ko." pakilala sakin ni Gabriel sa kaibigan nya. Naglahad ng kamay si Tony, natawa ako ng si Gabriel ang nakipagkamay sa kanya.

"Ang higpit mo naman, nakikipagkamay lang naman ako." nagrereklamong sabi ni Tony.

"Baka may virus ka pa. Mahawa pa ang anak ko." sabi ni Gabriel.

"Grabe ka naman. Nakakahurt ka na ng feelings." sabi ni Tony.

"Arte mo. Umalis ka na at magtrabaho ka na." pagtataboy ni Gabriel.

"Teka hindi mo naman pinakain man lang ang kaibigan mo. Gusto mo ba ng juice o kape man lang?" tanong ko. Nakakahiya kasi pinagtabuyan agad ni Gabriel.

"Naku hindi na. Mamaya na lang ako kakain. Sisiguraduhin kong marami akong makakain mamaya. Alis na ako baka masira pa ang plano ng mokong na yan." sabi ni Tony.

"Anong plano?" tanong ko sa kanila.

"Wala yun sweetie, nababaliw lang yang si Tony." sagot ni Gabriel. Nahuli ko si Gabriel na pinanlalakihan ng mata si Tony. Mukhang kahina hinala ang dalawang ito.

"Oo nga medyo nababaliw lang ako hehehe. Sige alis na ako. May importante pa akong gagawin." paalam ni Tony.

Umalis si Tony at naiwan kami ni Gabriel sa opisina nya. Kanina pa siya may kausap sa cellphone at inabot ito ng gabi sa pakikipag usap. Nanuod na lang ako sa laptop ni Gabriel ng mga movies.

Pagkatapos nyang makipag usap, inaya nya ako na pumunta sa coffeeshop. Sabi nila Alex pinapaganda pa daw lalo ni Gabriel ang coffeeshop. Ngayon titignan namin ito kung maayos na ba ito.

Nakarating naman agad kami sa coffeeshop. Nagtaka ako kung bakit madilim sa loob. Ang pagkakaalam ko nandun sina Alex. Umalis na ba ang mga ito? Binuksan namin ang pinto. Nagulat ako ng biglang tumugtog ang piano. Teka kelan pa nagkapiano sa coffeeshop? Nakita ko si Migs na nasa  piano. Pinapatugtog nito ang kantang The Gift ni Jim Brickman. Nandun din si Faith at Joseph na kumakanta. Nagulat ako ng lumapit sakin ang Grandparents ko at si Gabriel ay umalis at pumunta sa harapan.

"Ano pong nangyayari?" tanong ko.

"Maging masaya ka sana apo." sagot ni grandpa na ikinakunot ng noo ko. Nakakalito na sila.

Bigla namang lumiwanag ang buong paligid. Nanlaki ang mata ko dahil ang ganda ng buong paligid. Ang daming mga ibat ibang klase ng bulaklak. Tapos sa harap ay may pictures kami ni Gabriel at may makalagay na Gabriel and Isabella forever. Tapos meron sa gilid na cake at mga cupcakes. Pati mga giveaways at kung ano ano pa. Nagkalat din aa buong paligid ang mga pictures namin ni Gabriel solo at magkasama. Lalo na nung nandun kami sa ospital kaya pala puro siya selfi. Pati sina Alex at Jordan panay kuha ng pictures. Naglakad kami papunta sa harapan at naghihintay duon si Gabriel. Kaya pala nya ako pinagbihis ng simpleng puting dress dahil pala ay ikakasal na ako. Nang makarating kami sa harapan ay ibinigay ni grandpa ang kamay ko kay Gabriel.

"Inihahabilin ko na ang apo ko sa iyo Gabriel at sana ay alagaan mo siyang mabuti." sabi ni grandpa.

"Makakaasa po kayo." sabi ni Gabriel.

Hinalikan ko sa pisngi sina grandpa at grandma at saka humarap kay Gabriel.

"Wala po tayong ceremony. Ang bride at groom ay magbibigay lang po ng kani kanilang wedding vows." sabi ni Tony. Pagkatapos ay humarap kami ni Gabriel sa isat isa. Lumapit sa amin ang isang bata. Siya pala ang ring bearer namin. Kinuha ni Gabriel ang isang singsing.

"Isabella, una pa lang kitang makita ay nabighani na ako sayo. Nang mawala ka ng umaga na yun ay hinanap kita. Kaso hindi kita makita. Hanggang sa magtagpo na naman ang landas natin at sa parehong sitwasyon pa din. Sinigurado kong hindi ka na makakawala pa sa akin. Pasensiya ka na kasi nagmamadali akong ikasal tayo dahil may reason ako at pasensiya na kung simple lang ang kasal natin. Hayaan mo pagkatapos ng mga kailangang ayusin ay papakasalan kita sa lahat ng simbahan. O kung ayaw mo kahit garden wedding at beach wedding." sabi ni Gabriel. Pagkatapos ay sinuot nya sakin ang singsing.

