Chereads / Fallen for you (Gabriel dela Torre) / Chapter 14 - Chapter 13

Chapter 14 - Chapter 13

Ella's Pov

Lumipas ang isang linggo at naging maayos ang kalagayan ko sa piling ng pamilya ni Gabriel. Nakakatuwa kasi lagi akong tinuturuan ng mama ni Gabriel kung paano magluto at magbake ng cookies and cakes. Tinotoo talaga ni Gabriel ang mga sinabi nya. Kinabukasan ng sabihin nyang bibilhin nya ang lupain at ang coffeeshop ay nakipagkita ito sa may ari at binili agad ang lupa at coffeeshop. Ipinangalan nya rin ito sa akin.

Nandito ako ngaun sa coffeeshop kasi pinarenovate ni Gabriel ito. Pinalalakihan nya ung opisina para daw pedeng lagayan ng single bed at sala set para daw katulad ng opisina nya sa ospital. Napagdesisyunan ko na walang papalitang trabahador. Nakakatuwa nga kasi ang saya ng mga katrabaho ko dahil ako na ang may ari ng coffeeshop. Para ko na rin kasi silang pamilya.

"Tapos na ang renovation at kumpleto na ang mga gamit sa opisina mo. Ang galing talaga ng papa Gabriel mo walang imposible, nagawa lahat sa loob ng isang linggo. Kelan mo bubuksan ang shop?" tanong ni Alex.

"Bukas din bubuksan na natin ito. Gusto din ni Gabriel na magbigay ng discount at freebies sa mga costumers." sabi ko.

"Hala sila eh di may ribbon cutting pang magaganap?" tanong ni Jordan.

"Parang ganun na nga. Excited ang pamilya ni Gabriel eh. Lalo na ang mama nya. Oo nga pala maaga akong uuwi kasi magbebake kami ni mama Letty para sa mga giveaways para bukas." sabi ko.

"Sis, kainggit ka talaga. Pero deserved mo lahat ng nangyayari sayo. Pinagpray ko kaya na mangyari sayo yan. Ang makatagpo ka ng mabubuting pamilya, siyempre bukod sa amin ni Jordan." sabi ni Alex.

"Oo nga once na ikasal ka kay Gabriel ay matitigil na ang kasamaan ng pamilya mo. Mawawalan na sila ng karapatan at kontrol sayo." sabi ni Jordan.

"Tama kayo. Alam nyo bang sobrang saya ko nitong mga nakaraang araw kasi....." napatigil ako sa pagsasalita dahil sa may biglang pumasok sa coffeeshop.

"Ella!" sigaw ni Mark.

"Anong ginagawa mong hayop ka dito?" galit na sabi ni Jordan.

"Ella, nabalitaan ko na binebenta ang lupain nyo. Gagawa ako ng paraan para mabili ito. Hihingi ako ng tulong sa magulang ko." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mark.

"Bakit mo naman gagawin yun?" tanong ni Alex.

"Kayo ba si Ella? Pwede ba umalis kayo? Si Ella ang gusto kong makausap." sabi ni Mark.

"Aba ang kapal din ng apog mo ano?" sabi ni Jordan.

"Huli ka na nabili na ni Gabriel ang lupain na ito at si Ella na ang may ari ng coffeeshop na to." sabi ni Alex.

"Ella...." hindi ko pinatapos pa ang sasabihin ni Mark.

"Umalis ka na Mark! Ayaw kitang makita. Hindi pa ba maliwanag sayo nung huli tayong mag usap? Gusto mo bang magwala na naman ang asawa mo? Isa pa Mark wala ka nang aasahan sakin masaya na ako kay Gabriel at sa pamilya nya. Kaya parang awa mo na huwag mo na akong guguluhin pa!" galit na sabi ko.

"Ella ako na lang ulit. Kaya ko namang tanggapin ang bata. Makikipaghiwalay ako sa ate mo. Ella mahal na mahal kita." sabi ni Mark.

Tumalikod ako sa kanya at aalis na sana ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko. Hindi ko napigilan na sampalin siya.

"Sabi ko na nga ba at dito ka pupunta. Hindi ka na talaga mapagkatiwalaan at ikaw malandi kong kapatid bakit ba  nilalandi mo pa ang asawa ng may asawa!" sigaw ni ate Karen na kakarating lang.

"Hindi ko siya nilalandi ate." sagot ko.

"Si Mark ang biglang pumunta dito kaya pwede bang itali mo ang asawa mo para hindi makawala. Pagala gala yang alaga mo." sabi ni Jordan.

"Tara na at marami pa tayong gagawin." pag aaya ko sa mga kaibigan ko.

"Aba ang lakas ng loob mo na talikuran ako. Purket ba may nauto ka nang lalaki? Hindi pa ako tapos sayo Ella!" sigaw ni ate Karen dahil tinalikuran ko na talaga siya. Nagulat ako ng sinabunutan nya ako.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko.

"Karen, tama na!" narinig kong sigaw ni Mark. Pagkatapos ay binitawan ako ni ate Karen kaso sobrang lakas ng pagkakatulak nya sakin. Napalakas ang pagkakabagsak ko sa sahig.

"Ella!" sigaw ni Alex at Jordan. Bigla namang sumakit ang tiyan ko.

"Ella may dugo ka!" sigaw ni Jordan. Napatingin ako sa hita ko at nakita ko na may dumadaloy na dugo dito.

"Ang baby ko! Huhuhu! Ang baby ko!" iyak na ako ng iyak.

"Dadalhin ka namin sa ospital!" sigaw ni Alex. Binuhat ako ni Alex at isinakay sa kotse. Unti unti nang nawalan ako ng malay.

