Chereads / Fallen for you (Gabriel dela Torre) / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Ella's Pov

Nandito pa din ako sa aking kwarto. Masama ang pakiramdam ko. Sabi ni grandma morning sickness daw ito pero hindi lang ito ang dahilan kung bakit masama ang pakiramdam ko. Nasampal na naman ako ni ate Karen dahil kay Mark. Hindi man lang sinabi ni Mark ang totoo kaya naman galit na galit ako sa lalaking iyon. Tumawag kanina si Gabriel, hindi ko alam kung bakit masaya ako pagkausap ko siya. Para bang nawawala lahat ng sakit na dinaramdam ko pagnakakausap ko siya. Hindi ko na sinabi sa kanya ang mga ginawa ni ate Karen sakin. Nagpabili na lang ako ng pagkain sa Jollibee. Grabe natatakam na ako. May isang bagay ang bumabagabag sakin, yun ang makilala ang pamilya nya. Natatakot ako na baka hindi nila ako matanggap.

Nagising ako dahil may humahaplos sa pisnge ko. Nakatulog pala ako ng kakaisip sa mga magulang ni Gabriel. Pagmulat ko ng mata ay nakita ko agad si Gabriel.

"Kamusta ka na sweetie? Masama pa din ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Gabriel.

"Hindi na masyado. Medyo nakapagpahinga na ako kaya okay na ako. Nasa baba na ba silang lahat? Naku tara na baka maghintay ang pamilya mo." nag aalalang sabi ko.

"Huwag kang mag alala. Nag uusap usap sila sa baba. Nasabi na ng grandma mo na masama pakiramdam mo kaya naiintindihan ng mga magulang ko." sabi nya. Inalalayan nya ako na makaupo ng maayos at makasandal sa headboard ng kama.

"Kumain ka muna, nagdala ako ng pinabibili mong Jollibee. Bago tayo bumaba gusto ko nakakain ka na para naman may lakas ka." sabi pa ni Gabriel.

Kumain ako ng dala ni Gabriel. Hindi ko mapigilan na mapaungol at mapapikit sa sarap ng kinakain ko. Pagdilat ko ng mata, titig na titig siya sa akin.

"Bakit? Gusto mo ba?" tanong ko sa kanya habang sinasawsaw ko ang fries sa sundae. Tapos iniaabot ko sa kanya ang fries.

"Hindi! Para sayo talaga lahat yan. Kumain ka ng kumain para mabusog kayo ng baby natin." nakangiting sabi ni Gabriel.

Hmp! Bahala nga siya sa buhay nya. Siya na nga ang inalok tapos tatanggihan nya ako. Masarap kaya ang fries at sundae. Natapos akong kumain at inaya si Gabriel na bumaba. Pagkababa namin ay nag uusap usap ang grandparents ko pati na ang pamilya ni Gabriel.

"Kapatid mo ba lahat ang mga lalaking iyon? Puro ba kayo lalaki sa pamilya nyo?" bulong ko kay Gabriel.

"Oo lahat kami lalaki kaya nga masaya si Mama na mag aasawa na ako dahil may magiging anak na siya na babae." paliwanag ni Gabriel.

Lumapit kami sa kanila at nagulat ako ng bigla akong yakapin ng Mama ni Gabriel. Hindi ko tuloy napigilan na umiyak.

"Naku iha nasaktan ba kita? Pasensya ka na kasi excited lang akong makilala ka." paliwanag ng mama ni Gabriel.

"Sweetie? Saan masakit sayo?" tanong ni Gabriel.

"Wala namang masakit sakin. Hindi ko lang mapigilan na hindi maiyak kasi masyado akong kinakabahan. Natatakot kasi ako na hindi ako matanggap ng pamilya nyo." sabi ko.

"Naku iha, bakit naman namin ikaw hindi matatanggap? Maganda kang bata at sa tingin ko mabait ka kaya huwag kang nerbyosin." sabi ng mama ni Gabriel habang hinahagod ang buhok ko. Lalo akong naluha sa ginawa nyang iyon.

"Naku namang bata ka sobra ka nang iyakin. Makakasama sa anak mo yan eh." sabi ni Grandma.

