Chapter 10 - Chapter 9

Gabriel's Pov

Umuwi ako ng bahay pagkatapos kong ayusin ang mga kailangan ko sa ospital. Pagbukas ko ng pinto naabutan ko silang lahat sa sala.

"Nandito na si kuya!" sabi ng Seb.

Lumapit ako sa kanila at humalik sa aking ina at nagmano sa aking ama.

"Anak totoo bang magkakaapo na kami? Hindi ka naman siguro nagbibiro." tanong ng aking ina.

"Ma, mamamanhikan na tayo bukas. Sa tingin nyo biro pa ba ito?" nangiti ko sabi sa aking ina.

"Sigurado ka ba? Linawin mo nga. Sa iyo ba talaga ang ipinagbubuntis nya?" tanong ng aking ama.

"Pa, sigurado ako. Dapat nga nuong isang taon yan eh." sabi ko.

"You mean kuya, siya yung babaeng hinahanap mo?" tanong ni Migs.

"Siya nga." sagot ko.

"Pero kuya bakit biglaan kayong magpapakasal? Dahil ba sa buntis na ito?" tanong ni Joseph.

"Well that's one reason, but another reason was to get her away from her family as soon as possible." sagot ko.

"Why?" tanong ni Joseph.

"Napag alaman ko kasi na hindi maganda ang trato nila sa kanya. Nalaman ko lang ito sa mga kaibigan nya. Kaya bago pa may mangyaring masama ay gusto kong alisin na siya sa puder nila." paliwanag ko.

"Ganun ba kagrabe ang pamilya nya sa kanya? Aba, kawawa naman pala ang batang iyon." sabi ni Papa.

"Mabuti pa nga at baka mapaano pa ang aking apo. Naku sabik na ako sa apo ko. Akala ko kay Joseph ako unang magkakaapo." sabi nu Mama.

"Ma! Hindi kaya mangyayari yun. Maingat kaya ako kaya nde ako makakabuntis. Isa pa hindi ko pa natatagpuan ang babaeng papakasalan ko." sabi ni Joseph.

"Naku baka makahanap ka ng katapat mo at ikaw ang humabol sa babae." natatawang sabi ni Papa.

"Hahaha! Naku Papa sana nga mangyari na yun para matigil na si kuya Joseph sa pangbababae." sabi ni Migs.

Nagtawanan kaming lahat. Masaya ako at tanggap nila ang desisyon ko na pakasalan si Ella.

"Naku kailangan ko nang paghandaan ang mga pagkaing dadalhin natin. Bukas ng umaga bumili tayo ng mga regalo sa pamilya nya." sabi ni Mama.

Tumango lang ako. Nagpatuloy pa kami ng pagpaplano ng aking pamilya. Nagpapasalamat ako at very cooperative silang lahat. Nagpaalam na si Mama at Papa na matutulog at kami na lang apat ang natira sa sala.

"Kuha lang ako ng beer. Ilan ba ang ilalabas ko kuya?" tanong ni Seb.

"Sama na ako. Kukuha ako ng pulutan natin." sabi naman ni Migs.

"Tag dadalawa lang tayo ayos na yun." sabi ko. Umalis sina Migs at Seb para pumunta sa kusina.

"Kuya napansin ko na parang balisa ka pa. May gusto ka pa bang sabihin?" tanong Joseph.

"Actually meron pero hintayin muna natin yung dalawa." sabi ko. Tumango naman si Joseph. Hinantay namin na makabalik ang dalawa. Sinabi namin sa kanila na may sasabihin ako.

"Sabihin mo na kuya." sabi ni Joseph.

"Nakitaan ko ng mga pasa at sugat si Ella. Sa totoo lang nung may mangyari samin nakitaan ko na siya ng mga peklat." sabi ko.

"Ano?" sabay sabay nilang tanong.

"Nung magpunta ako sa kanila napansin ko na ang lolo at lola nya lang ang nakikipag usap sakin pati na ang kuya nya. Pero ang mga magulang nya at ibang kapatid ay mukhang mga galit na galit." paliwanag ko.

"Bakit? May nagawa ba siyang kasalanan?" tanong ni Migs.

"I don't think so. Sa kwento ng mga kaibigan nya mabait si Ella at tahimik." sabi ko. Napansin kong nakakunot ang mga noo nila. Inexplain ko sa kanila ang sinabi sakin ng mga kaibigan ni Ella.

"I dont get it. Bakit ganun sila kalupit?" tanong ni Seb.

"Oo nga kuya, even the parents. But why?" sabi naman ni Migs.

"Ampon ba siya? Kasi mauunawaan ko pa kung ampon siya." tanong ni Joseph.

"I dont think na ampon siya." sabi ko.

"Well dapat nga na ialis mo na siya sa pamilya nya at baka kung mapano ang baby nyo." sabi ni Joseph.

"Mabuti na lang hindi mo agad sinabi kay Mama. Maghihisterikal na naman yun. Baka nga sabihin nun na pupunta tayong Baler ngaung gabi." natatawang sabi ni Migs.

"Kaya ko sinasabi to para hingiin ang tulong nyo. Maaasahan ko ba kayo?" tanong ko.

"Ikaw pa ba kuya. Sabihin mo.lang at gagawin namin. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong magkakapatid." sabi ni Joseph.

"Salamat." sabi ko.

"Wala kuya tinamaan ka na talaga sa babaeng iyon. Mukhang lahat gagawin mo para siya mapasayo." sabi ni Migs.

