"Ice cream?"
Namaang naman ako ulit sa tanong nung lalaking nakangiti nang makalabas kami ni Kuya Uno from the kitchen. Parang nag-short circuit ata iyong utak ko sa loob ng walk-in freezer nila making me feel a little dumb.
"Joe, ice cream daw" anyaya pa ni Kuya Uno sa akin kaya naman lumapit na ako sa kumpol nila and check what flavor it is.
"Mint choco?" I asked them when I glimpsed the light green color of the ice cream with some chocolate chip in it. Bigla naman tuloy akong nanakam kahit na ba kakakain lang namin ni Kuya Uno.
"Here, dig in" the pale guy gave a spoon and a small bowl to put the ice cream on it.
"Bakit naman mint choco kinuha nyo? Alam nyo namang ayaw ko niyan" reklamo pa ni Kuya Uno sa kanila.
"Aba, sisihin mo yang si Seven at Tres, sila kumuha niyan." turo pa nung lalaking nakabasag ng bote ng alak kagabi pero agad ding natikom ang bibig nang ngitian siya nung lalaking nag-alok sa akin ng ice cream kanina.
I want to laugh with their bickering kaso baka mamaya ay sabihin nilang feeling close ako sa kanila.
They seemed to be occupied in their own worlds, minding their own business though hindi naman ako na-feel out of place because of their warmth. They were the welcoming type, though the others didn't bother to approach me, only Seven and the Tres guys did beside Kuya Uno.
"Don't worry, kumuha naman kami ng isang tub ng rocky road sa loob" saad pa nung isa na kinaputla naman ni Kuya Uno.
"Kain ka lang, wag ka mahihiya. Wag mo na isipin yang si tanda" Seven approached me, giving me a scoop of the rocky road ice cream. He looks like a child, wearing those round eye-glasses which highlighted his doe-like eyes.
"Salamat" ngiti ko naman sa kanya at sinimulan nang tikman iyong ice cream kahit na ba nakatitig ako sa tub ng mint chocolate na ice cream sa banda ni Tres.
Nakakahiya naman kasing pumunta roon at kumuha samantalang hindi naman ako belong sa grupo.
I was about to take another bite of ice cream when someone grabbed my bowl of ice cream. Mabuti naman at kaagad ko itong napigilan, hugging it to prevent the person from getting it.
"Wahh, daebak, basta talaga pagkain ang bilis ng reflects ng mga tao" Kuya Uno sighed, chuckling a little.
Nanlaki naman ang mata ko. Mukha siguro akong batang aagawan ng candy pero bago pa mangyari iyong ay nailayo ko na ang sarili kong candy, and in this case, it's my bowl of ice cream. Na-conscious naman tuloy ako sa reaction ng iba.
"Akin na nga, lalagyan ko lang naman ng ice cream" sabi pa niya. Kaagad naman akong nagpaubaya, letting him to take it from me.
'bye for a while now, ice cream'
He then put some mint choco ice cream sa bowl ko, in which I am thankful for. Hulog ka talaga ng langit, Kuya Uno!
"So, kaano-ano mo si Kuya Uno?" the small guy asked me, hindi iyong maputlang medyo maliit din. He looks intimidating but soft. Malabo man pero para siyang bata na naninindak sa ginagawa niya ngayon. He looks like he's the same age sa me and my fellas.
"Hmmm, pano ko ba made-describe?" isip ko pa. Napangalumbaba ako while thinking.
"Siguro parang kuya?" dagdag ko pa na kinatawa niya.
This is what I like about me, getting on with a conversation kahit never ko pa nakakasalamuha ang mga tao. In born na ata sakin ang pagiging madaldal at madaling makihalubilo sa mga tao kung kaya naman madali lang sa akin ang makipagkaibigan.
"Kuya ka lang pala tanda eh" sabi pa nito sabay tawa. Nailing na lang si Kuya Uno samantalang ang iba ay occupied sa pagkain ng ice cream.