Sobrang sakit ng katawan ko ng magising ako. Nakita ko si Gabriel na nakayuko sa kama ko. Napansin ko na nasa ospital pala ako. Napasigaw ako ng maalala ko ang baby ko.

"Ang baby ko!" sigaw ko. Nagising si Gabriel at lumapit sila Alex at Jordan na nasa couch.

"Sweetie." sabi ni Gabriel.

"Gabriel, ang baby natin. Ayos lang siya diba? Huhuhu! Ang baby ko." iyak ako ng iyak.

"Sweetie huwag ka nang umiyak. Ayos si baby. Mabuti na lang at binigyan ka ng gamot na pampakapit ni Faith. Malakas na ang kapit ng baby natin. Kaso kailangan mong magpahinga sa ospital para maobserbahan pa kayo ni baby." paliwanag ni Gabriel. Napaiyak akong lalo.

"Ano ka ba sabi nang huwag ka nang umiyak eh makakasama pa sa inyo ng anak mo yan eh. Ang kulit mo!" sermon ni Jordan.

"Umiiyak lang ako kasi sobrang saya ko. Kala ko mawawala ang baby ko." sabi ko habang umiiyak.

"Oh siya alis na kami. Nakita na namin na gising ka at alam naman namin na aalagaan ka ni Gabriel." sabi ni Alex.

"Salamat sa inyo." sabi ni Gabriel.

"O siya bukas na lang ulit. Pagod na ang bakla. Nag incredible hulk ba naman eh. Nakakagulat kung paano ka nya nabuhat." sabi ni Jordan.

"Tumigil ka na nga. Sa sobrang galit ko kay Mark. Gusto pa kasing buhatin ni Mark si Ella eh. Ayan lumabas ang pagkalalaki ko." natatawang sabi ni Alex.

"Thank you sa inyo." sabi ko. Kumaway lang sila at saka umalis.

"Mabuti na lang at nandun ang mga kaibigan mo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa inyo ng baby natin. Huwag ka nang mag alala, hindi ka na nila magugulo pa." sabi ni Gabriel. May itatanong sana ako ng biglang may pumasok sa kwarto.

"Ella! Apo ko kamusta ka na?" tanong ni grandma na kakarating lang kasama si grandpa at kuya Oliver.

"Ayos na po ako." sabi ko.

"Ang baby mo?" tanong ni kuya.

"Ayos din ang baby kuya." sagot ko ulit.

"Ano ba ang nangyari apo? Bakit nakakulong si Karen at Mark?" tanong ni grandpa. Kumunot ang noo ko at tumingin ako kay Gabriel.

"Pinuntahan po siya ni Mark sa coffeeshop at sinundan ito ni Karen. Sinabunutan ni Karen si Ella dahil sa selos hanggang sa maitulak si Ella at mapaupo sa sahig. Ako po ang nagpakulong sa kanila. Alam nila na buntis si Ella pero sinaktan pa din nila. Isa pa anak ko ang muntik nang mawala sa amin kaya nararapat lang na pagdusahan nila iyon." paliwanag ni Gabriel.

"Huwag kayong mag alala suportado ko ang ginawa mo. Sobra na ang ginagawa nila." sabi ni grandpa.

"Kaya lang Gabriel, dapat simula ngayon bantayan mo pa din ng maige si Ella. Kilala ko ang mga magulang ko, panigurado pupuntahan nila si Ella. Baka masaktan pa ni mama si Ella." sabi ni kuya.

"Naisip ko na yan kaya nga tumawag na ako sa kaibigan ko para magpadala ng bodyguard para kay Ella." sabi ni Gabriel.

"Tama yan apo. Mapapanatag na ako" sabi ni grandpa.

Nagpatuloy sila sa pag uusap. Nakikinig lang ako. Wala naman akong pakialam kung ano ang gawin nila kay ate Karen at Mark. Hindi rin ako natatakot kasi alam ko poprotektahan ako ni Gabriel. Habang nag uusap sila ay napahawak ako sa tiyan ko.

"May masakit ba sayo apo?" tanong ni grandma. Napatingin silang lahat sa akin at napatawa ako sa reaksiyon nilang lahat.

"Hahaha nakakatawa ang reaksiyon nyo. Nagugutom lang po ako grandma kaya ako napahawak sa tiyan ko." sabi ko.

"Bwisit ka apo, natatawa ka pa. Akala namin may masama nang nangyari sayo." galit na sabi ni grandma.

"Naku kung di ka lang buntis pipitikin ko yang ilong mo. Nakakanerbiyos ka. Kahit kelan talaga ang kulit mo pa din." sabi ni kuya.

"Sorry po." nakangiting sabi ko.

"Sweetie, ano bang gusto mong kainin? tanong ni Gabriel.

"Gusto ko ng alupihang dagat na luto sa butter. Ung madaming butter ha tapos isasawsaw ko sa suka." natatakam na sabi ko.

"Naku patay ka Gabriel, nagrequest na ang buntis. Maghanap hanap ka na ng bilihan ng seafoods." sabi ni kuya. Napakagat ako ng ibaba ng labi ko.

"Dont worry sweetie, give me an hour." sabi ni Gabriel at saka hinalikan ang noo ko.

"Kayo na pong bahala kay Ella, aalis lang po ako saglit." sabi pa ni Gabriel sa kanila.

"Huwag kang mag alala, aalagaan namin si bunso at ang baby nyo." sabi ni kuya.

Umalis si Gabriel at nagpaalam ako sa grandparents ko na matutulog muna ako. Bigla kasi akong inantok. Maya maya ay napapikit na ako sa sobrang antok.