"Sinabi mo pa. Kita mo kinuntsaba pa tayo hahaha." sabi ni Seb.

"Tigilan nyo ako. Baka pagnakahanap kayo ng katapat nyo eh pagtawanan ko pa kayo." sabi ko.

"Malabo yun kuya hahaha!" sabi ni Joseph. Umiling iling na lang ako.

Habang nag iinuman kami ay inexplain ko lahat sa kanila ang mga plano ko at ang mga gagawin nila. Hindi na ako makapaghintay na makasal kay Ella. Pagkatapos naming mag inuman ay pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto. Tinext ko muna si Ella pero walang reply. Ayoko naman tawagan siya baka kasi natutulog na. Nakatulugan ko na ang pag iisip kung magtetext ulit ako o hindi.

Kinabukasan maaga akong nagising. Naabutan ko si Mama na masayang nagluluto sa kusina. Humalik ako sa pisnge nya at Naupo sa counter ng kitchen.

"Ma, ang dami naman ata nyang niluluto mo?" tanong ko. Nakita ko kasi na ilang putahe din iyon. Halo halo may seafood, pork at beef pati dessert. Siguro limang putahe at dalawang dessert.

"Ano ka ba naman konti lang ito. Mas maganda marami kaysa kulang. Pwede namang ipamigay sa iba pagsobra." paliwanag ni Mama.

"Excited ka Ma ano? Masaya ka ba na mag aasawa na ako?" tanong ko.

"Naku Gabriel, masayang masaya lalo pa at magkakaapo na ako. Gusto ko din makilala ang mapapangasawa mo. Gusto ko na ding magkaanak ng babae." napangiti ako sa sinabi ni Mama.

"Naku Ma sigurado akong magugustuhan nyo si Ella. Hindi siya katulad ng ibang mga babae." sabi ko.

"Alam ko naman anak na hindi ka pipili ng babae na hindi namin magugustuhan." sabi ni Mama.

"Naku Ma, parehas nga kayo ni Ella eh. Alam mo nyo po ba na ayaw niyang kumain sa mamahaling restaurant dahil mahal daw ang pagkain. Gusto pa nga nyang lumipat kami sa murang restaurant." kwento ko.

"Naku anak, mukhang magkakasundo kami ni Ella. Manang mana talaga kayong magkakapatid sa Papa nyo." nakangiting sabi ni Mama.

"Anong oras ba tayo aalis?" tanong ni Mama.

"Kapag handa na kayo, pwede na po tayong umalis. Hapunan pa naman po ang usapan pero mahaba habang biyahe pa naman po ang Baler kaya mas maganda maaga tayo." sabi ko kay Mama.

"Naku maige pa. Sige gisingin mo na ang mga kapatid mo para makaalis na tayo. Tutal malapit nang maluto ang mga pagkain." sabi ni Mama.

Tinawag ko ang mga kapatid ko at nag breakfast kami. Pagkatapos kumain ay umakyat ako sa kwarto ko para maligo at magbihis. Natapos akong maghanda at napagdesisyunan ko na tumawag. Nagring ng limang beses bago ito sinagot ni Ella.

"Hello?" tanong ni Ella. Mukhang kakagising lang nito.

"Hi sweetie! Naistorbo ba kita sa pagtulog mo?" tanong ko.

"Hindi naman medyo masama lang pakiramdam ko. Kaya humiga na lang ako sa kama." sabi nya.

"Kumain ka na ba? Kung masamang masama na ang pakiramdam mo ay magpadala ka sa ospital. Bigyan mo ako ng mga limang oras at darating ako agad diyan." sabi ko.

"Kumain na ako. Huwag kang magmadali. Medyo nahihilo lang ako. Kanina kasi nagsuka ako. Sabi ni Grandma morning sickness daw." sabi nya.

"Ah natural lang yan sweetie. Uminom ka na lang ng madaming tubig. May gusto ka bang ipabili sakin?" tanong ko.

"Ahm..." mukhang nahihiya siyang magsabi.

"Sweetie, huwag kang mahiya sakin. Sige na bibilihin ko lahat ng gusto mo." sabi ko.

"Gusto ko bilihan mo ako ng palabok sa Jollibee tapos fries at sundae. Gusto ko kasi yung fries isasawsaw sa sundae." nahihiyang sabi nya.

"Sure sweetie. Sige matulog ka na ulit. Kita na lang tayo mamaya." sabi ko.

"Sige babye." sagot nya. Saka ko pinatay ang tawag. Gusto ko sana siyang sabihan ng i love you kaso baka mabigla. Mabuti pa dadahan dahanin ko pero atleast magpapakasal na siya sa akin. Tinawagan ko si Seb.

"Hello kuya." sabi ni Seb sa kabilang linya.

"Seb, nakuha mo na ba yung pinapakuha ko sayo?" tanong ko.

"Oo kuya ready na. Tumawag ka pa eh nandito na ako sa bahay hahaha. Excited ka kuya." pang aasar ni Seb.

"Dalian mong umakyat at bigay mo na sakin ang pinakuha ko sayo." sabi ko.

"Eto na papasok na ako sa kwarto mo. O nasa likod mo na ako hahaha." tumatawang sabi ni Seb. Kaya pala malakas ang boses nya yun pala nasa likod na siya. Siraulo din tong kapatid ko na ito. Binatukan ko ito kaso tawa pa din siya ng tawa. Ibinigay sakin ni Seb ang kailangan ko.

"Sana magustuhan ito ni Ella." nakangiting sabi ko.