"Kuya-zoned" sabay na banggit pa nila ng katabi niya, iyong lalaki na nakabasag ng bote ng black label kagabi.
Hindi hamak na mas matangkad sa katabi niya plus he's got that tan na bagay na bagay sa kanya and with him wearing white tank top changed it all. On top of it, he's got those deep dimples which I really admire.
'I'm ready na ipagpalit si Kuya Uno for him, chour.'
"Ba't naman kuya?" interested pa nitong tanong sa akin.
I was taken aback naman to answer. Bigla na namang na-blangko ang utak ko sa mga ganitong biglaan at diretsahang tanungan.
Siguro kung ihaharap ako kay Tiyang Amy o kaya sa show ni Raffy Tulfo ay malamang sa malamang na uupo lang ako doon, nag-iisip ng maisasagot na sa tingin ko ay sapat at hindi na kailangan pa ng paliwanagan.
Though, sa tanong niya, alam ko naman sa sarili kong crush ko rin si Kuya Uno, I mean, sino bang hindi? Baka nga tinatawag ko lang siyang kuya for formalities.
'Maybe I'm calling him 'Kuya' to draw the line that I can't cross'
"He's older than me kaya" medyo awkward kong sabi. I was about to add something nang may maramdaman akong presensya sa likod ko, removing my hand sa counter, putting it down before placing the bowl of ice cream in front of me.
"Sabing wag papangalumbaba eh" pangaral na naman niya sa akin. Hindi ko naman alam kung paano magre-react. Sa simpleng skin contact lang ay halos umakyat na naman lahat ng dugo sa ulo ko.
"I get it, ship ko na kayo ng kuya mo" natatawa pang bulong sa akin noong naunang nagtanong sa akin.
Hindi ko naman alam kung nakakakita pa ba siya dahil parang nakapikit iyong mata nya habang tumatawa. Kaagad din akong natawa nang mahulog siya sa kinauupuang high chair. Napansin naman iyon ng iba na kinatawa rin nila.
Seven even tried to help him pero nasaldak din siya, joining the small one sa sahig which made us laugh more.
"Ilang isda ba nahuli ninyo diyan?" Sais asked them before offering a hand.
Ganoon ba talaga kapag may nahuhulog or nadudulas na kaibigan? Tatawa muna bago tulungan? Ganoon kasi sa akin sila Jeanne, lalo na si Rein the graceful kapag nadudulas ako. Hindi naman sa tatanga-tanga ako or what pero parang may galit ata ang sahig sa akin. They would all laugh hysterically bago pa ako tulungan and Rein wasn't an exception dahil siya pa ang may pinakamalakas na tawa sa kanila. Pero sa ganoon ay natatawa na lang din ako sa pagkadulas ko, slightly distracting me from the pain it cause in my butt.
"Napaka-clumsy mo talaga Cinco! Baka mamaya sa ibang babae ka madulas niyan" biro pa nung lalaking maputla este maputi.He chuckled but eventually, that cute chuckle of him turned into a shy smile nang mapansin niyang niyang nakatingin ako sa kanya.
"Gago" sagot pa nung lalaking nahulog sa upuan niya. Hindi naman ako nabigla dahil ganoon rin ako kaya nabibiro or napagti-tripan.
"Cinco nga pala, as in five" pakilala nya sa akin pagkatayo na parang hindi niya minura iyong kaibigan niya kani-kanina lang.
"Joe, Joana Medina" pakilala ko rito, extending my hand for a handshake that he shockingly, accepted.
He has this amazed emotion painted on his face but a smirk replaced it after a few second kung kaya naman binawi ko na ang kamay ko.
"Wala ka pala tanda eh, naunahan ka na ni Cinco" biro pa nung maputing nilalang bago sumubo ng ice cream. Nabulunan pa ito nang batukan ito ni Uno na ngayon ko lang ulit napansin.
Nakabusangot ang mukha nito, medyo iritado pero nang magtagpo ang mga mata namin ay ngumiti nang medyo awkward.