"Tama si Grandma sweetie, hindi maganda na palagi kang naiyak." sabi ni Gabriel. Oo nga pala doktor pala ang mapapangasawa ko. Tumahan naman ako sa pag iyak.

"Siya nga pala sweetie, siya ang ama ko si Emilio dela Torre, at ang aking ina na si Leticia dela Torre." niyakap naman ako ng ama at ina ni Gabriel.

"Eto naman ang mga kapatid ko. Ang sumunod sakin ay si Joseph o Seph at sumunod sa kanya ay si Miguel o Migs. Pagkatapos ang bunso namin ay si Sebastian o Seb." isa isa rin nila akong niyakap.

"Family, si Isabella Garcia o Ella ang babaeng mapapangasawa ko." pakilala sakin ni Gabriel sa pamilya nya.

"Nagagalak po ako na makilala kayo." nahihiyang sabi ko. Inalalayan ako ni Gabriel na makaupo.

"Ah ate Ella nasaan ang mga magulang mo? Bakit parang ang Grandparents mo lang ang nandito?" tanong ni Joseph.

"Pauwi na ang mga iyon. Lahat kasi nasa kanikanilang trabaho." si Grandpa ang sumagot. Ngumiti lang ako. Sa totoo lang masaya ako na wala sila dito. Natatakot kasi ako sa mga sasabihin ng pamilya ko at baka ipahiya nila ako.

Nagpatuloy ng pag uusap ang grandparents ko at ang parents ni Gabriel. Nakikinig lang kami ni Gabriel. Wala naman problema sakin kung sila ang magdedesisyon ng araw ng kasal namin. Masaya ako kasi tanggap ako ng pamilya ni Gabriel at iyon lang ang hiling ko.

"Nagulat ako ng may biglang humalik sa pisnge ko. Hala hindi ko man lang namamalayan na pag uwi ng kuya ko.

Isa lang naman ang taong nagawa sakin nito. Si kuya Oliver lang ang humahalik aa pisnge ko. Pinakilala ni Gabriel si kuya sa mga kapatid nya. Madali namang napalagay ang loob ng mga kapatid niya sa kuya ko. Mabait kasi si kuya.

"Nandito na pala ang mga magulang at ibang kapatid ni Ella." sabi ni grandpa. Pagkatapos ay Ipinakilala ni grandpa ang pamilya ni Gabriel sa pamilya ko.

"Tara na sa hapagkainan at nang makakain na tayong lahat. Mukhang masasarap ang dala ninyo." sabi ni grandma.

"Naku kung alam nyo lang po. The best po kasi ang Mama namin pagdating sa pagluluto." sabi ni Gabriel.

Nagpuntahan kami sa hapagkainan. Inalalayan ako ni Gabriel na maupo.

"Bago po tayo kumain may gusto lang po ako sanang gawin." sabi ni Gabriel at pagkatapos ay lumuhod ito sa harap ko. Pagkatapos ay nanlaki ang mata ko dahil sa inilabas nyang maliit na kahon.

"Alam kong huli na pero gusto ko pa ding gawin ito sa harap ng pamilya natin. Isabella, nung una pa lang kitang makilala ay nabighani na ako sayo. Masaya ako at nakilala kita at lalo pa akong naging masaya dahil magkakaanak na tayo. Iniisip ko nga kung dapat ko pa ito itanong pero gagawin ko pa din haha. Isabella, gustong gusto kita makasama habang buhay. Sana bigyan mo ako ng chance na ipakita sau ang lahat ng nararamdaman ko. Mahal kita sweetie. Will u marry me?" sabi ni Gabriel.  Napaluha na naman ako.

"Dapat pa bang itanong yan at sagutin? Syempre yes ang sagot ko. Gabriel yes! yes! yes!" masayang sagot ko. Isinuot sa akin ni Gabriel ang singsing. Mukhang mamahalin ito kasi ang laki ng dyamante. Pagkatapos ay hinalikan nya ako.

Nagpalakpakan silang lahat. Siyempre maliban sa pamilya ko. Ano pa bang bago? Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkatapos ay nag usap na tungkol sa kasal. Maganda ang kinalabasan ng pamamanhikan nila. Habang nasa sala dahil nagpatuloy sila sa pag uusap ng kasal namin nagtanong si Gabriel.