"Tanggapin mo ang singsing na ito, tanda ng pagmamahal ko sa iyo. Ipinapangako ko sayo na aalagaan at pakamamahalin kita higit pa sa aking buhay." sabi pa ulit ni Gabriel.

"Gabriel, sa totoo lang ay natakot ako. Natakot akong magtiwala at magmahal. Alam mo na kung bakit di ba? Pero sa araw araw na tayo ay magkasama ay ipinanatag mo ang loob ko. Ipinaramdam mo sakin na mahalaga ako. At higit sa lahat natanggap ako ng pamilya mo." naluluhang sabi ko. Tumingin ako sa pamilya ni Gabriel at nginitian naman nila ako.

"Isuot mo ang singsing na ito tanda ng pagmamahal ko sayo. Magiging tapat ako sayo at aalagaan kita at pakamamahalin ng buong buhay ko." sabi ko habang naiyak.

"Mabuhay ang bagong kasal. Mr and Mrs. Dela Torre. You may now kiss the bride!" sabi ni Tony.

Hinalikan ako ni Gabriel ng buong puso. Ginantihan ko din ito ng halik. Nagpalakpakan silang lahat. Wala na akong mahihiling pa. Ipinapangako ko na ibibigay ko ang buong tiwala at pagkatao ko sa lalaking ito.

"Hoy! Kain na tayo! Mamaya na kayo maghoneymoon. Kanina pa ako nagtatrabaho sa inyo kaya pakainin nyo ako!" sigaw ni Tony. Nagtawanan naman ang lahat.

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid. Nanduon ang buong pamilya ni Gabriel. Sa pamilya ko naman ay sina kuya at ang grandparents ko. Nanduon din ang dalawa kong kaibigan at si Jack na kasintahan ni Alex. Nandun din ang mga empleyado namin sa coffeeshop. Nagsilbi ang mga empleyado ko ng mga pagkain sa mga bisita. Pero meron din naman silang sariling lamesa. Lumapit kami sa pamilya ni Gabriel.

"Congrats sa inyong dalawa. Oh paano ba yan ate Ella, opisyal na ang pagiging asawa mo kay kuya Gab." sabi ni Faith.

"Oo nga at opisyal na ang pagiging ina ko sayo." sabi ni mama Letty.

"Salamat po sa inyo. Sa pagtanggap nyo po sakin." sabi ko.

"Naku iha, mahal ka ng anak namin kaya mahal ka na din namin." sabi ni papa Emilio.

"Oo nga ate Ella, mabait ka naman kasi kaya magaang ang loob namin sayo." sabi ni Joseph.

"Congrats ate Ella at kuya Gabriel." bati nila Migs at Seb.

Pagkatapos sa pamilya ni Gabriel ay pumunta naman kami sa mga kaibigan ko kasama ang pamilya ko. Humalik ako sa grandparents ko at nagpasalamat ako.

"Oh Gabriel, ikaw na ang bahala sa bunso namin. Alagaan mong mabuti. Huwag mo sanang paiyakin pa ang kapatid ko." bilin ni kuya Oliver.

"Makakaasa ka kuya Oliver." sagot ni Gabriel.

"Sis! Congrats sa inyo ni papa Gabriel!" sigaw ni Alex.

"Congrats Ella!" nakangiting bati ni Jack.

"Kaya pala panay tanong nyo sakin ng mga paborito kong kanta." sabi ko.

"Siyempre naman. Nagustuhan mo ba ang lahat sa kasal mo? Nag effort kaming lahat na empleyado mo para mapaganda ang coffeeshop at lalo na siyempre ang asawa mo todo effort. Swerte mo girl. Congrats sa inyong dalawa." sabi Jordan.

Pagkatapos ay sinabihan nila kami na sumayaw sa gitna. Inaya ako ni Gabriel na sumayaw.

"Salamat sa lahat." sabi ko. Ngumiti naman sakin si Gabriel.

"Lahat gagawin ko para sayo kasi mahal kita. Kayo ng magiging anak natin." sabi ni Gabriel. Ngumiti ako sa kanya.

"I love you too sweetie!" sabi ko sa kanya. Naisip ko kasi na siguro ito na ang tamang panahon para sabihin ko na mahal na siya.

"Ano? Pakiulit nga sweetie." nakangiting sabi ni Gabriel.

"Sabi ko mahal na din kita." sagot ko sa kanya. Pinagkatitigan nya ako ng buong pagmamahal. Bigla naman niya akong hinalikan. Tumigil siya ng paghalik at hinawakan nya ang pisngi ko at pagkatapos ay idinikit nya ang noo nya sa noo ko at saka nagsalita.

"Napasaya mo ako sa araw na ito dahil sa sinabi mo. Mahal na mahal kita Isabella."