"Shut up Dos, matulog ka na nga dyan sa isang tabi nang manahimik iyang bunganga mo" baling nito rito bago lumapit sa akin, pushing Tres off of his place and sat beside me.
Napansin ko namang umalis iyong Dos at nahiga sa isang couch. Wala masyadong tao dahil lunch time at mamaya pa sigurong mga alas-tres ito muling dadayuin.
"Huwag mo na silang pansinin, kumain ka pa" Tres ordered me na kaagad ko namang sinunod. I was enjoying the ice cream, really. Eating with them is seriously fun. Para silang mga bata kung mag-asaran but would immediately turn serious kapag kinakausap ako.
"Patikim", pagpapa-cute pa ni Kuya Uno sa tabi ko na kinatigil ko. Unti-unti ko pa siyang nilingon, nanlalaki ang mga mata ko.
Bigla ba naman kasing tumigil yung mundo ko, hindi na naman ako makahinga nang matino as his eyes are sparkling. Alam na alam niya talaga paano magpasunod ng tao.
"Bugok! kumain ka ng sarili mo" Tres demanded, "baby ka ba ha? baby ka?"
"Baby mo" banat pa nito but his gazed is directed at me. Kaagad din naman niyang nilingon si Tres before saying, "Ayieeee, kinikilig ka na niyan?"
Hindi ko naman alam kung ano ang ire-react ko sa ginawa niyang iyon.
'Punyemas na puso, kumalma ka. Please lang, 'wag kang assuming'
"Eeew, eeew, d'yan ka na nga" nandidiri pang saad ni Tres, distancing himself away from Kuya Uno. Doon lang ako nakabawi nang matawa kaming lahat sa reaksyon nitopero hindi pa rin maalis ang pamumula sa pagmumukha ko. Bigla ba naman kasing uminit!
Sa hindi malamang dahilan ay mas nahiya pa ako nang makitang nakatitig sa akin si Cinco at Sais, making me a little bothered. Nakaka-conscious naman kasing titigan ng magkakaibigan na ito.
"Ship" they proclaimed as they high-fived each other. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung anong ibig sabihin noon kaya naman mas lalo akong namula at napa-tungo. Hindi ko mapakita ang mukha ko sa hiya.
"Kumain ka ba ng sili? Why are you so red?" I heard a female voice asked. Pigil na pigil naman akong lingunin ang pinanggalingan ng boses dahil alam kong namumula pa rin ako. Siguro ay mga isang oras akong nakatungo rito bago maalis ang pamumula ko, both from hiya and kilig.
"Don't tell me you played some prank to a random stranger again, huh?" mataray pa nitong tanong. Napakunot naman ang ulo ko, clueless kung sino man iyong dumating.
She has that american accent kung kaya't medyo nahirapan pang mag-register sa utak ko ang mga salitang sinabi niya.
"Ayan ka na naman Aster, would you please calm down for a little while?" Four in front of me blurted. Napangiwi na lang ako nang marinig kong may tumama sa ulo niya as I peeked a little from my perspective.
"How can I calm down when you guys are creating trouble to other people? I'm naiirita to all of you na!" the girl even berated.
"Don't be scared, that's her usual self," Kuya Uno beside me murmured. Napaatras naman ako sa inuupuan ko nang ma-realize ko kung gaano na naman siya kalapit sa akin, causing me to fall out of balance but with his quick reflexes ay naiayos niya ako nang upo.
Stammering,"B-Be careful"
Bago ko pa man mabawi ang sarili ko sa nangyari ay may narinig akong palakpakan sa paligid namin.
"Pusta ko bente pesos! Isang linggo, sila na!" Cinco declared.
"Pusta ko singkwenta, isang buwan pa 'yan! Mabagal kumilos 'yang si Uno sa mga babae eh" Sais replied. Muli naman akong napangiwi nang makitang sila naman ang hinampas ng makapal na binder noong babaeng dumating na Aster daw ang pangalan.