"Pwede ko po bang maisama si Ella sa Manila? Gusto ko po kasi ipakilala sya sa ibang kamag anak ko. Balak ko din po siyang samahan na magpagawa ng wedding gown at ng iba pang kailangan sa kasal namin." sabi ni Gabriel.

"Hindi ba dito ang kasal? Bakit kailangan pang isama siya sa Manila?" tanong ni Mama.

"Sa Manila po kasi kami mamimili ng mga kailangan sa kasal tulad ng wedding ring, cakes at kung ano ano pa po." sabi ni Gabriel.

Tumayo ako at pumunta ng kusina kumuha ng maiinom. Sasamahan sana ako ni Gabriel kaso pinigilan ko dahil kausap nya ang pamilya ko. Kinuha ko ang isang fresh milk sa refrigerator at nagsalin sa baso.

"Ang swerte ng haliparot na ito, nakabingwit ng isang mayamang lalaki." sabi ni ate Monica.

"Akala mo ba kapag isinama ka nila liligaya ka na? Sa landi mo na yan tignan lang natin kung tatagal sayo ang lalaking yun." sabi ni ate Karen.

"Bago ka umalis bibigyan ka muna namin ng regalo." sabi ni ate Monica.

Tinitigan ko lang sila habang nagsasalita ng kung ano ano. Nagulat na lang ako ng biglang guluhin ni ate Karen ang buhok nya. Pagkatapos ay kinuha nya ang baso ko na may laman na gatas at ibinuhos sa kanya at saka binasag. Nanlaki ang mata ko ng biglang magsisigaw si ate Karen at umiyak.

"Tulong! Ma, Pa!" sigaw ni ate Monica. Nagsidatingan naman ang lahat.

"Anong nangyari dito?" tanong ni Papa.

"Binuhusan ni Ella si Karen ng gatas at pagkatapos binasag nya ang baso. Pagkatapos ay pinagsasasabunutan nya si Karen." sabi ni ate Monica. Napaluha na lang ako. Eto na naman kami, pinagtutulungan na naman ako ng dalawa. Nilapitan ni Mama si ate Karen at niyakap.

"Ano na naman ba ang ginagawa mo sa ate mo, bakit ka ba laging ganyan?" galit na sabi ni Papa.

"Nagalit kasi siya sakin kasi pinagsabihan ko siya dahil nilalandi nya ang asawa ko. Tanungin nyo pa si Mark. Kaya siguro nya ako sinaktan." umiiyak na sabi ni ate Karen.

Wala na napahiya na ako sa pamilya ni Gabriel. Iisipin na nila na masama akong bata. Dali dali akong lumabas pero pinigilan ako ni Gabriel. Hinawakan nya ako sa pulsuhan at pagkatapos ay niyakap nya ako.

"Tahan na sweetie, sabi ko sayo ako ang bahala sayo di ba?" sabi ni Gabriel.

"Ella...." nag aalalang tawag ni kuya Oliver.

"Sigurado ba kayong si Ella ang may gawa?" tanong ni Joseph.

"Oo naman kitang kita ng dalawang mata ko! Ano ba problema mo?" galit na sabi ni ate Monica.

"Akala nyo siguro hindi ko alam ang pinaggagagawa nyo sa magiging asawa ko? Sige Joseph ipakita mo na sa kanila ang video." sabi ni Gabriel. Ipinakita ng kapatid ni Gabriel ang video.

"Isasama ko na lang po grandma ag grandpa ang apo nyo. Baka po kasi kung ano na naman ang mangyari sa mapapangasawa ko. Palalagpasin ko ito pero pagmay nanakit ulit kay Ella, ay mananagot kayo sakin. Wala akong sinisino." sabi ni Gabriel. Lalo akong napaiyak sa sinabi nya.

Tumango tango naman sila Grandma. Galit na galit ang pamilya ko. Napaatras ako at nagtago sa likod ni Gabriel.

"Tara na iha. Huwag kang mag alala aalagaan ka namin." sabi ng mama ni Gabriel. Habang hinahagod nya ang buhok ko.