"How dare you make pustahan in front of a girl, huh? Do y'all really thought I can't understand tagalog?" umuusok pa ang ilong nitong tanong.
She looks like she's the same age as Seven though. Siguro ay nasa huling taon na siya ng Junior High School. Napakunot naman ang noo ko nang mapansin na uniform din ng SJA ang suot niyo kahit na hindi ko pa ito nakita minsan sa campus.
"W-wag k-ka na magalit, it's fine" kalma ko rito. Para naman siyang umamo nang marinig ang boses ko.
"No, they should be ashamed! Burn or beat them to death! Men shouldn't have that trait making pustahan about women like we were objects!" she roared to Cinco and Sais na napako na ata ang tingin sa sahig.
"Calm down, I'll scold them kapag nakauwi na sa bahay, okay?" Kuya Uno tried to manage. Sinenysan pa niya si Four para pakalmahin pa ito which Four immediately obliged to naman.
"Oh, aalma ka pa? Come on, don't stomp on me!" Four hissed nang apakan siya nito when he attempted to catch her with those muscly arms.
'Come on Aster, if I were you I'd be willing na magpahuli kay Four'
I gulped when I realized naman that Kuya Uno is staring at me staring at Four's biceps.
"What?" I defended.
Napailing naman siya, replying, "Nothing. Finish your bowl and I'd escort you to Rich's office"
"Okay," I obliged as I started to enjoy my ice cream as everything is in chaos in front of me.
Aster and Four are bickering right now meanwhile Cinco and Sais joined by Tres the smiley guy proceeded to their bet about their Kuya Uno courting me. The pale guy called Dos by Kuya Uno is already sleeping peacefully in a sofa.
"Pwede paabot ng ice cream?" Seven, who's beside me asked for the tub of ice cream na kaagad ko namang binigay sa kanya.
"Here" ngiti kong abot sa kanya in which he replied with a shy smile. Napansin ko namang nawala si Kuya Uno sa paligid namin so I eased a little bit and continued eating. Nevermind na kung saan iyon pumunta, meron naman akong ice cream.
Muli ko na lang pinanood ang mga nagkakagulo sa harapan ko, checking kung buhay pa sila as they were debating about different topics. Natawa pa ako nang kagatin ni Aster ang daliri ni Four making him wail in pain.
"So..." I heard Seven mumbled kung kaya naman nalipat ang atensuon ko sa kanya.
"Be careful of Kuya's heart" dagdag pa nito na kinakunot ko ng noo.
"He might look like he's confident but he's just good at hiding his emotions," pausing as he looked at me too with pleading eyes," but he's just like us too, been rejected many times. He has insecurities too that he hasn't told anyone yet"
Hindi ko alam pero napangiti na lang ako sa sinabi niya. I patted his head as a reply with a reassuring smile plastered in my face.
"I'd do that. He's a friend, you know?" sagot ko pa sa kanya na kinatango na lang niya.
"Thank you," he replied.
I was about to say something nang may kumalabit sa akin pero nang lingunin ko ay wala namang tao. Medyo nabigla pa ako nang may tumakip sa pagmumukha ko.
"Yaaah, Uno! Hindi ka na nakakatuwa ah!" I squeeled. I tried to remove those hands covering my eyes but it's just too big for me to take.
I was about to bite one of the fingers but I was immediately stopped when I heard Kuya Uno shouting, "Walanghya, anong ginagawa niyo kay Joe?!"
Inalis din naman kaagad ng nagtakip sa mata ko ang kamay niya kaya naman sinikmuraan ko ito pero hindi naman ganoon kalakas. I discovered it was Sais who did it while Cinco is laughing at him as he's in pain.
"This ship is wild! " he exclaimed. He was even making that amazed face while pointing at me as he's looking at Kuya Uno and me, back and forth.
I was about to smack him like what Aster did earlier pero kaagad na akong hinatak ni Kuya Uno patungo sa isang office.